Home / History / Yugto / Kabanata 19

Share

Kabanata 19

Author: Fourthpretty
last update Huling Na-update: 2021-12-03 00:00:26

Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.

Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon.

"Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo.

"Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa mukha nito ang kalungkutan at matinding pagkadismaya dahil sa nangyari.

Hindi na aabot ang kanilang bilang sa limangpu kung kaya't napakaimposible na nilang magapi ang napakaraming guwardiya civil at mga sundalo.

"Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Lalaban tayo hanggang sa ating mga huling hininga at sinasabi ko sainyong tayo ang magwawagi, sa tulong na rin ni binibining Mina."malakas na saad ni Teofilo habang nanliliit ang mga mata dahil sa sikat ng araw. Kinuha niya ang itak na nasa kaniyang tagiliran at itinaas iyon.

"Bibigyan natin ng patas na pamamalakad ang buong lalawigan at palalayain ito sa kamay ng mga taong ganid!"sigaw niya saka tiningnan isa-isa ang mga kalalakihang natira ng lusubin ng mga kaaway ang kanilang kuta.

"Lalaban tayo!"sigaw pa si Ignacio at itinaas 'rin ang kaniyang itak. Nawawalan man ng pag-asa ang iba na lumaban ay unti-unti bumalik ang kanilang tiwala at itinaas na 'rin ang kaniyang mga kamay at sabay sabay sumigaw.

Napangiti si Teofilo nang makita ang mga itong may lakas na muli ng loob upang samahan siyang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Ilang araw na rin kasi ang lumipas simula noong salakayin sila ng mga guwardiya civil at mga sundalo na pinangungunahan ni Joeliano.

"Mga sundalo!"sigaw ni Ignacio na ikinagulat ni Teofilo. Hindi niya batid kung papaano nahanap ng mga ito ang kanilang kuta. Mabilis niyang inilabas ang kaniyang tabak at sinabihan si Ignacio na ipaalam sa kanilang mga kaanib.

Bumungad sa kanila ang mga putok ng mga baril at napalibot 'rin ang kaniyang tingin sa paligid. Agad na napahandusay ang ilang mga kababaihan na tinamaan ng mga bala mula sa guwardiya civil. Tumakbo siya at nagtago sa malaking puno upang alamin kung sino ang namumuno ng hukbong iyon.

Napasinghap siya nang makita ang binatang nakita na niya noon na kasama ni Mina ilalim ng puno. Ito ang pangalawang anak ni doktor Julio. Napalingon siya sa isang ginang na napahagulgol ngunit agad rin siyang napa-iwas ng tingin ng makita niyang gilatan ng leeg ang isang bata ng isang sundalo.

Muli niyang ibinalik ang kaniyang paningin sa binata at nanlaki ang kaniyang mata nang makita niyang papasok na ito na bahay kung nasaan si Mina at tatay Arturo. Mabilis siyang tumakbo patungo roon ngunit natigilan siya nang maramdaman niya ang mahapding bagay na dumaplis sa kaniyang mukha na naging sanhi ng pagdurugo ng kaniyang pisngi.

Akmang sasaksakin na siya ng isang guwardiya civil ngunit mabilis niyang iginalaw ang kaniyang kanang kamay na siyang may hawak ng tabak. Ibinaon niya iyon sa tiyan ng guwardiya at mabilis na hinugot ngunit hindi pa siya nakakapagpatuloy sa paglalakad ng tamaan siya ng isang bala sa kaniyang kaliwang balikat dahilan upang mapahandusay siya at ramdam niya sa kaniyang buong katawan ang init na dala noon.

"Telong!"rinig niyang sigaw ni Ignacio at naramdaman niya ang pag-akay nito sa kaniya patayo.

"S-Sina tatay Arturo. "usal niya.

"Paumanhin ngunit hindi kita hahayaang mamatay, itatakas na kita!"sigaw ni Ignacio habang akay ang kaniyang kaibigan. Mayroon rin siyang sugat na natamo ngunit pinilit niyang kayanin upang maagapan ang kaniyang kaibigan.

Karamihan sa mga nakaligtas ay mga kalalakihan at sama-sama nilang nilisan ang kanilang kuta at nagtungo sila sa pinakaliblib na bahagi ng kagubatan. Makalipas lamang ang isang araw bumalik silang mag kaibigan sa dati nilang kuta at agad niyang hinanap si Mina sa mga nagkalat na katawan na wala nang buhay.

Pumasok siya sa bahay kung saan namamalagi ang mag tiyo at natigilan siya ng makita si tatay Arturo. Nakahandusay ang katawan nito at tuyo na 'rin ang dugo sa damit nito at mukha. Dahan-dahan niyang nilapitan ang katawan ng matanda at tahimik niya itong pinagdasal habang tumutulo ang kaniyang luha.

Masakit pa 'rin ang mga sugat na kaniyang natamo at maging ang sugat sa kaniyang pisngi na siguro siyang mag-iiwan ng pilat.

Tumayo siya at hinanap ang katawan ng dalaga sa maliit na bahay na iyon ngunit wala siyang matagpuan kung kaya't ipinaalam niya iyon kay Ignacio.

Dahan-dahang hinimas ni Teofilo ang sugat sa kaniyang mukha na bahagya nang natutuyo sa tulong mga halamang gamot. Hindi niya pa 'rin maigalaw ng maayos ang kaniyang kaliwang braso dulot ng balang tumama sa kaniya. Tahimik niyang pinagmasdan ang puntod ni tatay Arturo.

"Hahanapin ko si Mina para sa iyo tatay Arturo. "sambit pa niya.

"Bitawan nga ninyo ako!"sigaw ni Mina dahil patuloy pa rin siyang kinakaladkad ng dalawang babae. Ipinakuha na siya ni heneral Edilberto mula sa seldang kahoy at dinala sa mansyon nito.

Araw ng linggo at wala sa mansyon ang mag anak na Crisologo sapagkat sama-sama itong nagtungo sa simbahan upang dumalo ng misa.

"Maliligo ka nang mag isa o nais mong kami pa ang gumawa noon sayo?!"turan ng isang babaeng punong puno ng kolorete ang mukha at pinandidilatan pa siya nito.

Sandali siyang napahimik at nakatitig sa mukha ng babaeng iyon. "Bilisan mo pagkat kailangan mo pang magbihis!"dagdag pa nito sabay malakas na isinarado ang pinto. Iginala ni Mina ang kaniyang paningin, nasa palikuran siya at hanggang ngayon hindi niya pa rin batid ang mga nangyayari. Kung bakit naririto siya sa loob ng ng palikuran at anong kadahilang ipinakuha siya ng heneral na ngayon ay kanila ng gobernador.

Ibinigay na sa kaniya ang katungkulan kinabukasan 'rin noong nahatulan si Don Vicente. Nakapikit ito ngayon ng limang araw bago tuluyang parusahan ng kamatayan.

Natauhan si Mina nang marinig niya ang katok mula sa pinto. "Tapos ka na?"saad ng tinig at muli pang kumatok, sumigaw naman pabalik ang dalaga at nagtungo na siya kung nasaan ang timbang may laman ng tubig.

Ilang sandali pa ay natapos na siya sa paliligo at isinuot ang isang manipis na kasuotan na ibinigay sa kaniya ng babae kanina.

Paglabas niya ng palikuran ay nagulat siya ng makita ang isang puting traje de boda. Bigla siyang nakaramdam ng kaba nang maalala ang sinambit sa kaniya ng heneral noon.

"T-Teka hindi ito maaaring!"saad niya at sabay na nilingon ang dalawa sa kaniyang harap. Agad siyang hinawakan ng nga it sa magkabilang braso dahilan upang hindi na siya makapalag pa.

"Ako lubusang natutuwa sapagkat ikaw ay makapapangasawa na rin, ngunit sino ang maswerteng binibining iyong pakakasalan?"turan ni Padre Luis na siyang kura nang Dasmariñas.

"Maraming salamat sa iyong pagbati Padre ngunit makikilala ninyo rin dahil nakasisiguro akong padating na ang kalesang kaniyang sinasakyan."nakangiti namang tugon ng bagong gobernador na si heneral Edilberto. Naka suot siya ng traje de novio at kasalukuyan na silang nasa simbahan habang hinihintay ang pagdating ni Mina.

Dumalo ang lahat ng mga kilalang pamilya na kabilang sa mga mayayamang pamilya. Kabilang na roon ang pamilya ng Crisologo at maging si Victorina Arcillas.

Marami ang walang alam kung kaninong babae ikakasal ang bagong gobernador kaya't lahat ay nasasabik sa pagdating babaeng ka isang d****b nito.

"Ilang araw na tayong naglalakbay baka wala na talagang natirang rebelde."sambit ni Antonio habang hawak ang tali ng kabayo at sinasabayan sa paglalakad si Francisco.

"Sila nalang ang maari nating maging kakampi kaya't kung wala na talaga sila ay mababago ang aking plano."tugonni Francisco ngunit natigilan sila nang marinig nila ang pagsigaw ni Aurora na papalapit sa kanila.

"Hinahapo ka Aurora, bakit tila nagmamadali ka?"tanong ni Francisco at hinawakan sa magkabilang braso ang kaniyang pinsan.

"K-Kuya si binibining Mina nakita kong inilabas na siya sa selda at pinasakay sa kalesang batid kong pagmamay-ari ng bagong gobernador. "utal nitong tugon at napalunok dahil sa matindi nitong pagod dahil sa paghahanap kay Francisco.

Agad naman na napakunot ang noo ng heneral at mabilis na sumakay sa kaniyang kabayo at nilingon si Antonio.

"Magtutungo ako sa hacienda ng tarantadong heneral na iyon at ikaw ay mangalap ng impormasyon kung ano ang kaniyang mga pinaplano!"saad ni Francisco at napalingon sa kaniyang pinsan.

"Ako na ang bahala kay Aurora magmadali kana."turan ni Antonio na agad 'rin niyang tinanguan saka niya pinatakbo ang kabayo.

Napakaraming tumatakbo sa kaniyang isipan ngayon. Tulad na lamang ng kung papaaano niya mapapalaya si Mina sa kamay ng kanilang demonyong pinuno.

“Ano ang nagaganap rito?"usal ni Ignacio habang inililibot ang kaniyang paningin sa mga nakasabit na banderitas at mga magagarbong kalesa.

Nagtungo siya sa Dasmariñas upang mag manman, nag balat-kayo siya bilang isang naglalako ng mga buhay na manok, nakasilid ang mga manok sa magaan na kulungan at isinabit niya iyon sa kaniyang kanang balikat.

Nagkalat 'rin ang mga sundalo't guwardiya civil kaya't nag-iingat siya sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa.

Napalingon siya sa isang napakagarbong kalesa na napalilibutan ng mga puting laso.

"Ikaw!"

Napalingon siya sa isang sundalo na nakaduro sa kaniya ngunit malayo ito mula sa kaniya kinatatayuan. "Ipinagbabawal dito ang mga tindero o mga manglalako!"sigaw pa nito at sinenyasan siyang umalis. Muli siyang napalingon sa kalesang magarbong ngunit hindi pa rin lumalabas ang sakay noon.

Naglakad na siya paalis dahil kung magtatagal pa siya roon ay maari pang magkagulo.

"Heneral! Lumabas ka riyan!"sigaw ni Francisco nang marating niya ang hacienda ngunit walang lumabas roon maliban sa ilang guwardiya civil at isang may edad nang tagasilbi.

"Paumanhin heneral Francisco Pablo ngunit si gobernador Edilberto po ba ang inyong pakay?"turan ng ginang at yumukod pa ito bago harapin si Francisco.

"Y-Yung babaeng rebelde, siya ay ipinadakip at dinala rito. Nasaan siya?"

Sandali namang napaisip ang ginang."Ang may kakaibang wangid na dalagang iyon? Kaaalis lamang nila kasama ng dalawang dilag sakay ng isang kalesa patungo nang simbahan."tugon nito.

"Simbahan?"kunot noong tanong ng binata.

"Kasalukuyan ngayong ginaganap ang pag iisang d****b ni gobernador Edilberto at nang dalagang iyon."turan pa ng ginang na ikinagitla ni Francisco

Francisco.

"Nanlaki ang mata ni Antonio nang makita niya ang isang magarbong kalesa, itinigil niya ang pagtakbo ng kabayo dahilan upang masubsob ang mukha ni Aurora sa kaniyang likuran.

Ang mas lalo niya pang ikinagulat ay ang paglabas ng binibini mula sa kalesang iyon na walang iba kung hindi si Mina.

Napahimas-himas naman si Aurora sa kaniyang noo at nanlaki rin ang kaniyang mata nang makita si Mina na ngayon ay nagpupumilit na makawala sa dalawang dalagang may hawak sa kaniya. Naka suot ito ng puting traje de boda at nilagyan rin ng kaunting kolorete ang mukha nito dahilan upang mas lalong magningning ang kaniyang kagandahan.

"S-Si binibining Mina!"turan ng dalagita habang nakaturo sa direksyon nang bungad ng simbahan.

Wala nang nagawa pa si Mina dahil hindi niya kinakaya ang puwersa ng dalawang taong buong Lakas ang hawak sa kaniya. Natigilan siya ng madako ang kaniyang paningin sa altar at naroon si gobernador Edilberto, nakangiti ito at walang pakialam sa ipinapakitang pagpupumiglas ng dalaga.

Naririnig rin ang pagbubulong-bulungan ng mga dumalong Don at Donya sa kasal. Kasalukuyan ng nasa gitna si Mina habang hawak pa 'rin ng dalawang dalaga ang kaniyang magkabilang braso.

Natigilan siya sa paglalakad ng makita niya sa gilid ang isang binatang nakalikod at nabubukod tangi sa lahat sapagkat lahat ng tao sa loob ng simbahan nasa kaniya atensyon maliban sa binatang iyon. Sandali siyang napatitig sa likod noon at mabilis na nagbalik sa kaniyang ala-ala kung paano nito walang awang bawian ng buhay si tatay Arturo na siyang itinuring siyang parang tunay na kadugo.

Dahil sa binatang iyon kung bakit maraming namatay at maraming naghihirap ngayon sa loob ng seldang kahoy kung saan siya naroroon ng ilang araw.

Natuon ang atensyon ng lahat sa malaking pinto ng simbahan nang magkagulo roon at nagkaroon pa ng kaunting sigawan.

"Siraulo ka Edilberto! Hindi mapapasayo ang lahat ng naisin mo!"anang boses dahilan upang mapalingon roon si Mina dahil sa pamilyar na tinig na iyon.

Labis ang galak sa kaniyang puso nang makita si Francisco, ang kaisa-isang pag-asa niya upang makatakas sa bangungot na kaniyang hinahanap ngayon.

Nagngitngit sa galit si gobernador Edilberto at agad na sinenyasan ang mga guwardiya civil at mga sundalo na dakpin ang binata. Sandali niyang ipinatigil ang mga nakakahalinang musika dahil na rin sa lumalaking panggugulo ni Francisco.

Mabilis na tumakbo ang dalaga papunta sa direksyon ni Francisco na siyang hawak sa braso ng dalawang sundalo. "Tumakbo ka na binibini."usal ni Francisco ngunit kunot noo siyang tiningnan ni Mina at namumuo na 'rin ang luha nito.

"Magagawa kong tumakbo heneral ngunit napaka imposibleng malagpasan ko ang mga nagkalat na guwardiya civil at sundalo."saad ng dalaga at mabilis na suntok sa mukha ang natamo ni Francisco mula sa bagong gobernador.

"Inutil ka Pablo kung sa tingin mo ay maitatakas mo dalagang ito. Ibang iba na ang aking estado kaysa sayo kaya't maling mali ang iyong binuong desisyon."tila nagliliyab ang mga mata niya nang sabihin iyon at saka niya hinawakan sa braso ang dalaga.

"Tanggalan siya ng ranggo at ikulong ninyo! Tandaan mo Francisco Pablo na hinding hindi matatapos ang araw na ito nang hindi ko siya naaangkin."ngisi nito.

"Isa kang demonyo!"

Napapasinghap ang lahat dahil tagpong nangyayari mismo sa kanilang harapan at nanunuod sila ng isang dumaan sa entablado.

Umiiyak na lumuhod si Mina. "Malaya akong makikipag isang d****b sayo ngunit bigyan mo ng kalayaan si heneral Francisco. "saad niya. Nagawa nang lingunin ni Joeliano ang tagpong iyon at lubos ang kaniyang pagkahabag ng makita ang pasakit na dinaranas ni Mina.

"¡Felicidades" (Congratulations!)

Marami ang nagpaabot ng pagbati dahil naganap na ang kanilang pag iisang d****b. Isa na silang ganap na mag-asawa at bukod pa roon ay hawak na sa leeg ng gobernador si Mina. Kasalukuyan silang nasa pagdiriwang at ang lahat ng tao roon ay nagsasaya maliban kay Mina na nakaupo lamang sa gilid habang pinagmamasdan ang mga mayayamang matapobre.

Gaya nang kaniyang sinambit sa simbahan, pinakawalan nila si Francisco ngunit hindi na ibinalik pa ang ranggo nitong heneral.

Hawak niya ang kaniyang kabilang palad na unti unti niyang naiyukom nang magtama ang kanilang paningin ni gobernador Edilberto. Nadako 'rin ang kaniyang paningin sa mag anak na Crisologo at kabilang roon si si Victorina na masayang masaya habang nakikipag kwentuhan kay donya Palma.

Mula pa kanina ay hindi niya nakitang nilingon siya ni Joeliano. Natigilan siya nang makita niya si Polonya, nakatingin ito ng diretso sa kaniyang mata at ang bawat pagtitig nito ay tila naghahatid ng mga salita. Ilang sandali pa ay umiwas na ito ng tingin at ibinalik ang atensyon sa pamilya.

Tahimik na pinagmamasdan ni Francisco ang papasikat na buwan. Dilaw na dilaw ito na napaliligiran ng kaunting ulap. Nakaupo siya sa harap ng bintana at naaalala ang mga naganap sa simbahan. Wala siyang nagawa at hindi niya man lang naipaglaban o napigilan ang ang pangyayaring iyon.

Ngunit hindi siya titigil sapagkat hindi pa roon nagtatapos ang lahat. Nadako ang paningin niya sa labas, sa kalsada kung saan mayroon siyang naaanig na kung ano. Tahimik na ang buong paligid at mahimbing na ring natutulog ang lahat.

Bumaba siya nagtungo sa madilim na paligid kung saan siya nakakita ng kakaibang pagkilos. Inilibot niya ang kaniyang paningin ngunit wala siyang nakita o naramdaman man lang na anumang bagay. Pabalik na lamang sana siya ngunit may mabilis na patalim ang agad na tumusok sa kaniyang tagiliran.

"Sino ka?"anang tinig ng isang lalaki at kasabay noon ang palabas ng isa pang lalaki na nagkukubli sa isang mahabang kasuotan.

"Sandali nakikilala ko siya."turan nang lalaki. Nanatili namang nakatayo ng tuwid ang binata at pilit na nilalabanan ang hapdi dulot ng patalim sa kaniyang tagiliran.

"Hindi ba't ikaw ang heneral na minsang na kasama ni binibining Mina? "tanong lalaki.

"A-Ako nga."

Tinanggal nila ang kasuotan nagkukubli sa kanilang pagkakakilanlan. "Isa kayong mga rebelde, matagal ko na kayong hinahanap!"

"Nais kong umanib sa inyo at makipagtulungan upang palayain si binibining Mina sa kamay ng bagong gobernador. "dagdag pa ni Francisco. Kumunot ang noo ni Teofilo at diretsong tiningnan ang binata.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Bitiwan mo ako!"sigaw ni Mina habang walang habas na pumapalag sa bawat paghawak sa kaniya ni gobernador Edilberto. Ngunit isang mabilis na suntok ang kaniyang natamo sa sikmura dahilan ng kaniyang panghihina at ininda ang kaniyang tiyan.

Pinunit na 'rin ng gobernador ang suot nitong traje de boda dahil hindi pa 'rin ito nagpapalit simula nang marating nila ang hacienda. "Sinabi ko naman sayo na mangyayari ito at magaganap ang lahat ng aking mga naisin. "turan pa nito at tuluyan na nga niyang nagawa ang kaniyang matagal nang ninanais. Luha na lamang ang nailabas ng walang kalaban laban na babae dahil sa patuloy na pangbababoy sa kaniya ng lalaki na walang ibang hinangad kung hindi makuha lamang ang nais nito sa kaniya.

Ilang sandali ang biglang nagkagulo at rinig ang mga pagputok ng mga baril. Nagitla ang gobernador at nagmasid at dumungaw sa bintana ngunit nagulat siya sa biglang pagbukas ng pinto at iniluwa noon ang dalawang lalaki.

"Ako na ang bahala itakas mo na siya!"turan nang isang lalaking nakatago ang pagkakakilanlan sa kasuotan. Mabilis na kinuha ng gobernador ang kaniyang baril at itinutok sa dalawa.

"Hindi ninyo siya makukuha!"saad nitong sabay putok ng baril ngunit hindi ito nakaasinta kayat tumama ito sa isang malaking aparador. Agad na ginawa ng paraan ang isang lalaki upang makalapit kay Mina na walang kahit na anong kasuotan sa katawan at tila wala itong malay. Mabilis niya itong pinatungan ng mahabang tela at binuhat.

Samantala ay nakalabas nasa labas na nang silid sina gobernador Edilberto at ang isa pang lalaki habang pinatutumba ang isat-isa. Itinakas na nito si Mina batay sa kanilang binuong plano at dahil batid na nito ang mga daan sa loob ng hacienda ng gobernador ay agad niyang nailayo roon si Mina. Dinala niya ito sa kagubatan kung saan naghihintay ang isa pang lalaki upang isakay si Mina sa kalesa.

Binalikan nito ang hacienda upang balikat ang isa pang lalaking naiwan doon na mag isang hinarap ang lahat ng guwardiya at sundalo ngunit natigilan siya nang makita itong nakaluhod habang pinaliligiran ng mga sundalo at nasa harap nito nakatayo ang gobernador na nagtamo ng mga sugat.

Nanatili siyang nakatayo sa likod nang malaking puno at hinihintay ang mga susunod na mangyayari.

Tinanggalan ito ng telang nagkukubli rito na si gobernador Edilberto mismo ang gumawa.

Naluhod si Teofilo habang nakagapos ang dalawang kamay sa likod at nakayuko ang ulo. Kasabay noon ang malakas na paghalakhak ng gobernador. "Isa na namang rebelde! "sambit nito saka isinampal sa binata ang hawak nitong tela at dinampot ang itak na pagmamay-ari ni Teofilo.

"Patayin ninyo...gamit ang pagmamay-ari niyang patalim."turan nito saka muling humalakhak at inhabit ang itak sa isang sundalo.

Napahinga ng malalim si Teofilo at nag-angat nang tingin. Kasabay nang mabilis na pagbaon sa kaniyang likuran ang sarili niyang itak at ang huling mga salitang sinambit niya sa kaniyang isipan ay;

"Sa wakas magkakasama na tayo Lita, wala nang labanan sa ating pagitan at wala nang dadanak na dugo, wala nang ingay ng mga putok ng mga baril na umaalingawngaw sa ating pandinig sa halip ay ang maririnig natin ay ang ating mga pusong malakas ang pintig at nasasabik na mahagkan ang isa't-isa."

Kaugnay na kabanata

  • Yugto   Kabanata 20

    Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • Yugto   Wakas

    "Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • Yugto   Simula

    Malamig na simoy ng hangin ang marahang dumadampi sa maputing balat ni Mina. Kasalukuyan ng nahihimbing ang lahat sa pag-tulog ngunit siya ay hindi pa. Marahil ay nais niyang pagmasdan muli ang napakagandang liwanag ng buwan na natatabunan ng ulap sa kalangitan. Hindi na sumasakit ang kaniyang mata dahil sa liwanag ng sikat ng araw twing umaga. Sa ganitong tanawin ay banayad ang kaniyang pakiramdam dahil hindi masakit sa mata ang liwanag ng buwan kung ikukumpara sa liwanag ng sikat ng araw tuwing darating ang umaga. Tumayo siya at muling inamoy ang napakabangong bulaklak ng sampaguita na nasa kaniyang kana ng kamay. Sa gabi lamang siya nakakapamasyal o nakakalabas ng kanilang tahanan sapagkat hindi maaaring masikatan ng araw ang balat niya. Hindi gaya ng iba, madaling masunong o humapdi ang balat ni Mina kaya gano'n na lamang kung harangan ng kurtina ang kaniyang silid upang walang liwanag ng araw ang makakapasok doon. Pinagb

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Yugto   Kabanata 2

    “Binibini, sandali lamang pakiusap!” Nang maautan niya ito ay aksidente niyang hawakan ang suot nitong puting balabal at diretso iyong nahulog at naglaglag.Natigilan si Joeliano nang humarap sa kaniya ang binibini. Hindi ito ang dalagang inaasahan niyang kaniyang makikita. “Paumanhin binibini,”sabi niya at saka dinampot ang nalaglag na balabal at agad niya iyong ibinalik sa dalagang walang kurap na nakatitig sa kaniya.“Ayos lamang Ginoong Joeliano,”ugon nito at hinawi ang sariling buhok papunta sa likod ng tenga nito. Ngumiti ang binati at saka niya hinubad ang suot niyang sumbrero at mabilis na inilapat sa kaniiyang dibdib upang magpaalam. tinalikuran na niya ang dalaga na hindi ri makapaniwalang makakadaupang-palad niya ang anak ng tanyag na doktor na taga-Laguna.Samantala, habol naman ang paghinga ni Mina habang pilit na ikinukubli ang saili sa likod ng isang malaking puno.

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Yugto   Kabanata 3

    “Lanong, huwag ka nang lumayo sapagkat tayo ay aalis na rin maya-maya,”saad ng ina ni Joeliano habang binibihisan nito ang kaniyang nakababatang kapatid na si Joselito. “Ina, nasa Laguna po ba ang aking kapatid na si ate Polonya?”tanong niya na agad rin na tinanguan ng ina. “kung gayon nasasabik na akong magbalik sa ating bayan,”turan pa niya at isinuot niya ang kaniyang sumbrero. “Mamamasyal po ako sa bukirin ni Heneral Edilberto”daggdag pa niya at saka siya naglakad paalis. Naglakad-lakad siya hanggang sa marating niya ang bukirin. Tahimik na ang buong kapaligiran at tanging ang tunog lamang mga kuliglig ang bumabasag sa katahimikan. “Talaga ngang magkawangis tayo,”napatingala siya sa ikalawang palapag ng isang bahay na nakatayo malapit sa bukirin. “May binibini sa tahanan na ito?tanong niya sa sarili habang nakatingala pa rin sa saradong bintana sa ikalawang palapag. Dahil sa kaniyang kuryosidad ay naupoo siya roon at hinintay ang pag

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • Yugto   Kabanata 4

    Nakayuko si Mina habang pilit niyang ikinukubli ang kaniyang mukha sa mga nadaraanan nilang taga-silbi. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Kay bilis ng mga kaganapan at parang tinangay lamang siya ng malakas na hangin at hindi na siya makabalik pa sa mga araw na lumipas. Nagpapaulit-ulit na tanong sa kaniyang isipan kung ano ang nangyari sa katawan ng mga inakusan. Maayos bang inilbing ang mga ito o basta na lamang itinapon dahil wala naman halaga ang mga iyon. Huminto sa paglalakad ang lahat dahilan upang mapa-angat ng tingin ang dalaga. Nakita niya ang isang babaeng naka-suot ng kulay puti at simpleng baro, kayumangging saya naman ang kaparehas no’n. Maayos din na nakapuood ang buhok nito upang hindi maging sagabal sa mukha nito. “Ikaw na ang bahala sa kaniya, “saad ng Gobernador sa babae at mabilis na itong naglakad papalayo at hindi na nagawa pang mag-pa alam. Hinabol pa niya nang tingin ang Gobernador hanggang sa makaakyat ito

    Huling Na-update : 2021-08-13
  • Yugto   Kabanata 5

    Lubos na nasisiyahan si Mina sa paglalakad lalo na’t kumulimlim at malakas rin ang pg-ihip ng hangin na nagpapasayaw sa mga halaman.May hawak rin siyang mga bulaklak na kaniyang pinitas. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita niya ang isang puting kabayo na nanginginain ng mga halamang damo sa paligid.Naglakad siya palapit doon upang makita nang mas malapit ang kabayo. Kahit na kailan ay hindi niya naranasan na sumakay sa isang kabayo dahil buong buhay niya ay nakulong lamang siya sa kanilang tahanan.Marahan niyang hinimas ang buhok ng kabayo na ikinatuwa niya. Ngunit kumunot ang noo niya nang mapagtanto na imposibleng magkaroon ng kabayo sa lugar na iyon dahil malayo na ito sa mansyon ni Gobernador Vicente.Napalingon siya nang makarinig siya ng ingay ng tubig na nagmmumula sa ibaba.Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likod ng malaking puno at doon niya sinilip kung anong nangyayari sa ibaba. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang ilog at ang mas lalo pang i

    Huling Na-update : 2021-08-15
  • Yugto   Kabanata 6

    Mataas na ang sikat ng araw na sinasabayan ng pagtilaok ng mga manok. Bumangon si Mina sa kaniyang higaan nang madampi sa kaniyang balat ang napakalamig na tubig na binuhos sa kaniya nina Rowena at ng iba pang mga tagasilbi. “Gising na ba ang iyong diwa mahal na priinsesa?”sambit ni Rowena at saka sila naghalakhakan habang pinagmamasdan si Mina na basang-basa. Hindni naman siya nagsalita pabalik sa halip ay pinagpagan niya na lamang ang suot niyang baro at ang kaniyang buhok. “Ikaw ang naatasang maili sa pamilihan ngayong araw kung kaya’t bilisan mo ang iyong kilos!”singhal sa kaniya ni Rowena at saka naunang maglakad palabas ng silid, sumunod nman ang iba pang kasamahan nito. Nagppalit na lamang siya ng kasuotan at saka niya itinali ang kaniyang napakahabang buhok. Kinua niya ang balabal na palagi niyang sinusuot at nagtugo na siya agad sa kusina ng mansyon. Naabutan niya roon na inihahanda na ang mesa habang abala naman si mayor doma Emilda sa

    Huling Na-update : 2021-08-17

Pinakabagong kabanata

  • Yugto   Wakas

    "Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc

  • Yugto   Kabanata 20

    Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina

  • Yugto   Kabanata 19

    Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk

  • Yugto   Kabanata 18

    Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang

  • Yugto   Kabanata 17

    Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu

  • Yugto   Kabanata 16

    Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni

  • Yugto   Kabanata 15

    “Tatay Arturo!”sigaw ni Mina atsaka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito at saka napatango sa binata. Nagtanggal na rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang boses mo, sino ka?”tanong niya habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin nam

  • Yugto   Kabanata 14

    “Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt

  • Yugto   Kabanata 13

    “Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt

DMCA.com Protection Status