Share

Chapter 53: A Web of Lies

Hindi ko napigilan ang umiyak habang nakatingin sa natutulog kong anak. Ayokong madamay siya sa problemang ito kasi masama ang magiging epekto niyon sa kaniya. Sa oras na malaman niya ang tungkol do’n at kung sino ang tatay niya, magiging malaking problema ‘yon. Pilit ko siyang iniiwas sa ganitong sitwasyon pero mangyayari pa rin pala talaga na malaman niya ang totoo.

Ano’ng gagawin ko? Sasabihin ko na ba sa kaniya kung sino ang tatay niya?

Pero ang tanong, matatanggap ba niya?

“Nakatulog na ba ang anak mo?” Tanong ni tiya Rosa pagkababa ko galing sa kwarto ni Aaron. Tumango naman ako bilang sagot at nagtungo sa sala kung saan na roon si Vanessa na nakaupo habang nakatingin sa akin.

Kanina pa siya nandito, siya ang sumundo kay Aaron sa school at naghatid dito sa bahay. Samantalang ako hindi na pumasok sa trabaho. Nag-half day lang ako dahil sa nalaman ko kanina. Bigla akong nawalan ng gana magtrabaho at ayoko na rin munang makita si sir Zach sa ngayon.

“Ano’ng plano mo ngayon?” Tanong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status