Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.
Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.
Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang.
"Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni Teofil. Agad siyang napatayo nang makita niya itong nakatayo at nakatingin sa kaniya, nakalapit na ito sa kaniyang kinauupuan.
"B-Batid mo?"usal niya na agad ring tinanguan ng binata at saka muling inilibot ang paningin at naupo. Naupo na lamang muli siya at sandaling nakiramdam.
"Minsan....kailangan rin ng isang tao na ilabas ang nararamdam ng kaniyang puso upang hindi iyon sumikip ng tulungan, "usal ni Mina habang nakatanaw sa kapaligiran, napalingon naman sa kaniya si Teofilo.
"Ano ang iyong ibig sabihin?"
Dahan-dahan namang ipinataw ni Mina ang kaniyang tingin sa bint at saka niya ito nginitian. "Simula nang mawala si Lita ay hindi kita nakitang umiyak o nag Luka man lang, "tugon niya habang nakatitig pa rin sa mata ng binata. Napangiti naman si Teo filo at saka napaiwas ng tingin ngunit ang ngiting ‘yon ay may bahid ng pait at lungkot.
"Hindi mo ako kailangang alalahanin pa sapagkat ayos lang ako."Ngiti ng binata. Napangiti naman ng mapait si Mina. "Hindi mo kailangang magpanggap sa akin Telong. Hindi ba't tayo'y mag kaibigan? Narito ako upang dumamay sa lungkot na iyong nararamdaman, "saad pa nang dalaga, sandali namang hindi nakatugon si Teofilo ngunit nanatili itong nakaiwas ng tingin sa dalaga.
Maya-maya pa ay naririnig na ang paghikbi nito at walang tigil sa pagpunas ng luha na umagos sa kaniyang pisngi. Marahan naman na tinapik ni Mina ang likod nito at hindi niya na rin naiwasan pang lumuha.
"Nais kong maikasal sa iyong panganay na anak doktor Julian at ito'y mamadaliin ko na. Nais kong maikasal kami sa lalong madalingpanahon., "seryosong usal ni heneral Edilberto.
Nanlaki naman ang mata ni Joselito nang marinig ‘yon at mabilis siyang napasulyap sa kaniyang ate na natigilan rin sa pagkain. Wala ring imik si donya Palma sapagkat hindi siya maaring makisawsaw sa upasan ng dalawa.
"Walang problema heneral lalo pa at nais ko na rin na makapangasawa si Polina, "tugon ni doktor Julio na sinabayan pa ng malakas nitong paghalakhak.
Nakayuko naman si Joeliano habang hawak nang napakahigpit ang kubyertos sa kaniyang kamay na nais na niyang i****k sa lalamunan ng heneral.
Nang matapos ang kanilang agahan ay tulala si Polonya sa kaniyang silid habang nakatanaw sa bintana. "Ayokong maikasal Landon, "usal ni Polonya nang maramdaman niya ang presensiya ng kaniyang kapatid na pumasok sa kaniyang silid. Hinarap niya si Joeliano na kunot noo at magkadikit rin ang kaniyang dalawang kamay dahil sa sobrang kaba.
"Napakarami ko pang nais maranasan, mapuntahan at ayoko pang matali sa isang lalaki lalong-lalo na sa heneral na I yon! "dagdag pa nito habang nakatingin sa kapatid. Naupo si Joeliano sa harap ni Polonya. "Huwag kang mag-alala ate, dudulog ako kay ama ngayon din."tugon ng binta at saka niya h******n ang kaniyang nakatatandang kapatid.
Huminga si Joeliano ng malalim bago niya tuluyang buksan ang silid ng kaniyang ama. Nadatnan niya itong nakatanaw sa bintana habang hinihithit ang isang tobacco. "Bukod sa hindi ka na marunong gumalang, hindi ka na rin pala marunong kumatok."rinig niyang usal nito ngunit tumuloy na siya at marahang isinara ang pinto. Nanatili siyang nakatayo malapit sa pinto samantala nakatayo pa rin sa harap ng bintana ang kaniyang ama.
"Nais kong tutulan ninyo ang pagnanais ni heneral Edilberto na makaisang d****b ang akingkapatid,"panimula niya habang nakayuko. Narinig naman niya ang pagngisi ni doktor Julio at nakita niya itong humarap sa kaniya.
"Bakit? Nararapat lamang na maikasal na ang iyong nakatatandang kapatid dahil nasa tamang edad na siya, " tugon nito at pinatay na niya ang sindi ng hawak niyang tobacco.
"Hindi ninyo naiintindihan ama. Hindi pa handa si ate Polonya sa mga usaping iyon~"hindi niya natapos ang kaniyang sinasabi nang magsalita ang kaniyang ama.
"Mayroon pang paraan upang hindi maganap ang kasalang iyon, Lanong, "
Napakunot ang noo ng binata habang diretsong nakatitig sa mata ng kaniyang ama. "Dalhin mo sa akin ang babaeng iyong tinatangi kapalit ng kalayaan ng iyong kapatid."dagdag pa nito dahilan upang mapabagsak ang balikat niya dahil sa pagkakataong iyon ay nahihirapan siyang magdesisyon. Pipiliin niya ba ang kalayaan ng kaniyang nakatatandang kapatid o mas pipiliin niyang hayaan na lamang ito upang mapanatili ang kaligtasan ng kaniyang pinakatatanging dalaga.
"Batid kong nakarating na sa inyo na ang mansyon ng gobernador-heneral ay pinamumugarahan ng mga rebelled, "turan ni heneral Edilberto sabay lagok ng alak na nasa kaniyang baso at itinaas niya pa iyon habang nakatingin kay hukom Rodolfo.
"Ano ang nais mong ipaintindi heneral?"tugon naman nito na tila interesado sa nais isalaysay ng heneral. "Pareho tayo ng layunin hukom Rodolfo kaya't huwag na tayong magpaligoy-ligoy. Nais kong pabagsakin si Vicente at nais kong ako ang mamuno sa buong lalawigan na ito, "diretso nitong saad na walang pag aalinlangan.
"Mataas pa rin ang iyong hangarin ngunit hindi ako makapapayag na ikaw lamang ang umani ng lahat ng palay heneral."tawa ng hukom.
"Sa oras na mapabagsak natin ang inutil na iyon mamili ka na kung anong nais mong posisyon sa gobyerno at ipagkakaloob ko ito sa iyo."Tugon naman ni heneral Edilberto at muling itinaas ang kupita na tila damang-dama na nito ang pagkapanalo.
"Hindi ko alam kung batid mo ang aking isasalay sa iyo ngayon."napalingon si Mina kay tatay Arturo nang marinig niya ang tinuran nito. Kasalukuyan niyang hinahasa ang isang palaso na pagmamay-ari ni Lita.
"Patungkol po saan tatay Arturo?"kunot noong tugon niya at saka ibinalik ang tingin sa tulis ng palaso at pinagmasdan iyon.
"Si Marcelo na aking bunsong kapatid, mayroon siyang tinatanging dalaga noon. Ang sabi niya sa akin ang dalagang iyon ay ang kaniyang unban pag-ibig, "turan ni tatay Arturo. Hindi naman na nagsalita pa si Mina at pinakinggan na lamang ang kwento ng matanda.
"Laging nagtutungo ang aking kapatid sa hacienda nila at nagpapanggap bilang isa sa mga hardinero upang masulyapan lamang ang dalagang iyon. Saksi ako kung paano naging maligaya si Marcelo sa tuwing nasisilayan niya ang señorita. Ngunit isang araw nang magtungo siyang muli sa hacienda ay nagkakagulo raw sapagkat ang binibining kaniyang tinatangi at ang binatang anak ng gobernador ay usap-usapang nagtanan."napalingon si Mina kay tatay Arturo.
"Kitang-kita ko sa mata ni Marcelo noon ang labis na pagkabigo. Pagkabigo sa kaniyang unang pag-ibig. Nagawa niya pang ihambing ang kaniyang sarili sa isang lupa na kailan man ay hinding hindi maaabot ang kalangitan. Lumipas ang dalawang buwan, nakasagap kami ng bali-balitang nadakip ang señorita at ang binatang anak ng gobernador, pinaglayo silang dalawa at nagawa pang parusahan ng malupit na gobernador ang pamilya ng señoritang labis na tinatangi ng aking kapatid. Ipinapatay ng gobernador ang pamilyang iyon at lubos ang pagdadalamhati ni Marcelo nang malaman niya iyon."ngumiti nang mapait si tatay Arturo at saka niya hinimas ang maputing buhok ni Mina.
Bahagya namang napapakunot ang noo ni Mina sapagkat pakiwari niya ay narinig na niya ang kwentong iyon.
"Makalipas lamang ang isang linggo ay napagdesisyunan ni Marcelo na magtungo sa ibang lugar upang makalimot sa masalimuot na kaniyang naranasan dito sa Cavite. Ngunit makaraan lamang ang isang buwan ay nagbalik si Marcelo at malaki ang pagtataka ko sapagkat kasama niya angseñoritaa na kaniyang lubos na tinatangi. Malaki na ang tiyan ng señorita at nagdadalang tao ito. Ikinasal silang dalawa at isinilang ni Flordelisa ang isang kakaibang babaeng sanggol."ngiti ni tatay Arturo.
"Si ina? Isa po siyang señorita noon?"tanong ni Mina na agad ding tinanguan ng matanda. "Ngunit hindi Flordelisa ang kaniyang ngalan sapagkat ang kaniyang totoong pangalan ay Lorente, itinago lamang siya sa pangalan Flordelisa upang hindi na siya makilala pa ng mga tao bilang señorita noon na naparusahan, "dagdag pa nito at saka diretsong tiningnan sa mata si Mina.
"Ngunit ang batang kaniyang isinilang noon ay hindi si Marcelo ang ama... Sapagkat ang pagtatanan noon ni señorita Lorente at ang binatang anak ng gobernador na siyang gobernador-heneral ngayon ay nagbunga at ang kakaibang batang iyong ay walang iba kun'di ikaw...Mina."seryosong turan nito dahilan upang manlaki ang mata ng dalaga at sakto ring maalala niya ang ikinukwento sa kaniya noon ni mayor doma Emilda.
"Tinulungan kita noon at sa aking palagay ay ito na ang nakatakdang panahon upang suklian mo ang aking tulong na ibinigay sa iyo, "turan ni heneral Edilberto.
Hindi naman tumugon si Victorina at nanatili itong nakatingin sa mga taong nagsasayawan sa gitna. Kaarawan ni Joselito at kasalukuyan itong ipinagdiriwang sa mansyon ni heneral Edilberto at imbitado ang lahat ng mga matatas na kawani ng gobyerno.
"Sinabi mong ipapatay ko ang mag asawang Cortez kahit pa hindi sila totoong mga kasapi ng rebelde at ginawa ko iyon señorita, "ngisi pa niya habang pinagmamasdan si Victorina na noo'y nagitla dahil sa tinuran nito, napalingon siya sa paligid at inobserbahan kung mayroong nakarinig sa tinuran nito.
Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa heneral. "Ano ang iyong nais?!"irita nitong saad.
"Nais kong ikaw ang kumilos upang maakusahan ang iyong ama bilang pangkat ng mga rebelde."namilog naman ang mga mata ng señorita nang marinig iyon.
"Ano?!"
"Hindi ba't isa ka rin sa mga naghahangad na mapatalsik ang iyong ama sa kaniyang posisyon, kaya't ito na ang panahong iyon. Nasa iyong kamay na señorita.” itinaas nito ang hawak na baso na naglalaman ng mamahaling alak at saka ito naglakad at nagtungo sa pangkat ng iba pang kawani.
Napabuga na lamang nang hininga si Victorina at muling itinuon ang pansin sa mga nagsasayawan. Nahagip ng kaniyang paningin ang ginoong kanina pa hinahanap ng kaniyang paningin...si Joeliano.
“ Pagmasdan mo sila. Nagkakasiyahan na tila wala nang katapusan. Tila walang nangyaring pagpaslang noong nakaraang araw."usal ni Francisco sabay lagok ng alak habang pinagmamasdan ang mga sibilyan, kapitan, guwardiya civil at heneral.
"Ikaw. Pagmasdan mo ang iyong sarili, hindi ka pa lubusang gumagaling ngunit lumalagok na nang isang basong alak!"saad naman ni Antonio habang napapailing pa. Napangisi naman si Francisco at muling uminom.
"Tila wala lamang sa kanila ang pagkitil ng buhay ng isang tao na ang tangi lamang hinihiling ay ang makatuwiran na batas at pantay na pamamalakad ng may mga matataas na katungkulan sa gobyerno."Patuloy ni Francisco.
Lumipas na ang isang linggo. Tahimik nang muli ang buong lalawigan nang Cavite tila nawala ang ingay ng mga naghihimagsik na mga rebelde.
Nalalapit na rin ang araw na pag-iisang d****b nina heneral Edilberto at Polina. Marami na rin ang nagpaabot ng pagbati nang malaman nila ang balita. Tulala si Polonya habang pinagmamasdan ang traje de boda(damit pangkasal) na kaniyang isusuot sa araw ng kanila ng kasal. Isa itong masamang bangungot para sa kaniya na tila hinding hindi na niya matatakasan pa. Napalingon siya sa pinto ng kaniyang silid nang bumukas iyon.
Bahagya siyang ngumiti nang makita si Joeliano. "Kumusta?"bati niya at pilit na pinasigla ang kaniyang boses. Ngumiti naman pabalik si Joeliano at pinagmasdan ang traje de boda. "Maganda ang kasuotan ito,” puri ni Joeliano at muling tiningnan ang kapatid.
"Maganda ngunit hindi ko nais na isuot."tugon ni Polonya dahilan upang makaramdam ng lungkot ang binata.
"Idinulog ko na kay ama ngunit~"natigilan si Joeliano nang magsalita si Polonya.
"Ngunit napakahirap gawin ng kapalit na kaniyang hinihingi."putol nito na ikinagulat ni Joeliano. Patawadd ate, "usal niya at napayuko na lamang nang maalala niya ang kapalit na hinihingi ng kanilang ama.
"Kung ako'y isinilang na lamang bilang isang babae, hindi na sana kayo nahihirapan ng ganito. "kapwa sila napalingon kay Joselito na kakapasok lamang sa silid.
Pareho silang natawa dahil sa tinuran nito at saka nila niyakap ang isa't isa.
"Wala pa ba tayong gagawin na pag aaklas Telong? Ilang buwan na rin ang lumipas ngunit wala pa ring nangyayari."turan ng isang lalaki na agad ring sinang-ayunan ng nakararami.
"Paumanhin sa inyong lahat ngunit kailangan nating maghintay ng tamang panahon upang mag aklas, batid kong ang lahat sa inyong nahihirapan na, wala nang makain ngunit pakiusap maghintay tayo at sisiguruhin kong sa pag aaklas na ating gagawin ay tayo ang mananalo."saad ni Teofilo at inilibot niya ang kaniyang paningin sa mga taong nasa kaniyang harapan.
"Telong! Telong!"
Natuon ang pansin ng lahat sa humahangos na si tatay Arturo. "Iyo bang nakita si Mina? Hindi ko siya matagpuan kanina pa!"turan nito dahilan upang mangamba ang binata dahil alam niya ang taglay na katigasan ng ulo ng dalagang iyon.
"Huwag ka pong mag alala, hahanapin ko siya."mabilis niyang tugon at saka siya nagtungo sa mga kabayo.
Malakas na ang pagbuhos ng ulan ngunit nanatiling nakaupo si Mina sa ilalim ng puno kung saan siya madalas na magpunta noong nabubuhay pa ang kaniyang ina at amang si Marcelo. Tanaw niya ang dati nilang bahay na natupok na nang apoy dahil sa ginawang pagsunog ng mga guwardiya civil noon. Malakas ang bawat hampas ng hangin dahilan upang tangayin ang mga sanga ng puno kung saan siya naroroon.
Nais niyang mapag-isa at mag isip-isip dahil sa kaniyang nalaman ukol sa tunay niyang ama. Ang kinasusuklaman niyang gobernador-heneral, ang gobernador-heneral na walang ginawa upang maligtas ang pangalawang inang kaniyang kinilala, ang siyang tunay niyang ama! Bumalik rin sa kaniya ang ikinukwento sa kaniya noon ni mayor doma Emilda. Ang binatang iniibig nito walang iba kun'di si gobernador-heneral Vincente.
Isinugal niya ang buhay niya para maligtas ito ngunit hindi iyon nasuklian ni-pagmamahal.
"Bininining Mina?"napalingon siya kung saan nanggaling ang pamilyar na tinig at biglang lumundag sa tuwa ang kaniyang puso nang makita si Joeliano. Malakas pa rin ang ulan at katulad niya'y basang basa na rin ito. Tila nalimutan niya ang mga problemang dinaramdam niya kanina lamang dahil nasa kaniyang harapan na ang tanging magpapakalma sa galit niyang puso
Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu
Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang
Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk
Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina
"Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc
Malamig na simoy ng hangin ang marahang dumadampi sa maputing balat ni Mina. Kasalukuyan ng nahihimbing ang lahat sa pag-tulog ngunit siya ay hindi pa. Marahil ay nais niyang pagmasdan muli ang napakagandang liwanag ng buwan na natatabunan ng ulap sa kalangitan. Hindi na sumasakit ang kaniyang mata dahil sa liwanag ng sikat ng araw twing umaga. Sa ganitong tanawin ay banayad ang kaniyang pakiramdam dahil hindi masakit sa mata ang liwanag ng buwan kung ikukumpara sa liwanag ng sikat ng araw tuwing darating ang umaga. Tumayo siya at muling inamoy ang napakabangong bulaklak ng sampaguita na nasa kaniyang kana ng kamay. Sa gabi lamang siya nakakapamasyal o nakakalabas ng kanilang tahanan sapagkat hindi maaaring masikatan ng araw ang balat niya. Hindi gaya ng iba, madaling masunong o humapdi ang balat ni Mina kaya gano'n na lamang kung harangan ng kurtina ang kaniyang silid upang walang liwanag ng araw ang makakapasok doon. Pinagb
“Binibini, sandali lamang pakiusap!” Nang maautan niya ito ay aksidente niyang hawakan ang suot nitong puting balabal at diretso iyong nahulog at naglaglag.Natigilan si Joeliano nang humarap sa kaniya ang binibini. Hindi ito ang dalagang inaasahan niyang kaniyang makikita. “Paumanhin binibini,”sabi niya at saka dinampot ang nalaglag na balabal at agad niya iyong ibinalik sa dalagang walang kurap na nakatitig sa kaniya.“Ayos lamang Ginoong Joeliano,”ugon nito at hinawi ang sariling buhok papunta sa likod ng tenga nito. Ngumiti ang binati at saka niya hinubad ang suot niyang sumbrero at mabilis na inilapat sa kaniiyang dibdib upang magpaalam. tinalikuran na niya ang dalaga na hindi ri makapaniwalang makakadaupang-palad niya ang anak ng tanyag na doktor na taga-Laguna.Samantala, habol naman ang paghinga ni Mina habang pilit na ikinukubli ang saili sa likod ng isang malaking puno.
“Lanong, huwag ka nang lumayo sapagkat tayo ay aalis na rin maya-maya,”saad ng ina ni Joeliano habang binibihisan nito ang kaniyang nakababatang kapatid na si Joselito. “Ina, nasa Laguna po ba ang aking kapatid na si ate Polonya?”tanong niya na agad rin na tinanguan ng ina. “kung gayon nasasabik na akong magbalik sa ating bayan,”turan pa niya at isinuot niya ang kaniyang sumbrero. “Mamamasyal po ako sa bukirin ni Heneral Edilberto”daggdag pa niya at saka siya naglakad paalis. Naglakad-lakad siya hanggang sa marating niya ang bukirin. Tahimik na ang buong kapaligiran at tanging ang tunog lamang mga kuliglig ang bumabasag sa katahimikan. “Talaga ngang magkawangis tayo,”napatingala siya sa ikalawang palapag ng isang bahay na nakatayo malapit sa bukirin. “May binibini sa tahanan na ito?tanong niya sa sarili habang nakatingala pa rin sa saradong bintana sa ikalawang palapag. Dahil sa kaniyang kuryosidad ay naupoo siya roon at hinintay ang pag
"Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc
Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina
Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk
Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang
Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu
Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni
“Tatay Arturo!”sigaw ni Mina atsaka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito at saka napatango sa binata. Nagtanggal na rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang boses mo, sino ka?”tanong niya habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin nam
“Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt