Home / History / Yugto / Kabanata 14

Share

Kabanata 14

Author: Fourthpretty
last update Last Updated: 2021-11-11 18:58:24

“Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.

“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.

Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.

Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang señorita dahil sa wala na ang pinakapopootan nilang dalawa.

Samantala, tahimik naman ang loob ng tanggapan habang nakaupo sa silya si gobernador-heneral Vicente. Hindi na niya napigilan pa ang kaniyang sarili na lumuha dahil ang itinuring niyang kaibigan na siyang kaibigan rin ng unang babaeng kaniyang sininta ay wala na. Lumisan si mayor doma nang malungkot ngunit may kaunting tuwa rin dahil inalay niya ang kaniyang buhay sa mga mahal niya.

Pinahid ni Vicente ang luhang dumausdos sa kaniyang pisngi at napalingon sa naiwan niyang bukas na bintana. Napakunot ang kaniyang noo nang makita ang isang puting balabal na napapatungan ng isang nakatuping papel. Tumayo siya at naglakad patungo ro’n at kinuha ang mga bagay na ‘yon.

Una niyang binuklat ang papel kasabay ng kaniyang pagkabigla nang mabasa ang unang bahagi ng sulat na nagmula at sulat kamay ni mayor doma Emilda.

Hindi niya batid kung saan siya magtutungo o kung saan niya hahanapin ang mayor doma, ang tanging nasa isip niya ay ang magtungo sa hacienda Arcillas.

“¡Oye, espera, detente!”(hey wait stop!)

Napalingon siya sa kaniyang likuran at nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang dalawang sundalong sakay ng mga kabayo at humahabol sa kaniya. Hindi niya maaaring ihinto ang kabayo sapagkat tila nahihinuha na niya ang kahihinatnan ng mga magaganap sa oras gawin niya iyon.

Muli niyang nilingon ang mga sundalo at agad rin na ibinalik at tingin sa daan ngunit agad niyang nahila ang tali ng makita ang papasalubong na karwahe dahilan upang mapahalinghing ng malakas ang kabayo na sinabayan pa ng pagtayo nito dahilan ng kaniyang pagkalaglag. Tumakbo ng mabilis ang kabayo ng huminto ang mga sundalong nakasunod sa dalaga.

Pinilit niyang makatayo ngunit hindi na niya nagawa pa dahil sa masama niyang pagbagsak at nagkaroon na rin siya ng mga galos sa binti at braso.

“Estoy seguro de que es la mujer que nuestro general quiere arrestor, (I'm sure this is the woman that our general want to arrest, )”saad ng isang sundalo at saka nito nilapitan ang dalaga at pinagmasdang mabuti.

“Arrestémoslo e informemos al general rápidamente.(Let's arrest her and report to the general quickly.)” Mabilis na tugon ng isa pa at saka nila pilit na itinayo si Mina at itinali ang mga kamay nito.

Napa-angat ng ulo ni Mina nang kaniyang marinig ang pagbukas ng selda kung saan siya naroroon. Biglang siniklaban ng kaba ang kaniyang puso nang makita ang heneral na lubos niyang kinamumuhian.

“Me alegro de haberte vuelto a ver.(I'm glad I saw you again, )” panimula nito habang malawak na nakangiti, itinaas nito ang kanang kamay upang senyasan ang mga tauhan na sundalo na maghintay na lamang sa labas ng selda.

Seryoso at matalim na nakatingin ang dalaga kay heneral Edilberto dahil nakadagdag pa ito sa kaniyang nagdadalamhati at nagnanais na maghiganti na kaniyang puso.

“Iyo bang naaalala ang aking tinuran noong ika’y naroroon sa aking mansyon?”tanong nito at saka ito lumuhod upang maging kapantay ang dalaga. Nanatili lamang ang paningin nito sa heneral at kahit na kaunting tinig ay hindi niya ipinarinig dito.

“Kung iyo nang nalimutan ay maari ko namang ipaalala sa iyong muli, ”ngisi pa nito habang nilalabanan ang pagtitig ng dalaga. “Ngayong hawak na kita sa leeg ay hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataong ito upang gawin ang lahat at tuluyan kitang mapasakamay at...managing, ”mahinang usal nito kasabay ng pagseryosong ng kaniyang mukha.

Itinaas nito ang kanang kamay at hinawi ang buhok ni Mina na humaharang sa maganda nitong mukha. Agad na tinabig ng dalaga ang kamay nito dahilan upang mapahalakhak ang heneral.

“Ako'y namamangha at natutuwa sapagkat ikaw ay natuto nang lumaban. Kinahuhumalingan ko ang mga kababaihang tulad mo kaya't ihanda mo na ang iyong sarili ‘pagkat ikaw ang magbibigay sa akin maraming supling.”Patuloy nito at saka ito muling humalakhak na para bang pagmamay-ari niya ang buong daigdig, tumayo na ito at agad na tinalikuran ang dalaga.

“Tila nahihilig ka sa mga pantasya heneral. Alam mo bang kahit na sa aking pinaka huling hininga ay hindi ko hahayaang mangyari ang iyong pantasya.” ‘sing bilis ng kisapmata ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Mina. Ngumisi siya at pinakita niya na hindi siya natatakot sa mga balak nito.

Kunot noong napalingon sa kaniya  si Edilberto ngunit makalipas rin ang ilang sandali ay muli na itong nagpatuloy sa paglalakad at ipinagsawalang bahala niya ang mga tinuran ni Mina.

“Maraming salamat!”

Nang makaaalis ang kartero ay agad niyang pinunit ang gilid ng sobre at binasa ang nilalaman ng liham. Nakahinga siya ng maluwag nang matapo basahin ang sulat at saka niya muling itinupi at itinago sa kaniyang suot na uniporme.

“Tenyente Antonio, maganda ng gabi! ”napaayos si Antonio ng kaniyang tindig nang marinig ang isang Ginang na siyang bumati sa kaniya. Kasalukuyan siyang nakatayo malapit sa selda kung nasaan ang kinaroroonan ni Mina.

Agad siyang nagtago sa malaking pader nang makitang papalabas na ng selda si  Edilberto at ang mga sundalo nito. Nanatili siya at pinagmasdan ang mga ito paalis. Napalingon siya sa selda ng dalaga at agad na naglakad palapit doon.

Tahimik sa loob at madilim. Nilingon ni Antonio ang guardia civil sa hindi kalayuan na nakikipag-usap sa kappa guardiya civil. Muli niyang ibinalik ang kaniyang tingin sa madilim na selda sabay dukot sa kaniyang sisidlan kung saan siya nakakapagkubli ng mga pagkain.

“Binibini!”halos pabulong na kaniyang siga. Ngunit ilang sandali pa ay wala siyang narinig na kahit na anong pagtugon mula sa loob kaya't muli niyang nilingon ang mga bantay sa ‘di kalayuan at muling bumulong.

“Binibining Mina, nariyan ka ba?”

“T-Tenyente?”rinig niyang tinig sa loob kasabay no’n ay nakita na niya ang isang napakaputing binibini at ang mga asul na mata nito.

“Heto. Ako'y nagdala ng iyong makakain, kumain ka muna. Darating si heneral Francisco bukas ng tanghali upang ipakiusap sa gobernador-heneral na ikaw ay pala yan, ”turan ni Antonio sabay abot ng tinapay sa dalaga.

“Si Heneral Francisco, ”usal ni Mina na tila ba nakalimutan na niya ang heneral at ngayon lamang naalala.

“Ako'y lilisan na binibini.”Paalam ni Antonio at saka ito mabilis na tumakbo palabas. Tulala naman ang dalaga dahil hindi niya lubos maisip na nakalimutan niya ang Heneral ngunit hindi siya nakalimutan nito

“Inyo na bang naulingan ang pagkadakip ni Mina at kasalukuyan siyang nakakulong sa piitan?”sabi ng babaeng nakasuot ng purong itim at mayroon itong panakip sa kaniyang kalahating mukha.

“Diyos ko, Mina!”usal ni tatay Arturo habang nakatingala sa kalangitan at ipinagdikit nito ang mga palad.

“Sino ang nagpadakip sa kaniya?”tanong ni Teofilo habang seryosong nakatingin sa mga ng babae.

“Si heneral Edilberto, Telong. Wala pa akong nababatid kung ano ang maaaring kahantungan niya ngunit sa aking palagay ay mas makabubuting maitakas natin siya sa lalong madaling panahon.”tugon nito na agad ring sinang-ayunan ni tatay Arturo.

Napa-iwas ng tingin ang binata at napabuntong hininga bago niya muling ibinaling ang paningin sa kaniyang espiyang kasintahan at tinanguan niya ito bilang pagtugon na gagawin nila ang nais ng dalaga.

“Ama, pakiusap sabihin niyo kay heneral Edilberto na palayain na si binibining Mina, hindi ba't naparusahan na ang dapat parusahan kaya ano pang dahilan nang kanilang pagdakip sa binibining ‘yon?”turan ni Joeliano sa ama. Sa halip na magbigay tugon si doktor Julio ay nanatili ang mga mata nito sa babasahing libro na patungkol sa medesina.

“Amar, nakikiusap po ako.”

Malakas na isinara ni doktor Julio ang librong kaniyang binabasa at sinalubong ang tingin ng kaniyang anak. “Ano ba ang iyong mapapala sa babaeng iyon? Lagi na lamang ang babaeng ‘yon ang iyong inaalala. Hindi mo ba naisip na maaring mapahawak ang ating pamilya sa iyong binabalak? Hindi ako maaring mag suhestiyon kay Edilberto kaya mas makabubuting kalimutan mo na ang malas na babaeng ‘yon!”Kunot noong sigaw nito at mabilis na tinalikuran ang binata.

“Kung ayaw mong gawin ang aking ipinakikiusap, ako na mismo ang gagawa.”usal ng binatana dahilan upang mapatigil sa paglalakad ang kaniyang ama at ilang sandali rin ay nagpatuloy na ito.

Nabaling ang paningin ni Joeliano sa hagdan at nagulat siya nang makita roon ang heneral na taas noong nakatitig sa kaniya.

Tahimik ang buong selda at ang tanging naririnig lamang doon ay ang boses ng dalawang guardia civil na siyang nag-uusap gamit ang   ibang lenggwahe. Nagtatawanan ang  mga ito at saka napapatingin kung nasaan ang dalagang si Mina. Nakapikit siya habang nakahiga sa malamig na sahig ng selda.

Puno na rin ng dumi ang suot niyang isang simpleng baro't saya.  Nakapikit siya at hindi niya magawang matulog dahil na rin siguro sa kaniyang malalim na iniisip. Magtatanghali na ngunit walang pagkain na inaabot sa kaniya at ang huli niyang kinain ay ang tinapay na binigay sa kaniya ni Antonio ngunit hindi iyon sapat dahil ngayon ay nararamdaman na niya ang pagkalam ng kaniyang sikmura.

Napadilat siya nang marinig ang pagbukas ng pinto hudyat na may taong pumasok sa loob ng piitan. "Paumanhin ngunit nais kong makausap ang binibining nadakip noong nakaraang araw, " usal ng boses dahilan upang mapaangat ng ulo si Mina dahil pamilyar sa kaniya ang tinig na ‘yon.

“Mahigpit na ipinagbawal ni heneral Edilberto ang pagbisita sa binibining iyon, "tugon ng isang guardia civil at saka nito pinagmasdan ang binata mula ulo hanggang paa.

“Siya nga pala, ako si Joeliano Crisologo ang anak ng tanyag na doktor na si doktor Julio, ”nakangiting turan ng binata at saka nito inilagay sa kaniyang likuran ang kaniyang dalawang kamay.

Sandali namang bumulong ang isang guardia civil sa kapwa niya guardia civil at saka nila tinanguan ang binata at pinatuloy.

Kasalukuyan namang nakasilip ang dalaga at pinagmamasdan ang binata na papalapit na sa kaniyang selda. Nagtagpo ang kanilang mga mata dahilan upang magdagundong ang puso ni Mina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang nais ng kaniyang puso.

“Maligayang pagbabalik Heneral Francisco.! ”bati ng lahat. Naroroon ang lahat at masayang binati ang binatang heneral.  Naroon din ang gobernador-heneral na seryosong nakatingin sa binata.

Seryoso lamang ang reaksyon ni Francisco dahil iba ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Nakasakay siya sa kaniyang puting kabayo habang pumapalakpakan ng buong mamamayan. Nais na niyang lumisan at magpunta sa piitan kung nasaan naroroon si Mina. Labis siyang nangungulila sa mga bawat pagtitig at ngiti nito.

“Paumanhin ngunit may kailangan akong ppatunguhan.”aalam niya at kasabay noon ay mabilis niyang pinakaripas ng takbo ang kabayo patungo sa piitan kung saan naroon si Mina.

Nang marating niya ang piitan ay agad niya iyong pinasok at natigilan siya sa paglalakad. “Pangako, makalalabas ka sa seldang ito sa lalong madaling panahon.”saad ni Joeliano habang hawak ang kamay ng dalaga dahil wala na itong tigil sa kaiiyak.

Nagpasalin-salin ang paningin ni Francisco sa dalawa at tila isang pana ang agad na tumagos sa kaniyang puso nang maalala niya ang gabi bago siya tuluyang umalis papunta sa Laguna.

Iyon ang gabi kung saan nakita rin niya ang nagniningning na mata ni Mina habang nakatingin sa binata, si Joeliano.

KABANATA 14

Magkasamang kumakain sa hapag ang mag-ama. Tahimik lamang ang mga ito at wala ni isang nagsasalita hanggang sa tumayo si Victorina at agad na tumalikod.

“Hindi ka man lang magalang na magpapaalam sa iyong ama?”usal ni Vicente at saka binitawan ang mga kubyertos at nilingon ang anak na napatigil nang marinig ang tinig niya.

“Wala akong panahon upang makipag talastasan pa sa ‘yo, ”tugon ni Victorina at akmang maglalakad na siyang muli nang magsalita ulit ang kaniyang ama.

“Matagal ka nang ganito, mula nang ika'y lumisan ppatungong Europa at hanggang sa iyong pagbalik. Ano nga ba ang maari kong gawin upang tayo'y bumalik sa dati?”turanngi Vicente na tila nagpakababa upang maibalik ang kaniyang pinakamamahal na anak.

Unti-unti namang kumunot ang noo ni Victorina at hindi na niya nagawa pang pigilan ang kaniyang nagbabadyang luha sa kaniyang mata. “Nais kong ibalik mo ang buhay ng aking ina...”matigas na saad ng dalaga at saka niya mabilis na nilingon ang kaniyang ama.

“Dahil iyon lamang ang makapagbabalik ng mga ngiti sa aking labi at tuwa sa aking puso.” Patuloy pa nito habang pigil ang paghagulgol dahil sariwang-sariwa pa rin sa kaniyang ala-ala kung paano mamatay ang kaniyang ina na walang ibang ninais kung hindi ang makita ang kaniyang ama kahit na sa huling nitong sandali sa mundo.

Bulakan, 1884

"Ina!" sigaw ng dalagitang si Victoria at saka niya inakay ang kaniyang ina na hinang-hina na dahil sa dinadala nitong matinding karamdaman.

“Ayos lamang ako, hija. A-Ang iyong ama? Sumulat na ba siya sa atin kung makararating siya?”mabagal na saad ni Donya Remedios habang kunot noo na nakatitig sa mata ng kaniyang anak.

"W-Wala pang tugon si ama at noong nakaraang buwan pa po ako sumulat sa kaniya, ”tugon ni Victorina at pinagmasdan niya ang mukha ng kaniyang ina. Namumutla na  ang labi at maitim at malalim ang mga mata nito na lubos niyang inaalala.

“Marahil ay napopoot pa rin sa akin si Vicente  dahil ako ang dahilan ng kaniyang pagkasawi sa kaniyang minamahal, ”usal nng Donna at saka ito mapait na ngumiti.

“Ano ang iyong mga isinasalaysay ina?”tanong ng dalagita dahilan upang sulyapan siya ng kaniyang ina.

“Isa ako sa mga dahilan kung bakit nagdurusa ang iyong ama, nagpakasal siya sa babaeng kailan ma'y hindi niya minahal. Noon pa man ay tinatangi ko na ang iyong ama. Ngunit noong maikasal kami ay inakala kong mababago ko ang kaniyang damdamin ngunit mali ako sapagkat hanggang ngayon ay si Lorente pa rin ang nilalaman ng kaniyang puso , habang ako ay naghihintay pa rin na kaniyang mahalin. Nais kong mahalin niya ako,anak,”salaysay ni Donya Remedies at saka ito tuluyan nnangnapaluha.

“Batid kong hindi niya ako mamahalin ngunit umaasa pa rin akong mangyayari iyon. Hija, hindi na ako magtatagal pa. Pangalagaan mo ang iyong puso at huwag mong hayaang mahulog ka sa lalaking may minamahal nang iba, hindi ko nanaisin na matulad ang iyong kapalaran sa akin.”ngiti pa ng Donya at saka niya dahan-dahan na hinagkan ang anak.

Hindi pa man maintindihan ni Victorina ang mga isinalaysay sa kaniya ng ina ay batid niyang patungkol iyon sa isang binibining nagmahal ngunit ang pagmamahal na iyon ay hindi kailan man nasuklian.

Lumipas lamang ang ilang araw ay tuluyan ng binawian ng buhay si Donya Remedios nang hindi man lang nasisilayan ang kaniyang lubusang minamahal. Lubusan ang paghihinagpis ni Victorina dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina, hinintay niya ang kaniyang ama hanggang sa huling hantungan ni Donya Remedios ngunit maging kahit na anino ng kaniyang ama ay hindi niya nasilayan.

Tinalikuran na ni Victorina ang kaniyang ama at saka siya patakbong nagtungo sa kaniyang silid.

“Ikaw ang makapangyarihang tao sa buong lalawigan ng Cavite, Gobernador-heneral. Makakaya mong mapalaya ang dalagang naghihirap ngayon sa pitman, ”kalmadong saad ni Francisco habang pinagmasdan si Vicente na tahimik lamang na nakadungaw sa bintana ng silid nito.

Ilang minuto pang naghintay si Francisco sa itutugon nito sa kaniya. Naniniwala siya na magagawa nito ang kaniyang hinihiling dahil ito na lamang ang alam niyang makapagpapalaya kay Mina.

“Hindi madali ang iyong hinihiling Francisco, sapagkat hindi na kami maari pang magkaroon ng ugnayan sa isa't isa. Hindi ko na siya maaring tulungan dahil sa oras na gawin ko ang bagay na ‘yon ay tila pinatunayan kong ako nga ang may kagustuhan sa nangyari noong panglalason kay Edilberto, “  napapikit siya at dinama ang sariwang hangin. Nais niya mang tulungan ang anak ng babaeng kaniyang minamahal ay hindi maaari.

Alam na niya ang daloy ng pag-iisip ni Edilberto. Gusto nitong matanggal siya sa kaniyang puwesto upang palitan siya nito, matagal na itong may pagnanasang maangkin ang buong lalawigan ng Cavite at hinding-hindi niya iyon papayagan. Kahit pa sabihing naroon si Mina sa piitan na naghihirap.

“Wala na po akong magagawa kung ‘yan po ang iyong desisyon, maiwan ko na po kayo. ” Lumabas na siya ng silid at nakita niya si Victorina na nakatayo sa dulo ng hagdan habang nakatingin sa kaniya. Tinanggal niya ang kaniyang sumbrero upang ipaabot ang kaniyang pagbati sa dalaga kahit na labag sa kaniyang kalooban, mas nais niya pa ring maging magalang sa harap ng lahat ng mga kababaihan.

“Hindi mo nakumbinse si ama, ”nahinto siya sa paglalakad nang marinig ang tinurang iyon ng señorita.

“Mahina ka talaga Ginoong Francisco Pablo, hindi ka nararapat sa isang katulad ko,”dagdag pa nito. Hinarap niya ang dalaga at muling ibinalik sa kaniyang ulo ang sumbrero.

“Paumanhin. Hindi na ako naghahangad pa na pakasalan ka Victorina at lubusan ang aking pagsisisi na minsan kong binuo ang desisyon na ‘yon. Napagtanto ko na hindi ka nga nababagay sa akin dahil mataas ang tingin mo sa iyong sarili at kailan man hinding-hindi ko maabot ‘yon o baka hindi ko na rin balakin pa talagang abutin.”saad ng binata ngunit hindi niya tiningnan sa mata si Victorina sa halip ay itinuon niya ang kaniyang paningin sa maaliwalas na tanawin sa labas ng mansyon na naabot ng kaniyang paningin.

Napaiwas naman ng tingin ang dalaga at ibinuka nito ang hawak nitong abaniko at itinakip sa kaniyang kalahating mukha. “Maiwan na kita, magandang umaga.”Patuloy ni Francisco at saka siya bahagyang yumuko at muling ipinagpatuloy ang paglalakad.

“Aking pakakasalan ang dalagang nagtangka sa aking buhay noong nagdaang mga araw, ”usal ni Edilberto habang hawak nito ang mga kubyertos sa kaniyang mga kamay.

“Magandang ideya ‘yan heneral upang magkaroon ka na ng iyong sariling pamilya, ”tugon ni doktor Julio sabay sulyap kay Joeliano na tulala habang kumakain at tila hindi narinig ang tinuran ni Edilberto.

“Bakit tila biglaan ang iyong pag dedesisyon heneral, bata pa ang babaeng iyon. Ganoon ba ang iyong mga natitipuhang binibini kung kaya't hanggang ngayon ay wala ka pa ring asawa?”sabat ni Donya Palma. Nakikinig lamang sa usapan si Joselito at maging si Polonya.

"Siyang tunay Palma, at ngayong nakita ko na ang babaeng nais kong pakasalan ay hindi na ako Magda dalawang isip pa, ” humalakhak siya na tila nagawa na niyang maikasal kay Mina. Natigilan siya ng biglang tumayo si Joeliano at naibato nito ang kubyertos na hawak.

"Ikinulong mo siya sa seldang iyon at ngayon ay magdedesisyon ka na pakasalan siya na para bang pagmamay-ari mo!”sigaw ni Joeliano habang matalim na tinititigan ang heneral. Kumunot naman ang noo ni Edilberto at mahigpit na napahawak sa gilid ng mesa at pinigilan ang nararamdamang pagkainis sa binata.

“Lanong! Magtigil ka!”sigaw naman ni doktor Julio.

“Huminahon ka kapatid ko, ”marahan naman na saad ni Polonya at hinawakan ang nanginginig na kamay ni Joeliano.

“Huwag mo siyang ihalintulad sa isang laruan dahil sa aking pagkakaalam, ang mga binibini ay dapat na tinitingala at hindi bagay na kung ano ang nais mong gawin ay magagawa mo.”Dagdag pa ng binata at saka ito naglakad palabas.

“Ikaw ba ay nagugutom?”tanong ni Francisco na agad ding inilingan ni Mina.

“Ayos lamang ako heneral Francisco, huwag mo po akong alalahanin.”tugon nito. Pinagmamasdan lamang ni Francisco ang mukha ng dalaga at hinihintay niyang tingnan siya nito tulad nang kung paano nito tingnan si Joeliano.

Tahimik na sa pagitan nilang dalawa at hindi nagsalita pa ang heneral. Nakaupo siya sa labas at gilid ng selda habang nakasandal sa pader, ganoon din ang posisyon ng dalaga at nakatagilid sa isa't isa. Nakatitig si Mina sa pader habang si Francisco naman ay walang kurap na pinagmamasdan ang bawat sulok ng mukha ng dalaga.

Alam niya sa sarili niyang nahuhulog na siya at hindi na niya magagawa pang labanan ang kaniyang nararamdaman para sa dalaga at nais na niyang ipabatid iyon. Ngunit sa tuwing naaalala niyang may iba nang tinitibok ang puso ni Mina ay para iyong isang malaking harang sa kaniyang puso na pumipigil upang ilabas at ipabatid sa daigdig ang nilalaman ng kaniyang dibdib.

Sabay silang napatayo nang marinig ang isang putok na nanggaling sa isang rebolber at agad na hinagilap ni Francisco ang tatlong guardia civil na nagbabatay sa selda.

Dalawang nakahandusay na katawan ng guardia civil ang kaniyang natanaw sa ‘di kalayuan, sinulyapan niya si Mina at tatakbo sana siya nang marinig niya ang boses ng isang babae sa kaniyang likuran.

Mabilis niya iyong nilingon at napaayos siya ng kaniyang tindig ng makita ang isang taong nakasuot ng mga pinagtagpi-tagping tela upang mabalot ang katawan nito pati na rin ang mukha nito at tanging mata na lamang ang nakikita. 

May hawak itong pana at palaso habang nakaasinta sa kaniya. Dahan-dahan siyang napalingon sa kinaroroonan ni Mina tulad niyang nagtataka rin. May dumating pang dalawa na gaya nitong nakakubli rin ang pagkakakilanlan.

Naglakad ang isa pang taong kasamahan ng babae at naglabas ito ng patalim na ikinagulat ni Mina. Nakikilala niya ang patalim na ‘yon dahil minsan na niya iyong nakita nang magkasama sila ni Teofilo sa pagsasanay.

Alam ni Mina kung sino sa tatlong iyon si Teofilo. Naglakad ang isa pa papalapit sa selda ni Mina. Hawak nito ang susi ng kaniyang selda at mabilis siyang napakawalan.

“Paumanhin Heneral, ngunit marahil ay ito na ang iyong katapusan.”turan ng babaeng may hawak na pana at akmang bibitawan na nito ang palaso nang mabilis na nagsalita si Mina.

"Huwag mong gawin iyan!”sigaw niya dahilan upang mapalingon sa kaniya ang babae.

“ Parang narinig ko na ang iyong tinig.”usal ni Francisco habang nakatingin sa babaeng may hawak na pana.

"¡Captura a los rebeldes!( Capture the rebels!)”

Sabay-sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses at muling ibinalik ni Francisco ang kaniyang paningin sa tatlong rebelde.

“Itakas na ninyo si Binibining Mina, ako na ang bahala rito! ”turan ni Francisco at saka niya tiningnan sa mata ang dalaga na noo'y nakatingin na rin sa kaniya.

“Pagkakatiwalaan kita heneral.”sambit ni Mina at saka sila tuluyang tumakbo papalabas at naiwan naman si Francisco na hindi rin maitago ang kasiyahan dahil sa huling winika ng dalaga.

Ibinalik niya ang kaniyang paningin sa mga guardia civil na papalapit na.

“General, ¿por qué dejó escapar a esos rebeldes de la cautiva del general Edilberto? ( General, why did you let those rebels escape the female captive of general Edilberto?)” sambit ng isang guardia dahilan upang mapangiti si Francisco.

“Porque esa mujer es la que amo. ( Because that woman is the one I love.)” tugon niya sa salitang kastila at saka niya mabilis na binunot ang kaniyang patalim at itinarak niya sa puso ng guwardiya civil na nasa kaniyang harap, ganoon rin ang ginawa niya sa iba pa dahilan upang matalsikan siya ng dugo nito sa kaniyang pisngi. 

Nang matapos na niyang bawian ng buhay ang mga ito ay muli siyang napasulyap kung saan dumaan si Mina at ang tatlong rebelde. Napalingon siya ng makarinig siya ng ingay mula sa labas. Huminga siya ng malalim bago niya itarak sa kaniya mismo ang ginamit niyang patalim sa mga rebelde.

Napahandusay siya kasama ng iba pang guardia civil na wala ng buhay at ipinikit niya ang kaniyang mata

Related chapters

  • Yugto   Kabanata 15

    “Tatay Arturo!”sigaw ni Mina atsaka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito at saka napatango sa binata. Nagtanggal na rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang boses mo, sino ka?”tanong niya habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin nam

    Last Updated : 2021-11-11
  • Yugto   Kabanata 16

    Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni

    Last Updated : 2021-12-02
  • Yugto   Kabanata 17

    Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu

    Last Updated : 2021-12-02
  • Yugto   Kabanata 18

    Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang

    Last Updated : 2021-12-02
  • Yugto   Kabanata 19

    Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk

    Last Updated : 2021-12-03
  • Yugto   Kabanata 20

    Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina

    Last Updated : 2021-12-03
  • Yugto   Wakas

    "Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc

    Last Updated : 2021-12-03
  • Yugto   Simula

    Malamig na simoy ng hangin ang marahang dumadampi sa maputing balat ni Mina. Kasalukuyan ng nahihimbing ang lahat sa pag-tulog ngunit siya ay hindi pa. Marahil ay nais niyang pagmasdan muli ang napakagandang liwanag ng buwan na natatabunan ng ulap sa kalangitan. Hindi na sumasakit ang kaniyang mata dahil sa liwanag ng sikat ng araw twing umaga. Sa ganitong tanawin ay banayad ang kaniyang pakiramdam dahil hindi masakit sa mata ang liwanag ng buwan kung ikukumpara sa liwanag ng sikat ng araw tuwing darating ang umaga. Tumayo siya at muling inamoy ang napakabangong bulaklak ng sampaguita na nasa kaniyang kana ng kamay. Sa gabi lamang siya nakakapamasyal o nakakalabas ng kanilang tahanan sapagkat hindi maaaring masikatan ng araw ang balat niya. Hindi gaya ng iba, madaling masunong o humapdi ang balat ni Mina kaya gano'n na lamang kung harangan ng kurtina ang kaniyang silid upang walang liwanag ng araw ang makakapasok doon. Pinagb

    Last Updated : 2021-07-28

Latest chapter

  • Yugto   Wakas

    "Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc

  • Yugto   Kabanata 20

    Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina

  • Yugto   Kabanata 19

    Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk

  • Yugto   Kabanata 18

    Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang

  • Yugto   Kabanata 17

    Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu

  • Yugto   Kabanata 16

    Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni

  • Yugto   Kabanata 15

    “Tatay Arturo!”sigaw ni Mina atsaka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito at saka napatango sa binata. Nagtanggal na rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang boses mo, sino ka?”tanong niya habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin nam

  • Yugto   Kabanata 14

    “Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt

  • Yugto   Kabanata 13

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status