Chapter: Wakas"Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc
Huling Na-update: 2021-12-03
Chapter: Kabanata 20Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina
Huling Na-update: 2021-12-03
Chapter: Kabanata 19Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk
Huling Na-update: 2021-12-03
Chapter: Kabanata 18Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang
Huling Na-update: 2021-12-02
Chapter: Kabanata 17Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu
Huling Na-update: 2021-12-02
Chapter: Kabanata 16Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni
Huling Na-update: 2021-12-02