Nakayuko si Mina habang pilit niyang ikinukubli ang kaniyang mukha sa mga nadaraanan nilang taga-silbi. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Kay bilis ng mga kaganapan at parang tinangay lamang siya ng malakas na hangin at hindi na siya makabalik pa sa mga araw na lumipas. Nagpapaulit-ulit na tanong sa kaniyang isipan kung ano ang nangyari sa katawan ng mga inakusan. Maayos bang inilbing ang mga ito o basta na lamang itinapon dahil wala naman halaga ang mga iyon.
Huminto sa paglalakad ang lahat dahilan upang mapa-angat ng tingin ang dalaga. Nakita niya ang isang babaeng naka-suot ng kulay puti at simpleng baro, kayumangging saya naman ang kaparehas no’n. Maayos din na nakapuood ang buhok nito upang hindi maging sagabal sa mukha nito.
“Ikaw na ang bahala sa kaniya, “saad ng Gobernador sa babae at mabilis na itong naglakad papalayo at hindi na nagawa pang mag-pa alam. Hinabol pa niya nang tingin ang Gobernador hanggang sa makaakyat ito sa ikalawang palapag.
“Sumunod ka sa akin, “natauhan siya nang marinig ang sinabing iyon ng babae. Naglakad na ito papalabas ng mansyon na agad din naman niyang sinundan, nabaling ang paningin niya sa isang babaeng kasalukuyan siyang pinagmamasdan na sa pakiwari niya ay isa rin sa mga taga-silbi. Yumuko na lamang siya at nag madaling sundan ang babae.
Sa ‘di kalayuan ay natanaw niya ang isang simpleng kubo ngunit may ikalawang palapag, doon pumasok ang babae kaya naman nag madali na siya sa paglalakad.Maladwk ang kubong iyon at napakaraming silid. Natigilan siya sa pagmamasid nang makita niyang nakatitig sa kaniya ang babae at seryoso ang mukha nito. “Nasa ikalawang palapag ang iyong silid, halika at ipapa kita ko sa iyo,”turan nito at ipinagpatuloy na ang paglalakad paakyat. Tahimik ang buong paligid at ang tanging yabag lamang nang kanilang mga kaniyang ang kanilang naririnig.
“Ito ang iyong magiging silid, maaari kang mamahinga sa araw na ito at bukas na bukas ay uumpisahan mo na ang pagsisilbi sa mansyon ng Gobernador,”sabi pa nito. Tumango na lamang ang dalaga haban diretsong nakatingin sa babae.
“Kakaiba ang iyong hitsura ngunit nagtataglay ka nang labis na kagandahan, at ang iyong mga m-mata parang nakita ko na iyan dati,”seryoso dagdag pa nito dahilan upang mapa-iwas siya ng tingin.
“Ako si Emilda. Ako ang namamahala sa mga taga-silbi sa mansyon, sa madaling salita ako ang mayor doma” bigla naman siyang nakaramdam ng kaunting kaba dahil sa kung paano ito makapag-usap sa kaniya. Dahan niyang tinanggal ang balabal na nakapatong sa knaiyang ulo at muling sinalubong ang tingin ng mayor doma.
“Ako po si Mina,”maikling pagpapakilala niya at saka siya yumukp nang kaunti. Nanatili namang walang reaksyon ang mukha ng mayor doma at hindi na ito nagbitaw pa ng mga salita at tuluyan na itong lumabas ng silid.
Napabunton-hininga si Mina at saka niya inumpisahang igala ang kaniyang paningin sa kabuuan ng maliit na silid na iyon. May isang papag na higaan at sa tabi no’n ay may maliit din na mesa at doon nakapatong ang lampara na walang sindi. Nadako ang paningin niya sa baba nang papag at nakita niya do’n ang isang tampipi, nilapitan niya iyon at siniyasat ang mga gamit.
Naglalaman iyon ng ilang simpleng baro’t saya. Mayroon din kasuotan na katulad nang mga suot ng mga taga-silbi. Naupo siya sa papag at napasulyap sa bintanang kasalukuyan nakabukas. Batid niya na iba na ang magiging takbo ng kaniyang buhay sa mga susunod na araw, buwan at mga taon ngunit umaasa siya na magiging maayos sa kaniya ang bawat taong nakapaligid sa kaniya. Muling bumalik sa kaniyang gunita ang huling tagpo bago niya tuluyang iwan ang kaniyang ina at ama.
“Kaawa-kaawa,”usal ni Joselito at saka nito tinanggal ang suot nitong sumbrero at inilapat niya iyon sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan ang puntod ng mga magsasakang iniilibing matapos ito patawan ng kamatayan.
Nakatingin lamang si Joeliano sa puntod habang naglalaro sa kaniyang isipan ang mukha ni Mina. “Kuya, halika na, baka malaman ni ama na tayo ay nagtungo rito sa himlayan ng mga rebelde,”turan pa ng binatilyo at saka nito ibinalik ang sumbrero sa kaniyang ulo. Napatingin si Joeliano sa kapatid at ngumiti ng tipid at saka niya ginulo ang buhok nito at inakbayan at sabay silang naglakad pabalik sa kalesa kung saan naroon si Mang Pitong.
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa dinadalaw ng antok si Joeliano sapagkat patuloy siyang binabagabag kung ano na ang kalagayan ni Mina sa Dasmarinas. Hindi siya mapanatag at nakailang ulit n siyang nagpapaikot-ikot sa kaniyang higaam.
“Kakaiba ang kaniyang hitsura na tila siya ay isinumpa,”sambit ni Rowena sabay ngisi habang pinagmamasdan si Mina, si Rowena ay isa sa mga naninilbihan sa mansyon ng Gobernador at malapit sa iisang anak nito.
Pinakikinggan lamang ng dalaga ang kaniyang mga naririnig at tinatatagan ang kaniyang loob. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakarinig siiya ng pangungutiya laban sa kaniya.
Nagmadali na lamang siya sa pag-akyat sa hagdan hanggang sa marating niya ang sariling silid. Kailangan niyang magpakatatag dahil ngayon ay nag-iisa na lamang siya.
Nagulat siyia nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang silid, hindi nakabukas ang gasera sa kaniyang kwarto kaya’t hindi niya makita kung sino ang pumasok. “Dinalhan na kita ng iyong hapunan,”anang pamilyar na tinig kasabay ng dahan-dahang pagkakaroon ng liwanag sa paligid nang sindihan ni Mayor doma Emilda ang gasera.
“Patuloy mo lamang bang tatanggapin ang pangngutyang ginagawa nila sa’yo?” panimula nito at saka ito naglakad patungo sa bintana. “Walang sinuman ang magtatanggol sa iyong sarili kun’di iaw lamang, huwag kang magpapadaig sa kahit na kanino, maliwanag?"dagdag pa nito.
“O-opo”tugon ni mina at saka niya ibinaba ang balabal sa kaniyang ulo. Hindi na nagsalita pa si Mayor doma Emilda at naglakad na ito papalabas nang silid.
“Saan ka magtutungo?”natigilan sa paglalakad si Joeliano nang makita ang kaniyang ama, nasa sala ito habang nagbabasa ng libro patunkol sa medisina.
“M-Magtutungo ako sa Dasmarinas,”utal na tugon niya dahilan upang matigil sa pagbabasa si Doktor Julio at madiin nitong isinara ang librong hawak.
“Hindi maaari,”matigas na saad ng doktor nang hindi nililingon si Joeliano.
"Ngunit-“
“Ang akala mo ba hindi makararating sa akin ang balitang ikaw ang nagpakuha ng mga bangkay ng rebelde sa plaza, batid ko rin na nais mong mapalapit sa dalagang usap-usapang anak ng mag-asawang rebeldeng iyon. Nag-iisip ka ba Lanong? Maaring magalit sa akin ang heneral sa oras na malaman niya ang ginawa mong iyon!” Napatakip naman ng tainga si Joselito nang marinig ang malakas na boses ng kaniyang ama, napatigil siya nang makita amg kaniyang ama at kuya Joeliano.
“Susunndin mo ako at sa oras na suwayin mo ako, hindi ako madadalang isip na kausapin ang iyong maestro ukol sa iyong sertiiko!”natigilan si Joeliano at inis na napapikit. Idinilat niya ang kaniyang mga mata nang marinig ang yabag ng paa ng kaniyang ama papalayo.
“Ituloy mo ang iyong binabalak kung ayaw mong maging isang fanap na doktor”dagdag pa nito at tuluyan nang umakyat ng hagdan.
Nilapitan ni joselito ang kaniyang kuyya at agad niya itong hinawakan sa brarso. “Ayos lang ako Jose, magpapahangin lamang ako”turan ni Joeliano at saka siya naglakad palabas.
“Pinuno!”sigaw ng isang lalaking naka-gapos ang mga kamay. Duguan ito dahil sa walang tigil na pagpapahirap sa kanila ng mga sundalo ni Heneral Edilberto.
Patuloy naman sa paghampas ng latigo sa katawan ng kanilang pinuno ang mga sundalo, natigilan lamang ang mmga ito nang biglang bumukas ang pinto ng sild at iniluwa noon ang heneral.
“Hindi pa rin ba nagsasalita ang mga ‘yan?”tanong ng Heneral n agad ring inilingan ng isang sundalong kasalukuyang may hawak sa latigo.
BInalingan naman ng tingin ni eneral Edi;berto ang lalaking naka-gapos, nanlulumo na ito sa sobrrang pagpapahirap sa kanila.
“Ikaw. Nais mo na bang matapos ang iyong buhay kapalit ng pagsasabi kung saan ang kuta ninyong mga rebelde?”mahinang saad ng heneral.
Hindi naman siya tiningnan ng lalakik sa halip ay pumikit ito. “Patayin mo man kami o paulit-ulit na pahirapan ay hinding-hindi namin ipagkakanulo ang aming mga kasamahan,”matalim nitong tinititgan ang heneral at saka ito ngumisi na tila ba nanalo sa pakikipagtalastasan.
“Patayiin na ninyo kami”sigaw pa nito.
“Inutil ka!”agad na kinuha ng heneral ang latigo sa kamay ng isang sundalo at paulit-ulit nitong nilatigo ang katawan ng lalaki hanggang sa magdugo iyon at mawalan na nang malay ang lalaki.
Ilang sandli pa ay tinigilan na niya iyon at hinihingal na ibinato ang latigo sa harap nito. “Patayin sila”sambit ng heneral at nagpatuloy na siyang lumabas nang silid na iyon.
“Gobernador-heneral Vicente, noong nakaraang araw lamang ay nakatanggap ako ng telegrama mula sa Laguna, naroon na raw ang mga sundalong amerikano at kasalukuyang nagaganap na ang labanan sa pagitan ng sundalong Laguna at mga amerikano,”Humahangos na saad ni Tenyente Antonio.
Walang kibo ang Gobernador at nanatili lamang nakatingin sa kaniyang tobaccco na umuusok. Inilapag naman ni Mina ang tasa ng tsaa na inutos sa kaniya ni Mayor doma Emilda, nakayuko lamang siiya at saka siyya dahan-dahang tumalikod at tuluyan ng lumabas nang tanggapan.
Hindi na siya nag-susuot pa ng balabal dahil inutos ito sa kaniya ng mayor doma kaya naman kitang-kita na ang kaniyang napakaputing balat at magandang mukha.Kasalukuyan na ring nakapusod ang kaniyang mahabang buhok.
Inilapag niya ang hawak na bandeha na pinaglagyan nang dalawang tasa at napabuntog hininga siya at sandaling napa-isip.
Napansin lamang niya kung bakit nag-iisa lamang ang Gobernador na nakatira sa malaking mansyon na ito. Nasaan ang asawa’t mga anak nito? Iginala niya ang kaniyang paningin sa mga mamahaling kagammmitan na nasa kusina.
Napaka-eleegante ng mansyon ngunit hindi rin masaya dahil iisang tao lamang ang naninirrahan dito, totoo nga na kahit alam mong na sa’yo na ang lahat ng kayamanan, mataas na katungkulan ay hindi pa rin magiging maligaya ang buhay mo kung wala kang pamilya.
Tapos na ang mga gawain ni Mina at oras na nang kaniya siyesta. Nias niyang maglibot-libot sa buong hacienda at nais maabot ang dulo nang nasasakupan ng hacienda.
Naglakad siiya upang hanapin ang mayor doma at upang magpaala. Namataan niya ito sa likod ng mansyon kung saan naroroon ang magagandang bulaklak at halaman.
“Mayor doma Emilda, Natapos ko na po ang aking mga gawain. Nais ko po sanang magpaalam na magtutungo po ako sa banda roon,”Kumukurap-kurap na sabi niya sabay turo sa direksyon.
“Nais mong magtungo roon? Ngunit mataas ang sikat ng araw, hindi ba masakit iyon sa balat lalo pa sa iyo,”taas kilay na tugon nito.
“Ayos lamang po, nais ko na rin pong sanayin ang aking sarili”Ngiting saad niya. Tumango ang mayor doma wala na siyang sinabi pa at nagakad papalayo.
Nang maiwan na siyang mag-isa ay inumpisahan na niyang maglakad habang dinarama ang init ng araw at ang malamig na simoy ng hangin.
“Nais niyo rin bang matulad kay Manding at sa iba pa niyang kasamang namatay, gusto niyo na rin bang mawala?!”Natigil sa paglalakad si Joeliamo nang marinig ang napakalakas na bulyaw na ‘yon na nanggaling sa ‘di-kalayuan.
Napalingon siya sa bukirin at natanaw niiya ang ilang mga kababaihan at kalalakihan na nakaluhod sa hrap ng isang guardia civil.
Napakunot ang noo niya sa gulat nang biglang hatawin nito ang isang lalaking payat nang hawak nitong makapal na lubid dahiln upan mapahiga sa sakit ang lalaki. Samantala, umiiyak naman ang isang babaeng katai nito at niyakap ang namimilipit na lalaki.
Hindi makatarungan ang ginagawa ng mga ito, ginagamit nila ang kanilang mga katayuan sa buhay upang makapanakit at magparusa. Walang nagawa si Joeliano kung hindi ang ipagpatuloy ang kaniyang paglalakad, hindi niya naman maaaring kwestyunin o pakialaman ang mga ito sapagkat siya rin naman ang mapapahawak.
“Mag madali kayo at ipagpatuloy ninyo ang inyong mga ginaawa. Sa oras na masumpungan ko na isa sa inyo ay nagpapahinga…sinuman sa inyo ay matutulad sa inutil na ito!”sigaw pa nito sabay turo sa lalaking hindi pa rin makatayo dahil sa sakit ng katawan.
Pikit mata siyang nagpatuloy sa paglalakad at hindi na niya nilingon pa ang pangyayaring iyon. Mabigat sa kaniyang kalooban ang kaniyang nasaksihan lalo pa’t walang kakayahang gumanti ang mga taong iyon, ngunit wala rin siyang magagawa upang ipagtanggol ang mga pobre.
“Ina?”gulat na sambit ni Joeliano nang makita ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid. Nakaupo naman sa gilid si Doktor Julio na kasaalukuyang nakatingin sa kaniya. Hindi niya inaasahan bibisita ang mga ito ngayon kaya gano’n na lamang ang kaniyang pagkagulat.
“Bakit biglaan po yata ang inyong pag bisita?”tanong niya at saka niya inabot ang kamay ng kaniyang ina at nag mano.
“Hindi lamang kami basta bumisita Lanong, tumakas kami mula sa mga merikano na nanakop sa ating bayan”nag-aalalang tugon ni Polonya at napatingin ito sa kaniyang ama.
Napakunot naman ang noo ng binata, ang kinalakihan niyang bayan ay napasakmay na rin ng mga mananakop.
“Usap-usapan din ‘yan kanina nina Heneral Edilberto at ng iba pang kawani ng pamahalaan. Sigurado akong nakarating na rin ito sa gobernador sa Dasmarinas,”turan ng doktor at saka ito sumimsim sa kaniyang hawak na tasa.
“Ina?!”Napatingin silang apat sa hangdan at nakita nila roon si Joselito na tuwang tuwa habang nakatingin sa kanila. Nagmadali itong bumaba at makalapit kay Donya Palma.
Lubos na nasisiyahan si Mina sa paglalakad lalo na’t kumulimlim at malakas rin ang pg-ihip ng hangin na nagpapasayaw sa mga halaman.May hawak rin siyang mga bulaklak na kaniyang pinitas. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita niya ang isang puting kabayo na nanginginain ng mga halamang damo sa paligid.Naglakad siya palapit doon upang makita nang mas malapit ang kabayo. Kahit na kailan ay hindi niya naranasan na sumakay sa isang kabayo dahil buong buhay niya ay nakulong lamang siya sa kanilang tahanan.Marahan niyang hinimas ang buhok ng kabayo na ikinatuwa niya. Ngunit kumunot ang noo niya nang mapagtanto na imposibleng magkaroon ng kabayo sa lugar na iyon dahil malayo na ito sa mansyon ni Gobernador Vicente.Napalingon siya nang makarinig siya ng ingay ng tubig na nagmmumula sa ibaba.Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likod ng malaking puno at doon niya sinilip kung anong nangyayari sa ibaba. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang ilog at ang mas lalo pang i
Mataas na ang sikat ng araw na sinasabayan ng pagtilaok ng mga manok. Bumangon si Mina sa kaniyang higaan nang madampi sa kaniyang balat ang napakalamig na tubig na binuhos sa kaniya nina Rowena at ng iba pang mga tagasilbi. “Gising na ba ang iyong diwa mahal na priinsesa?”sambit ni Rowena at saka sila naghalakhakan habang pinagmamasdan si Mina na basang-basa. Hindni naman siya nagsalita pabalik sa halip ay pinagpagan niya na lamang ang suot niyang baro at ang kaniyang buhok. “Ikaw ang naatasang maili sa pamilihan ngayong araw kung kaya’t bilisan mo ang iyong kilos!”singhal sa kaniya ni Rowena at saka naunang maglakad palabas ng silid, sumunod nman ang iba pang kasamahan nito. Nagppalit na lamang siya ng kasuotan at saka niya itinali ang kaniyang napakahabang buhok. Kinua niya ang balabal na palagi niyang sinusuot at nagtugo na siya agad sa kusina ng mansyon. Naabutan niya roon na inihahanda na ang mesa habang abala naman si mayor doma Emilda sa
“Nalalapit ng muli ang paggdirirwang g kaarawan ng ating Gobernador kung kaya’t nais kong ihnda niyo ang inyong mga sarili,”anunsyo ng mayor habang nagpapabalik sa harap ng mga tagasilbi. “Rowena,”mabilis na napalingon si Rowena nang ttawagin siya nito. “Nais kong ikaw ang magluto ng mmga putahe sa araw na ‘yon. Sina Lita, Dolores at ang dalawa pang tagasilbi ay ang iyong magiging katulong o iyong alalay sa pagluluto. Ang iba naman ay magiging serbidora, sana’y naliwagan kayo sa aking mga sinabi.”Dagdag pa niya at saka niya inilagayy ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likod. Binalingan niya ng tingin si Mina. “Ikaw muli ang magtutungo sa pamilihan,”usal ni mayor doma at naglakad na siya palabas. Mataas ang sikat ng araw kung kaya't namumula na dulot ng araw ang balat ni Mina, naka suot lamang siya ng isang manipis na b
Natigl sa paglalakad si Mina at napatingin sa ilang taong nagkukumpulan. Tapos na siyang mamili ng mga ipinag-utos sa kaniya ng mayor doma kaya ngayon ay pauwi na siya.Naglakad siya palapit sa mga taong iyon upang tingnan kung anong ganap ang nangyayari roon."Pakiusap ginoo, ang prutas ang inyong patamaan at hindi ako," mangiyak-ngiyak na wika ng isang lalaki. May isang mansanas sa ulo nito at nakasandal sa isang puno."Mang Pitong ikaw ba ay walang tiwala sa akin?" ngising sambit ng binatilyo at saka nito sinimulang hatakin ang tali at ang palaso. Napapikit na lamang dahil sa takot si Mang Pitong.Napabuga ng hangin ang binatilyo at saka niya mabilis na pinakawalan ang palaso at mabilis rin iyong bumaon sa prutas na nasa ulo ni Mang Pitong.Napuno naman ng palakpalakan ang mga taong nakasaksi at maging si Mina ay napapalakpak rin dahil sa kamangha-manghang ginawa ng binatilyo.
"Napadilat ng mata si Mina nang maramdaman niya ang paghawak sa kaniyang pulso. Mabilis na nadako ang kaniyang paningin sa isang lalaking nakasuot ng antipara sa kaliwang mata. (monocle)"Huwag kang mag-alala maayos na ang kaniyang kalagayan, siya’y nilalagnat pa rin ngunit hindi na gano’n kataas," saad nito at saka napalingon sa kinatatayuan ni mayor doma Emilda."Maraming salamat." Turan ni mayor doma Emilda na agad ring tinanguan ng lalaki at naglakad na ito papalabas ng silid."M-Mayor doma," usal ni Mina at akmang babangon ngunit pigilan siya ng mayor doma."Magpahinga ka Mina, dahil hindi ka pa lubusang gumagaling," seryosong saad nito habang hawak ang magkabilang kamay ng dalaga."Ngunit—" natigilan siya ng biglang umiiling ang mayor doma. "Ipagagawa ko na lamang sa iba ang iyong gawain." Dagdag pa nito at pilit na ngumiti, bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa dalaga lalo na nang dalhin ito ni Fra
"Nakangiti niyang ipinagpatuloy ang paglalakad ngunit nagulat siya sa biglang paghawak sa kaniyang braso dahilan upang mapalingon siya sa kaniyang likuran.Nanlaki ang kaniyang mata ng makita ang isang pamilyar na mukha. Tulad ng kaniyang ekspresyon ay seryoso rin itong nakatingin sa kaniya."Ikaw nga." Rinig niyang usal nito."M-Maraming salamat, ginoo," nakayukong sambit ni Mina at saka niya inilagay sa kaniyang likuran ang braso.Hindi niya akalain na muli niyang makikita ang binatang kaniyang pinagdarasal na makita muli.Tatalikod na sana ang dalaga upang pumasok sa hacienda ng gobernador-heneral nang magsalita si Joeliano."M-Maari ba tayong magkit
Makailang ulit pa nilang narinig ang mga putok ng baril na nagmumula sa mahahabang baril ng dalawang guardia civil bago ito tuluyang mawala.Tahimik lamang ang dalawa habang pinakikiramdaman ang mga guardia. Mabilis ang tibok ng puso ni Mina dahil sa matinding kaba dahil akala niya ay tuluyan na siyang mahuhuli ng dalawang iyon.Dahan-dahan nadako ang paningin niya sa ginoong nag ligtas sa kaniya upang hindi siya makita ng mga ito. Ilang minuto niyang tinitigan ang lalaki dahil patuloy pa rin ito sa pagmamasid."Halika sumama ka sa akin upang malunasan natin ang ‘yong nagdurugong sugat." Agad na napaiwas ng tingin ang dalaga nang magtama ang kanilang mga paningin at binalingan niya na lamang ang kaniyang suot na saya. Marumi na iyon dahil sa kaniyang pagkadapa."H-Hindi ako maaaring sumama ssa’yo, hindi kita kilala at isa akong tagal silbi sa mansyon ng Gobernador-Heneral, " tugon niya.
Tahimik ang lahat habang salo-salong nag-aagahan sa lamesa. Seryoso lamang na kumakain si doktor Julio habang tulala naman at walang kibo si Joeliano. "Lanong, bakit hindi mo ginagalaw ang iyong pagkain?" tanong ni donya Palma dahilan upang mapa-angat ng tingin ang binata at nagsalubong ang kanilang paningin ng ama. Ilang sandali pa siyang napatitig sa mata ng ama bago tuluyang magpaalam. "Busog lamang po ako ina, paumanhin ngunit nais ko munang magpahangin." Paalam niya at saka niya mabilis na sinulyapan ang mga kapatid. Naglakad-lakad sa mahabang daan hanggang sa marating niya ang plaza kung saan may nagkukumpulang mga tao. "Hindi ba ito ang binibining madalas na magpunta pamilihan?" Turan ng isang a Ale habang nakaturo sa isang papel kung saan nakaguhit ang larawan ng babae. "Siyangtunay.!" Tugon ng isa pang ale. Kumunot ang noo ni Joeliano at saka siy
"Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc
Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina
Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk
Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang
Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu
Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni
“Tatay Arturo!”sigaw ni Mina atsaka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito at saka napatango sa binata. Nagtanggal na rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang boses mo, sino ka?”tanong niya habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin nam
“Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt
“Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt