Home / History / Yugto / Kabanata 10

Share

Kabanata 10

Author: Fourthpretty
last update Last Updated: 2021-09-18 15:33:41

"Nakangiti niyang ipinagpatuloy ang paglalakad ngunit nagulat siya sa biglang paghawak sa kaniyang braso dahilan upang mapalingon siya sa kaniyang likuran.

Nanlaki ang kaniyang mata ng makita ang isang pamilyar na mukha. Tulad ng kaniyang ekspresyon ay seryoso rin itong nakatingin sa kaniya.

"Ikaw nga." Rinig niyang usal nito.

"M-Maraming salamat, ginoo," nakayukong sambit ni Mina at saka niya inilagay sa kaniyang likuran ang braso.

Hindi niya akalain na muli niyang makikita ang binatang kaniyang pinagdarasal na makita muli.

Tatalikod na sana ang dalaga upang pumasok sa hacienda ng gobernador-heneral nang magsalita si Joeliano.

"M-Maari ba tayong magkitang muli?" natigilan siya at napa-angat ang kaniyang tingin dahilan upang matitigan niya nang panandalian ang mga mata ng binata.

Agad rin siyang napaiwas ng tingin. "Hindi ako nakasisiguro ginoo n-ngunit aking susubukan." Mahina niyang tugon dahilan upang mapangiti si Joeliano.

"Kung hindi ako nagkakamali, sa iyo ang balabal na ito," Napatingin naman si Mina sa bagay na inabot ng binata at gulat niya itong kinuha sa kamay nito.

"Ang aking balabal!" usal niya habang nakatingin sa tela.

"Maraming salamat ginoo. Ako'y mauuna na sapagkat nakasisiguro akong kanina pa ako hinihintay ng aming mayor doma." Paalam niya at yumuko siya ng kaunti bago tuluyang maglakad papasok ng hacienda.

Tuluyan nang lumawak ang ngiti sa labi ng binata habang pinagmamasdan ang likod ni Mina na naglalakad papalayo.

"Kinabukasan ay maagang gumising ang lahat ng tagasilbi. Hile-hilera ang mga itong nakatayo upang batiin ng maligayang kaarawan ang gobernador-heneral. Nasa kanilang unahan naman  si mayor doma Emilda.

"Magsipaghanda!" Pabulong na sigaw ng mayor doma nang matanaw niya na pababa na nang hagdan si gobernador-heneral Vicente.

"Maligayang kaarawan gobernador-heneral Vicente Arcillas!" bati ng lahat na nagpatigil sa gobernador-heneral at maging kay Victorina na walang emosyon na nakatingin sa mga tagasilbi.

"Maraming salamat sa inyong pagbati, magandang umaga sa inyo." Ngiti ng gobernador-heneral at saka nito binalingan ng tingin si mayor doma Emilda at tinanguan at saka ito muling nagpatuloy sa paglalakad kasunod ang anak.

Sandali namang tumigil ang senyorita sa harap ng mayor doma at pinagmasdan niya ito. "Matanda kana Emilda kaya't huwag mo nang pangarapin pa ang aking ama." Seryoso nitong sambit at saka muling sumunod sa ama.

Mahina lamang ang pagkakasabi nito kaya't sigurado si mayor doma Emilda na hindi ito narinig ng iba maliban kay Mina na naka-angat ang tingin at pinagmamasdan siya.

"Ikaw na muli ang mamimili ng mga sangkap Mina kaya't pagbutihin mo sapagkat marami-marami ang aking iuutos sa iyo. Maari mong isama si Mang Nestor na kutsero rito sa hacienda upang hindi kana mahirapan," turan ng mayor doma saka nito inabot ang papel at salapi sa dalaga.

"Mag-iingat ka." Habol pa nito sabay ngiti na tinanguan ni Mina saka ito naglakad palabas ng mansyon.

“Kumusta na po ang iyong kalagayan binibini?“tanong ng dalagita. Ngumiti naman si Mina sa dalagita at nagsalita.

“Maari mo na lamang akong tawaging ate kung iyong nanaisin. Ano ang iyong ngalan?"ngiti ng dalaga habang diretsong nakatingin sa dalagita.

Ikinatuwa naman nito ang sinambit ni Mina at inabot na nito ang pinamili ni Mina. “Aurora po ang aking ngala,“ ngiti nito.

“Kung gayon mabuti na ang aking kalagayan, Aurora.”turan ng dalaga at muling ngumiti.

“Mauna na ako munting binibini, paalam.“Paalam niya sabay kumpas ng kaniyang kamay sa ere.

“Paalam ate Mina!”

Marami-marami na rin ang bitbit ni Mina kung kaya't nahirapan na siya sa pagdadala. Nasa kalsadang lupa naman naghihintay si Mang Nestor na malayo-layo pa. Unti-unti nang nasasanay ang balat ni Mina sa liwanag, namumula pa rin ang kaniyang balat ngunit hindi na iyon ganon kasakit.

“Magandang umaga!”

“Magandang umaga!”

Natigilan siya nang marinig ang dalawang magkaibang boses na iyon na agad ring hinagilap ng kaniyang mata. Nagulat siya nang makita si Francisco sa kaniyang kanan at nasa kaliwang banda naman si Joeliano. Hindi na nakatuon sa kaniya ang mga atensyon nito sa halip ay nakatingin na ito sa isa't isa at kapwang kunot ang mga noo.

Nagpalit-lipat naman ng tingin si Mina hanggang sa huminto ang kaniyang paningin kay Francisco na nakasuot ng uniporme.

"H-Heneral," usal niya at saka niya pasingkit na tiningnan si Francisco. Nabaling naman sa kaniya ang paningin nito at sumilay sa binata ang ngiti. Napasulyap naman si Joeliano kay Mina, nakalikod na ito sa kaniya kaya't naglakad pa siya ng kaunti at tinabihan ito.

"Kumusta na ang iyong kalagayan?" tanong ng heneral at saka ito sumulyap ng mabilis kay Joeliano na noo'y nakatingin rin sa kaniya.

"Maayos na ang aking kalagayan heneral, maraming salamat dahil inihatid mo ako sa hacienda noong araw na iyon," nakayukong saad ng dalaga.

Tumango naman ng kaunti si Francisco at saka tumingin ng diretso kay Joeliano. "Sino ka? Tila ngayon lamang kita nakita?" tanong ni Francisco.

Napa-angat naman ng tingin si Mina at mabilis na sinulyapan si Joeliano.

"Ako si Joeliano Crisologo ang pangalawang anak ng kilalang doktor na si doktor Julio. " tugon nito, muling tiningnan ni Francisco ang dalaga at magsasalita pa sana ito nang makita niya si tenyente Antonio sakay ng kabayo nito papalapit sa kinaroroonan nila.

"Heneral, hindi pa ba tayo magtutungo sa hacienda Arcillas?"saad ni Antonio nang makalapit sa kanila. Natuon naman ang atensyon ni Mina at Joeliano sa kaniya.

Ngumiti si Francisco at nilingon si Mina. "Halika isasabay na kita patungo sa hacienda." Ngiti ni Francisco na agad ring inilingan ng dalaga.

"Hindi na kailngan na heneral Francisco sapagkat kaya ko na ang aking sarili," wika ni Mina habang nakayuko.

"Ako na lamang ang bahala sa kaniya ginoo."

Nabaling ang paningin ng heneral kay Joeliano ng magsalita ito.

Ilang minuto pa silang nagkatitigan bago tuluyang tumango ito kay Mina at tumakbo papunta sa kabayo nitong nakatali sa hindi kalayuan.

Bago siya tuluyang sumukay ng kaniyang kabayo ay tiningnan pa niya ang dalawa sa malayo habang magkasabay na naglalakad.

"Maligayang kaarawan gobernador-heneral," sabay na bati nina heneral Francisco at tenyente Antonio.

"Maraming salamat," tugon nito sa kanila at saka ito sumenyas na maupo sa silya na kaharap ng kaniyang mesa.

"Heneral Francisco alam mong ikaw ang aking pinagkakatiwalaan higit na kanino man, nag-iisang pinagkakatiwalaan. Pagkatapos ng araw na ito ay nais kong magtungo kang muli ng laguna at pamunuan mo ang hukbong aking ipadadala roon," seryosong saad ni gobernador-heneral Vicente. Napayuko na lamang si Francisco nang marinig ang sinambit ng gobernador-heneral.

"Masusunod gobernador-heneral!" tugon niya kahit na ikinagulat niya ang pagpapasiyang iyon ng gobernador-heneral.

"Huwag mo akong bibiguin heneral, nais kong bumalik kang ligtas at buhay." Dagdag pa nito.

Tumango si Francisco at saka ito tumayo at nagpaalam. Seryoso siyang tumalikod at naglakad palabas ng silid na iyon, nakasunod naman sa kaniya si tenyente Antonio.

"Heneral nais mo ba akong isama sa iyong pakikipaglaban sa laguna?" tanong ni Antonio habang tinatahak nila ang daan papalabas ng mansyon.

Hindi naman agad na tumugon si Francisco sa halip ay diretso lamang itong nakatingin sa kanilang dinaraanan.

Nang marating nila ang labas ng mansyon ay mabilis na hinagilap ng kaniyang mata ang kaniyang kabayo.

Agad siyang sumampa roon at natigilan siya ng makita si Mina, kasalukuyan itong naglalakad papasok sa mansyon.

"Nakikita mo ba ang binibining iyon?" usal ni Francisco dahilan upang mapatingin sa kaniya si Antonio at nilingon nito ang direksyon kung saan nakatingin ang heneral.

"Nais kong bantayan mo siya habang wala ako rito sa Cavite." Dagdag nito at saka niya mabilis na pinatakbo ang kabayo papalabas ng hacienda.

Sumapit na ang gabi at napupuno na nang kasiyahan ang loob ng mansyon ng Aricillas. May malalakas na musika ng mga orkestra, mga batang naglalalaro at nagtatakbuhan sa loob at labas ng mansyon. Puno rin ng halakhakan ang mesa kung saan naroroon ang gobernador-heneral, ang ibang mga Don at Alcalde ay lango na sa alak dahil kanina pa ito nagsisi-inom ng alak.

Naroon rin sa mesang iyon si Francisco, tahimik lamang itong umiinom ng alak at hindi nakikisabay sa kwentuhan ng iba pang mga kawani ng gobyerno.

Nakatingin lamang siya sa gitnang parte ng mansyon kung saan nagsasayawan ang ilang mga magkakapareha. Kanina pa hinahanap ng kaniyang mata si Mina, nais niyang makita ito ngayong gabi lalo na dahil aalis na siya bukas ng mabubukang liwayway.

Nadako ang kaniyang paningin sa isang pamilyar na lalaki, nakatayo ito sa gilid ng bintana at nakangiting pinapanood ang mga nagsasayawan. Hindi niya inaalis nag kaniyang paningin rito kahit na nagtama ang kanilang paningin. Nais niyang labanan ang mga titig nito at sa paraang ‘yon niya ipababatid sa binata ang nais niyang ipahiwatig.

Napataas ang kaniyang kilay ng makita si Victorina na papalapit sa kinatatayuan ng binata. Patuloy niya lamang pinagmamasdan ang mga ito at kahit na hindi niya naintindihan ang sinasabi ng mga ito ay alam niyang niyaya ng senyorita na makasayaw ang binata

Inilapag ni Joeliano ang basong naglalamang alak at saka ito nag-aalangan na sumama sa senyorita.

Nagpalinga-linga pa siya sa pag-asang masumpungan niya si Mina. Itinaas niya ang kaniyang kamay upang hingin ang kamay ni Victorina.

Ngunit natigilan siya nang makita si Mina sa gilid, nakatingin ito sa kaniya habang hawak ang isang bandeha. Lalapitan  niya na sana ito ngunit tumugtog na ang ikalawang musika.

"Kung hindi ako nagkakamali ikaw si Joeliano Crisologo ang ginoo sa simbahan noong nagdaang araw," nabaling ang paningin niya kay Victorina nang magsalita ito. Tumango na lamang siya bilang tugon sabay ngitin ng kaunti at muli niyang ibinalik ang kaniyang paningin kay Mina.

Sa kabilang banda naman ay nahagilap na rin ni Francisco ang dalagang kanina niya pa nais masulyapan ngunit ang atensyon nito ay nasa iba at ang bawat tingin nito sa binatang kasayaw ngayon ng senyorita ay nagpapadurog ng kaniyang puso.

Nagpaalam siya sa gobernador-heneral at saka siya tumayo at nilapan ang kinatatayuan ni Mina.

"Maari ba kitang isayaw, binibini?" ngisi niya dahilan upang mapalingon sa kaniya ang dalaga.

Agad niyang hinubad ang kaniyang sumbrero at itinapat sa kaniyang dibdib.

"Maari ba binibining Mina?" ulit niya sabay angat ng kaniyang kamay. Napayuko naman ang dalaga at saka nito inilagay sa likod ang hawak na bandeha.

"Paumanhin h-heneral, ngunit ang gaya kong tagasilbi ay hindi maaring makipag-sayaw sa gaya mong may mataas na katungkulan,”pagtanggil nito dahilan upang mapatayo ng tuwid ang heneral at ibinaba na rin nito ang kaniyang kamay.

Nagpaalam na si Mina at yumuko ito nang kaunti bago tuluyang maglakad patungo sa kusina kung saan naroon ang iba pang tagasilbi at serbidora. Hawak pa rin nito ang bandeha sa kaliwang kamay habang nakatingin sa ibaba.

Natumba siya ng matakid siya dahilan nang kaniyang pagbagsak. "Mabuti naman at alam mo ang iyong lugar," napa-angat ang kaniyang tingin at nakita si Rowena.

"Ipaaalala kong muli sa iyo na isa kang dukha at isinumpa hinding- hindi magkakaroon ng pagtangi ang sinumang ginoo sa iyo, kahit pa si heneral Francisco," saad nito habang matalim na nakatitig sa dalaga. Naiyukom na lamang ni Mina ang kaniyang kamao habang nilalabanan ang tingin ni Rowena.

"Kaya't ilugar mo ang iyong sarili!" Dagdag nito at ikatlong ulit na tinusok ng hintuturo ang noo ni Mina.

Tila nag-aapoy na ang mata ni Mina dahil sa init nang luhang nagbabadya sa kaniyang mata. Pilit niya mang ikubli sa kaniyang sarili ang bigat na kaniyang nararamdaman dulot ng mga sunod-sunod na nangyari sa kaniyang buhay ay kusa itong lumalabas at tila sasabog na ang kaniyang dibdib dahil sa kalungkutan, pagkamuhi at pagkabigo sa pag-ibig dahil tama nga ang tinuran ni Rowena, isa lamang siyang tagasilbi at dukha hindi siya nababagay sa ginoong labis-labis niyang tinatangi.

Nang magsimula nang tumulo ang luha sa kanang pisngi ng dalaga ay sinikap niyang makatayo at nagmadali siyang tumakbo papalabas ng mansyon. Nais niyang magpalipas sandali ng oras at pagaanin ang kaniyang loob.

Walang sinuman ang nakapansin sa kaniya hanggang sa tuluyan siyang makalabas ng mansyon.

Nahinto siya ng makita ang isang kalesang nakahinto sa gilid ng mansyon at may dalawang guwardiya civil na nakatayo sa gilid noon. Ipagpapatuloy na lamang sana niya ang kaniyang paglalakad nang makita ang lumabas na tao sa kalesa.

"Dalhin ninyo sa akin ang babaeng iyon." Rinig niyang saad nito sabay haplos sa baba nitong may balbas.

Nanlaki ang mata ng dalaga at saka siya tumakbo nang mabilis patungo sa kakahuyan nang habulin siya ng mga guwardiya civil.

Napuno nang takot ang kaniyang puso dahil hindi rin siya maayos na makatakbo dahil sa kaniyang suot na saya. Patuloy lang ang kaniyang pagtakbo at lilingunin niya pa sana ang mga ito sa kaniyang likuran ng matumba siya at agad na ininda ang kaniyang paa.

Agad niya iyong tiningnan at naiyak na lamang siya ng makita ang pagdurugo noon. Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril dahilan upang mapapikit ang dalaga dahil niyang mahuhulina siya ng tauhan ni heneral Edilberto.

Nagulat siya ng makita ang isang lalaking naka suot ng simpleng kasuotan at nakatago rin ang mukha nito nang tela. At ang mas lalo niyang ikinagulat ay ang mapusok nitong paghawak sa kaniyang baywang at binuhat siya nito at dinala sa isang masukal na parte nang kakahuyan.

Related chapters

  • Yugto   Kabanata 11

    Makailang ulit pa nilang narinig ang mga putok ng baril na nagmumula sa mahahabang baril ng dalawang guardia civil bago ito tuluyang mawala.Tahimik lamang ang dalawa habang pinakikiramdaman ang mga guardia. Mabilis ang tibok ng puso ni Mina dahil sa matinding kaba dahil akala niya ay tuluyan na siyang mahuhuli ng dalawang iyon.Dahan-dahan nadako ang paningin niya sa ginoong nag ligtas sa kaniya upang hindi siya makita ng mga ito. Ilang minuto niyang tinitigan ang lalaki dahil patuloy pa rin ito sa pagmamasid."Halika sumama ka sa akin upang malunasan natin ang ‘yong nagdurugong sugat." Agad na napaiwas ng tingin ang dalaga nang magtama ang kanilang mga paningin at binalingan niya na lamang ang kaniyang suot na saya. Marumi na iyon dahil sa kaniyang pagkadapa."H-Hindi ako maaaring sumama ssa’yo, hindi kita kilala at isa akong tagal silbi sa mansyon ng Gobernador-Heneral, " tugon niya.

    Last Updated : 2021-11-08
  • Yugto   Kabanata 12

    Tahimik ang lahat habang salo-salong nag-aagahan sa lamesa. Seryoso lamang na kumakain si doktor Julio habang tulala naman at walang kibo si Joeliano. "Lanong, bakit hindi mo ginagalaw ang iyong pagkain?" tanong ni donya Palma dahilan upang mapa-angat ng tingin ang binata at nagsalubong ang kanilang paningin ng ama. Ilang sandali pa siyang napatitig sa mata ng ama bago tuluyang magpaalam. "Busog lamang po ako ina, paumanhin ngunit nais ko munang magpahangin." Paalam niya at saka niya mabilis na sinulyapan ang mga kapatid. Naglakad-lakad sa mahabang daan hanggang sa marating niya ang plaza kung saan may nagkukumpulang mga tao. "Hindi ba ito ang binibining madalas na magpunta pamilihan?" Turan ng isang a Ale habang nakaturo sa isang papel kung saan nakaguhit ang larawan ng babae. "Siyangtunay.!" Tugon ng isa pang ale. Kumunot ang noo ni Joeliano at saka siy

    Last Updated : 2021-11-10
  • Yugto   Kabanata 13

    “Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt

    Last Updated : 2021-11-10
  • Yugto   Kabanata 14

    Last Updated : 2021-11-11
  • Yugto   Kabanata 15

    “Tatay Arturo!”sigaw ni Mina atsaka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito at saka napatango sa binata. Nagtanggal na rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang boses mo, sino ka?”tanong niya habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin nam

    Last Updated : 2021-11-11
  • Yugto   Kabanata 16

    Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni

    Last Updated : 2021-12-02
  • Yugto   Kabanata 17

    Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu

    Last Updated : 2021-12-02
  • Yugto   Kabanata 18

    Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang

    Last Updated : 2021-12-02

Latest chapter

  • Yugto   Wakas

    "Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc

  • Yugto   Kabanata 20

    Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina

  • Yugto   Kabanata 19

    Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk

  • Yugto   Kabanata 18

    Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang

  • Yugto   Kabanata 17

    Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu

  • Yugto   Kabanata 16

    Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni

  • Yugto   Kabanata 15

    “Tatay Arturo!”sigaw ni Mina atsaka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito at saka napatango sa binata. Nagtanggal na rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang boses mo, sino ka?”tanong niya habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin nam

  • Yugto   Kabanata 14

    “Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt

  • Yugto   Kabanata 13

    “Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt

DMCA.com Protection Status