Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.
Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.
Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.
“Ano ang iyong ginagawa rito?”
Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tuwa ngunit mas matindi ang kasiyahan sa kanilang puso.
Hindi nakatugon ang dalaga at nanatili lamang itong nakatitig sa mukha ni Joeliano. Mabilis na hinubad ng binata ang suot niyang saco(coat) at ipinatong niya iyon sa balikat nito.
Ilang sandali pa ay biglang naalala ni Joeliano ang tinuran ng kaniyang ama ukol sa hinihingi nitong kapalit upang mapalaya sa kasal ang kaniyang kapatid. Dahan-dahan niyang tiningnan si Mina at pilit na pinipigilan ang sarili upang gawin ang sinasabi ng kaniyang isip.
“Binibining Mina?!”
Kapwa sila napalingon sa papalapit na lalaki. Madilim kung kaya't hindi nila maaninag kung sino ang taong iyon. “Kanina pa kita hinahanap at maging si tatay Arturo, ”patuloy pa nito at sa pagkakataong iyon ay nakilala na nang dalaga ang boses nito.
Tuluyan ng tumitila ang pagbuhos ng ulan at nagawa na ring makalapit ni Teofilo sa kinatatayuan nang dalawa. “Halika na.”turan ni Teofilo habang diretsong nakatingin sa dalaga. Napalingon naman si Mina kay Joeliano at ibabalik sana niya ang kasuotan nito ngunit nagsalita ito.
“Isuot mo na iyan upang hindi ka lamigin.”ngiti niya habang nakatitig sa mata ng dalaga. Tumango naman si Mina at naglakad papalapit kay Teofilo.
Seryoso ang mukha ni Joeliano habang tahimik na nakaupo sa tabi ng bintana sa kaniyang silid. Ano nga ba ang gagawin niya? Nais niyang tulungan ang kaniyang kapatid ngunit papaano naman ang babaeng iniibig niya?
“Binibini!”napalingon siya sa pinto ng kaniyang silid at mabilis siyang tumakbo papalabas at nakita niya ang isang tagasilbi sa tapat nang nakabukas na silid ng kaniyang ate Polonya.
Mabilis siyang nagtungo sa loob ng silid at nanlaki ang kaniyang mata ng makita si Polonya, nakaupo ito sa bintana at tila may balak itong tumalon at magpatiwakal.
“A-Ate! ”usal niya habang nag-aalalang nakatingin sa kaniyang kapatid. Wala ang kanilang ama at ina at maging si heneral Edilberto sa mansyon. Tanging silang magkakapatid lamang ang naiwan.
“Ate Polonya!”sigaw naman ni Jose lit at saka ito tumakbo papasok sa loob ng silid. Dahan-dahan naman silang nilingon ni Polonya, bakas sa mukha nito ang matinding pagkabalisa, maitim na rin ang ibabang mata nito dahil hindi na ito maayos na nakakatulog sa gabi.
“Huwag niyo na akong alalahanin mga kapatid ko.”nakangiting saad nito kasabay ng pag-agos ng luha nito. Tatalon na sana ito ngunit mabilis na tumakbo si Joeliano at niyakap niya sa baywang ang kaniyang ate at puwersahang hinila papasok sa loob ng silid.
“Ate...pakiusap huwag mong gawin ito. Hahanapin ko si Mina at dadalhin ko kay ama!”tumatangis na sabi ng binata at tuluyan na rin siyang tumangis kasabay ni Polonya.
“K-Kuya...”usal ni Joselito habang hindi makapaniwalang nakatitig sa mukha ng kaniyang mga nakatatandang kapatid. Naglakad siya papalit sa kanila at niyakap ang dalawa.
“Nasaan ang gobernador-heneral? ”seryosong saad ni Victorina habang nakatingin ng diretso sa isang tagasilbi.
“Kasalukuyan siyang nagtungo sa Laguna, senorita VVictorina dahil inimbitahan siya ng gobernador ng Laguna dahil sa ginawa nitong pagtulong ng sakupin iyon ng mga banyaga.”tugon naman ng tagasilbi habang nakayuko.
Hindi na kumibo si Victorina at tinalikuran na niya ito at iginala ang paningin sa buong mansyon. “Mainam.”usal niya at ngumisi ng kaunti.
“Kung hindi ako nagkakamali, ang binatang iyong kasama noon nakaraang gabi sa ilalim ng puno ay ang anak ng tanyag na doktor na si doktor Julio. ”usal ni Teofilo habang pinagmamasdan si Mina.
“Tama ka, siya nga iyon, ”nakangiting tugon ng dalaga. Hawak niya ang saco(coat) na pagmamay-ari ni Joeliano at walang kurap niya itong pinagmamasdan at hinahaplos.
“Maari bang itigil mo ang iyong ginagawa, tila nahihibang ka na sa ginagawa mong paghaplos sa kasuotang ‘yan, ”reklamo ng binata dahilan upang mapalingon sa kaniya si Mina.
“At bibigyan kita ng babala, huwag kang magtitiwala sa binatang iyon. Anak siya ng isa ring tuso at ganid sa kapangyarihan na si doktor Julio kaya—”nahinto siya nang biglang iangat ni Mina ang palad nito at iniharap sa kaniya upang matigilan siya.
“Iba si Joeliano, mabait siya, maginoo at malaki ang pagkakaiba niya sa mga binata o sinumang aking nakilala”saad niya at muling ngumiti. Kumunot naman ang noo ng binata dahil kahit na kailan, matigas talaga ang ulo ng kaniyang kaibigan.
Kinahapunan, abala ang lahat sa kaniya kaniyang gawain. Nagmamasid-masid si Mina dahil nais niyang makalabas ng kuta at magtungo sa puno kung saan niya nakita si Joeliano. Noong gabi 'ring iyon ay pinagbawalan siya ni tatay Arturo na lumabas ng kuta kaya't heto at nais niyang lumabas sa kautusan ng kaniyang tiyuhin.
Tuwang tuwa siya nang nagawa niyang nakalabas ng kuta. Agad niyang ikinubli ang kaniyang sarili sa isang napakahabang tela at mabilis na nagtungo sa bukirin ni heneral Edilberto na tuluyan ng napabayaan nang tumira ito sa dasmariñas.
“Saan ka magtutungo, Lanong?”natigilan siya nang marinig ang boses ng kaniyang ama. Mabilis niya lamang itong sinulyapan at muling ibinalik ang tingin sa labas ng mansyon.
“Gagawin ang iyong nais! ”matigas niyang saad at hindi na niya hinintay pa ang tugon ng kaniyang ama at tumuloy na siya sa paglalakad papalabas ng mansyon.
"Nakapikit si Mina habang dinadama ang malamig na hangin na tumatangay sa kaniyang buhok. Nakaupo siya sa ilalim ng malaking puno at nakasandal habang hawak ang kasuotan ni Joeliano. Nais niya itong ibalik kaya't nagtungo siya roon upang magbakasaling makita niya roon ang binata.
Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mata at napahawak sa kaniyang d****b upang damahin ang pagtibok nito. Hindi niya mapigilang mapangiti sapagkat napakabilis noon sa tuwing maaalala niya ang maaliwalas na mukha ng binata.
“Sa aking pakiwari ay hindi na paghanga ang aking nadarama. ”usal niya.
“Kung hindi paghanga ay maaaring higit pa roon ang iyong nararamdaman, ”nagitla siya at agad na napatayo nang makita ang binatang kanina pa niya hinihintay.
Magkahalong kulay kahel, itim at asul na ang kalangitan at handa nang sumilip ang maningning na buwan.
Kapwa silang nakatingin sa isa't isa at naghihintay kung sino ang unang iiwas ng tingin. “G-Ginoo, ”turan ni Mina at ibinaba niya ang kaniyang tingin sa lupa.
Napangiti naman si Joeliano at napatango-tango at saka niya inilagay ang kaniyang dalawang kamay sa likuran.
“Tila maswerte ang ginoong iyong tinutukoy.”dagdag pa ng binata at tinanaw niya ang bahay mula sa malayo na siyang tirahan noon ni Mina at nang mga magulang nito.
Napahinga ng malalim si Mina sapagkat mas lalong kumabog ang kaniyang d****b sa tanong nito. Ilang minuto siyang hindi magsalita at nadako ang kaniyang paningin sa kasuotan nito na siyang totoong pakay niya kaya siya nagpunta roon.
“G-Ginoong Joeliano, n-nais ko lamang pong ibalik ang iyong kasuotan.”turan ni Mina at inabot niya ang kasuotang pagmamay-ari nito habang nakayuko. Sinulyapan naman ng binata ang inaabit nito at tiningnan ang nakayukong si Mina.
“Maraming salamat.”nakangiti niyang saad at kinuha na niya ang kasuotan. Naupo siya at sumandal sa puno. Nagdidilim na at naglalabasan na 'rin ang ilang mga alitaptap na siyang nagbibigay ng kaunting liwanag.
“Narinig mo na ba ang kwento ukol sa pag-iibigan ng isang aso at pusa?”usal ni Joeliano, kumunot naman ang noo ng dalaga at napailing.
“Maari ba iyon?”tanong nito.
“Mortal na magkaaway ang aso at pusa. Unang umibig lalaking aso sa babaeng pusa, kakaiba iyon sa mata ng mga kalahi ng aso sapagkat ang aso ay para sa aso lamang at ang pusa ay para lamang sa mga kalahi niyang pusa at bukod pa roon ay magkaaway ang kanilang mga lahi. Ngunit sadyang matindi ang pagmamahal ng lalaking aso sa babaeng pusa. Pilit niyang iilalapit ang kaniyang sarili, sa tuwing magkaka-usap sila ay lalo siyag nahuhulog dahil sa taglay nitong kabaitan. Hindi nagtagal ay nalaman iyon ng mga kalahi ng babaeng pusa. Tutol ang mga ito at sinabi ng mga ito na kung hindi nila ititigil ang kanilang ginagawang pagiging mabuti sa isa't isa at papatayin sila ng kanilang mga kalahi.
Napa-ibig na rin ang babaeng pusa kaya't hindi siya lumayo at handa niyang ipaglaban ang kaniyang pag-ibig. Samantala ang lalaking aso ay natakot o nabahag ang bundot nito. Natakot itong mamatay kung kaya't mas pinili niyang layuan ang babaeng pusa kahit pa mahal niya ito.”saad ni Joeliano at diretsong tiningnan sa mata si Mina.
“Posibleng mangyari iyon ngunit hindi sa mga aso at pusa.”dagdag pa nito ngunit nanatili lamang siyang nakatitig sa mata ng dalaga. Ilang minuto pa ang lumipas at mapaiwas na nang tingin si Mina.
“Kay saklap naman ng nangyari sa kanilang pag-iibigan.”tugon ni Mina at ang mga alitaptap na ang kaniyang tinitingnan. Napakurap naman ng isang beses si Joeliano at itinuon na 'rin ang atensyon sa mga nagliliwanag na alitaptap.
“Maari ko bang malaman kung sino ang ginoong nais mong pag alayan ng iyong puso?”nanlaki ang mata ni Mina dahil sa gulat nang marinig niya iyon. Napalingon siya sa binata at nagtataka niya itong tiningnan. Napatingin na 'rin sa kaniya si Joeliano na naghihintay pa 'rin sa isasagot niya.
Kang sandali pa ay mahinang natawa ang binata at umiwas ng tingin dahilan upang mapakunot nang noo si Mina. “Batid kong isa iyan sa iyong mga lihim kaya't hindi na kita pipilitin pa.”turan ni Joeliano at saka nito inilabas ang isang kwintas na gawa sa pilak.
“Alam mo ba ito?”turan niya saka hinawakan ang palawit ng kwintas na hugis puso. “Ito ang aking puso.”dagdag pa nito habang diretsong nakatingin sa mata ng dalaga.
Pangahas niyang hinawakan ang kamay ni Mina at inilagay niya roon ang kwintas at isinara ang kamay nito. “Ibinibigay ko na sa iyo iyan.”turan pa niya na mas lalong ipinagtaka ng dalaga at patuloy na pagkabog ng d****b nito dahil sa mga tinuturan ng binata.
“Halika ihahatid na kita.”patuloy ni Joeliano saka siya tumayo. Tumango si Mina na tila wala siya sa kaniyang ulirat at tumayo na 'rin.
Ilang sandali pa ay narating nila ang madilim na kagubatan at noon ay natauhan na si Mina na hindi niya dapat dinala roon ang binata.
“P-Paumanhin ngunit hanggang dito mo na lamang ako maaring ihatid.”turan ni at hinarap niya si Joeliano, hindi ito nagsalita at tumango na lamang.
“Mag-iingat ka.”seryosong saad ng binata at agad niyang tinalikuran si Mina at naglakad. Napangiti si Mina at nag patuloy na siya sa paglalakad pabalik sa kuta.
“Sandali, ano ito?!”sigaw ni gobernador-heneral Vicente nang arestuhin siya ng guwardiya civil. Kakauwi lamang siya galing sa laguna kung saan siya inimbitahan ng gobernador doon.
“Paumanhin ngunit ipinag-uutos ito ni gobernador Carlos, ang gobernador ng Laguna.”tugon ng isang guwardiya civil na ipinagtaka ng gobernador-heneral.
“Ano?! Kahapon lamang ay magkasama kami at nagsalo sa pagdiriwang na kaniyang ginawa sa Laguna.”saad pa ni gobernador-heneral Vicente ngunit hindi na siya kinibo nito at tuluyan ng isinakay sa kalesa.
Narating nila ang hukuman at malayo pa lamang natanaw ng gobernador-heneral si gobernador Carlos at heneral Edilberto habang nasa tabi nito ang tanyag na doktor na si doktor Julio.
“Anong ibig sabihin nito Carlos!”madiin niyang saad habang nakatitig sa mata nito. Napangisi ang heneral at maging si doktor Julio.
“Nagpapasalamat ako sa iyong agarang pagtulong sa lalawigan na aking pinamumunuan ngunit...”sandali itong napahinto at sinulyapan si heneral Edilberto.
“Ngunit ginagawa ko lamang ang sa tingin ko ay tama.”dagdag pa nito kasabay ng pagdating ng isang kabayo at bumaba roon si Francisco.
"Gobernador-heneral! ”sigaw niya at itinulak niya pa ang dalawang guwardiya civil na siyang nagbabantay sa magkabilang gilid.
Galit ang ekspresyon nito at nakasuot rin ng kaniyang uniporme. Natuon naman ang atensyon niya kay heneral Edilberto na nakangising nakatingin sa kaniya.
“Ang kaniyang matapat at mabangis na asong lobo! ”tawa nito.
“Magkita na lamang tayo sa loob.”saad ni gobernador Carlos at naglakad na ito papasok ng hukuman na agad rin namang sinundan ng heneral at doktor.
Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang
Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk
Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina
"Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc
Malamig na simoy ng hangin ang marahang dumadampi sa maputing balat ni Mina. Kasalukuyan ng nahihimbing ang lahat sa pag-tulog ngunit siya ay hindi pa. Marahil ay nais niyang pagmasdan muli ang napakagandang liwanag ng buwan na natatabunan ng ulap sa kalangitan. Hindi na sumasakit ang kaniyang mata dahil sa liwanag ng sikat ng araw twing umaga. Sa ganitong tanawin ay banayad ang kaniyang pakiramdam dahil hindi masakit sa mata ang liwanag ng buwan kung ikukumpara sa liwanag ng sikat ng araw tuwing darating ang umaga. Tumayo siya at muling inamoy ang napakabangong bulaklak ng sampaguita na nasa kaniyang kana ng kamay. Sa gabi lamang siya nakakapamasyal o nakakalabas ng kanilang tahanan sapagkat hindi maaaring masikatan ng araw ang balat niya. Hindi gaya ng iba, madaling masunong o humapdi ang balat ni Mina kaya gano'n na lamang kung harangan ng kurtina ang kaniyang silid upang walang liwanag ng araw ang makakapasok doon. Pinagb
“Binibini, sandali lamang pakiusap!” Nang maautan niya ito ay aksidente niyang hawakan ang suot nitong puting balabal at diretso iyong nahulog at naglaglag.Natigilan si Joeliano nang humarap sa kaniya ang binibini. Hindi ito ang dalagang inaasahan niyang kaniyang makikita. “Paumanhin binibini,”sabi niya at saka dinampot ang nalaglag na balabal at agad niya iyong ibinalik sa dalagang walang kurap na nakatitig sa kaniya.“Ayos lamang Ginoong Joeliano,”ugon nito at hinawi ang sariling buhok papunta sa likod ng tenga nito. Ngumiti ang binati at saka niya hinubad ang suot niyang sumbrero at mabilis na inilapat sa kaniiyang dibdib upang magpaalam. tinalikuran na niya ang dalaga na hindi ri makapaniwalang makakadaupang-palad niya ang anak ng tanyag na doktor na taga-Laguna.Samantala, habol naman ang paghinga ni Mina habang pilit na ikinukubli ang saili sa likod ng isang malaking puno.
“Lanong, huwag ka nang lumayo sapagkat tayo ay aalis na rin maya-maya,”saad ng ina ni Joeliano habang binibihisan nito ang kaniyang nakababatang kapatid na si Joselito. “Ina, nasa Laguna po ba ang aking kapatid na si ate Polonya?”tanong niya na agad rin na tinanguan ng ina. “kung gayon nasasabik na akong magbalik sa ating bayan,”turan pa niya at isinuot niya ang kaniyang sumbrero. “Mamamasyal po ako sa bukirin ni Heneral Edilberto”daggdag pa niya at saka siya naglakad paalis. Naglakad-lakad siya hanggang sa marating niya ang bukirin. Tahimik na ang buong kapaligiran at tanging ang tunog lamang mga kuliglig ang bumabasag sa katahimikan. “Talaga ngang magkawangis tayo,”napatingala siya sa ikalawang palapag ng isang bahay na nakatayo malapit sa bukirin. “May binibini sa tahanan na ito?tanong niya sa sarili habang nakatingala pa rin sa saradong bintana sa ikalawang palapag. Dahil sa kaniyang kuryosidad ay naupoo siya roon at hinintay ang pag
Nakayuko si Mina habang pilit niyang ikinukubli ang kaniyang mukha sa mga nadaraanan nilang taga-silbi. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Kay bilis ng mga kaganapan at parang tinangay lamang siya ng malakas na hangin at hindi na siya makabalik pa sa mga araw na lumipas. Nagpapaulit-ulit na tanong sa kaniyang isipan kung ano ang nangyari sa katawan ng mga inakusan. Maayos bang inilbing ang mga ito o basta na lamang itinapon dahil wala naman halaga ang mga iyon. Huminto sa paglalakad ang lahat dahilan upang mapa-angat ng tingin ang dalaga. Nakita niya ang isang babaeng naka-suot ng kulay puti at simpleng baro, kayumangging saya naman ang kaparehas no’n. Maayos din na nakapuood ang buhok nito upang hindi maging sagabal sa mukha nito. “Ikaw na ang bahala sa kaniya, “saad ng Gobernador sa babae at mabilis na itong naglakad papalayo at hindi na nagawa pang mag-pa alam. Hinabol pa niya nang tingin ang Gobernador hanggang sa makaakyat ito
"Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc
Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina
Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk
Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang
Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu
Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni
“Tatay Arturo!”sigaw ni Mina atsaka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito at saka napatango sa binata. Nagtanggal na rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang boses mo, sino ka?”tanong niya habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin nam
“Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt