Home / History / Yugto / Kabanata 20

Share

Kabanata 20

Author: Fourthpretty
last update Last Updated: 2021-12-03 00:41:27

Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.

Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.

Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata  dahil nakikilala niya ang boses nito.

“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina habang pilit na inaaninag ang binata. Umupo ang binata sa papag at tahimik na pinagmasdan ang dalaga sapagkat naaaninag niya ito kahit kaunti.

“Nasaksihan ko kung paano siya patayin ng walang pag aalinlangan.”dagdag pa nito.

“Sino? Sino ang iyong tinutukoy?”kunot noong tanong ni Mina. Marami pa ang nabubuong taong sa kaniyang isipan, kung paano siya nakuha sa kamay ng gobernador at kung paanong naririto siya kasama si Francisco.

“Ang iyong matapang na kaibigan...ang pinuno ng mga rebelde.”tugon ni Francisco dahilan upang mapatakip ng bibig si Mina at pagsikip ng kaniyang d****b dahil sa pagkabigla sa kaniyang mga narinig.

“Kakatapos lamang ng inyong kasal ngunit heto't wala na siya sa iyong tab, ”tawa ni doktor Julio habang humihithit ng tobacco at nakaupo sa harap ng gobernador.

Nasa magkabilang gilid naman nakatayo ang mga guwardiya civil at mga sundalo. “Nakikilala ko ang isa pang lalaking kasama ng kumuha sa aking asawa. Hindi ko masikmura na ang dating tinitingalang heneral ay kaanib na ngayon ng mga rebelde.”natatawang saad ni gobernador Edilberto at tulalang nakatingin sa ibabaw ng kaniyang mesa.

Kumunot naman ang noo ng doktor at tiningnan ang kaibigan. “Sino, si Francisco Pablo?”tanong nito ngunit hindi na siya tinugunan ng kaibigan at natawa na lamang ito habang tulala pa rin.

“Ipinaguutos ko na tugisin ninyo ang dating heneral na si Francisco Pablo at ibalik ninyo sa akin ang aking asawa!”seryosong turan ng gobernador at sa pagkakataong iyon ay wala nang makikitang tuwa sa kaniyang mukha at matalim na rin ang mga tingin nito.

Agad naman ang pagsaludo nang lahat at sabay-sabay na naglakad papalabas ng tanggapan.

Lahat ay nagdadalamhati dahil sa pagkamatay ng kanilang pinuno na hanggang ngayon hindi nila batid kung saan inilibing ang katawan. Naglulupong-lupong ang lahat na pinangungunahan ni Ignacio. Mayroong nagliliyab na apoy sa gitna na kanilang pinaliligiran.

Nakaupo si Mina habang wala sa sariling pinagmamasdan ang apoy. Hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang palaging nagliligtas sa kaniya at wala na ang kaniyang kaibigan dahil sa ngayon ay kasama na nito ang lubos nitong iniibig sa kabilang buhay.

Natauhan si Mina nang marinig niyang umingay ang lahat, inilibot niya ang kaniyang paningin at napakaseryoso ng lahat at ang iba ah nakikipag debate ng salita kay Ignacio. Nadako ang kaniyang paningin kay Francisco na noo'y nakatingin na sa kaniya.

“Ano ang tinuran ni Ignacio?”tanong niya ngunit napalingon siya sa isang ginoo nang lakas loob itong magsalita ng sariling saloobin.

“Isang babae? Hindi iyon maganda sa aming paningin Ignacio ‘pagkat ang mga kababaihan ay lubhang mahina kumpara sa ating mga kalalakihan. Napakaimposible ng ninanais ni Teofilo.”saad nito at saka napatingin sa direksyon ni Mina. Natigilan naman si Mina nang marinig iyon at tumayo siya.

“Anong nangyayari?”

Napatikom naman ng bibig si Ignacio at napahawak sa batok. “Ikaw ang nais ni Teofilo na maging pinuno ng himagsikang ito, ”tugon ni Ignacio, nabigla siya sa itinugon ng binata. Wala siyang nalalaman sa pagiging isang pinuno ngunit kung ito ang huling kahilingan ng dating pinuno ay handa niya itong harapin at magpakapinuno at maghimagsik upang magkaroon ng katarungan ang lahat ng mga napaslang at ang lahat ng tiwaling nangyayari sa bayang ito.

Isa-isa niyang pinagmasdan ang mga natitirang kaanib nila na tuluyan nang binibitawan ang prinsipyong kanilang ipinaglalaban.

“Kayong lahat, bumibitaw sa ating mga ipinaglalaban nang dahil lamang sa babae ang inyong magiging pinuno? Napakababa ng tingin ninyo sa amin, ang hindi ninyo alam ay ang mga kaya niyong gawin ay kaya rin namin! Hindi kami isang babae lang dahil kami ay mga babae na kayang mamuno, kayang pamunuan ang isang grupo!”tahimik ang lahat habang nakikinig sa mga isinasalay ni Mina.

Pinagmamasdan naman ni Francisco si Mina habang patuloy itong nagsasalita at ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay mas lalong nagpapalambot sa kaniyang puso. Tuluyan pang nahuhulog ang kaniyang damdamin dahil sa ipinapakita nitong katapangan. Tila bahagyang tumitigil ang pag-ikot ng mundo habang patuloy niya itong pinagmamasdan.

“Hayaan ninyo akong ipakita sa inyo na kaya ko. Kaya ko ring lumaban at makipagsagupaan! ”dagdag pa ni Mina ngunit wala ni-sinuman ang nagtakang magsalita.

Nasaan si binibining Mina?”tanong ni Francisco.

“Naroon at nagsasanay gumamit ng patalim.”tugon ni Ignacio sabay sa kabilang puno malayo sa kanilang kinatatayuan. Napangiti naman siya nang matanaw niya roon ang binibini.

“Saan ka magtutungo, maayos ang suot mong kasuotan?”kunot noong tanong ni Ignacio.

“Magpapadala ako ng telegrama sa aking tiyahin sa dasmariñas dahil nakasisiguro akong maging sila ay madadamay sa magaganap na himagsikan sa kabilugan ng buwan.”tugon niya, tinanguan na lamang siya ni Ignacio saka na ito umalis. Muling natuon ang atensyon niya kay Mina na seryosong nagsasanay.

Tahimik na pinagmamasdan ni Victorina ang kaniya ama na nasa piitan ngayon. Ito na ang huling araw nito at ilang oras na lamang ay hahatulan na nang kamatayan sa pamamagitan ng pag-baril.

Nadako ang paningin ng dating gobernador na si Vicente sa labas ng selda at nabigla siya ng makita roon ang kaniyang anak. Napatayo ito naglakad papalapit sa rehas at hinarap ang anak.

“V-Victorina...”usal niya ngunit nanatili lamang na nakatingin sa kaniya ang dalaga at namumuo ang kaunting luha sa mata nito.

“Nagtungo ako rito hindi dahil sa nahahabag ako sa iyo. Nagtungo ako rito dahil ito na ang iyong huling araw at nais kong mabatid mo na.”saad niya.

Natigilan naman ang kaniyang ama. “Hindi lamang ako nag-iisa, hindi lamang ako ay iyong anak.”

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Nagkaanak ka sa babaeng naging dahilan ng pagkabigo ng aking ina. Nagkaroon ka ng supling kay Lorente. Hindi ko nga batid kung bakit ko ito ipinapabatid sayo dahil sila ang dahilan kung bakit ako nawalan ng pamilya. ”

Natulala naman si Vicente at hindi makapaniwala sa kaniyang mga naririnig mula sa kaniyang sariling anak. “P-Paano mo nalaman ang lahat ng iyon?”tanong niya.

“Ipinapatay ko si Lorente dahil lubos ang aking pagkasuklam sa inyo at dahil sa ginawa kong iyon ay akala kong mapapatawad na kita at magkakaroon na nang kalayaan ang aking puso ngunit nagkamali ako. Sapagkat narito pa rin ang kirot na noo'y pinapasan ni ina, ako na ngayon ang sumasalo ng kaniyang kabiguan.”turan niya habang nakatingin ng diretso sa ama na wala nang tigil sa pag-agos ang luha.

“S-Si Mina ba ang iyong tinutukoy?”utal nitong tanong habang Nakahawak sa rehas, napakunot naman ang noo ni Victorina at hindi na niya napigilan pa ang kaniyang sarili. Agad niyang tinalikuran ang ama at akmang maglalakad paalis nang marinig niya ang huling tinuran ng kaniyang ama na nagpatigil sa kaniya.

“Patawarin mo ako kung ako man ang naging dahilan ng kabiguan ng iyong ina ngunit minahal ko rin siya...ngunit bilang isang matalik kong kaibigan.”saad ni Vicente habang humahagulgol na napaluhod. “Hindi ko hinihingi ang iyong kapatawaran sa ngayon dahil kaya kong maghintay kahit na ako'y nasa kabilang buhay na.”dagdag pa nito.

Dire-diretso nang naglakad si Victorina palabas ng piitan at hindi na niya nilingon pa ang kaniyang ama.

“Ina hindi ko alam kung tama ba aking ginawang desisyon. Hinayaan ko si ama na hatulan ng kamatayan, sapat na ba iyon ina?”humahagulgol na turan ni Victorina habang nakaupo sa harap ng puntod ng kaniyang ina.

Masakit para sa kaniya ang nagawa niya ngunit mas tumitimbang pa 'rin sa kaniyang puso ang makita niyang paghihirap ng kaniyang ina bago ito pumanaw. Mahal niya ang kaniyang ama ngunit mas mahal niya ang kaniyang ina. Kaya't sana ay siya naman ang patawarin nito sa oras na bitayin na ito at mawalan ng buhay.

“Patay na ang dating gobernador. ”napalingon siya sa kaniyang likuran nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nagulat siya nang makita si Joeliano, nakatayo ito sa kaniyang harap at seryoso ito  habang nasa likuran ang dalawang kamay.

Mas lalo lamang na bumigat ang pakiramdam ni Victorina nang marinig ang ibinalita nito. Ganon siya kasamang anak dahil nagawa niyang talikuran ang sarili niyang ama. Muli niyang ibinalik ang paningin sa puntod at hinimas ang nakaukit na pangalan ng kaniyang ina. Wala nang salita ang lumabas sa kaniyang bibig sa halip ay mas pinili niyang itigil ang paghagulgol dahil ayaw niyang may ibang nakakakita sa kaniyang kahinaan.

Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang dahan-dahang pagyakap sa kaniya ng binata na hindi niya inasahan. “Lumuha ka hangga't nais mo dahil nandito ako upang iyong maging panuelito.”sambit ni Joeliano.

Napamulat ng mata si Mina at isang hating buwan ang bumungad sa kaniya. “Gising kana?”nadako ang kaniyang paningin sa gilid at namataan niya roon si Francisco nakahiga ito habang pinagmamasdan ang buwan na malapit nang mabuo.

“Anong nangyari?”

“Nawalan ka nang malay at siguro ay lumabis ka sa iyong pagsasanay.”tugon ni Francisco sabay baling ng tingin kay Mina. Naalala naman agad niya na nararamdam nga siya ng pagkahilo noong siya ay nagsasanay noong magtatakip-silim.

“Binibini, papaano kung ang  tinitingala na buwan na iyon ay biglang mahulog sa iyo. Iyo ba itong sasaluhin kahit pa hindi ka handa sa pagkahulog nito?”turan ni Francisco at muling ibinalik ang paningin sa buwan.

Napaiwas naman ng tingin si Mina dahil batid niyang mayroon itong gustong ipabatid sa kaniya. “A-Ano ang iyong ibig sabihin?”tugon niya.

Napabalikwas naman ang binata at umupo ito. “Nais ko lamang malaman kung ano ang iyong magiging desisyon sa mga bagay na pwedeng mangyari na hindi mo inaasahan.” Saad ni Francisco ngunit hindi niya nilingon si Mina.

Napakurap kurap naman si Mina at bahagyang iniwasan nang tingin ang buwan. “Marahil...kung mahulog man ang buwan nang hindi ko inaasahan ay maaring hindi ko ito masalo sapagkat ang aking buong atensyon ay wala sa kaniya kung hindi nasa iba. Kung saan pinagmamasdan ko ang napakagandang tanawin.”tugon niya at umupo na 'rin.

Hindi na nagsalita si Francisco at ngumiti na lamang siya na para bang gusto niya ang isinagot nito sa kaniya.

“Kahapon isinagawa ang parusang kamatayan sa dating gobernador at ngayon ay nakahimlay na siya katabi ng puntod ng namayapa rin nitong asawa.”balita ni Ignacio na diretsong nakatingin kay Mina. Matindi pa rin ang pagkabigla ang naramdaman ni Mina nang marinig ang balitang iyon kahit pa inaasahan niya na 'rin iyon, wala na 'rin naman siyang magagawa upang mailigtas ang kaniyang ama sa kamatayan dahil ang mas pinangangalagaan niya sa ngayon ay ang kanilang plano at mananatili silang tahimik hangga't hindi pa sumasapit ang kulay dugong kabilugan ng buwan.

Dahan-dahan na lamang siyang napaupo sa isang silya dahil sa panghihina ng kaniyang tuhod.

“Binibini ikaw ay nagdurugo!”

Napalingon siya kay Ignacio na alalang nakatingin sa kaniya at sa suot niyang saya. Nanlaki ang mata niya nang makita at maramdaman ang tumutulong dugo sa kaniyang hita na dumikit na sa kaniyang kasuotan.

Tulala si gobernador Edilberto habang pinagmamasdan ang ilang mga sundalo na nagmamartiya sa labas ng kaniyang mansyon. Ilang araw na rin ang nagdaan ngunit wala pa ring balitang dumadating sa kaniya patungkol sa kaniyang asawa. Tahimik 'rin ang lahat at tila walang nangyayaring pag-aaklas sa buong lalawigan.

Naisin man niyang mag saya sapagkat nagawa na niyang paslangin ang iisang taong kaniyang kalaban sa ngalan ng politiko ay hindi 'rin niya magawa sapagkat tila talk pa 'rin siya dahil hindi niya hawak ang babaeng patuloy niyang pinagnanasahan.

Ilang araw na rin niyang hindi nakikita si doktor Julio at wala na siyang balita sa pamilya nito.

Wala sa sarili siyang naglakad patungo sa mesa kung saan nakalagay ang kaniyang rebolber at mabilis niyang binuksan ang silindro at naglagay ng isang bala at mabilis 'rin na isinara. Naglakad siyang muli pabalik sa  bintana at itinutok niya ang baril sa isang sundalo at pinakawalan ang bala dahil ng paglikha ng malakas na tunog.

Nagitla naman ang lahat ng sundalong naroon ng mabilis na tumama ang balang iyon sa balikat ng isa sa kanilang kasamahan, kaniya kaniya nilang hinawakan ang kaniyang mga baril at hinanap ang pinagmulan ng bala.

“Hanapin ninyo ang aking asawa mga inutil!”sigaw ni gobernador Edilberto dahilan upang mapalingon sa kaniya ang lahat ng sundalo at kahit maging ang sundalong tinamaan ng bala ay pinilit ka 'ring sumaludo kahit pa sobrang iniinda na nito ang sakit.

“Ang babaeng iyon pa rin gobernador? ”napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig at doon ay nakita niya ang doktor na ilang araw 'ring hindi nagpakita sa kaniya.

Nagtanggal na ito ng sumbrero at umupo sa nag-iisang silya sa harap ng mesa niya. “Bakit ngayon kalang nagpakita?”seryosong tanong niya at inihagis ang rebolber sa kung saan.

Hindi siya nilingon ng doktor sa halip ay nagsindi ito ng tobacco at nagkalat ng usok sa loob ng silid. Ilang sandali pa ay nila pag niya ang hawak na tobacco at nagsalita.

“Nagtungo ako sa Laguna at ang lahat ng tao roon ay nangangamba dahil usap-usapan doon ang pagdating ng mga amerikanong mananakop at mas tumindi pa ang kanilang pangamba dahil wala roon ang kanilang gobernador dahil nagtungo ito sa espanya.”saad ni doktor Julio at saka niya nilingon ang gobernador.

Nagulat siya sa biglaang paghalakhak nito na para bang nahihibang. “Kaawa-awang Laguna.”usal nito.

“Gobernador! Wala ka man lang bang gagawing hakbang upang tulungan ang lalawigang iyon? Ang lalawigang iyon ay ang aking pinagmulan.”turan pa ng doktor at tumayo na ito at nilapitan si gobernador Edilberto.

“Problema iyon ng lalawigan iyon at hindi aking problema dahil ang aking kasalukuyan problema ay ang matagpuan ang lungga ng aking rebeldeng asawa.”saad pa ng gobernador na lubos na ikinainis ni doktor Julio. Hindi na siya nagsalita at naglakad na siya patungo sa pinto palabas ngunit nang pihitin na niya ang pinto ay narinig niyang nagsalita pa ang gobernador.

“Bakit naman kita bibigyan ng tulong Julio, batid kong hindi ka tapat sa akin at isa ka 'rin namang traydor at tuso gaya ko.”dagdag pa nito ka kasabay ng malakas pa nitong halakhak.

“Maselan ang kalagayan niya ngayon dahil hindi pa rin tumitigil ang pagdurugo.”turan ng isang ginang. Nag-aalala naman si Francisco habang nakatingin sa ginang.

“Ngunit bakit labis ang kaniyang pagdurugo?”

“Hijo, siya ay nagdadalang tao at makasasama sa kaniya kung patuloy ang kaniyang pag-aalala.”tugon nito na lubos niyang ikinagulat. Hindi na niya maintindihan pa ang huling tinuran ng ginang bago ito lumabas ng silid dahil natuon na ang kaniyang buong atensyon kay Mina na ngayon ay nahihimbing na nakahiga.

Hindi niya batid kung ano ang magiging reaksyong nito sa oras malaman nito na may nabubuong sanggol sa sinapupunan nito.

“Gobernador, kasalukuyan nang nagaganap ang labanan sa pagitan ng mga amerikano at mga sundalong laguna, hindi pa 'rin po ba kayo magpapada ng mga sundalo roon upang tumulong?”turan ng isang  tenyente. Ngunit wala siyang natanggap na tugon mula sa gobernador at patuloy lamang ito sa pagbabasa ng isang aklat na tumatakip na sa mukha nito.

“Pagtuunan mo nang pansin ang mga aking ipinag-uutos tenyente, siya nga pala nasaan na ang tiyuhin ni Francisco Pablo?”saad ng gobernador sala nito ibinaba ang hawak na aklat.

“Nagtungo ang ilang mga sundalo sa bahay na tinutuluyan ng mga kaanak niya ngunit paumanhin gobernador sapagkat wala silang nadatnan doon.”tugon pa nito.

“Isang matalinong desisyon Pablo!”

“Nahihibang ka na Julio, nagawa mong ibigay ang iyong sariling anak para lamang makuha ang tiwala ng mga amerikanong iyon!”sigaw ni donya Palma habang nakahawak ang isang kamay sa d****b nito.

“Magkakaroon ng digmaan Palma at ito ang mas makabubuti sa atin at para rin kay Polonya.”tugon ni doktor Julio sabay lingon sa anak.

“Magsipag handa na kayo at bukas na bukas ay maglalakbay tayo patungong Amerika!”dagdag pa nito kaya wala nang nagawa pa ang mag-ina kun'di ang sundin ang padre de pamilya.

“Ipagpapaliban natin ang pagsalakay mga kasama, sa ngayon ay maselan ang kalagayan ng ating pinuno sapagkat siya ay nagdadalang tao!”turan ni Francisco na ikinagulat ng ilan.

“Kung gayon kailan mangyayari ang ating pagsalakay?”

“Paumanhin ngunit pagkaraan pa ng siyam na buwan.”tugon niya sala siya ngumiti at binalingan ng tingin si Mina.

Makaraan ang siyam na buwan.

Tuluyan nang napasakamay ng mga amerikano ang lalawigan ng Laguna at tatlong buwan na nitong pinahihirapan ang mga pilipinong naroroon.

Tuluyan na ring nilisan ng pamilya Crisologo ang Pilipinas at nanirahan na sa ibang bansa kasama sina Joeliano at Victorina na kapwang nagdesisyong ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral doon.

“Kay gandang sanggol at hindi mapagkakailang sa iyo siya nagmana.”turan ni Antonio habang pinagmamasdan ang sanggol na hawak ni Francisco.

“Salamat ginoo.”tugon ni Mina habang nakangiti at hinawi pa ang buhok ng sanggol.

“Minana niya sa iyo ang napakaganda mong mata na tila isang asul na dagat.”usal ni Francisco, sandali naman silang napatitig sa isa't isa at walang nagbago sa nararamdaman ng binata dahil ang tinitibok pa rin ng kaniyang puso ay ang binibining may mga magagandang asul na mata.

“Ano ang ibinigay mong ngalan sa munting kirubin na ito?”usal pa ni Antonio dahilan upang mapalingon sa kaniya ang dalawa.

“Franchesca—”tugon ni Mina at muling sinulyapan si Francisco.

“Franchesca Pablo.”dagdag niya at ngumiti habang nakatingin sa binata.

Related chapters

  • Yugto   Wakas

    "Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc

    Last Updated : 2021-12-03
  • Yugto   Simula

    Malamig na simoy ng hangin ang marahang dumadampi sa maputing balat ni Mina. Kasalukuyan ng nahihimbing ang lahat sa pag-tulog ngunit siya ay hindi pa. Marahil ay nais niyang pagmasdan muli ang napakagandang liwanag ng buwan na natatabunan ng ulap sa kalangitan. Hindi na sumasakit ang kaniyang mata dahil sa liwanag ng sikat ng araw twing umaga. Sa ganitong tanawin ay banayad ang kaniyang pakiramdam dahil hindi masakit sa mata ang liwanag ng buwan kung ikukumpara sa liwanag ng sikat ng araw tuwing darating ang umaga. Tumayo siya at muling inamoy ang napakabangong bulaklak ng sampaguita na nasa kaniyang kana ng kamay. Sa gabi lamang siya nakakapamasyal o nakakalabas ng kanilang tahanan sapagkat hindi maaaring masikatan ng araw ang balat niya. Hindi gaya ng iba, madaling masunong o humapdi ang balat ni Mina kaya gano'n na lamang kung harangan ng kurtina ang kaniyang silid upang walang liwanag ng araw ang makakapasok doon. Pinagb

    Last Updated : 2021-07-28
  • Yugto   Kabanata 2

    “Binibini, sandali lamang pakiusap!” Nang maautan niya ito ay aksidente niyang hawakan ang suot nitong puting balabal at diretso iyong nahulog at naglaglag.Natigilan si Joeliano nang humarap sa kaniya ang binibini. Hindi ito ang dalagang inaasahan niyang kaniyang makikita. “Paumanhin binibini,”sabi niya at saka dinampot ang nalaglag na balabal at agad niya iyong ibinalik sa dalagang walang kurap na nakatitig sa kaniya.“Ayos lamang Ginoong Joeliano,”ugon nito at hinawi ang sariling buhok papunta sa likod ng tenga nito. Ngumiti ang binati at saka niya hinubad ang suot niyang sumbrero at mabilis na inilapat sa kaniiyang dibdib upang magpaalam. tinalikuran na niya ang dalaga na hindi ri makapaniwalang makakadaupang-palad niya ang anak ng tanyag na doktor na taga-Laguna.Samantala, habol naman ang paghinga ni Mina habang pilit na ikinukubli ang saili sa likod ng isang malaking puno.

    Last Updated : 2021-07-28
  • Yugto   Kabanata 3

    “Lanong, huwag ka nang lumayo sapagkat tayo ay aalis na rin maya-maya,”saad ng ina ni Joeliano habang binibihisan nito ang kaniyang nakababatang kapatid na si Joselito. “Ina, nasa Laguna po ba ang aking kapatid na si ate Polonya?”tanong niya na agad rin na tinanguan ng ina. “kung gayon nasasabik na akong magbalik sa ating bayan,”turan pa niya at isinuot niya ang kaniyang sumbrero. “Mamamasyal po ako sa bukirin ni Heneral Edilberto”daggdag pa niya at saka siya naglakad paalis. Naglakad-lakad siya hanggang sa marating niya ang bukirin. Tahimik na ang buong kapaligiran at tanging ang tunog lamang mga kuliglig ang bumabasag sa katahimikan. “Talaga ngang magkawangis tayo,”napatingala siya sa ikalawang palapag ng isang bahay na nakatayo malapit sa bukirin. “May binibini sa tahanan na ito?tanong niya sa sarili habang nakatingala pa rin sa saradong bintana sa ikalawang palapag. Dahil sa kaniyang kuryosidad ay naupoo siya roon at hinintay ang pag

    Last Updated : 2021-07-28
  • Yugto   Kabanata 4

    Nakayuko si Mina habang pilit niyang ikinukubli ang kaniyang mukha sa mga nadaraanan nilang taga-silbi. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Kay bilis ng mga kaganapan at parang tinangay lamang siya ng malakas na hangin at hindi na siya makabalik pa sa mga araw na lumipas. Nagpapaulit-ulit na tanong sa kaniyang isipan kung ano ang nangyari sa katawan ng mga inakusan. Maayos bang inilbing ang mga ito o basta na lamang itinapon dahil wala naman halaga ang mga iyon. Huminto sa paglalakad ang lahat dahilan upang mapa-angat ng tingin ang dalaga. Nakita niya ang isang babaeng naka-suot ng kulay puti at simpleng baro, kayumangging saya naman ang kaparehas no’n. Maayos din na nakapuood ang buhok nito upang hindi maging sagabal sa mukha nito. “Ikaw na ang bahala sa kaniya, “saad ng Gobernador sa babae at mabilis na itong naglakad papalayo at hindi na nagawa pang mag-pa alam. Hinabol pa niya nang tingin ang Gobernador hanggang sa makaakyat ito

    Last Updated : 2021-08-13
  • Yugto   Kabanata 5

    Lubos na nasisiyahan si Mina sa paglalakad lalo na’t kumulimlim at malakas rin ang pg-ihip ng hangin na nagpapasayaw sa mga halaman.May hawak rin siyang mga bulaklak na kaniyang pinitas. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita niya ang isang puting kabayo na nanginginain ng mga halamang damo sa paligid.Naglakad siya palapit doon upang makita nang mas malapit ang kabayo. Kahit na kailan ay hindi niya naranasan na sumakay sa isang kabayo dahil buong buhay niya ay nakulong lamang siya sa kanilang tahanan.Marahan niyang hinimas ang buhok ng kabayo na ikinatuwa niya. Ngunit kumunot ang noo niya nang mapagtanto na imposibleng magkaroon ng kabayo sa lugar na iyon dahil malayo na ito sa mansyon ni Gobernador Vicente.Napalingon siya nang makarinig siya ng ingay ng tubig na nagmmumula sa ibaba.Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likod ng malaking puno at doon niya sinilip kung anong nangyayari sa ibaba. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang ilog at ang mas lalo pang i

    Last Updated : 2021-08-15
  • Yugto   Kabanata 6

    Mataas na ang sikat ng araw na sinasabayan ng pagtilaok ng mga manok. Bumangon si Mina sa kaniyang higaan nang madampi sa kaniyang balat ang napakalamig na tubig na binuhos sa kaniya nina Rowena at ng iba pang mga tagasilbi. “Gising na ba ang iyong diwa mahal na priinsesa?”sambit ni Rowena at saka sila naghalakhakan habang pinagmamasdan si Mina na basang-basa. Hindni naman siya nagsalita pabalik sa halip ay pinagpagan niya na lamang ang suot niyang baro at ang kaniyang buhok. “Ikaw ang naatasang maili sa pamilihan ngayong araw kung kaya’t bilisan mo ang iyong kilos!”singhal sa kaniya ni Rowena at saka naunang maglakad palabas ng silid, sumunod nman ang iba pang kasamahan nito. Nagppalit na lamang siya ng kasuotan at saka niya itinali ang kaniyang napakahabang buhok. Kinua niya ang balabal na palagi niyang sinusuot at nagtugo na siya agad sa kusina ng mansyon. Naabutan niya roon na inihahanda na ang mesa habang abala naman si mayor doma Emilda sa

    Last Updated : 2021-08-17
  • Yugto   Kabanata 7

    “Nalalapit ng muli ang paggdirirwang g kaarawan ng ating Gobernador kung kaya’t nais kong ihnda niyo ang inyong mga sarili,”anunsyo ng mayor habang nagpapabalik sa harap ng mga tagasilbi. “Rowena,”mabilis na napalingon si Rowena nang ttawagin siya nito. “Nais kong ikaw ang magluto ng mmga putahe sa araw na ‘yon. Sina Lita, Dolores at ang dalawa pang tagasilbi ay ang iyong magiging katulong o iyong alalay sa pagluluto. Ang iba naman ay magiging serbidora, sana’y naliwagan kayo sa aking mga sinabi.”Dagdag pa niya at saka niya inilagayy ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likod. Binalingan niya ng tingin si Mina. “Ikaw muli ang magtutungo sa pamilihan,”usal ni mayor doma at naglakad na siya palabas. Mataas ang sikat ng araw kung kaya't namumula na dulot ng araw ang balat ni Mina, naka suot lamang siya ng isang manipis na b

    Last Updated : 2021-08-18

Latest chapter

  • Yugto   Wakas

    "Ina! " sigaw ni Aurora habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na pinahihirapan ng isang guwardiya civil. Nanlaki ang mata niya ng bigla nitong ilabas ang isang rebolber at mabilis nito itong ikinasa at itinapat sa sintido ng kaniyang inang nakagapos."Nasaan ang iyong pamangkin?!"matigas na saad ng guwardiya civil habang rinig na rinig sa buong bahay ang paghagulgol nito."Batid ko ang kinaroroonan nila!"mabilis na saad ni Aurora habang matalim na tinititigan ang guwardiya na noo'y napalingon na sa kaniya."Aurora!"suway ng kaniyang ina ngunit ano pa nga ba ang kaniya magagawa kung nasa bingit na nang kamatayan ang kanilang mga buhay."Ilang buwan na rin ang nakakalipas gobernador at ilang buwan na rin tayong walang nakakadaupang palad na mga rebelde, marahil ay natauhan na sila at ninais na rin nilang sumunod sa iyong mga ipinapanukalang mga batas."tawa ng isang mayor alc

  • Yugto   Kabanata 20

    Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kaniyang mga mata at agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan at ramdam na ramdam din niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan. Agad nadako ang kaniyang paningin sa kaniyang katawan ng maalala ang huling senaryo bago siya mawalan ng malay at nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili dahil batid niyang nangyari na nga, nakuha na nang lalaking iyon ang kaniyang buong pagkatao.Nakasuot na siya ng isang luma at kupas na baro at saya ngunit ang mas ipinagtaka niya ay hindi niya batid kung nasaan siya. Bumukas ang pinto ng silid, walang liwanag sa loob at nag uumpisa palang ang liwanag sa kalangitan kaya't hindi niya maaninag kung sino ang taong pumasok.Ramdam niya na tumigil ito sa harap ng kaniyang kinauupuan. “Wala na siya.”turan nito dahilan upang lumawak ang kaniyang mata dahil nakikilala niya ang boses nito.“H-Heneral Francisco? ”mahinang saad ni Mina

  • Yugto   Kabanata 19

    Nakatanaw lamang sina Francisco at Antonio sa malayo at kanila ring nasaksihan ang pag-uusap nina Joeliano at Mina. Dahan-dahang napalingon si Antonio sa kaibigan dahil batid nito ang nararamdam para sa kakaibang dalagang nakapiit ngayon sa seldang kahoy.Narinig niya rin ang pagbuntong hininga nito at kasabay ng pagtalikod na kaniyang ikinagulat. "Sandali, wala ka bang gagawin upang mapalaya ang dalagang iyon?"sambit niya habang nakatitig sa mukha ng heneral na walang mabasang emosyon."Hindi maaaring basta na lamang akong sumugod doon, Antonio. Kailangan kong magplano upang mapalaya ang aking minamahal."tugon nito at tuluyan ng naglakad papalayo."Ilan na lamang tayo, mas makabubuti sigurong kalimutan na natin ang ating ipinaglalaban o tayo rin ay mamamatay!"sigaw ng isang lalaki at bakas sa muk

  • Yugto   Kabanata 18

    Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo."Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga."Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda."Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano."Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang

  • Yugto   Kabanata 17

    Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.“Ano ang iyong ginagawa rito?”Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tu

  • Yugto   Kabanata 16

    Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumanaw si Lita. Malaki ang ipinagtaka nang lahat sapagkat kahit na minsan ay hindi nila nakitang umiyak si Teofilo. Madalas lamang itong mapag-isa at subsob sa gawain o kung minsan naman ay doon na ito nagpapalipas ng araw sa itaas ng bundok.Sinubukan na ring lapitan ni Mina si Teofilo ngunit naisip niyang mas nanaisin nitong walang makausap. Palagi niya itong sinusundan sa bundok at inaalam kung do’n ba nito binubuhos ang sama ng loob ngunit ang inaasahan niyang ‘yon ay hindi niya nakita sapagkat tahimik lamang itong nakaupo habang hawak ang itak at nakatanaw sa payapang kapaligiran.Napaupo na lamang siya at napasandal sa malaking puno kung saan siya nagkukubli. Pareho sila nang nararamdaman dahil ilang mahahalagang tao na rin ang nawala sa kaniya lalo na ang kaniyang mga magulang."Hindi ka ba napapagod na sundan ako?"gulat siyang napalingon nang marinig ang boses ni

  • Yugto   Kabanata 15

    “Tatay Arturo!”sigaw ni Mina atsaka niya hinagkan ang matanda at hindi na naiwasang maluha. Nakasunod naman sa kaniya sina Teofilo, Ignacio at ang babaeng hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala.“Kumusta ka hija, lubos akong nag alala sa iyo.”turan ng matanda at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga at natuon ang paningin niya kay Teofilo na noo'y nagtanggal na nang tela na siyang nakukubli sa kaniyang mukha.“Maraming salamat Telong, kahit na kailan ay hindi mo ako binibigo.”saad nito at saka napatango sa binata. Nagtanggal na rin ng tela si Ignacio sa kaniyang mukha saka ito napangiti dahil napagtagumpayan nilang iligtas si Mina.Dahan-dahan naman na napalingon si Mina sa babaeng hanggang ngayon ay nagkukubli sa tela ang pagkakakilanlan. “Tila nakikilala ko ang boses mo, sino ka?”tanong niya habang kunot noong nakatitig sa mata ng babae. Napatingin nam

  • Yugto   Kabanata 14

    “Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt

  • Yugto   Kabanata 13

    “Kailangan kong magtungo roon, nais kong makita si mayor doma Emilda! Pakiusap bitawan ninyo ‘ko!” sigaw ni Mina habang humahagulgol ng iyak. Hawak siya sa braso ni tatay Arturo at Teofilo ngunit makailang beses na rin itong nakawala sa kanilang pagkakahawak.“Nakikiusap ako!”ulit nito at muling pumwersa dahilan upang muli siyang makawala sa pagkakahawak ng mga ito at dali-dali siyang tumakbo patungo sa kabayong sinakyan nila ni Teofilo.Tinanggal niya ang pagkakatali ng kabayo at agad na sumampa at pinatakbo ng mabilis. “Binibini, hindi ka pa magaling sa pangangabayo, pakiusap bumalik ka!"Sigaw ni Teofilo ngunit hindi na ‘yon pinakinggan ng dalaga at habang tinatahak ang daan patungo sa Dasmariñas ay patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang luha.Tumatangis ang lahat ng taga silbi sa loob ng mansyon nang gobernador-heneral maliban kay Rowena na nagdiriwang kasama ang se&nt

DMCA.com Protection Status