"Napadilat ng mata si Mina nang maramdaman niya ang paghawak sa kaniyang pulso. Mabilis na nadako ang kaniyang paningin sa isang lalaking nakasuot ng antipara sa kaliwang mata. (monocle)
"Huwag kang mag-alala maayos na ang kaniyang kalagayan, siya’y nilalagnat pa rin ngunit hindi na gano’n kataas," saad nito at saka napalingon sa kinatatayuan ni mayor doma Emilda."Maraming salamat." Turan ni mayor doma Emilda na agad ring tinanguan ng lalaki at naglakad na ito papalabas ng silid."M-Mayor doma," usal ni Mina at akmang babangon ngunit pigilan siya ng mayor doma."Magpahinga ka Mina, dahil hindi ka pa lubusang gumagaling," seryosong saad nito habang hawak ang magkabilang kamay ng dalaga. "Ngunit—" natigilan siya ng biglang umiiling ang mayor doma. "Ipagagawa ko na lamang sa iba ang iyong gawain." Dagdag pa nito at pilit na ngumiti, bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa dalaga lalo na nang dalhin ito ni Francisco sa hacienda nang walang malay. "Hindi ba sinambit ko na sayo na kung sakaling aapihin ka nina Rowena o nang iba pang tagasilbi ay huwag kang mag-aatubiling manlaban, protektahan mo ang iyong sarili," turan ni mayor doma Emilda habang hinihimas ang buhok ni Mina. Hindi naman sumagot si Mina, sa halip ay pinagmasdan niya na lamang ang mayor doma dahil hindi niya alam kung paano ito pasasalamatan sa ginagawa nitong pagtulong sa kaniya at sa pagpaparamdam nito na hindi siya nag-iisa. Ilang minuto pa ang nakalipas ay tuluyan nang nakatulog ang dalaga dahil sa paghaplos ni mayor doma Emilda sa buhok nito. Tumayo na ang mayor doma at naglakad papalabas ng silid ngunit bago niya tuluyang isara iyon ay nilingon niya pa si dalagang mahimbing na ang tulog. "Tila nakikita ko sayo ang aking senyorita Lorente." Usal nito at saka napangiti at tuluyan na niyang isinara ang silid.Nang makabalik siya sa mansyon ay naabutan niya pa rin roon si Francisco. Nakaupo ito habang tahimik na pinagmamasdan ang makintab na sahig. Nang maramdaman nitong papalapit siya ay nilingon siya nito at mabilis na napatayo. "Kumusta po ang kalagayan ni binibining Mina?" bungad nito habang kunot noong nakatingin sa mayor doma. Yumuko naman ng kaunti si mayor doma Emilda upang magbigay galang sa heneral. "Mabuti na po ang kaniyang kalagayan heneral kaya't ipanatag po ninyo ang iyong kalooban," tugon niya. Napabuga nang hininga ang heneral at muling napasulyap sa sahig. Wala nang tao sa kanilang paligid dahil kasalukuyan na itong namamahinga sa kubo maliban kay Rowena na hinuhugasan pa ang mga pinggan na siyang gawain ni Mina. "Kung gayon ako po'y magpapaalam na ngunit babalik po ako bukas upang alamin muli ang kaniyang kalagayan," dagdag ng heneral at saka nito itinapat ang kaniyang sumbrero sa dibdib upang magpaalam. "Paumanhin heneral sa aking mga sasabihin, ngunit bakit po tila inilalapit po ninyo ang iyong sarili sa isang tagasilbi gayong sa pagkakaalam ko'y hiningi na ninyo ang kamay ng aming señnyorita Victorina?”lakas loob na tanong ng mayor doma dahilan upang matigilan si Francisco at muling napalingon sa kinatatayuan ni mayor doma Emilda. Maging siya ay hindi niya alam ang kasagutan kung bakit niya inilalapit ang kaniyang sarili sa dalaga dahil ang tangi lamang niyang alam ay nais niya itong makita at masilayan ang napakaganda nitong ngiti. "P-Paumanhin po ngunit sa ngayon ay hindi ko masasagot ang iyong katanungan." Tanging tugon ng heneral at saka siya naglakad palabas ng mansyon."Ako ay nangangamba," napalingon si Joeliano sa kaniyang ate Polonya nang marinig niya ang sinambit nito. Nakatingin ang kaniyang ate sa labas ng bintana."Nangangamba? Ukol saan?"nagtatakang sabi niya at saka niya nilapitan ang kaniyang kapatid at tiningnan niya rin ang maaliwalas na bakuran ng hacienda. Nakita niya mula roon si Joselito na nag-eensayo ng palaso. "Sa isang binibining aking dinala rito, nakahahabag ang kaniyang kalagayan dahil puno ng latay ang kaniyang likuran na tila hinampas ito," tugon ni Polonya sabay lingon sa kapatid. "Naiwan niya ito nang magmadali siyang umalis,"dagdag pa niya at ipinakita niya ang isang telang puti. Kumunot ang noo ni Joeliano nang makita ang pamilyar na balabal."Pamilyar sa akin ang balabal na ito," usal ng binata habang pinagmamasdan ang puting tela."Ate Polonya ang binibini bang iyong tinutukoy ay may asul na mga mata?" Tanong nito dahilan upang mapatingin sa kaniya ang kapatid. “Kilala mo ba ang aking tinutukoy na binibini?" tanong ni Polonya dahilan upang mapangiti si Joeliano at mahigpit niyang nahawakan ang balabal.“Anong dahilan at narito ka, hindi ba dapat ay naro’n ka sa iyong silid at namamahinga?"bungad sa kaniya ni mayor doma Emilda na kasalukuyang nagdidilig ng mga halaman at bulaklak.Agad namang umiling si Mina at saka marahan na ngumiti. "Maayos na po ang aking kalagayan, marami pong salamat sa iyong kabutihan mayor doma," ngiti niya dahilan upang mapangiti ng kaunti ang mayor doma."Kung inyo pong mamarapatin, ako na po gagawa niyan." saad ng dalaga na agad ring sinang-ayunan ng mayor doma."Kumusta na kaya ang kaniyang kalagayan?" usal ni Francisco sabay hagis ng bato sa tubig. Nakasuot siya ng kulay kayumangging kamiso habang nakaupo sa madamong lupa. Nakalapag naman ang kaniyang sumbrero at nasa ‘di kaluyuan naman niya itinali ang kaniyang kabayong puti. Napatitig na lamang siya sa katubigan nang maalala ang tanong sa kaniya ng mayor doma at ang mga sinambit nito.Batid niyang noon pa man ay si Victorina na ang kaniyang tinatangi at ipinagtapat na niya iyon sa senyorita, ngunit hindi biro ang hinihingi ni Victorina sa kaniya upang tuluyan niyang makuha ang kamay nito.Hindi niya magagawang pagtaksilan si goberndor Vicente para lamang makuha si Victorina. Tapat siya sa gobernador maging sa kaniyang mga binitawang salita.
Napapikit na lamang siya at inilapat niya ang kaniyang palad sa kaniyang dibdib. Inalala niya ang napakagandang mukha ni Mina. "Tama ba ang aking nararamdaman?"usal niya at iminulat niya ang kaniyang mga mata at humiga siya sa madamong lupa."Mas lalo pang lumalakas ang puwersa ng mga amerikano sa labanan at posibleng madaig na nila ang mga sundalo," sambit ni doktor Julio at saka ito sumimsim sa kaniyang tsaa.Patuloy naman sa pagbabasa si heneral Edilberto nang hawak nitong libro. "Nakapagtataka sapagkat hindi pa nagpapadala ang gobernador-heneral ng mga hukbo upang tulungan ang gobernador ng laguna," dagdag pa nito.Napa-angat naman ng tingin ang heneral at marahan nitong isinara ang hawak na libro."Dapat nating ikatuwa ang pagsasawalang bahala ng gobernador-heneral dahil magkakaroon ng lamat ang kanilang pagiging magkapanalig at sa sandaling mangyari ‘yon ay pagkakataon na natin upang kunin ang loob ng gobernador ng laguna at gagamitin natin siya upang mapatalsik si Vicente. "saad ng heneral at saka niya binalingan ng tingin si doktor Julio na napapangiti dahil sa sinambit ni heneral Edilberto."Lita, ikaw ang aking uutusan upang dalhin ito sa mansyon ni heneral Edilberto at iyong sambitin sa kaniya na ipinaaabot ito ng gobernador-heneral." seryosong turan ni mayor doma Emilda at saka nito inabot ang sisidlan na naglalaman ng iba't ibang prutas."Lita!"kapwa sila napatingin kay Victorina nang makababa ito ng hagdan at matalim na nakatingin kay Lita."Ako'y kanina pa nagsisisigaw, nawalan kana ba ng pandinig?!" sigaw pa nitong muli saka naglakad papalapit sa kinaroroonan ng mayor doma at ni Lita.Agad naman na yumuko si mayor doma Emilda at gayundin rin ang tagasilbi. "Paumanhin senyorita, ngunit may ipinag-uutos ako kay Lita." malumanay na sambit ng mayor doma na kinakunot ng noo nito."Wala akong pakialam kung ano man ang iyong ipinag-uutos!" turan nito at muling binalingan ang tagasilbi. "Halika, sundan mo ako." Dagdag pa nito at saka muling naglakad paakyat ng hagdan. Agad naman na napatingin si Lita sa mayor doma dahil hindi nito alam kung susundan ba nito ang senyorita o susundin ang ipinag-uutos ng mayor doma.Tumango na lamang si mayor doma Emilda upang sumang-ayon sa nais ng senyorita. "Mayor doma, tapos ko na pong linisin ang mga pinagkainan," napalingon si mayor doma Emilda kay Mina na kadarating lamang. Nginitian niya ito."Maari ka nang magpahinga," tugon niya, nadako ang paningin ng dalaga sa sisidlan na hawak ng mayor doma. "Para saan po ang mga prutas na ‘yan?" tanong niya."Para ito sa heneral na dumating noong nakaraang araw at nais ng gobernador-heneral na padalhan siya ng mga ito, ngunit walang maghahatid nito sa kaniyang mansyon."Ngumiti naman si Mina at kinuha ang sisidlan sa kamay ng mayor doma. "Ako na po ang magdadala, ano pong ngalan ng heneral na ito?" ngiti ng dalaga, ito ang paraang kaniyang naisip upang makabawi sa kabutihan ng mayor doma."Heneral Edilberto," Nawala ang ngiti sa kaniyang labi nang marinig niya ngalan na iyon. "B-Bakit?" natauhan siya nang magsalita muli si mayor doma Emilda dahilan upang pilit siyang mapangiti at umiling na lamang."Sino ka binibini?" bungad sa kaniya ng isang guwardiya civil."Ako ang isa sa mga tagasilbi sa mansyon ni gobernador-heneral Vicente at may nais lamang siyang ipaabot sa heneral," mahina niyang sabi."Kung gayon sundan mo ako," sabi ng guardia civil at saka ito nagsimulang maglakad. Pinagmasdan ni Mina ang likuran ng guwardiya civil bago tuluyang maglakad at sundan ito.Inihatid siya nito sa pinto at agad ring umalis. Iginala ni Mina ang kaniyang paningin, maganda ang mansyon at ngayon niya lamang ito napagtanto dahil hindi na niya nagawa pang pagmasdan ito noong narito siya. "Bakit ba kasi ayaw nila akong isama sa pagdiriwang na iyon, hindi ba nila alam na lubos akong nababagot dito sa mansyon ng heneral na iyon!" napalingon si Mina sa puno kung saan nanggaling ang pamilyar na tinig. Naglakad siya palapit roon at sinilip ang taong pinagmulan ng malambing na boses. Nagulat siya sa biglang pagbaon ng palaso sa puno na muntik na ring dumaplis sa kaniyang pisngi."Binibini?!" gulat na usal ni Joselito habang nakatingin kay Mina. "Jo—teka ano nga bang iyong ngalan?"nakangiting saad ni Mina. "Kay bilis mo naman makaligtaan, Joselito ang aking ngalan," ngiti ng binatilyo at saka niya isinabit sa kaniyang balikat ang hawakna pana."Ano ang iyong ginagawa rito?" tanong ng binatilyo sabay tingin sa hawak ni Mina."May dala akong mga prutas para sa heneral," tugon niya. "Ngunit wala sina ama't ina at maging ang heneral na iyong sadya."Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ng dalaga at inabot kay Joselito ang sisidlan. "Kung gayon ikaw na lamang ang magdala nito sa loob ng mansyon," ngiti niya at saka niya kinuha ang nakatusok na palaso sa puno."Maari mo ba akong turuan?" kunot noong tanong niya kay Joselito na agad rin nitong tinanguan. "Madali lamang ito ngunit mahirap sa una. Ilagay mo ang palaso at hilahin mo ang tali." wika ng binatilyo na agad na sinunod ni Mina. Binitawan niya ang pag hawak dahilan upang kumawala ang palaso ngunit hindi iyon umabot sa puno dahilan upang matawa sila. "Heto. Sa iyo na ang palaso na ito at magsanay kang gamitin,”ngiti ni Joselito at saka niya kinuha ang sisidlan."Maraming salamat."turan ng dalaga. " Ako'y lilisan na sapagkat hindi ako maaring magtagal."paalam niya pa.
Naglakad na siyang muli habang pinagmamasdan ang palaso. Nangmarating niya ang labas ng hacienda ay nilingon niya pa ang guardia civil na kaninang kumausap sa kaniya.Nakangiti niyang ipinagpatuloy ang paglalakad ngunit nagulat siya sa biglang paghawak sa kaniyang braso dahilan upang mapalingon siya sa kaniyang likuran."Nakangiti niyang ipinagpatuloy ang paglalakad ngunit nagulat siya sa biglang paghawak sa kaniyang braso dahilan upang mapalingon siya sa kaniyang likuran.Nanlaki ang kaniyang mata ng makita ang isang pamilyar na mukha. Tulad ng kaniyang ekspresyon ay seryoso rin itong nakatingin sa kaniya."Ikaw nga." Rinig niyang usal nito."M-Maraming salamat, ginoo," nakayukong sambit ni Mina at saka niya inilagay sa kaniyang likuran ang braso.Hindi niya akalain na muli niyang makikita ang binatang kaniyang pinagdarasal na makita muli.Tatalikod na sana ang dalaga upang pumasok sa hacienda ng gobernador-heneral nang magsalita si Joeliano."M-Maari ba tayong magkit
Makailang ulit pa nilang narinig ang mga putok ng baril na nagmumula sa mahahabang baril ng dalawang guardia civil bago ito tuluyang mawala.Tahimik lamang ang dalawa habang pinakikiramdaman ang mga guardia. Mabilis ang tibok ng puso ni Mina dahil sa matinding kaba dahil akala niya ay tuluyan na siyang mahuhuli ng dalawang iyon.Dahan-dahan nadako ang paningin niya sa ginoong nag ligtas sa kaniya upang hindi siya makita ng mga ito. Ilang minuto niyang tinitigan ang lalaki dahil patuloy pa rin ito sa pagmamasid."Halika sumama ka sa akin upang malunasan natin ang ‘yong nagdurugong sugat." Agad na napaiwas ng tingin ang dalaga nang magtama ang kanilang mga paningin at binalingan niya na lamang ang kaniyang suot na saya. Marumi na iyon dahil sa kaniyang pagkadapa."H-Hindi ako maaaring sumama ssa’yo, hindi kita kilala at isa akong tagal silbi sa mansyon ng Gobernador-Heneral, " tugon niya.
Tahimik ang lahat habang salo-salong nag-aagahan sa lamesa. Seryoso lamang na kumakain si doktor Julio habang tulala naman at walang kibo si Joeliano. "Lanong, bakit hindi mo ginagalaw ang iyong pagkain?" tanong ni donya Palma dahilan upang mapa-angat ng tingin ang binata at nagsalubong ang kanilang paningin ng ama. Ilang sandali pa siyang napatitig sa mata ng ama bago tuluyang magpaalam. "Busog lamang po ako ina, paumanhin ngunit nais ko munang magpahangin." Paalam niya at saka niya mabilis na sinulyapan ang mga kapatid. Naglakad-lakad sa mahabang daan hanggang sa marating niya ang plaza kung saan may nagkukumpulang mga tao. "Hindi ba ito ang binibining madalas na magpunta pamilihan?" Turan ng isang a Ale habang nakaturo sa isang papel kung saan nakaguhit ang larawan ng babae. "Siyangtunay.!" Tugon ng isa pang ale. Kumunot ang noo ni Joeliano at saka siy
“Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt

“Tatay Arturo!”sigaw ni Mina atsaka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito at saka napatango sa binata. Nagtanggal na rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang boses mo, sino ka?”tanong niya habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin nam
Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni
Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu
"Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc
Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina
Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk
Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang