Home / History / Yugto / Kabanata 3

Share

Kabanata 3

Author: Fourthpretty
last update Last Updated: 2021-07-28 14:25:08

“Lanong, huwag ka nang lumayo sapagkat tayo ay aalis na rin maya-maya,”saad ng ina ni Joeliano habang binibihisan nito ang kaniyang nakababatang kapatid na si Joselito. “Ina, nasa Laguna po ba ang aking kapatid na si ate Polonya?”tanong niya na agad rin na tinanguan ng ina.

“kung gayon nasasabik na akong magbalik sa ating bayan,”turan pa niya at isinuot niya ang kaniyang sumbrero. “Mamamasyal po ako sa bukirin ni Heneral Edilberto”daggdag pa niya at saka siya naglakad paalis. Naglakad-lakad siya hanggang sa marating niya ang bukirin. Tahimik na ang buong kapaligiran at tanging ang tunog lamang mga kuliglig ang bumabasag sa katahimikan.

“Talaga ngang magkawangis tayo,”napatingala siya sa ikalawang palapag ng isang bahay na nakatayo malapit sa bukirin. “May binibini sa tahanan na ito?tanong niya sa sarili habang nakatingala pa rin sa saradong bintana sa ikalawang palapag. Dahil sa kaniyang kuryosidad ay naupoo siya roon at hinintay ang pagbukas ng nag-iisang bintana sa tahanan na iyon. 

Lumipas ang ilang minuto ay tiila naiinip na siya at naalala niya ang biniin sa kaniya ng kaniyang inna. Aalis na lamang sana siya nang biglang bumukas ng dahan-dahan ang bintana at hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na mamangha dahil sa kaniyang nakita. Isang napakaputing batang bbabae at ibang-iba kung ikukumpara sa karaniwang mga bata. Napakaputla ng balat nito na tila ba nagniningning na bituin. 

Napansin niya ang isang maliit na bulaklak na nakalagay sa taas ng tenga nito na katulad rin nito, isang puting bulaklak na kung tawagin ay sampaguita. Tila napako ang kaniyyang paningin sa batang babae hindi na niya magawang alisin ang kaniyang mga mata roon. “ Sana isang araw ay makalabbas rin ako makapaglaro tulad ng ibang mga bata.”usal ng batang babae at makikita sa asul na mata nito ang kalungkutan. Ilang sandali pa ay muli na nitong sinarado ang bintana kasabay ng marahan na pag-ihip ng hangin. Natuon ang atensyon ni Joelianoo sa bulaklak na nalaglag mula sa tenga ng batang babae.

“Pakiusap Ginoo, huwag mo akoong  lilingunin at hayaan mo akong maka-alis,”turan ng dalaga. napako naman sii Joeliano sa kaniyang kinatatayuan. “kung iyong mamarapatin, nais kong masilayan ang iyong mukha,”nag-aalinlangan na sabi niya. Ngunit wala na siyang narinig na tugon kay Miina at ang tanging narinig niya na lamang ay ang pagtakbo nito papalayo sa kaniya .

“Arrestalos!”(Arrest them!)

Napabangon si Mina mula sa kaniyang pagkakahiga nang marinig niya ang napakalakas na pagkalabog na nagmula sa labas ng kanilang bahay. Tumakbo siya papunta sa pinto ng kaniyang silid  upang alamin ang nangyayari. Ngunit natigilan siya nang marrinig ang bpses ng ama. “ Kaming mag-asawa lamangg ang nakatira rito at walanang iba pa,”boses ng kaniyangg ama. Hindi pinakinggan ng mga guardia civil ang sinabi ni Marccelo dahil nagpatuloy pa rin itong naghhalughog sa buong bahay.

Nang makuntento na ang mga ito ay hindi na sila nagdalawang-isip pang dakipin ang mag-asawa.

“Kuya Lanong, akala ko ay nag-iba na ang iyong hilig sa mga bulaklak ngunit nagkamali ako sapagkat sampaguita pa rin ang iyong nais,”ani Joselito habang pinagmamasdan ang mga obra ng kaniyang kapatid . “Oo , Jose. Ngunit nahiligan ko lamang ang bulaklak na ito nang ddahil sa isangg binibini,”tugon ng binata. 

“Tila pamilyar sa akin ang balabal na ito,”Nilingon ni Joeliano ang kaniyang kapatid at nakita niya itong hawak ang balabal na pagmamay-ari ni Mina. “Magpapahangin ako sa labas, nais mo bang sumama?”sabi ng binata at saka niya isinara ang kuwardernong hawak niya at saka niya nilapitan ang kapatid at kinuha niya sa kamay nito ang puting balabal. Tumango na lamang si Joselito at nauna na itong naglakad palabas ng silid. Ngumiti ng bahagya ang binata at saka niya isinuot ang kaniyang sumbrero at sinundan na niya ang kaniyang kapatid.

“Maari mo bang sabihin sa akin kung saan mo huling nakita ang ballabal na ito?”usal ng binata sa kaniyang  kapatid,  kasaluukuyan nilang tinatahak ang daan ng pamilihan. Marami rin ang napapalingon sa kanila at nagbubulong-bulungan ukol sa kanila.

“Hindi ko maaring sabihin sapagkat kakaiba ang babaeng iyon,”tugon ng binatilyo habang iginagala ang kaniyang paningin sa pamilihan. Napalingon na lamang Joeliano sa kapatid dahil kahit na iyon lang ang sinabi nito ay nagkaroon rin siya ng ideyya tungkol sa tinutukoy nitong babae.

“Usap-usapan sa plaza na mayroon na namang nadakip na dalawang pinaghihinalaang kaanib ng mga rebelde. Alam mo ba kung sino ang dalawang taong iyon? Sina Marcelo at Flordelisa ang isa sa mga tauhan ni Heneral Edilberto sa kaniyang bukirin,” Napalingon ang magkapatid sa dalawang ale na nag-uuplaza”“At ang usap-usapan pa ay nakatakda na silang bitayin agad ngayon sa plaza”dagdag pa nito. 

Kumunot ang noo ng binata at saka niya hinarap ang kaniyang kapatid. “Bumalik ka na sa mansyon at maggtutungo ako sa plaza,”mabilis na sabi ni Joeliano at saka niya tinapik ang balikat ng kapatid.

Nagpapabalik-balik si Mina sa paglalakad dahil hindi siya mapalagay, nais niyang alamin ang nangyayari at kung bakit dinakip ng mga guardia civil ang kaniyang mga magulang. Mataas ang sikat ng araw dahil patanghali na. Nagdadalawang isip siyang lumabas dahil nakasisiguro siyang magugulat ang lahat sa oras na makita siya ng mga ito.

kaya'yaa’

“Papatawan ng kamatayan ang mag-asawang Cortez dahil sila ay inakusahang umanib sa isang samahan na may pagnanais na pabagsakin ang mga kasalukuyang namumuno sa ating lugar.”Nanlaki ang mata ni Mina nang marinig ang sinabing iyon ng isang lalaki. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga narinig. Mamamatay ang kaniyang magulang dahil sa akusang wala namang katotohanan?

Napakaraming tao ang nakapalibot sa entablo kung saan naroroon ang mga nakaluhod na apat na tao, may balot na sako ang mga ulo nito habang nakatali ang mga kamay sa likod. Pinakalma ni Joeliano ang kabayong kaniyang sinakyan na nakaagaw pansin sa ilang taong naroon. 

“Ipinag-uutos ni Heneral Edilberto na patawan ng kamatayan ang mga taong ito dahil sa paglalakas loob nilang pasukin ang mansyon ng Hneral. Bukod pa roon ay nagkalat ang mga rebelde sa lugar na ito kung kaya't posible ring kaanib sila ng samahan na iyon,”sabi ng isang guardia civil habang inililibot ang paningin sa mga taong nais masaksi. Wala nang sinayang na oras ang mga guardia civil at sabay-sabay na itinutok ng mga ito kanilang mabahabang baril sa apat na taong bibitayin sa pamamagitan ng baril sa mga ito.

Sa mga oras iyon ay tanging pagdarasal na lamang ang tanging ginagawa ni Flordelisa, hindi para sa kanilang mga buhay kung hindi para sa kaniyang anak. Sa kahahantungan ng buhay niila sa oras na mawala na siya sa mundo. Nakabibinging ingay ang nangibabaw sa buong plaza nang sabay-sabay na pumutok ag mga baril ng mga guardia civil, kasabay rin nang pag bagsak ng apat na magsasaka kasama ang mag-asawang Cortez .

“Ina!”

Sabay-sabay ang paglingon ng lahat sa pinanggalingan ng boses. Nagkaroon ng malakas na bulong-bulungan nang makita nila ang hitsura ng dalaga na kasalukuyang lumuluha habang dahan-dahan na naglalakad palapit entablo kung nasaan ang mga walang buhay na magsasaka. Tirik na tirik ang araw sa kalangitan nang biglang bumagsak ang napakalakas na ulan Agad namang nahawi ang napakaraming tao sa plaza maliban kay Joeliano na hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. 

Humahagulgol na niyakap ni Mina ang katawan ng kaniyang ina na sa mga oras na iyon ay wala nang buhay. Naglakad si Joeliano palapiit sa direksyon ng dalaga, rinig na rinig niya ang paghikbi nito habang nakasubsob ang muha sa katawan ng ina nito.mabilis niyang ipinagpag ang balabal na tulad nila ay basa na rrin dulot nang makalas na ulan. Tiila tumigil ang pag-ikot ng oras nang makita niya ang asul na mga mata ng dalaga. Ganito rin ang kaniyang naramdaman nang una niyang makita ang babaeng lubos niyang tinatani. 

“I-Ikaw?”usal ni Mina habang nakatitig sa mata ng binata. Mugto ang kaniyang mata at bakas ang matinding kalungkutan na kasalukuyan niyang nararamdaman.

“Tunay nga ang kumakalat na balita sa buong bayan,” panimula ni Heneral Edilberto habang pinagmamasdan ang dalaga na ngayon ay basang-basang ng ulan at nakaluhod sa harapan niya, nakayuko ito at hindi niya tinaapunan ng tingin ang Heneral.

“Nakakamangha ang ginawa nang mag-asawang  iyon sapagkat nagawa nilang magtago ng isang napakagandang bulaklak sa  kanilang maliit na tirahan,” patuloy na nito at tila nagbago na rin ang mga tingin nito sa dalaga na para bang mayroon nang pagnanasa. Pinakawalan nito ang usok  na nagmula sa hinihithit nitong tobacco. Sarado ang mga bintana sa silid kung kaya`t nag paikot-ikot lamang ang usok sa loob.

“Napakaganda mo kahit na kakaiba ang iyong hitsura, anong pangalan mo?”

Nanatili lamang na sarado ang bibig ni Mina habang pinagmamasdan ang sahig na kahoy. Hindi niya maiwasan na matakot at kabahan lalo pa nang biglang tumayo ang Heneral at naglakad palapit sa kaniyang direksyon.  “ Batid mo ba kung ano ang kahahantungan ng iyong buhay,?” sandaling tumahimik ang buong paligid habang malagkit na pinagmamasdan ang dalaga.

“Pakasalan mo ako kung ayaw mong sumunod sa iyong mga magulang,” bahagyang nanlaki ang mata ni Mina nang marinig iyon at unti-unti niyang inangat ang kaniyang tingin. Malinaw niyang napagmasdan ang hitsura ng Heneral. Makapal ang kilay nito at matangos ang ilong at halata ng may dugo ng kastila.

“Siguro naman ay batid mong napakadali ko lamang na magagawa iyon dahil anak ka ng mga binitay na rebelde” ngiti  pa nang Heneral at ang mas lalo pa nitong ikinautuwa ay ang pakikipaglaaban ng tingin sa kaniya ng dalaga.

“Kailan ma’y hindi naging rebelde ang aking ama at ina, inakusahan lamang sila at hindi nilitis ng sa hukuman! Mali ang ginawa ninyo, pumatay kayo ng mga taong inosente!” saad ni Mina habang matalim na tinititigan ang Heneral.

Kapwa sila napalingon sa pinto ng silid nang malakas iyong bumukas kasabay ng papasok ng isang lalaking may maitim at makapal na bigote at nakasuot rin ito ng isang uniporme na kulay abo, kapansin-pansin rin ang mga medalya nito sa suot nitong uniporme.

Napaayos nang tinding ang Heneral at mabilis niya pang sinulyapan ulit ang dalaga at saka ito naglakad palapit sa kararating lamang na Gobernador. Agad na nadako ang paningin nito  kay Mina na kasalukuyan pa rin nakaluhod at muling I binalik ang paningin sa Heneral. “Naulinagan ko na may pinatawas ka ng kamatayan at isa ito sa iyong mga magsasaka,” panimula ng Gobernador.

“Siyang tunay Gobernador, ang mga magsasakang ito ay pinaghihinalahang mga tulisan kaya’t minabuti ko na silang ipapatay,” tugon ng Heneral.

“Ipinapatay mo nang walang pahintulot mula sa akin o ng hukuman?” Itinuro ng Gobernador ang mga medalya sa ka suotan ng Heneral.

“Heneral, nakikita mo ba ang mga medalya ng nakapalamuti sa iyong uniporme, hindi nararapat ang sa iyo ang mga ‘yan” seryosong dagdag nito at saka itinuon ang atensyon kay Mina.

“Halika hija,” Tumalikod na si Gobernador Vicente at akmang maglalakad na palabas nang muling magsalita ang Heneral.

“Ang dalagang iyan ay isa ring rebelde kaya’t hindi mo siya maaaring dalhin,” giit nito. Naglakad na si Mina palapit kay Gobernador Vicente.

“Wala kang patunay, Heneral,” ipinagpatuloy na nito ang paglalakad. Naiyukom na lamang ni Heneral Edilberto ang kaniyang kamao dahil sa pagkainis sa Gobernador. Dahil noon pa man ay galit na sila sa isa’t-isa.

Habang papalabas sila ng mansyon ay hindi maiwasang mapatingin kay Mina ang lahat ng mga katulong at manggagawa. May dalawang kalesa ang naghihintay sa labas at sa isang kalesa sumakay si Gobernador Vicente at pinasa kay naman sa kabila si Mina.

Maluha-luha si Mina habang naglalakad pasakay sa kalesa. Hawak siya sa magkabilang braso at pinauna siyang pinapasok. Tumingin siya sa bintana at para bang tumalon ang kaniyang puso nang makita si Joeliano, nakatayo ito habang nakatitig  sa kalesang sinasakyan niya. Basa ang kasuotan nito dahil ito rin ang suot nito noong magkita sila sa plaza.

Napaiwas na lamang siya ng tingin nang magsimulang tumakbo ang kalesa papalayo. Hindi pa man sila tuluyang nagkakakilala ay malalayo na agad siya sa lalaking umpisa na niyang nagugustuhan.

Related chapters

  • Yugto   Kabanata 4

    Nakayuko si Mina habang pilit niyang ikinukubli ang kaniyang mukha sa mga nadaraanan nilang taga-silbi. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Kay bilis ng mga kaganapan at parang tinangay lamang siya ng malakas na hangin at hindi na siya makabalik pa sa mga araw na lumipas. Nagpapaulit-ulit na tanong sa kaniyang isipan kung ano ang nangyari sa katawan ng mga inakusan. Maayos bang inilbing ang mga ito o basta na lamang itinapon dahil wala naman halaga ang mga iyon. Huminto sa paglalakad ang lahat dahilan upang mapa-angat ng tingin ang dalaga. Nakita niya ang isang babaeng naka-suot ng kulay puti at simpleng baro, kayumangging saya naman ang kaparehas no’n. Maayos din na nakapuood ang buhok nito upang hindi maging sagabal sa mukha nito. “Ikaw na ang bahala sa kaniya, “saad ng Gobernador sa babae at mabilis na itong naglakad papalayo at hindi na nagawa pang mag-pa alam. Hinabol pa niya nang tingin ang Gobernador hanggang sa makaakyat ito

    Last Updated : 2021-08-13
  • Yugto   Kabanata 5

    Lubos na nasisiyahan si Mina sa paglalakad lalo na’t kumulimlim at malakas rin ang pg-ihip ng hangin na nagpapasayaw sa mga halaman.May hawak rin siyang mga bulaklak na kaniyang pinitas. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita niya ang isang puting kabayo na nanginginain ng mga halamang damo sa paligid.Naglakad siya palapit doon upang makita nang mas malapit ang kabayo. Kahit na kailan ay hindi niya naranasan na sumakay sa isang kabayo dahil buong buhay niya ay nakulong lamang siya sa kanilang tahanan.Marahan niyang hinimas ang buhok ng kabayo na ikinatuwa niya. Ngunit kumunot ang noo niya nang mapagtanto na imposibleng magkaroon ng kabayo sa lugar na iyon dahil malayo na ito sa mansyon ni Gobernador Vicente.Napalingon siya nang makarinig siya ng ingay ng tubig na nagmmumula sa ibaba.Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likod ng malaking puno at doon niya sinilip kung anong nangyayari sa ibaba. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang ilog at ang mas lalo pang i

    Last Updated : 2021-08-15
  • Yugto   Kabanata 6

    Mataas na ang sikat ng araw na sinasabayan ng pagtilaok ng mga manok. Bumangon si Mina sa kaniyang higaan nang madampi sa kaniyang balat ang napakalamig na tubig na binuhos sa kaniya nina Rowena at ng iba pang mga tagasilbi. “Gising na ba ang iyong diwa mahal na priinsesa?”sambit ni Rowena at saka sila naghalakhakan habang pinagmamasdan si Mina na basang-basa. Hindni naman siya nagsalita pabalik sa halip ay pinagpagan niya na lamang ang suot niyang baro at ang kaniyang buhok. “Ikaw ang naatasang maili sa pamilihan ngayong araw kung kaya’t bilisan mo ang iyong kilos!”singhal sa kaniya ni Rowena at saka naunang maglakad palabas ng silid, sumunod nman ang iba pang kasamahan nito. Nagppalit na lamang siya ng kasuotan at saka niya itinali ang kaniyang napakahabang buhok. Kinua niya ang balabal na palagi niyang sinusuot at nagtugo na siya agad sa kusina ng mansyon. Naabutan niya roon na inihahanda na ang mesa habang abala naman si mayor doma Emilda sa

    Last Updated : 2021-08-17
  • Yugto   Kabanata 7

    “Nalalapit ng muli ang paggdirirwang g kaarawan ng ating Gobernador kung kaya’t nais kong ihnda niyo ang inyong mga sarili,”anunsyo ng mayor habang nagpapabalik sa harap ng mga tagasilbi. “Rowena,”mabilis na napalingon si Rowena nang ttawagin siya nito. “Nais kong ikaw ang magluto ng mmga putahe sa araw na ‘yon. Sina Lita, Dolores at ang dalawa pang tagasilbi ay ang iyong magiging katulong o iyong alalay sa pagluluto. Ang iba naman ay magiging serbidora, sana’y naliwagan kayo sa aking mga sinabi.”Dagdag pa niya at saka niya inilagayy ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likod. Binalingan niya ng tingin si Mina. “Ikaw muli ang magtutungo sa pamilihan,”usal ni mayor doma at naglakad na siya palabas. Mataas ang sikat ng araw kung kaya't namumula na dulot ng araw ang balat ni Mina, naka suot lamang siya ng isang manipis na b

    Last Updated : 2021-08-18
  • Yugto   Kabanata 8

    Natigl sa paglalakad si Mina at napatingin sa ilang taong nagkukumpulan. Tapos na siyang mamili ng mga ipinag-utos sa kaniya ng mayor doma kaya ngayon ay pauwi na siya.Naglakad siya palapit sa mga taong iyon upang tingnan kung anong ganap ang nangyayari roon."Pakiusap ginoo, ang prutas ang inyong patamaan at hindi ako," mangiyak-ngiyak na wika ng isang lalaki. May isang mansanas sa ulo nito at nakasandal sa isang puno."Mang Pitong ikaw ba ay walang tiwala sa akin?" ngising sambit ng binatilyo at saka nito sinimulang hatakin ang tali at ang palaso. Napapikit na lamang dahil sa takot si Mang Pitong.Napabuga ng hangin ang binatilyo at saka niya mabilis na pinakawalan ang palaso at mabilis rin iyong bumaon sa prutas na nasa ulo ni Mang Pitong.Napuno naman ng palakpalakan ang mga taong nakasaksi at maging si Mina ay napapalakpak rin dahil sa kamangha-manghang ginawa ng binatilyo.

    Last Updated : 2021-08-25
  • Yugto   Kabanata 9

    "Napadilat ng mata si Mina nang maramdaman niya ang paghawak sa kaniyang pulso. Mabilis na nadako ang kaniyang paningin sa isang lalaking nakasuot ng antipara sa kaliwang mata. (monocle)"Huwag kang mag-alala maayos na ang kaniyang kalagayan, siya’y nilalagnat pa rin ngunit hindi na gano’n kataas," saad nito at saka napalingon sa kinatatayuan ni mayor doma Emilda."Maraming salamat." Turan ni mayor doma Emilda na agad ring tinanguan ng lalaki at naglakad na ito papalabas ng silid."M-Mayor doma," usal ni Mina at akmang babangon ngunit pigilan siya ng mayor doma."Magpahinga ka Mina, dahil hindi ka pa lubusang gumagaling," seryosong saad nito habang hawak ang magkabilang kamay ng dalaga."Ngunit—" natigilan siya ng biglang umiiling ang mayor doma. "Ipagagawa ko na lamang sa iba ang iyong gawain." Dagdag pa nito at pilit na ngumiti, bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa dalaga lalo na nang dalhin ito ni Fra

    Last Updated : 2021-09-18
  • Yugto   Kabanata 10

    "Nakangiti niyang ipinagpatuloy ang paglalakad ngunit nagulat siya sa biglang paghawak sa kaniyang braso dahilan upang mapalingon siya sa kaniyang likuran.Nanlaki ang kaniyang mata ng makita ang isang pamilyar na mukha. Tulad ng kaniyang ekspresyon ay seryoso rin itong nakatingin sa kaniya."Ikaw nga." Rinig niyang usal nito."M-Maraming salamat, ginoo," nakayukong sambit ni Mina at saka niya inilagay sa kaniyang likuran ang braso.Hindi niya akalain na muli niyang makikita ang binatang kaniyang pinagdarasal na makita muli.Tatalikod na sana ang dalaga upang pumasok sa hacienda ng gobernador-heneral nang magsalita si Joeliano."M-Maari ba tayong magkit

    Last Updated : 2021-09-18
  • Yugto   Kabanata 11

    Makailang ulit pa nilang narinig ang mga putok ng baril na nagmumula sa mahahabang baril ng dalawang guardia civil bago ito tuluyang mawala.Tahimik lamang ang dalawa habang pinakikiramdaman ang mga guardia. Mabilis ang tibok ng puso ni Mina dahil sa matinding kaba dahil akala niya ay tuluyan na siyang mahuhuli ng dalawang iyon.Dahan-dahan nadako ang paningin niya sa ginoong nag ligtas sa kaniya upang hindi siya makita ng mga ito. Ilang minuto niyang tinitigan ang lalaki dahil patuloy pa rin ito sa pagmamasid."Halika sumama ka sa akin upang malunasan natin ang ‘yong nagdurugong sugat." Agad na napaiwas ng tingin ang dalaga nang magtama ang kanilang mga paningin at binalingan niya na lamang ang kaniyang suot na saya. Marumi na iyon dahil sa kaniyang pagkadapa."H-Hindi ako maaaring sumama ssa’yo, hindi kita kilala at isa akong tagal silbi sa mansyon ng Gobernador-Heneral, " tugon niya.

    Last Updated : 2021-11-08

Latest chapter

  • Yugto   Wakas

    "Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc

  • Yugto   Kabanata 20

    Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina

  • Yugto   Kabanata 19

    Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk

  • Yugto   Kabanata 18

    Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang

  • Yugto   Kabanata 17

    Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu

  • Yugto   Kabanata 16

    Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni

  • Yugto   Kabanata 15

    “Tatay Arturo!”sigaw ni Mina atsaka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito at saka napatango sa binata. Nagtanggal na rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang boses mo, sino ka?”tanong niya habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin nam

  • Yugto   Kabanata 14

    “Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt

  • Yugto   Kabanata 13

    “Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt

DMCA.com Protection Status