Home / History / Yugto / Kabanata 15

Share

Kabanata 15

Author: Fourthpretty
last update Last Updated: 2021-11-11 19:01:05

“Tatay Arturo!”sigaw ni Mina atsaka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.

“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.

“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito at saka napatango sa binata. Nagtanggal na rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.

Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang boses mo, sino ka?”tanong niya habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin naman ito kay Teofilo at tinanguan siya nito.

Dahan-dahang tinanggal ng babae ang tela sa kaniyang mukha na sobrang ikinagulat ni Mina.

“Lita?”usal ni Mina habang pinagmamasdan ang mukha ng dalaga. Si Lita ang isa sa mga tagasilbi sa mansyon ni gobernador-heneral Vicente at siya rin ang kasintahan ni Teofilo na piniling maging isang espiya upang magbigay impormasyon sa kanila.

“Siya ang aking tinutukoy na aking kasintahan at siya rin ang aming espiya sa hacienda ni Vicente.”saad ni Teofilo habang nakangiting nakatingin kay Mina.

“Ako ay humihingi ng paumanhin sa ‘yo Mina, sapagkat hindi kita kinakausap noong tayo'y nasa hacienda ng gobernador-heneral. ”turan ni Lita at saka ito ngumiti na labas ang ngipin. Tumango na lamang si Mina bilang tugon at ngumiti 'rin.

“Hindi na ako magtatagal pa rito Telong, kailangan ko nang makabalik sa Dasmariñas upang malaman ko ang kasalukuyan nangyayari roon. Nais ko ring malaman kung ano ang nangyari kay heneral Francisco. ”paalam ni Lita habang diretsong nakatingin sa mata ng kaniyang kasintahan.

“Mag-iingat ka.”wika ni Teofilo at saka nito hinawakan ang kaliwang pisngi ni Lita at ilang sandaling nagtitigan.

“Pakiusap Lita, ibalita mo sa akin ang nangyari sa heneral.”Sabat ni Mina na agad ding tinanguan nito.

“Mga inutil!”sigaw ni Edilberto at saka nito pinaghahagis ang mga bagay na kaniyang mahawakan. Sobra itong nagalit at nagwala nang mabalitaang nakatakas si Mina sa piitan sa tulong ng tatlong rebelde.

“Hindi naman na makagalaw sa kinatatayuan nila sina Joselito at Polonya. Nagitla sila dahil sa pagwawalang iyon ng heneral.

“Huminahon ka heneral.”suway naman ni doktor Julio uupangpakalmahin ang kalooban ng heneral.

Samantala, dahan-dahan namang naglakad si Joeliano na noo'y nasa ikalawang palapag upang silipin kung ano ang nangyayaring gulo sa ibaba. Nakita siya ni doktor Julio at si heneral Edilberto, nadako ang paningin sa kaniya ng heneral. Matalim ang mga ibinigay nitong titig sa kaniya na kaniya namang nilabanan.

Nabalitaan na rin niya ang nangyari kaya't nagpapasalamat siya sa nangyaring ‘yon. “Julio halika, sumunod ka sa akin.”mahinahon na turan ni Edilberto at saka nito ibinaling ang paningin kay doktor Julio. Naunang naglakad si heneral Edilberto paakyat ng hagdan, hindi na nito muling sinulyapan ang Joeliano sa halip ay dire-diretso itong pumasok sa sarili nitong silid kasama ang kaniyang ama.

Samantala, nasa pagamutan naman si Francisco. Hindi pa ito nagigising at nagpapagaling sa tinamo nitong sugat sa kaniyang tiyan. Noong gabing iyon matapos niyang saksakin ang kaniyang sarili ay agad naman na dumating ang ilang mga guardia civil, dinala siya ng mga ito sa pagamutan upang mabilis na magamot at malunasan ang sugat nito.

Napatayo si tenyente Antonio nang makitang nagmulat na nang mata ang kaibigan niyang heneral. “Buhay pa ba ako?”rinig niyang usal nito habang iginagala ang paningin. Bahagya siyang natawa dahil sa tinuran at muling napaupo.

“Bakit heneral? Iyo na bang nasisilayan ang pinto ng kalangitan?”biro ni Antonio at saka ito humagalpak ng tawa.

“Hindi ngunit aking nakikita ang alagang manok ng tagapag-bantay doon.”usal pa nito dahilan upang matigilan ang tenyente.

“Totoo? Kung gayon nasaan, ituro mo heneral.”kunot noong tanong ni Antonio habang pinagmamasdan ang kaibigan.

“Isa kang inutil tenyente, ikaw ang manok na iyon.”mahinang saad ni Francisco at saka ito mahinang natawa na ikinatawa rin ni Antonio.

Ilang sandali pa ay natigil na sila at napahawak si Francisco sa kaniyang tiyan. “Sabihin mo nga heneral, mayroon ka bang kinalaman sa nangyari kagabi?”bulaslas ni Antonio at sa pagkakataong iyon ay kapwa na silang seryoso.

“Kung sa nangyaring labanan noon sa Laguna aysaa braso ka lamang nasugatan, nakapagtataka dahil ngayon ay nakaratay ka riyan at may tinamong malalim na sugat sa iyong tiyan. ”dagdag pa nito habang nakatingin kay Francisco.

Nagpalinga-linga pa sa Francisco at sinigurado niyang walang tao sa paligid. “Matalino ka Antonio at totoong kaibigan kita.”tugon nito habang nakatingin rin sa kaibigan. Napa-angat ang kilay ng tenyente nang marinig ang tugon ni Francisco.

“Ang ibig mo bang sabihin ay isa ka nang rebelde?”tanong pa ni Antonio   na inilingan niya.

“Ang mahalaga ay nasa maayos nang kalagayan si binibining Mina.”tugon ni Francisco habang naaalala ang huling winika sa kaniya ng dalaga bago ito tuluyang umalis.

Kasalukuyan nang tinatahak ni Lita ang daan pabalik sa mansyon ng gobernador-heneral. Nakasuot na siya ng pangkaraniwang kasuotan ngunit mas pinili niyang ikubli pansamantala ang kaniyang mukha upang pag-iingat.

Marami ang kaniyang nakakasalubong na tao at maging ang mga naglakat na guardia civil. May itong mga mahahabang baril at patuloy ang pag-iikot na tila mayroon itong hinahanap.

Binilisan niya ang kaniyang paglalakad at mas lalo niya pang itinago ang kaniyang mukha.

“Dakpin ang babaeng iyan!”napalingon si Lita kung saan nanggaling ang pamilyar na boses na iyon at nanlaki ang kaniyang mata ng makita si Rowena, nakaturo ito sa kaniya kasabay nang pagdakip sa kaniya ng mga nagkalat na guardia civil.

Agad siyang na nahawakan  ng mga ito sa kaniyang magkabilang braso ngunit mabuti na lamang at mabilis niyang na nakuha ang isang patalim na kaniyang ikinubli sa kaniyang tagiliran, inipit niya sa kaniyang saya.

Agad niyang itinarak iyon ng mabilis sa dibdib ng dalawang guardia civil at saka siya kumaripas ng takbo patungo sa kagubatan. Biglang umalingawngaw ang napakalakas na putok ng baril at napahawak siya sa kaniyang kanang balikat dahil sa dumaplis na bala na nanggaling sa isa sa mga guardia civil.

Napakagat na lamang siya sa kaniyang labi at pilit na hindi ininda ang sugat sa kaniyang balikat habang kumakaripas pa rin ng takbo upang hindi siya maabutan ng mga ito.

Napalingon-lingon siya sa kaliwa't kanan kung saan siya maaring tumakbo, rinig niya pa rin ang malalakas na putok ng baril at ang tunog ng mga paa ng kabayo. Halos hindi na magkamayaw ang kaniyang puso dahil sa kabang nararamdaman. Muli siyang tumakbo pa kaliwa at nanlaki ang kaniyang mata ng biglang bumungad sa kaniyang ang isang guardia civil sakay ng kabayo. Napa-angat pa ang unahang paa ng kabayo dahilan upang mapaupo si Lita at maisalag ang kaniyang mga braso upang hindi tamaan ng mga paa nito.

Kasabay rin noon ang pagdating ng isa pang guardia civil sa kaniyang likuran. Wala na siyang kawala. Nakatutok sa kaniya ang mga baril habang bumababa sa kabayo at agad itong kumapit sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang braso. Kinuha ng mga ito ang hawak niyang patalim at saka siya iginapos ng napakahigpit dahilan para mapapikit na lamang siya dahil tila mababali na kaniyang dalawang braso.

“Ipinadakip ko na si Lita, señorita.”nakangiting usal ni Rowena habang pinagmamasdan ang mukha ng kaniyang señorita.

“Mainam, matutukoy na natin kung nasaan naglulungga si Mina at ang mga pesteng rebelde.”tugon nito at saka ibinalik ang paningin sa nakita nilang liham mula sa silid ni Lita. Liham ito ni Lita kay Teofilo at nakasaad dito ang mga pagmamanman na ginawa ni Lita.

“Ako ay lubos na natutuwa sapagkat ligtas ka, ”usal ni tatay Arturo habang nakatingin sa dalaga. Samantala, nakatanaw lamang si Mina sa bintana at pinagmamasdan ang makulimlim na kalangitan.

“Hangga't hindi po ako nakapaghihiganti sa pagkamatay nina ina, ama at mayor doma Emilda, hindi po ako magiging ligtas.”tugon ng dalaga ngunit nanatili lamang ang kaniyang paningin sa labas.

“Anong ibig mong sabihin, Mina? Isusugal mo ang iyong buhay upang makapaghiganti lamang?”kunot noong tanong ng matanda at saka nito inilapag ang kamote sa isang maliit na hapag.

“Tama ang iyong mga tinuran, tatay Arturo. Hindi si mayor doma Emilda ang siyang lumason kay heneral Edilberto at naniniwala ako kahit pa hindi ko nasaksihan ang buong pangyayari. Mayroong mabuting kalooban si mayor doma Emilda at wala siyang rason upang gawin ang bagay na iyon.”saad ni Mina at muling nagbadya ang luha sa kaniyang mata na tulad ng kalangitan ay nagbabadya na 'rin ang isang malakas na ulan.

“Pinabayaan ng gobernador-heneral na iyon na mahatulan ang kaniyang mayor doma at hinayaan niya itong mamatay! ”dagdag pa niya. Lumapit naman sa kaniya si tatay Arturo at hinawakan nito ang kaniyang magkabilang palad.

“Makinig ka hija, huwag mong hayaang lamunin ka ng iyong galit. Hayaan mo itong humupa at saka ka bumuo ng isang maayos na desisyon.”turan ng matanda habang diretsong nakatingin sa mata ng dalaga. Kumunot naman ang noo ni Mina at napayuko na lamang siya at humagulgol ng iyak.

Isang malakas na sampal sa mukha ang natamo ni Lita mula sa kamay ni heneral Edilberto. “Tukuyin mo sa akin kung saan ang pugad ninyong mga rebelde o mas nais mong dumanak ang iyong dugo sa buong lalawigan ng cavite!”sigaw nito habang pinandidilatan ng mata ang dalaga.

Halos bumakat naman ang kamay ng heneral mukha ni Lita dahil sa paulit-ulit nito iyong ginagawa. Nakagapos ang dalawang kamay ng dalaga na tila hindi na babae ang tingin sa kaniya

Natanggal na rin ang pagkakatali ng kaniyang buhok dahilan upang bumuhaghag ang kaniyang napakahabang buhok at tumatabon na rin ito sa kaniyang mukha.

Sinalubong niya ang tingin ng heneral at nanatiling tikom ang kaniyang bibig. Kahit na kailan hinding-hindi niya ipagkakanulo ang kaniyang mga kasama kahit pa ang kapalit nito ay ang kaniyang buhay.

Napapikit naman dahil sa inis ang heneral at nilingon ang isang guardia na nakatayo malapit lamang sa kaniya.

Dalawang araw na ang dumaan simula nang madakip si Lita. Hinang-hina na habang nakagapos pa rin ang dalawang kamay at wala na ring paglagyan ang mga sugat at latay na tinamo nito sa kaniyang katawan. Patuloy pa rin ang pagpapahirap sa kaniya at pilit na pinapaamin ukol sa kuta ng mga rebelde.

Tahimik, madalim at tanging ang kaniyang kumukulong sikmura lamang ang kaniyang naririnig sa buong selda. Tulala lamang siya at hindi na rin siya magawa pang imulat ang kaniyang kanang mata dahil sa pamamaga nito nito dulot nang walang sawang pagpapahirap sa kaniya sa loob ng dalawang araw.

Mas gugustuhin niya na lamang na matapos na ang kaniyang buhay upang magtapos na rin ang sakit na kaniyang nararamdaman.

“Telong, lubos akong nababahala sapagkat lumipas na ang dalawang araw ngunit si Lita ay hindi pa rin nagbabalik.”usal ni Ignacio sabay lingon sa kaibigan na malayo ang tingin.

Biglang tumayo si Teofilo at hinarap ang kaibigan. “Ako ay magtutungo roon upang alamin ang nangyayari at upang makausap si Lita. Huwag mong ipaalam sa kanila at babalik din ako.”saad ni Teofilo ay saka ito mabilis na naglakad at wala nang nagawa si Ignacio kung hindi ang tanawin si Teofilo papalayo.

Maraming mamamayan ang nagkukumpol-kumpol at ang iba pa ay seryosong naguusap-usap. Karamihan ay napadaan lamang at mas piniling huminto upang makibalita sa nangyayari roon.

Naglakad si Teofilo papunta roon at pilit na sinisilip kung anong mayroon sa harap ngunit hindi rin niya makita kaya't kinausap niya ang isang binibini sa kaniyang tabi.

"Paumanhin binibini. Anong nangyayari rito?”tanong niya, hinarap naman siya ng babae, maganda ito may mahabang buhok na nakatali. Nginitian siya nito sabay hawi ng buhok papunta sa likod ng tainga nito.

“Kakatapos lamang patawan ng parusa ang isang babaeng rebelde na nadakip noong nakaraang araw. Pinarusahan nila ito sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo, Ginoo.”tugon nito dahilan upang makaramdam ng kaba si Teofilo at agad siyang napalingon sa dumaan na tatlong guardia civil.

Hindi na niya nagawa pang tugunan ang babae dahil mabilis siyang nakisiksik sa kumpol na mga tao upang marating ang harap at laking gulat niya nang makita ang isang babaeng nakahandusay. May balot ito sa ulo na tumatakip sa pagkakakilanlan nito ngunit hindi siya maaring magkamali. Kilala niya kung sino ang babaeng ito. Kilala niya ang porselas na suot nito na siyang tanda ng kaniyang pag-ibig para rito.

Duguan ito maging ang nakabalot sa ulo nito. Puno rin ng sugat at latay ang mga braso nito. Tila tumigil ang kaniyang mundo at nawala ang pagpintig ng kaniyang puso. Ang unang babaeng matapang na kaniyang nakilala, ang babaeng tumanggap sa kaniyang buong pagkatao at ang babaeng lubos niyang mahal.....wala na!

Related chapters

  • Yugto   Kabanata 16

    Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni

    Last Updated : 2021-12-02
  • Yugto   Kabanata 17

    Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu

    Last Updated : 2021-12-02
  • Yugto   Kabanata 18

    Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang

    Last Updated : 2021-12-02
  • Yugto   Kabanata 19

    Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk

    Last Updated : 2021-12-03
  • Yugto   Kabanata 20

    Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina

    Last Updated : 2021-12-03
  • Yugto   Wakas

    "Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc

    Last Updated : 2021-12-03
  • Yugto   Simula

    Malamig na simoy ng hangin ang marahang dumadampi sa maputing balat ni Mina. Kasalukuyan ng nahihimbing ang lahat sa pag-tulog ngunit siya ay hindi pa. Marahil ay nais niyang pagmasdan muli ang napakagandang liwanag ng buwan na natatabunan ng ulap sa kalangitan. Hindi na sumasakit ang kaniyang mata dahil sa liwanag ng sikat ng araw twing umaga. Sa ganitong tanawin ay banayad ang kaniyang pakiramdam dahil hindi masakit sa mata ang liwanag ng buwan kung ikukumpara sa liwanag ng sikat ng araw tuwing darating ang umaga. Tumayo siya at muling inamoy ang napakabangong bulaklak ng sampaguita na nasa kaniyang kana ng kamay. Sa gabi lamang siya nakakapamasyal o nakakalabas ng kanilang tahanan sapagkat hindi maaaring masikatan ng araw ang balat niya. Hindi gaya ng iba, madaling masunong o humapdi ang balat ni Mina kaya gano'n na lamang kung harangan ng kurtina ang kaniyang silid upang walang liwanag ng araw ang makakapasok doon. Pinagb

    Last Updated : 2021-07-28
  • Yugto   Kabanata 2

    “Binibini, sandali lamang pakiusap!” Nang maautan niya ito ay aksidente niyang hawakan ang suot nitong puting balabal at diretso iyong nahulog at naglaglag.Natigilan si Joeliano nang humarap sa kaniya ang binibini. Hindi ito ang dalagang inaasahan niyang kaniyang makikita. “Paumanhin binibini,”sabi niya at saka dinampot ang nalaglag na balabal at agad niya iyong ibinalik sa dalagang walang kurap na nakatitig sa kaniya.“Ayos lamang Ginoong Joeliano,”ugon nito at hinawi ang sariling buhok papunta sa likod ng tenga nito. Ngumiti ang binati at saka niya hinubad ang suot niyang sumbrero at mabilis na inilapat sa kaniiyang dibdib upang magpaalam. tinalikuran na niya ang dalaga na hindi ri makapaniwalang makakadaupang-palad niya ang anak ng tanyag na doktor na taga-Laguna.Samantala, habol naman ang paghinga ni Mina habang pilit na ikinukubli ang saili sa likod ng isang malaking puno.

    Last Updated : 2021-07-28

Latest chapter

  • Yugto   Wakas

    "Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc

  • Yugto   Kabanata 20

    Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina

  • Yugto   Kabanata 19

    Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk

  • Yugto   Kabanata 18

    Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang

  • Yugto   Kabanata 17

    Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu

  • Yugto   Kabanata 16

    Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni

  • Yugto   Kabanata 15

    “Tatay Arturo!”sigaw ni Mina atsaka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito at saka napatango sa binata. Nagtanggal na rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang boses mo, sino ka?”tanong niya habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin nam

  • Yugto   Kabanata 14

    “Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt

  • Yugto   Kabanata 13

DMCA.com Protection Status