Malamig na simoy ng hangin ang marahang dumadampi sa maputing balat ni Mina. Kasalukuyan ng nahihimbing ang lahat sa pag-tulog ngunit siya ay hindi pa.
Marahil ay nais niyang pagmasdan muli ang napakagandang liwanag ng buwan na natatabunan ng ulap sa kalangitan. Hindi na sumasakit ang kaniyang mata dahil sa liwanag ng sikat ng araw twing umaga. Sa ganitong tanawin ay banayad ang kaniyang pakiramdam dahil hindi masakit sa mata ang liwanag ng buwan kung ikukumpara sa liwanag ng sikat ng araw tuwing darating ang umaga.
Tumayo siya at muling inamoy ang napakabangong bulaklak ng sampaguita na nasa kaniyang kana ng kamay. Sa gabi lamang siya nakakapamasyal o nakakalabas ng kanilang tahanan sapagkat hindi maaaring masikatan ng araw ang balat niya. Hindi gaya ng iba, madaling masunong o humapdi ang balat ni Mina kaya gano'n na lamang kung harangan ng kurtina ang kaniyang silid upang walang liwanag ng araw ang makakapasok doon. Pinagbawalan din siya na makipagkita sa kahit na kanino ng tao sa kanilang baryo.
Kakaiba si Mina sa lahat ng taong nasa kaniyang paligid. Maputi, asul ang mata at maging ang kaniyang buhok, kilay, at pilik mata ay kuly puti rin. Hindi niya batid at ng kaniyang mga magulang ang dahilan o kung bakit gano'n ang hitsura niya.
Kasalukuyan niyang tinatahak ang bukirin pauwi sa kanilang tirhan. Nililipad ng hangin ang kaniyang suot na saya at maging ang kaniyang napakahabang puting buhok. Labag sa kalooban ng mga magulang niya ang kaniyang paglabas sa gabi kaya't tumatakas lamang siya upang makapamasyal at uuwi rin makalipas ang is nag oras.
Kahit na gano'n ang sitwasyon ng kaniyang pamumuhay ay ayos lang sa kaniya at masaya na rin siya dahil kahit papano ay kasama niya ang kaniyang magulang at tahimik ang kanilang buhay.
“Mina! Salamat sa panginoon at walang nangyari ng masama sa iyo, ” turan ng ina ni Mina na si Flordelisa. Nag aalala itong nakatingin sa anak at saka niya mabilis na pinatungan ng iitim na tela ang ulo ni Mina.
“Ikaw talaga ng bata ka. Hindi ba't sinabi namin sa iyo na huwag kang lalabas ng walang pahintulot mula sa amin?” dagdag pa nito at saka iginala ang mata sa kapaligiran upang masigurong walang ibang tao ang naroroon.
Hindi naman na sumagot Mina at sinabayan niya lamang sa paglalakad ang kaniyang ina hanggang sa marating nila ang kanilang tahanan.
“Paano na lang kung nagkataon may nakakita sa iyo, siguradong sila ay magtataka sa iyong wangis,” pabulong na sabi ni Flordelisa dahil baka magising ang kaniyang asawa at masermonan pa ang pinakamamahal niyang anak dahil sa ginawa nitong muling pagtakas.
“Ina, napakadilim po ng paligid at na kasisiguro akong walang makakkita sa akin,” tugon ni Mina at saka niya tinanggal ang talukbong sa kanniang ulo.
Tiningnan na lamang ni Flordelisa ang anak. Lubos niyang kinahahagan ang anak dahil buhay nito ay tangig silid lamang ang maaaring puntahan nito. Hindi gaya ng mga ka tulad nitong mga dalaga. Maraming mga manliligaw at naka lalabas ng walang nang-aalipusta sa kanila.
Natatakot si flordelisa sa mga maaaring mangyari sa kanilang anak sa oras na makita ito ng mga tao. Ayaw niyang makita ng nasasaktan ang kaniyang anak dahil sa pangunguyang possible nitong Dana's in dahil sa naiiba nitong anyo.
Ngumiti si Mina at saka siya sumenyas sa ina na tutuloy na sa kaniyang silid. Kahit na nasermonan Iya ng ina ay masaya pa rin siya dahil nagawa niyang makapamasyal muli at makapaglibot-libot sa kanilang baryo.
“Ikaw ba ay dadalo sa prusisyon sa pista ng reya ng ating paroya, manding?”
Natigilan si Mina sa kaniyang ginagawa at sumili siya sa maliit na buttas sa bintana. Nakita niya ang dalawang lalaki, nakasuot ito ng sumbrerong buri at naka damit pang-magsasaka.
“Naulinagan ko na maymagaganap na pagsasalo sa mansyon ng Heneral pagtapos ng prusisyon, totoo ba iyon?” turan ng lalaking hanggang balikat ang buhok na si Manding, nangingintab ang noo nito dahil sa pawis. Seryoso ang mukha niya nang sambitin iyon.
” Totoo iyon kaibigan, dadalo ka ba? Namilog ang mata ni Mina dahil sa tuwa at hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili dahil may lumabas na mahina ng boses sa kaniyang bibig, dahilan para mapatakip siya sa kaniyang labi at sumilip siya sa butas para tingnan muli ang dalawang ginoo.
Nakatingin na ito sa ding-ding na pagitan nila at sa palagay niya at narinig siya ng mga ito. “Tinig iyon ng isang binibini,” turan ng lalaking may mahabang buhok habang sinisiyasat ang ding-ding at naghihintay na marinig muli ang inig na nang galing kay Mina.
“Huwag ka nga ng magbiro ng ganyan, Manding, walang anak sina maarcelo at Flordelisa dahil baog si Marcelo kaya napaka impossible ng iyong tinuran.” Napapailing na saad ng kasama nito at saka naunang naglakad habang I naayos ang suot nitong sumbrero.
Muling na patingin si Manding si ding-ding at saka sinundan na sa paglalakad ang kaibigan.
“Ama, nais kong dumalo sa prusisyon ng Reyna ng ating parokya sa bayan,”nakangiting sambit ni Mina.
Nagtataka naman ang hitsura ng kaniyang ama nang marinig ang sinambit niyang iyon. “Saan mo narinig ang bagay na iyan?” usisa niya.
“Naulinagan ko ito ama sa mga ginoo kanina ng napadaan at sa tingin ko ay ka samahan ninyo sila sa bukid, ngiti ng saad niya.
“Ama, maari ba akong dumalo?”taong ni Mina. “Paumanhin ngunit hindi ako makakapayag sa hinihiling mo,” seryoso ng giit ni Marcelo. Agad rin siyang nakonsensya sa binigay niyang tugon sa anak, naaawa siya ngunit hindi niya hahayaang malagay sa kapahamakan angg na-isa niyang anak..
Nadismaya man si Mina sa ama ay tinanggap na lamang niya katotohanan, hindi siya makakaalis kahit na kailan sa kanilang baryo.
Hating gabi na ngunit hindi magawan makatulog ni Mina dahil s a malalim niyang pag-iisip. Gusto niyang makadalo sa nasabing prusisyon at makita ang mga taong naggsasaya at nais niya ring masaksihan kung paano ipinagdiriwang ng lahat ang espesyal na araw na iyon.
Tumayo siya at kinuha ang balabal niyang purong puti. Dahan-dahan siyag lumabas sa kaniyang silid.
Pinag-isipang mabuti ang pagkaka gawa ng kaniyang silid. Sa silid na napakaraming libro, roon matatagpuan ang pinto ng silid ni Mina. Ang pinto ng iyon ay ginawang lagayan ng mga libro upang hindi mahalata ng mga magtatangkan pumasok.
Matagumpay na nakalabas ng kanilang tahanan si Mina. Hindi makita ang liwanag ng buwan ngayong gabi dahil nababalot ng ulap ang kalangitan.
Naglakad-lakad siya hanggang sa marating niya ang puno sa gitna ng bukid. Ang bukid na iyon ay pag mamay-ari ng heneral na si Edilberto.
Naglakad siya paikot sa puno at saka umupo at sumandal. Kakaunti lamang ang ang dahon ng puno dahil dumating na ang tag-lagpas at nalalapit na rin ang pasko kaya't malamig ang simoy ng hangin.
“Diwata? isa ka bang diwata?” gulat na napatay si Mina nang makita niya ang isang ginoo na papalapit sa kaniyang direksyon.
Hindi niya alam ang kaniyang gagawin, nangako siya sa kaniyang ina na walang sinuman ang makakkita sa kaniya. Sa takot ayagad siyang nagtago sa likod ng puno at napahawak na lang siya sa kaniyang dibdib dahil sa mabilis na pag kabog noon.
“Diwata, nasaan ka na?” rinig pa niyang sambit ng binata na ngayon alam niyang anumang oras ay palapit na sa kinaroroonan niya. “kung gayon ay hihiling na lamang ako at sana ay pag bigyan mo ang aking hiling,”
Takot man ang nararamdaman ni Mina ay ninais niya ring tingnan ang binata sa kabilang gilid ng puno.
“Nais kong makitang muli ang kakaibang babae na aking nakita sa baryo na ito noon.” nakapikit na sabi nito. Hindi naman na maalis ni Mina ang kaniyang mga mata sa binata at parang napako na ito roon.
Napasandal na lang muli si Mina sa puo at pilit na pinakikiramdaman ang puso niyang wala nang tigl sa pagkabog.
Simula nang araw na iyon ay araw-araw na siyang nagpupunta sa puno at pa tuloy na umaasang muli niyang makikita roon ang binata. Ngunit patuloy rin na bumabagabag sa kaniya ang mga sinambit ng binata noong gabbing iyo. May nagugustuhan na kaya ito?
“Manding, pakiusap nais ko lamang ng isang tahimik kasama ang aking asawa at ayoko na madawit pa kami sa anumang kilusang binabalak ng sama hang iyong kinabibilangan,”Napatayo si Mina at idinikit niya ang kaniyang tenga sa pinto nang marking ang tinig ng kaniyang ama.
“Mas gugustuhin mo bang manatili ang mga gahaman na opisyales na iyon sa kanilang posisyon? Mas nanaisin ong umunlad ang buong lalawigan dahil sa hindi nila patas na pmamalakad?”
“Marcelo, kaangan natin ng isang patats na bata at mga pinno at hindi ang mga gaya nilang ganid sa katungkulan a mpanglamang!” seryoso pang sabi ni Manding dahil mukhang hindi na niya mapipilit pa ang kaibigan sa binabalk nila sa raw ng prusisyon.
“Patawad kaibigan, ngunit hindi na magbabago ang akin desisyon, sana ay maunawaan mo ko, “sambit ni Marcelo.. Wala nang nagawa pa si Manding at naglakad na siya palabas ng silid-aklatan.
Napapikit na lamang si Marcelo at napahawaksa lagayan ng mga librong mga nakahilera. Napalingon siya sa direksyon kung nasaan ang silid ng anak. Sigurado siyang narinig ni Mina ang kanilang buong usapan. Binuksan niya ang pinto at natagpuan niya ang kaniyang na nakahiga sa sarili nitong higaan at tila nahihimbing sa pagtulog.
Sa kabilang banda, idinilat ni Mina ang kaniyang mata at napalingon sa pinto na kakasara pa lamang.
Magtatakipp-silim na ngunit wala pa rin anng ina at ama ni Mina.madalas nang abutin ng gabi ang mga ito sa pagsasaka.
Nakadungaw siya sa bintana na nahaharangan ng itim na tela ngunit nakikita niya pa rin ang ang labas. Natuon ang kaniyang atensyon sa dalawang dalaga na naglalakad. Nakasuot ang mga ito ng baro't saya habang nakapusod ang Kani-kanilang buhok.
“Naulinagan mo ba Crisanta, naririto na sa ating bayan ang magaling na doktor na si Doktor Julio Crisologo na taga-Laguna?” sabi ng isang babae. Kayumanggi ang kulay ng balat nito.
“Siyang tunay, kasama niya rin sa pagdating ang pangalawa niyang anak na si Ginoong Joeliano. Nakatitiyak ako na dadalo sila prusisyon at sa pagdiriwang sa mansyon ng Heneral.” nakatingin lamang si Mina sa mga babaeng mabagal na naglalakad.
“ngayon ang prusisyon na tinutukoy nila noong nakaraang araw, usal ni Mina t saka niya tiningan ang suot niyang kulay luntian na baro at saya.
Biglang pumasok sa kaniyang isipan ang lalaking nakita niya noong nakaraan gabi. Hindi kaya naroon din ito sa prusisyon?
Napakaraming tao ang sumasabay sa paglalakad habang may hawak itong mga kandila na mayroong sindi. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil sa mga magaganda niyang nakikita. Nakapayong sa kaniyang ulo ang mahabang balabal na sinadya niyang gamitin upang maitago ang kaniyang mukha at kakaiban kulay. Ipinusod niya rin ang kaniyang napakahabang buhok.
Patuloy siyang nakikisabay sa agos ng mga taong naglalakad at bahagya rin siyang natatawa dahil mga batang nag-aasaran na nasa kaniyang harap an. Ngayon ay pakiramdam niya ayy isa na siyang pangkaraniwang tao at hindi na naiiba. .
Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng isang pag-iyak ng batangg babae, na patingin siya sa pinanggalingan ng boses at hindi siyang dalawang isip na lapitan ang mga bata.
“Hindi dapat kayo nag-aaway mga bata~” hindi na niya natuloy pa ang kaniyang dapat na sasabihin dahil sa biglang pag-sigaw ng isang bata nang magtama ang kanilang paningin. Nanlaki ang mata niya sa gulat at takot kaya naman agad siyang napayuko at tinalikuran ang mga bata.
Mabilis siyang naglakad pasalungat sa mga tao. Nababangga na niya ang ibang mga tao ngunit hindi na iyon mahal aga dahil pa tuloy siyang sinusundan ng mga batang palit. I lingon niya pa ang mga ito at muling ibinalik ang paningin sa harap. Nagulat siya nang mabangga ang isang tao dahilan upang matuon ang paningin niya sa taong iyon.
Halos sumabog ang kaniyang nang makita ang taong nakabangga niya dahil ito ang lalaking nakita noong gabi sa bukirin. “P-Paumanhin...” utal na sabi niya at muling yumuko at saka siya nagpatuloy sa paglalakad palayo sa napakaraming tao.
Kunot naman ang noo ng lalaki habang tinatanaw ang binibining nakabangga niya. “Ginoo...”napalingon siya sa batang nakaturo kung saan mismo nagpunta si Mina.
“Ang binibining iyon, kakaiba ang hitsura niya.” turan ng paslit. Napalingon si Joeliano sa direksyon kung saan nagttungo ang sinasabi nitong dalaga ng may kakaibang hitsura at saka siya nagpasyang sundan ito.
“Binibini!” sigaw niya dahilan upang makuha niya ang atensyon ng ilang mga taong nakarinig sa kaniya. Agad siyang tumakbo patungo sa mapuno ng lugar.
“Binibini, sandali lang pakiusap! sigaw niyang muli at nang maabutan niyya ito ay aksidenteng nahawak ang puting balabal na nakapatong ulo sa ulo ng dalaga dahilan upang malaglag ang balabal na siyang nagtatago sa katauhan ng dalaga.
“Binibini, sandali lamang pakiusap!” Nang maautan niya ito ay aksidente niyang hawakan ang suot nitong puting balabal at diretso iyong nahulog at naglaglag.Natigilan si Joeliano nang humarap sa kaniya ang binibini. Hindi ito ang dalagang inaasahan niyang kaniyang makikita. “Paumanhin binibini,”sabi niya at saka dinampot ang nalaglag na balabal at agad niya iyong ibinalik sa dalagang walang kurap na nakatitig sa kaniya.“Ayos lamang Ginoong Joeliano,”ugon nito at hinawi ang sariling buhok papunta sa likod ng tenga nito. Ngumiti ang binati at saka niya hinubad ang suot niyang sumbrero at mabilis na inilapat sa kaniiyang dibdib upang magpaalam. tinalikuran na niya ang dalaga na hindi ri makapaniwalang makakadaupang-palad niya ang anak ng tanyag na doktor na taga-Laguna.Samantala, habol naman ang paghinga ni Mina habang pilit na ikinukubli ang saili sa likod ng isang malaking puno.
“Lanong, huwag ka nang lumayo sapagkat tayo ay aalis na rin maya-maya,”saad ng ina ni Joeliano habang binibihisan nito ang kaniyang nakababatang kapatid na si Joselito. “Ina, nasa Laguna po ba ang aking kapatid na si ate Polonya?”tanong niya na agad rin na tinanguan ng ina. “kung gayon nasasabik na akong magbalik sa ating bayan,”turan pa niya at isinuot niya ang kaniyang sumbrero. “Mamamasyal po ako sa bukirin ni Heneral Edilberto”daggdag pa niya at saka siya naglakad paalis. Naglakad-lakad siya hanggang sa marating niya ang bukirin. Tahimik na ang buong kapaligiran at tanging ang tunog lamang mga kuliglig ang bumabasag sa katahimikan. “Talaga ngang magkawangis tayo,”napatingala siya sa ikalawang palapag ng isang bahay na nakatayo malapit sa bukirin. “May binibini sa tahanan na ito?tanong niya sa sarili habang nakatingala pa rin sa saradong bintana sa ikalawang palapag. Dahil sa kaniyang kuryosidad ay naupoo siya roon at hinintay ang pag
Nakayuko si Mina habang pilit niyang ikinukubli ang kaniyang mukha sa mga nadaraanan nilang taga-silbi. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Kay bilis ng mga kaganapan at parang tinangay lamang siya ng malakas na hangin at hindi na siya makabalik pa sa mga araw na lumipas. Nagpapaulit-ulit na tanong sa kaniyang isipan kung ano ang nangyari sa katawan ng mga inakusan. Maayos bang inilbing ang mga ito o basta na lamang itinapon dahil wala naman halaga ang mga iyon. Huminto sa paglalakad ang lahat dahilan upang mapa-angat ng tingin ang dalaga. Nakita niya ang isang babaeng naka-suot ng kulay puti at simpleng baro, kayumangging saya naman ang kaparehas no’n. Maayos din na nakapuood ang buhok nito upang hindi maging sagabal sa mukha nito. “Ikaw na ang bahala sa kaniya, “saad ng Gobernador sa babae at mabilis na itong naglakad papalayo at hindi na nagawa pang mag-pa alam. Hinabol pa niya nang tingin ang Gobernador hanggang sa makaakyat ito
Lubos na nasisiyahan si Mina sa paglalakad lalo na’t kumulimlim at malakas rin ang pg-ihip ng hangin na nagpapasayaw sa mga halaman.May hawak rin siyang mga bulaklak na kaniyang pinitas. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita niya ang isang puting kabayo na nanginginain ng mga halamang damo sa paligid.Naglakad siya palapit doon upang makita nang mas malapit ang kabayo. Kahit na kailan ay hindi niya naranasan na sumakay sa isang kabayo dahil buong buhay niya ay nakulong lamang siya sa kanilang tahanan.Marahan niyang hinimas ang buhok ng kabayo na ikinatuwa niya. Ngunit kumunot ang noo niya nang mapagtanto na imposibleng magkaroon ng kabayo sa lugar na iyon dahil malayo na ito sa mansyon ni Gobernador Vicente.Napalingon siya nang makarinig siya ng ingay ng tubig na nagmmumula sa ibaba.Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likod ng malaking puno at doon niya sinilip kung anong nangyayari sa ibaba. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang ilog at ang mas lalo pang i
Mataas na ang sikat ng araw na sinasabayan ng pagtilaok ng mga manok. Bumangon si Mina sa kaniyang higaan nang madampi sa kaniyang balat ang napakalamig na tubig na binuhos sa kaniya nina Rowena at ng iba pang mga tagasilbi. “Gising na ba ang iyong diwa mahal na priinsesa?”sambit ni Rowena at saka sila naghalakhakan habang pinagmamasdan si Mina na basang-basa. Hindni naman siya nagsalita pabalik sa halip ay pinagpagan niya na lamang ang suot niyang baro at ang kaniyang buhok. “Ikaw ang naatasang maili sa pamilihan ngayong araw kung kaya’t bilisan mo ang iyong kilos!”singhal sa kaniya ni Rowena at saka naunang maglakad palabas ng silid, sumunod nman ang iba pang kasamahan nito. Nagppalit na lamang siya ng kasuotan at saka niya itinali ang kaniyang napakahabang buhok. Kinua niya ang balabal na palagi niyang sinusuot at nagtugo na siya agad sa kusina ng mansyon. Naabutan niya roon na inihahanda na ang mesa habang abala naman si mayor doma Emilda sa
“Nalalapit ng muli ang paggdirirwang g kaarawan ng ating Gobernador kung kaya’t nais kong ihnda niyo ang inyong mga sarili,”anunsyo ng mayor habang nagpapabalik sa harap ng mga tagasilbi. “Rowena,”mabilis na napalingon si Rowena nang ttawagin siya nito. “Nais kong ikaw ang magluto ng mmga putahe sa araw na ‘yon. Sina Lita, Dolores at ang dalawa pang tagasilbi ay ang iyong magiging katulong o iyong alalay sa pagluluto. Ang iba naman ay magiging serbidora, sana’y naliwagan kayo sa aking mga sinabi.”Dagdag pa niya at saka niya inilagayy ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likod. Binalingan niya ng tingin si Mina. “Ikaw muli ang magtutungo sa pamilihan,”usal ni mayor doma at naglakad na siya palabas. Mataas ang sikat ng araw kung kaya't namumula na dulot ng araw ang balat ni Mina, naka suot lamang siya ng isang manipis na b
Natigl sa paglalakad si Mina at napatingin sa ilang taong nagkukumpulan. Tapos na siyang mamili ng mga ipinag-utos sa kaniya ng mayor doma kaya ngayon ay pauwi na siya.Naglakad siya palapit sa mga taong iyon upang tingnan kung anong ganap ang nangyayari roon."Pakiusap ginoo, ang prutas ang inyong patamaan at hindi ako," mangiyak-ngiyak na wika ng isang lalaki. May isang mansanas sa ulo nito at nakasandal sa isang puno."Mang Pitong ikaw ba ay walang tiwala sa akin?" ngising sambit ng binatilyo at saka nito sinimulang hatakin ang tali at ang palaso. Napapikit na lamang dahil sa takot si Mang Pitong.Napabuga ng hangin ang binatilyo at saka niya mabilis na pinakawalan ang palaso at mabilis rin iyong bumaon sa prutas na nasa ulo ni Mang Pitong.Napuno naman ng palakpalakan ang mga taong nakasaksi at maging si Mina ay napapalakpak rin dahil sa kamangha-manghang ginawa ng binatilyo.
"Napadilat ng mata si Mina nang maramdaman niya ang paghawak sa kaniyang pulso. Mabilis na nadako ang kaniyang paningin sa isang lalaking nakasuot ng antipara sa kaliwang mata. (monocle)"Huwag kang mag-alala maayos na ang kaniyang kalagayan, siya’y nilalagnat pa rin ngunit hindi na gano’n kataas," saad nito at saka napalingon sa kinatatayuan ni mayor doma Emilda."Maraming salamat." Turan ni mayor doma Emilda na agad ring tinanguan ng lalaki at naglakad na ito papalabas ng silid."M-Mayor doma," usal ni Mina at akmang babangon ngunit pigilan siya ng mayor doma."Magpahinga ka Mina, dahil hindi ka pa lubusang gumagaling," seryosong saad nito habang hawak ang magkabilang kamay ng dalaga."Ngunit—" natigilan siya ng biglang umiiling ang mayor doma. "Ipagagawa ko na lamang sa iba ang iyong gawain." Dagdag pa nito at pilit na ngumiti, bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa dalaga lalo na nang dalhin ito ni Fra
"Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc
Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina
Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk
Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang
Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu
Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni
“Tatay Arturo!”sigaw ni Mina atsaka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito at saka napatango sa binata. Nagtanggal na rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang boses mo, sino ka?”tanong niya habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin nam
“Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt
“Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt