"Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos.
"Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito.
"Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya.
"Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay.
"Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alcalde habang pinagmamasdan nito si Edliberto. Malayo na ang hitsura ng gobernador kumpara sa hitsura nito noong nakalipas na mga buwan.
Mahahabang bigote't balbas, maiitim na rin ang ilalaim ng mata nito na tila ba hindi na ito nakakatulog pa nang maayos sa gabi at pumayat rin ito nang labis.
Kapwa sila napalingon sa bumukas na pinto at bumugad roon ang isang guwardiya civil na seryosong nakatindig at nakasaludo.
"Paumanhin sa aking pangangambala gobernador ngunit batid na namin ang kinaroroon ng mga rebelde at maging ng iyong asawa."turan nito na nagpabilis nang tibok ng puso ng gobernador. Kasabay nito ang nakakatakot nitong pagtawa na para bang nasisiraan ng bait.
"Paghahaluin ko ang dugo ninyong dalawa ni Francisco Pablo sa oras na madakip kayo ng aking mga kamay!"
"Francisco isang telegrama mula sa iyong tiyahin sa norte."seryosong saad ni Antonio at saka niya inabot ang papel sa kaibigan na noo'y nagtataka na rin at hindi maiwasan ang kaunting kaba sa kaniyang d****b. Bago niya tuluyang buksan ang sulat ay napasulyap siya kay Mina na may pag aalala 'rin nakatingin sa kaniya.
Muli niyang ibinalik ang kaniyang atensyon sa papel at tuluyan nang binuklat iyon.
"Hijo, batid kong sa mga oras na ito habang binabasa mo ang sulat ko ay tuluyan na kaming namaalam ng iyong pinsan. Batid kong naririto na sa norte ang nga sundalo't guwardiya civil na ipinadala ng gobernador upang kami'y tugusin. Batid ko rin na gagamitin nila kami upang malaman kung saan ka naroroon at maging ang kuta ng mga kasamahan mo. Paumanhin Francisco ngunit sa oras na mabasa mo ito ay ihanda na ninyo ang inyong sarili pagkat nalalapit na ang digmaan. Paumanhin sa aming mga masisiwalat laban sa iyo at lagi mong isipin na narito kami upang gabayan ka kahit na nasa kabilang buhay na kami.
-Ang iyong tiya.
Tulala lamang si Francisco nang matapos niyang mabasa ang nilalaman ng sulat, hindi niya lubos maisip na pati ang kaniyang mga natitirang mahal sa buhay ay mawawala rin.
"Ano ang nakasaad sa liham?"usal ni Antonio habang patuloy na binabasa ang reaksyonnsa mukha ng kaibigan.
"Wala na sila. Wala na aking tiyahin at pamangkin."usal niya na ikinalaki ng mata ni Antonio. Pilit namang nilalabanan ni Francisco ang kaniyang emosyon upang hindi umiyak. Naiyukom niya ang kaniyang kamao at saka humingi ng malalim upang magsalita muli.
"At nalalapit na rin ang digmaan."sambit pa niya dahilan upang mapapikit siya at mapayuko dahil sa bigat ng kaniyang loob. Ginawa na niya ang kaniyang makakaya upang maitakas at maitago ang dalawa niyang natitirang pamilya ngunit siya'y nabigo pa 'rin.
Marahan naman na hinawakan ni Mina ang balikat nito upang pakalmahin at saka tuluyan na niya itong niyakap. Samantala, pumihit naman patalikod si Antonio at mabilis na 'rin itong naglakad papalayo.
Patuloy lamang sa pag hikbi ang binata habang nakapatong ang kaniyang pisngi sa balikat ni Mina.
Lahat ng mamamayan ng Cavite ay kinukuwesiyon ang desisyon ng kanilang gobernador dahil ang pakay lamang daw nito ay kunin ang kaniyang asawa na kasapi rin naman ng mga rebelde. Hindi na raw nito ginagampanan ang tungkulin nito bilang isang gobernador at nag papakita pa ng isang marahas na pamamalakad.
Tila isa na rin sila sa mga rebelde dahil sa pag kuwesiyon nila sa mga desisyon nito at mga binabalak na gawin.
Samantala, pinaghahandaan naman nila ang kanilang binabalak na pagsugpo sa mga rebelde, mismo sa pinagkukutaan ng mga ito. Sa isip ng gobernador ay nakamit na niya ang tagumpay, Pagkat batid niyang walang magagawa ang mga ito tulad nang nangyari noon.
Nagpalinga-linga si Francisco sa pag-asang masumpungan niya ang kaniyang kaibigan. Nadako ang kaniyang paningin sa isang malaking puno at nakaaninag siya ng isang taong nakaupo roon.
Naglakad siya palapit doon upang kausapin si Antonio ukol sa nalalapit na digmaan sa pagitan ng gobernador at sa kanilang mga rebelde. Ngunit malayo pa lamang ay naririnig na niya ang boses nito na tila humihikbi. Tumigil siya sandali sa pag lalakad at pinagmasdan ang likuran ng kaibigan.
Maya-maya pa ay nakita niya ang isang sing-sing na pinagmamasdan ni Antonio habang patuloy pa rin ito sa paghikbi. "Antonio..."usal niya dahilan upang magitla ito at mabilis na pinunas ang luha sa pisngi.
"I-Ikaw pala Francisco, ano ang iyong sadyang?"saad nito habang nakatalikod pa 'rin at patuloy sa pagpunas ng luha. "May hindi ba ako nalalaman? Ano ang dahilan ng iyong pag luha sa madilim na bahaging ito?"tanong ni Francisco at dahan-dahang naglakad.
"P-Paumanhin kung nakita mo pa ito ngunit wala lamang ito."tugon nito at pilit na ikinukubli ang kaniyang mukha. Umupo si Francisco sa tabi nito at huminga siya ng malalim at binaling ang atensyon sa kawalan. "Ang aking pamangkin?"kunot noong saad niya.
Napapikit si Antonio at hindi niya magawang pigilin ang kaniyang luha sa pag labas. Hindi niya matanggap ang nangyari lalo pa't binubuo pa lamang niya ang kaniyang mga pangarap kasama ang kaniyang minamahal na si Aurora.
"Tila isang pitik lamang ng orasan ang nangyari, kay bilis niya akong iwan dito sa ating mundong kay gulo. Binabalak ko pa lamang na pangakuan siya ng kasal kapag siya ay umabot na sa wastong gulang."kunot noong saad nito habang humihikbing pinagmamasdan ang sing-sing.
"Mahal ko ang iyong pamangkin Francisco ngunit totoo ngang hindi madaling magmahal sa sitwasyon nating pana'y ang digmaan, pakikipaglaban dahil sa pinaglalaban nating prinsipyo't kalayaan."saad pa nito. Napatulala na lamang si Francisco sa kaibigan dahil purong katotohanan ang mga sinasambit nito.
Napakahirap ngang umibig sa panahon ng digmaan. Sapagkat hindi mo batid kung ano ang kahahantungan ng iyong mga binubuong pangarap sa isa't isa. "Tama ka Antonio. Hindi ko batid na mayroon na palang namamagitan sa inyong dalawa ngunit ngayo'y nalaman ko na ay mas lalo lamang akong nalungkot dahil sa kinahantungan ng inyong pagmamahalan."tugon ni Francisco.
Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang pagitan at pawang paghikbi at kanilang paghinga na lamang ang kanilang naririnig.
"Tulad ng sinabi ng aking tiyahin, kailangan na nating paghandaan ang pagdating ng mga kalaban sapagkat hindi natin batid kung kailan at sa anong sitwasyon sila susugod."sambit ni Francisco at saka tinapik ang balikat ng kaibigan.
"Lalaban tayo at bibigyan natin ng patas na batas ang lahat at bibigyan natin ng kalayaan ang batang ito."dagdag pa niya at pilit na ngumiti.
Tahimik na pinagmamasdan ni Mina ang kaniyang supling na kasalukuyang nahihimbing sa pagtulog. Ilang araw na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay hinihintay pa 'rin nila ang pagsugod ng mga kalaban sa kanilang kuta. Napawi ang ngiti sa kaniyang labi nang bigla siyang makaramdam ng pangamba at kaba.
"Ayos ka lang?"
Napalingon siya sa pinto kung saan naroron nakatayo si Francisco. Kumunot ang noo niya at saka napahawak sa kaniyang d****b. "Hindi ko batid ngunit may kakaiba akong naramdaman na may hindi magandang nangyayari."sambit niya.
"Narito na sila!"kapwa sila nagkatitigan nang marinig ang sigaw na iyon kasabay ng isang malakas na putok ng baril.
"Kunin mo si Franchesca at ikaw ang manguna sa mga kababaihan upang magkubli sa mga taguan sa ilalim ng lupa!"mabilis saad ni Francisco habang inihahanda ang mga sandatang gagamitin sa pakikipaglaban.
Agad naman na sinunod ni Mina ang sinabi ni Francisco at ikinubli niya ang kaniyang anak sa isang tela. "Mag-iingat kayong dalawa."turan ni Francisco at sabay silang lumabas ng kanilang tinitirahang kubo.
Lahat ay naghahanda na at batid na nang lahat ang kanilang gagawin. May mga itinayo na 'rin silang mga matataas na kawayan upang ipangharang sa mga sundalo at upang hindi mabatid ng mga ito ang kanilang mga ginagawang hakbang. Pana'y senyas lamang ang kanilang mga ginagawa upang walang ingay ang mamayani sa paligid.
Naihatid na ni Francisco ang mag-ina kung saan naroroon ang mga hukay na kanilang pagtataguan.
"Ingatan mo siya"usal ni Francisco habang diretsong nakatitig sa mga asul na mata ni Mina. Patuloy ring namamayani sa kaniyang d****b ang kaba at takot sa mga posibleng mangyari ngayong umaga. Maingat siyang tumakbo paalis at nagtungo sa mga kalalakihang nagsisipaghanda na rin.
Samantala, ang hindi batid ni Francisco ay may binabalak si Mina na sumunod at lumaban rin kasama nila. "Pakiusap, ingatan mo ang aking anak at huwag mo siyang pababayaan."kunot noong sambit niya sa isang ginang na kasapi rin ng kanilang samahan.
Mabilis niyang h******n ang kaniyang anak at hinalikan niya ito sa noo, hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman sapagkat pakiramdam niya ay ito na ang huling sandali na mahahagkan niya ang kaniyang anak.
Ngunit kahit na gano’n ay mas pipiliin niya pa ring sumama sa labanan kaysa itago ang sarili habang ang kaniyang mga kasamahan ay unti-unting nauubos.
Nakahanda na ang ilan upang pakalawan ang kani-kanilang mga palaso papunta sa kabilang bahagi ng mga kawayan. Naroon naman sa kabila ang mga kolang guwardiya civil at nagmamasid.
Agad na kinuha ni Mina ang kaniyang palaso at nakisabay sa pagpapakawala noon. Ilang sandali pa ay namayani na sa buong paligid ang mga putok ng baril at pagsisigawan na nanggagaling sa magka bilang pangkat.
Hawak niya ang isang palaso at isang itak. Tuluyan na ngang nagtagpo ang magkabilang pangkat at sunod sunod na ang mga nagiging sugatan at maging ang mga namamatay.
Nagpalinga-linga si Mina upang hanapin sa napakaraming taong iyon si Francisco ngunit hindi niya ito masumpungan. Inilugay niya ang kaniyang napakahabang buhok at mabilis niya iyong pinutol gamit ang itak na hawak.
"Kalayaan!"sigaw niya dahilan upang mas lalong umingay ang kapaligiran at naging marahas at madugo na ang labanan. Panay na rin ang pakikipaglaban niya sa mga guwardiya civil gamit ang mga natutunan niya at itinuro sa kaniya ni Teofilo noong nabubuhay pa ito.
Dahil bukod sa paghingi ng kalayaan ay ginagawa niya ito upang maghiganti sa mga buhay na kinuha nila. Buhay para sa buhay!
Ilang sandali pa ay natigilan siya ng mahagip ng kaniyang mata ang isang naka suot na uniporme na pang gobernador. Dahan-dahan niya itong hinrap at napataas ang isang kilay niya nang mapansin na husto nang nagbago ang hitsura nito at napakalayo na sa dating Edilberto na unang niyang nakita.
"Sa wakas natagpuan rin kita aking kabiyak."usal nito.
"Handa ka na bang iwan ang iyong katungkulan at ang mundo?"sarkastikong tugon ni Mina at saka niya itinaas ang palasong hawak niya agad na itinutok sa gobernador na noo'y natawa na lamang.
"Tila pumayat ang iyong pangangatawan at lumalim din ang iyong mata, "sambit pa nito na nagpakunot ng noo ni Mina kasabay noon ay nakarinig siya ng isang umiiyak na sanggol at nanlaki ang kaniyang mata at unti-unti niyang naibaba ang hawak niyang palaso nang makita ang kaniyang anak na hawak ng isang guwardiya civil.
"Huwag mong ipagkait sa akin ang aking anak-"
"Hindi mo siya anak! Ibigay mo siya sa akin!"matigas na sambit niya at hindi niya napigilan ang luha na diretsong lumabas mula sa kaniyang mga asul na mata.
"Mina-"napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at nakita niya si Francisco na noo'y nagulat nang makita siya at ang anak niyang hawak ngayon ng totoong ama nito.
"A-Ang a king anak, "turan niya rito ngunit isang putok ng baril ang umalingawngaw at agad na tumumba si Mina at napuno ng pulang dugo ang kasuotan na kaniyang suot.
"Hindi mo na siya makukuha sa akin! Kung hindi ka mapapasaakin mabuti pang mamatay ka na!"sigaw ni Edilberto habang humahalakhak at tuluyan ng tinakasan ng bait habang hawak ang sanggol.
Maglalakad na sana si Francisco palapit kay Mina ngunit agad na nabaling ang kaniyang paningin sa mga guwardiya civil na pumalibot sa kanila at agad na itinaas ang mga baril at itinutuok kay Edilberto.
"Sumuko na kayo."dagdag pa ni Edilberto ngunit lahat ay nagulat nang bigla na lamang siyang tutukan sa ulo ng baril ng isang guwardiya civil.
"Ikaw ang sumuko Edilberto sapagkat nasa kamay ko na ang iyong buhay."saad ng guwardiya civil. Lingid sa kaalaman ni Edilberto na may nabubuo nang himagsikan laban sa kaniya ng ibang mga guwardiya.
Napahinga ng malalim si Francisco at naglakad na siya palapit kay Mina na kasalukuyang nakahandusay. Samantala, kinuha na sa kamay ni Edilberto ang sanggol at agad na siyang dinakip.
Pilit na iminulat ni Mina ang kaniyang mata at ang una niyang naaninag ay si Francisco na noo'y lumuluhang nakatitig sa kaniya habang hawak ang kaniyang kamay.
Samantala, pinalilibutan naman sila ng ibang mga kaanib na rebelde at ang mga guwardiya civil. Kinuha ni Antonio ang sanggol at ibinigay iyon sa kaibigan.
"T-Tama ang aking kutob..."mahinang usal ni Mina habang iniinda ang sugat sa kaniyang tiyan. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mukha ni Francisco ngunit may nakatayo ring lungkot sa bawat titig na iyon.
"I-Ikaw na ang bahala sa kaniya at...paumanhin sapagkat hindi ko nasuklian ang pag-ibig mo para sa akin."utal na saad ni Mina habang pumapatak ang mga luhang puno ng kalungkutan.
"S-Sapagkat hanggang ngayon iisang lalaki pa 'rin ang nananatili sa aking puso at batid mo kung sino iyon. Sa pagkakataong ito, hinihiling ko na sana...sana ay matagpuan mo na ang binibining handangibigay sa iyo ng buo ang kaniyang puso. Salamat dahil naging mabuti kang kaibigan sa akin."mahinang sambit ni Mina at sa pagkakataong iyon ay unti-unti na siyang nalagutan ng hininga at unti-unti na 'ring sumara ang kaniyang mga asul na mata na huling nakatitig sa mga mata ni Francisco.
Napayuko na lamang si Francisco at pilit na pinipigilan ang mga luha. Naglakad palapit si Antonio kay Francisco at kinuha sandali ang sanggol.
Hinawakan niya ang kamay ni Mina na sa mga oras na iyon ay wala nang buhay. Dahan-dahan niyang h******n ang walang buhay na katawan nito at humagulgol.
Kahit sa huling mga oras at hininga nito ay walang ibang laman ang puso nito kun'di ang unang lalaking minahal nito.
"Espero que en tu próxima vida te reencuentres con el que amas. Te amo Mina. (I hope that in your next life, you'll be reunited with the one you cherish. I love you Mina) "hagulgol na sambit niya at mahigpit niyang h******n ang katawan ng babaeng pinakamamahal niya.
Wakas!
©Plagiarism is a crime punishable by law
Malamig na simoy ng hangin ang marahang dumadampi sa maputing balat ni Mina. Kasalukuyan ng nahihimbing ang lahat sa pag-tulog ngunit siya ay hindi pa. Marahil ay nais niyang pagmasdan muli ang napakagandang liwanag ng buwan na natatabunan ng ulap sa kalangitan. Hindi na sumasakit ang kaniyang mata dahil sa liwanag ng sikat ng araw twing umaga. Sa ganitong tanawin ay banayad ang kaniyang pakiramdam dahil hindi masakit sa mata ang liwanag ng buwan kung ikukumpara sa liwanag ng sikat ng araw tuwing darating ang umaga. Tumayo siya at muling inamoy ang napakabangong bulaklak ng sampaguita na nasa kaniyang kana ng kamay. Sa gabi lamang siya nakakapamasyal o nakakalabas ng kanilang tahanan sapagkat hindi maaaring masikatan ng araw ang balat niya. Hindi gaya ng iba, madaling masunong o humapdi ang balat ni Mina kaya gano'n na lamang kung harangan ng kurtina ang kaniyang silid upang walang liwanag ng araw ang makakapasok doon. Pinagb
“Binibini, sandali lamang pakiusap!” Nang maautan niya ito ay aksidente niyang hawakan ang suot nitong puting balabal at diretso iyong nahulog at naglaglag.Natigilan si Joeliano nang humarap sa kaniya ang binibini. Hindi ito ang dalagang inaasahan niyang kaniyang makikita. “Paumanhin binibini,”sabi niya at saka dinampot ang nalaglag na balabal at agad niya iyong ibinalik sa dalagang walang kurap na nakatitig sa kaniya.“Ayos lamang Ginoong Joeliano,”ugon nito at hinawi ang sariling buhok papunta sa likod ng tenga nito. Ngumiti ang binati at saka niya hinubad ang suot niyang sumbrero at mabilis na inilapat sa kaniiyang dibdib upang magpaalam. tinalikuran na niya ang dalaga na hindi ri makapaniwalang makakadaupang-palad niya ang anak ng tanyag na doktor na taga-Laguna.Samantala, habol naman ang paghinga ni Mina habang pilit na ikinukubli ang saili sa likod ng isang malaking puno.
“Lanong, huwag ka nang lumayo sapagkat tayo ay aalis na rin maya-maya,”saad ng ina ni Joeliano habang binibihisan nito ang kaniyang nakababatang kapatid na si Joselito. “Ina, nasa Laguna po ba ang aking kapatid na si ate Polonya?”tanong niya na agad rin na tinanguan ng ina. “kung gayon nasasabik na akong magbalik sa ating bayan,”turan pa niya at isinuot niya ang kaniyang sumbrero. “Mamamasyal po ako sa bukirin ni Heneral Edilberto”daggdag pa niya at saka siya naglakad paalis. Naglakad-lakad siya hanggang sa marating niya ang bukirin. Tahimik na ang buong kapaligiran at tanging ang tunog lamang mga kuliglig ang bumabasag sa katahimikan. “Talaga ngang magkawangis tayo,”napatingala siya sa ikalawang palapag ng isang bahay na nakatayo malapit sa bukirin. “May binibini sa tahanan na ito?tanong niya sa sarili habang nakatingala pa rin sa saradong bintana sa ikalawang palapag. Dahil sa kaniyang kuryosidad ay naupoo siya roon at hinintay ang pag
Nakayuko si Mina habang pilit niyang ikinukubli ang kaniyang mukha sa mga nadaraanan nilang taga-silbi. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Kay bilis ng mga kaganapan at parang tinangay lamang siya ng malakas na hangin at hindi na siya makabalik pa sa mga araw na lumipas. Nagpapaulit-ulit na tanong sa kaniyang isipan kung ano ang nangyari sa katawan ng mga inakusan. Maayos bang inilbing ang mga ito o basta na lamang itinapon dahil wala naman halaga ang mga iyon. Huminto sa paglalakad ang lahat dahilan upang mapa-angat ng tingin ang dalaga. Nakita niya ang isang babaeng naka-suot ng kulay puti at simpleng baro, kayumangging saya naman ang kaparehas no’n. Maayos din na nakapuood ang buhok nito upang hindi maging sagabal sa mukha nito. “Ikaw na ang bahala sa kaniya, “saad ng Gobernador sa babae at mabilis na itong naglakad papalayo at hindi na nagawa pang mag-pa alam. Hinabol pa niya nang tingin ang Gobernador hanggang sa makaakyat ito
Lubos na nasisiyahan si Mina sa paglalakad lalo na’t kumulimlim at malakas rin ang pg-ihip ng hangin na nagpapasayaw sa mga halaman.May hawak rin siyang mga bulaklak na kaniyang pinitas. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita niya ang isang puting kabayo na nanginginain ng mga halamang damo sa paligid.Naglakad siya palapit doon upang makita nang mas malapit ang kabayo. Kahit na kailan ay hindi niya naranasan na sumakay sa isang kabayo dahil buong buhay niya ay nakulong lamang siya sa kanilang tahanan.Marahan niyang hinimas ang buhok ng kabayo na ikinatuwa niya. Ngunit kumunot ang noo niya nang mapagtanto na imposibleng magkaroon ng kabayo sa lugar na iyon dahil malayo na ito sa mansyon ni Gobernador Vicente.Napalingon siya nang makarinig siya ng ingay ng tubig na nagmmumula sa ibaba.Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likod ng malaking puno at doon niya sinilip kung anong nangyayari sa ibaba. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang ilog at ang mas lalo pang i
Mataas na ang sikat ng araw na sinasabayan ng pagtilaok ng mga manok. Bumangon si Mina sa kaniyang higaan nang madampi sa kaniyang balat ang napakalamig na tubig na binuhos sa kaniya nina Rowena at ng iba pang mga tagasilbi. “Gising na ba ang iyong diwa mahal na priinsesa?”sambit ni Rowena at saka sila naghalakhakan habang pinagmamasdan si Mina na basang-basa. Hindni naman siya nagsalita pabalik sa halip ay pinagpagan niya na lamang ang suot niyang baro at ang kaniyang buhok. “Ikaw ang naatasang maili sa pamilihan ngayong araw kung kaya’t bilisan mo ang iyong kilos!”singhal sa kaniya ni Rowena at saka naunang maglakad palabas ng silid, sumunod nman ang iba pang kasamahan nito. Nagppalit na lamang siya ng kasuotan at saka niya itinali ang kaniyang napakahabang buhok. Kinua niya ang balabal na palagi niyang sinusuot at nagtugo na siya agad sa kusina ng mansyon. Naabutan niya roon na inihahanda na ang mesa habang abala naman si mayor doma Emilda sa
“Nalalapit ng muli ang paggdirirwang g kaarawan ng ating Gobernador kung kaya’t nais kong ihnda niyo ang inyong mga sarili,”anunsyo ng mayor habang nagpapabalik sa harap ng mga tagasilbi. “Rowena,”mabilis na napalingon si Rowena nang ttawagin siya nito. “Nais kong ikaw ang magluto ng mmga putahe sa araw na ‘yon. Sina Lita, Dolores at ang dalawa pang tagasilbi ay ang iyong magiging katulong o iyong alalay sa pagluluto. Ang iba naman ay magiging serbidora, sana’y naliwagan kayo sa aking mga sinabi.”Dagdag pa niya at saka niya inilagayy ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likod. Binalingan niya ng tingin si Mina. “Ikaw muli ang magtutungo sa pamilihan,”usal ni mayor doma at naglakad na siya palabas. Mataas ang sikat ng araw kung kaya't namumula na dulot ng araw ang balat ni Mina, naka suot lamang siya ng isang manipis na b
Natigl sa paglalakad si Mina at napatingin sa ilang taong nagkukumpulan. Tapos na siyang mamili ng mga ipinag-utos sa kaniya ng mayor doma kaya ngayon ay pauwi na siya.Naglakad siya palapit sa mga taong iyon upang tingnan kung anong ganap ang nangyayari roon."Pakiusap ginoo, ang prutas ang inyong patamaan at hindi ako," mangiyak-ngiyak na wika ng isang lalaki. May isang mansanas sa ulo nito at nakasandal sa isang puno."Mang Pitong ikaw ba ay walang tiwala sa akin?" ngising sambit ng binatilyo at saka nito sinimulang hatakin ang tali at ang palaso. Napapikit na lamang dahil sa takot si Mang Pitong.Napabuga ng hangin ang binatilyo at saka niya mabilis na pinakawalan ang palaso at mabilis rin iyong bumaon sa prutas na nasa ulo ni Mang Pitong.Napuno naman ng palakpalakan ang mga taong nakasaksi at maging si Mina ay napapalakpak rin dahil sa kamangha-manghang ginawa ng binatilyo.
"Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc
Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina
Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk
Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang
Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu
Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni
“Tatay Arturo!”sigaw ni Mina atsaka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito at saka napatango sa binata. Nagtanggal na rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang boses mo, sino ka?”tanong niya habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin nam
“Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt
“Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt