Share

The Stay-In Tutor
The Stay-In Tutor
Author: Adhine A.

CHAPTER 1

Author: Adhine A.
last update Last Updated: 2024-09-05 08:10:12

Napakamot siya sa ulo kasabay ng malalim na buntong-hininga habang nakatingin sa screen ng kanyang laptop.

"Oh bakit, bagsak na naman 'yang mukha mo? Na-reject ka na naman ba?" sabi ng kanyang roommate na kalaunan ay naging matalik niya ring kaibigan.

Umayos siya ng upo. "Bakit ganun? Mag a-apply ka nga para magka-experience tapos ang hanap nila dapat may 1 or 2 years na experience? Depende na lang siguro kung may backer."

"Hay nako. Mag abroad ka na lang," ani Josie habang abala ito sa pag apply ng makeup.

"Pero-"

*tok tok*

Sabay silang napalingon sa pinto.

Binuksan ni Josie ang pinto ng at bumungad sa kanila ang galit na anyo ng kanilang landlady. Mayroon pa itong tuwalya na nakabalot sa ulo nito.

"Nasaan ang magaling mong kaibigan?" galit nitong tanong kay Josie at diri-diretsong pumasok ng kwarto habang nakapamaywang.

"Aling Tonya huw-"

"Manahimik ka Josie! At ikaw Safirah?" Tumaas ang kilay nito nang makita siya. "Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na magbalot-balot ka na dahil may papalit na sa pwesto mo? Kung hindi ay ako mismo ang kakaladkad sayo palabas! Tatlong buwan ka nang hindi nagbabayad ng upa mo rito!"

Nagkamot ng ulo si Safirah at bahagyang ngumiti ng matamis.

"Huwag kayo mag-alala Aling Tonya, mababayaran ko rin kayo. May trabaho na ho ako," pagsisinungaling niya rito.

Lalong nanlisik ang mga nito sa kanya. Halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya. "At anong trabaho naman kaya? Tigilan mo ako sa mga kasinungalingan mo! Ganyan parati ang sinasabi mo tuwing katapusan ng buwan! Gusto ko, bukas na bukas mismo ay ayoko na makita ang pagmumukha mo rito." Iyon lamang at padabog itong lumabas ng kwarto.

Hindi nila mapigilan ang matawa nang isara na ni Josie ang pinto. Pero sandali lamang iyon dahil napalitan agad ng pagkaseryoso ang mukha ni Safirah. Tumayo siya at lumipat sa kama at humiga habang nakatingin sa kisame.

"Ewan ko ba kasi sayo, Safirah. Bakit kasi nagtitiis ka rito eh mayaman ang tatay mo. Bakit hindi mo na lang tanggapin ang offer sayo ng tatay mo? It's time to let go and move on, especially forgive. Diyos ko hindi ka na teenager para mag tantrums at maging bitter. Halata naman sa tatay mo nagsisisi na siya sa ginawa sa inyo ng nanay mo noon."

"Alam mo naman na hindi ganoon kadali yun."

"Alam ko nga yun at naiintindihan ko rin ang nararamdaman mo pero hindi naman siguro masama na tumanggap ka ng realtalk at advice. Huwag puro galit at pride ang pairalin mo kung ganitong nahihirapan ka na. Mahirap na talaga kumita ng pera ngayon. Mag isip-isip ka na kasi no choice ka na talaga. Hindi ka na tatantanan ni Aling Tonya hangga't hindi ka nagbabayad ng upa sa kanya. At alam mo rin na wala na akong pera na maipapahiram sa iyo dahil nasa ospital ang nanay ko ngayon."

Hindi na umimik si Safirah sa sinabi ng kaibigan dahil totoo naman talaga ang mga sinabi nito. Nilamon na siya ng pride at galit sa tatay niya dahil sa nakaraan. Pero hindi ganoon kadali ang magpatawad lalo na kung ganoon katindi ang kasalanan nito sa kanya at sa kanyang ina. Gusto man niyang patawarin ito pero hindi niya alam kung paano sisimulan. Hindi lang sa ama ang nararamdaman niyang galit kundi sa kanya rin mismong sarili. Dahil nawala ang nanay niya na hindi man lang niya pinaranas rito ang kaginhawahan sa buhay dahil sa pagtapos nito sa sariling buhay. Wala rin siya sa tabi nito sa mga panahong lugmok na lugmok ang kaniyang ina sa sobrang lungkot dahil abala siya nang mga panahon iyon sa pag-aaral sa highschool.

Naging magkasintahan ang kanyang ama at ina noong college pa lamang ang mga ito hanggang sa parehong nagtapos ang mga ito sa kolehiyo pero hindi doon nagtapos ang pagmamahalan ng dalawa. Ilang taon silang nagsama at dahil dun nagbunga iyon ng isang supling at si Safirah na nga iyon. Ayon sa kwento ng kanyang ina ay binalak ng kanyang ama na pakasalan ang kanyang ina noong nasa sinapupunan lamang si Safirah pero hindi iyon natuloy nang malaman ng kanyang ina na may iba pa palang nabuntis ang kanyang ama. Sobrang nasaktan ang kanyang ina kaya kahit sobra ang pagmamahal niya sa tatay niya ay pinakawalan ito ng kanyang ina.

Tinanggap nito na silang dalawa na lamang ni Safirah ang magkasama sa buhay dahil wala naman pamilya ang kanyang ina dahil hindi na nito nakagisnan ang sariling mga magulang dahil sa bahay ampunan ito lumaki at nagkaisip. At dahil sa panloloko ng kanyang ama at pagpili nito sa iba kaysa sa kanyang ina ang naging mitsa sa buhay nito. Masyado nitong dinamdam ang sakit at lungkot pati na rin ang galit.

Hindi na nito nagawang magmahal ng ibang lalaki masyado nitong minahal ang kanyang ama na nauwi sa pagkitil nito ng sariling buhay. Noon pa man ay may karamdaman na ang kanyang ina dahil sa matinding depression. Umabot sa puntong kailangan na nitong dalhin sa psychiatrist dahil hindi na normal ang ikinikilos nito.

Ang kanya mismong teacher sa highschool ang umalalay kay Safirah sa mga panahong iyon at iyon din mismo ang nag boluntaryo na patapusin siya sa pag-aaral dahil wala naman itong anak at biyuda pa. Hanggang isang araw ay nakatanggap si Safirah ng tawag mula sa kanyang kapitbahay. Wala nang buhay nang madatnan niya ang kanyang ina sa kanilang maliit na bahay. Duguan ang kaliwang sintido nito. Doon nagsimula ang matinding galit sa puso ni Safirah.

Nangako siya sa kanyang sarili na hindi niya patatawarin ang kanyang ama at hindi siya kailan man mag-aasawa para hindi niya maranasan ang naranasan ng kanyang ina. Para kay Safirah ay pare-pareho lamang ang mga lalaki, na sa una lang magaling. Paiibigin ang mga babae at kapag nakuha na ang gusto ay hahanap ulit ng iba. Kaya kahit kailan ay hindi siya tumanggap ng mga manliligaw. Mayroon naman siyang mga kaibigan na lalaki pero kapag nagpakita na ito ng motibo sa kanya ay hindi siya nagdadalawang-isip na tanggalin ito sa buhay niya. Hindi niya magawang magkagusto sa mga lalaki dahil sa childhood trauma niya. Ngayon na 27 years old na siya ay wala pa rin siyang naging nobyo kahit marami na ang nireto sa kanya si Josie.

Marami na rin siyang napasukan na marangyang trabaho pero dahil sa mga naging katrabaho niya na gusto siyang ligawan at naiirita siya sa mga presensya nito ay hindi siya nagtatagal sa trabaho. Namasukan siya bilang sekretarya sa isang kompanya na mismong boss niya ang gustong manligaw sa kanya. Lalo pa siyang nawalan ng gana magtrabaho nang malaman niya may asawa at anak na ito. Nagalit siya sa boss niya at nagawang niyang pagsabihan ito na bakit nito nagagawang magloko sa sariling pamilya para lang tumikim ng iba. Ano bang meron sa mga babaeng naanakan na bakit naghahanap pa ng iba ang mga lalaki? Ano bang akala ng mga ito sa mga babae? Parausan lang? Nawawala ba ang pagmamahal ng lalaki sa isang babae kapag nagalaw na nila ito at naanakan? Hindi ba't mga lalaki rin ang kadalasang dahilan kung bakit nagbabago ang itsura ng mga babae matapos magbuntis at mag alaga ng mga anak?

Dahil doon ay iniwan niya ang kanyang trabaho bilang sekretarya at pinili na lamang maging freelance worker pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makaipon. Binalak na rin niya mag abroad at sa ibang bansa na lamang manirahan pero hindi pa rin mabuo ang desisyon niyang iyon.

"Ano kaya kung ikaw na lang tumanggap nung ino-offer sa akin na trabaho ng boss ko?" ani Josie.

Mula sa pagkatulala sa kisame ay tumingin siya sa direksyon nito. "At ano namang trabaho yan?"

"Wag ka mag-alala matino naman ang trabahong iyon. May kamag-anak yung boss ko na naghahanap ng full time nanny at tutor ng isang 5 years old na bata."

"Josie-"

"50k monthly salary."

Napanganga si Safirah. "Oh, bakit hindi mo tinanggap kung sayo ino-offer yung trabaho?"

"Hindi ako mahilig sa bata, lalo na wala ako experience sa pagtutor. Ikaw ang meron."

"I had an experience, but I only lasted for 4 months. Hindi pa rin relevant yun."

"Hindi ka na pwede tumanggi dahil nasabi ko na sa boss ko na ikaw ang kukuha ng trabaho na yun. Kaya kailangan mo pumunta sa address na ibibigay ko."

"Ano? Sinabi mo na agad sa boss mo eh ngayon ko lang nalaman to?" napabalikwas si Safirah sa pagkakahiga.

"Kailangan mo ng trabaho diba? Eto na yun. Tanggapin mo na. Malay mo matanggap ka kaagad."

"Per-"

"Wala ng pero2x Safirah. Wala naman mawawala kung tatanggapin mo yung trabaho. Subukan mo lang. Sayang yung 50k monthly salary. At isa pa, nasabi ko na sa boss ko kaya ngayong araw nila iniexpect ang pagpunta mo sa bahay nung kamag-anak niya. Kaya tumayo ka na diyan at mag asikaso ka na. Ako na bahala kay Aling Tonya kapag bumalik pa siya dito mamaya."

Kahit gulong-gulo ang isip ni Safirah wala na siyang nagawa kundi ang kumilos kahit labag sa kalooban niya na tanggapin ang trabaho na iyon. Nasubukan na niya ang trabaho sa pagtutor pero hindi ang mag alaga ng bata. Isa pa, alam niya na hindi naman siya matatanggap kaya bakit pa siya pupunta?

Paglabas niya ng banyo ay wala na si Josie. Nakita niya na may maliit na papel ang nakalagay sa side table ng kama niya. Kinuha niya iyon at binasa. Address iyon ng pupuntahan niya.

Sabagay, wala naman talagang masama kung susubukan ko.

Napaupo siya sa kama habang nakatapis pa ng tuwalya at hawak ang papel. Tinitimbang niya sa kanyang isip kung tutuloy siya o hindi.

========

BAGO SIYA bumaba ng taxi ay iniabot niya sa driver ang bayad. Nagpasalamat siya rito at tuluyan na itong umalis. Hindi maiwasan ni Safirah ang maligalig sa pagkakataong iyon. Parang may kung anong kaba siyang nararamdaman na hindi niya alam kung bakit at para saan. Kahit kailan ay hindi niya nagawang kabahan kapag may job interview siya dahil mataas ang confidence niya na makukuha niya ang isang trabaho pero bakit iba ang pakiramdam niya sa trabahong a-apply-an niya ngayon?

Sa kabila ng kaba niya ay hindi niya rin maiwasan ang mamangha sa ganda ng lugar. Napakalawak nang nasasakupang teritoryo ng bahay. Mataas na bakod ang nakapalibot sa isang napakalaki at mataas na bahay.

Lumapit siya sa gate at pinindot ang doorbell. Ilang sandali pa ay isang lalaking naka uniporme na pakiwari niya ay guwardiya, ang bumungad sa kanya.

"Sino sila?" tanong nito.

Ngumiti siya. "Ako ho yung mag a-apply bilang tutor at nanny."

Tiningnan muna siya nito mula ulo hanggang paa. "Pwede ba makita ang ID mo?"

Iniabot ni Safirah rito ang ID niya at mataman nitong sinuri iyon. Napansin niya rin na may sinulat ito sa papel tsaka kinuha ang telepono. Kausap marahil nito ang amo nito. Ilang sandali pa ay lumapit muli sa kanya ang guwardiya at sinauli ang kanyang ID.

"Sige tuloy ka. Hintayin mo na lamang si Sir Terence sa living area," anito sabay bukas ng gate. Sinuri muna nito ang kanyang bag bago siya sinamahan nito hanggang sa makapasok sa main door ng bahay saka ito muling bumalik sa guardhouse.

Pagsara ng pinto sa likod niya ay hindi siya kaagad dumiretso sa sofa upang umupo at maghintay. Naroon pa rin siya sa kanyang kinatatayuan habang lumilibot ang mga mata niya sa pagkamangha sa disenyo ng bahay. Nang walang ano-ano'y muntik na siyang mapasigaw nang may kumalabit sa kamay niya. Nagulat siya nang makita ang isang bata na nagulat rin sa kanya. Nasa mata nito ang pagkalito.

"Who are you?" taas-kilay nitong tanong sa kanya.

Sandaling natigilan si Safirah at napagtanto niyang mukhang ito ang bata na dapat niyang turuan at alagaan sakaling matanggap siya.

Inayos ni Safirah ang kanyang sarili at umupo sa harap nito. "Hi. I'm Safirah Perez. I'm applying to be your tutor and a nanny," nakangiti niyang sabi rito. "What's your name?"

Tumaas ang kilay ng bata at mataman siya nitong sinuri mula ulo hanggang paa at muling bumalik sa mukha niya ang tingin nito. "I don't think you would last. I made my tutors cry, and they quit the job."

"Coleen!"

Parehong nagulat at napalingon si Safirah at ang bata sa kung sino man ang nagsalita. Isang lalaki, na sa tingin niya ay kaedad niya lamang, ang lumapit sa kanya.

"Go to your room."

Agad naman tumakbo ang bata pataas ng hagdan.

Napalunok si Safirah. "G-good morning, Sir." Bati ni Safirah sa lalaki. Marahan siyang ngumiti.

Bahagya itong tumango pero hindi ito ngumiti sa kanya. "Good morning. I'm sorry about Coleen's behavior. She's been like this after her mother died a year ago. Come, let's have a seat."

Matipid lamang na ngumiti si Safirah at naupo sa isang couch at habang naupo naman ang lalaki sa kaharap na upuan.

"It's okay. Here's my resume, Sir," aniya sabay abot rito ng isang brown envelop.

"Just call me Terence," anito sa seryosong boses at walang emosyong itsura.

Mukhang alam ko na kung kanino nagmana ang bata.

Kinuha nito ang envelop na hawak niya at masuring binasa ang lahat ng nakasaad sa resume niya.

Habang abala ito sa pagsuri sa kanyang resume ay hindi maiwasan ni Safirah ang suriin din ang itsura nito. At sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa niyang mamangha sa kagwapuhan ng isang lalaki. Kahit na kailan sa tanang buhay niya ay hindi niya nagawang maakit o mahumaling sa itsura ng isang lalaki. Kahit mga artista ay wala siyang crush o nagwapuhan man lang. Pero bakit iba ang dating sa kanya ng lalaking ito?

Umiling-iling siya at tumingin na lamang sa ibang direksyon dahil baka mahuli siya nito na nakatitig rito.

Narinig niyang tumikhim ito. "So, how did you hear about the job?"

"Sinabi ng kaibigan ko na yung boss niya raw na kamag-anak niyo ay naghahanap ng tutor."

Tumango ito. "Okay so, how do you think you will fit for the job if you only have one experience in tutoring that lasted only for 4 months? And then, the rest of the job experience is unrelated in caring for a child. You may have a preschool education degree, but you don't have that much experience. Are you sure you can handle this job?"

Umayos siya ng upo at taas noo na tiningnan ito sa mga mata.

"Yes, I can handle it. I may have lasted 4 months but that doesn't mean I'm not good for the job. It just happened that the child I was taking care of got terminally ill, so the parents decided to stop the tutoring session. I had tried finding a job related to homeschooling but at the end of the day I found nothing that's why I shifted to a different profession."

"Why didn't you apply to a school instead? You passed the bar exam."

"I did pass, but I badly needed a job that didn't require a long process to get hired. But during my college days, students were required to do hands-on training, workshops, and seminars as a part of requirements for graduation, so I still know how to handle tough children."

Hindi ito umimik. Nakatingin lamang ito sa kanya habang nagsasalita siya, at pagkatapos ay tumingin itong muli sa resume niya.

"Good thing you are single. Because I don't want any distractions for the job. I want your full attention only for the child and nothing else. Are you also aware that this job is a stay-in kind of job? Meaning you will live here for as long as it takes until Coleen's got better before I send her to school."

Pursigido siyang tumango. "Yes, Sir. I'm aware."

"Are you okay with that?"

Kumunot ang kanyang noo. "With what, Sir?"

"Being single, during the duration of the job."

Muli siyang tumango. "That's not even a problem, Sir."

Tila nanuyo ang lalamunan niya sa klase ng tingin nito.

"Very well, I will send you the contract via email, so you can read and examine all the details that contains it including the do's and don'ts. I will give you until tomorrow morning to decide because this is urgent. And if you can't do and accept my terms and conditions, I will find someone else."

Related chapters

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 2

    "Kamusta pala ang lakad mo kanina? Natanggap ka ba?" tanong ni Josie."Kailangan ko muna basahin ang kontrata.""Hay nako. Kung ako sayo, pinirmahan ko na yan agad, doon pa lang. Wala nang basa-basa, tanggap ka naman na eh. Ikaw na lang hinihintay na pumirma at boom! May trabaho ka na."Kumunot ang noo ni Safirah sa kasalukuyang binabasang kontrata sa screen ng laptop niya.Really?"Oh, bakit ganyan na ang mukha mo? Patingin nga," anito at tumingin rin sa screen upang basahin ang nakapaloob sa kontrata."Naku girl! Napakasimple naman sayo niyan eh. Paano ka naman talaga magkakajowa eh ayaw mo nga tumanggap ng manliligaw. Sisiw lang yan sayo." Tinapik siya nito sa balikat.Alam naman ni Safirah iyon. Natapos na niyang basahin ang dalawang pahina ng kontrata at aminado siya na kaya niyang gawin lahat ng nakasaad doon. Hindi naman mahirap intindihin at isa pa, pabor naman sa kanya lahat ng nakapaloob roon. Hindi na siya pwede pang umurong dahil mataas naman ang sahod kumpara sa dati niyan

    Last Updated : 2024-09-05
  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 3

    Pagkatapos nila maglaro ni Coleen maghapon ay mabilis itong nakatulog kinagabihan dahil sa sobrang pagod. Kahit papaano ay napanatag na ang loob ni Safirah dahil sa wakas ay hindi na siya mahihirapan sa trabaho niya. Bukod kasi sa hindi na siya sinusungitan ni Coleen ay mabilis rin itong matuto katulad na lamang kanina sa tutor session nila. Matalinong bata si Coleen kaya hindi nahirapan si Safirah na turuan ito ng mga basic lesson para sa isang toddler.Alas nuwebe na ng gabi natapos kumain ng hapunan si Safirah dahil inayos niya pa lahat ng kalat sa kwarto ni Coleen habang natutulog ito. Pagkatapos niyang hugasan ang ginamit niyang plato ay naisipan niya na rin maligo at magpahinga. Paakyat na sana siya ng hagdan nang marinig niya ang tila tunog ng kotse na pumarada sa harap ng bahay. Lumingon sya at nakita niya si Terence na pumasok sa main door. Natigil si Safirah sa pag akyat sa hagdan.Gusto niya makausap si Terence tungkol kay Coleen pero nagbago ang isip niya nang makita niyang

    Last Updated : 2024-09-05
  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 4

    Apat na araw nang hindi nakakausap ni Safirah si Terence tungkol kay Coleen. Nakasaad kasi sa kontratang pinirmahan niya na kailangan niya magreport araw-araw kay Terence sa progression ni Coleen. Pero bihira na niya itong makita dahil sa umaga palang ay mas maaga itong gumigising para pumasok ng trabaho at halos gabing-gabi na ito umuwi kaya naman hindi niya ito makausap o di kaya ay makita man lang. Naaawa tuloy siya lalo kay Coleen dahil wala man lang ni isang kapamilya nito ang nakakasalamuha ng bata.Bandang tanghali ng araw na iyon ay niyaya niya si Coleen na lumabas ng bahay at mamasyal sandali. Hindi naman iyon ipinagbawal ni Terence dahil nakasaad din sa kasunduan nila na kasama ang pamamasyal sa labas para sa behavioral at mental health ni Coleen, at ayon na rin sa espesyalista ng bata. Nagsend na lamang siya ng mensahe kay Terence sa cellphone number nito pero wala siyang natanggap na sagot. Bago sila umalis ni Coleen ay nagpaalam rin siya sa mga kasambahay para sakaling dum

    Last Updated : 2024-09-05
  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 5

    DUMIRETSO kaagad siya sa kwarto ni Coleen upang gisingin ito."What's for breakfast Safirah?""Ang uncle mo ang nagluto ng pagkain mo. He prepared orange honey shrimp and toast, there's also pancakes if you want to.""Sounds delicious. I missed his dishes." Sabik itong bumangon at naligo. Tinulungan niya itong magbihis tsaka inakay ito palabas ng kwarto para ipaghain ito ng almusal. Pababa palang sila ng hagdan nang mapansin niya si Terence na nakaupo sa sala habang abala sa kanyang cellphone."Good morning, Uncle Terence!" masayang bati ni Coleen. Patakbo itong lumapit sa tiyuhin nito at yumakap sabay halik sa pisngi nito."Good morning, sweety. How's your sleep?" anito sabay ganti ng yakap sa bata habang nakangiti.Hindi naman maiwasan ni Safirah ang mapangiti sa eksenang iyon ng mag-tito. Bihira niya kasi makita ang dalawa na magkasama dahil sa sobrang busy ni Terence sa negosyo nito.Umupo si Coleen sa tabi nito. "It was great. I slept well and I enjoyed yesterday at the mall with

    Last Updated : 2024-09-05
  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 6

    "Are you sure son?""I'm fine. Just need more time to move on.""Indeed, iho. The camping trip is perfect for unwinding and relaxing. It's good for you." ani Mrs. Villanueva."How I wish you'll find the right woman for you Uncle Terence, so you'll be happy again," nakangiting sabi ni Coleen."That's so thoughtful of you, sweety," ani Terence.Sa mga oras na iyon ay hindi na nabanggit pa ang tungkol sa personal na buhay ni Terence o di kaya ay buhay niya, na tahimik na ipinagpasalamat ni Safirah. Napunta na lamang ang usapan tungkol sa mga activities na gagawin sa birthday ni Safirah sa susunod na araw."Have you invited your cousin Mateo, iho?" tanong ng ina nito."Do I have to?" nasa boses nito ang pagkayamot nang mabanggit ang pinsan nito. Nagtaka si Safirah sa naging reaksyon nito pero wala siya sa posisyon para alamin kung may problema ito sa pinsan nito. Tahimik lamang siyang nakikinig sa usapan ng mga ito.Katunayan gusto na niyang umalis dahil hindi na tama na kaharap pa rin niy

    Last Updated : 2024-09-05
  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 7

    HINDI alam ni Safirah kung ano ang mararamdaman niya sa sinabi ni Terence. Gusto niyang kiligin pero hindi niya iyon pwedeng ipahalata. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil bakit ngayon pa siya magpapaapekto sa isang lalaki na sa gayon ay ayaw niya nga noon pa sa mga lalaki. Nangako pa nman siya sa kanyang sarili. Pero bakit sa tingin niya ay tinatraydor siya ng kanyang sariling puso?Para maibsan ang pagkabahala niya sa kanyang nararamdaman ay inisip na lamang niya na kahit naman sino ay pwede siyang purihin na walang kaakibat na pagnanais sa kanya. Hindi naman imposibleng mangyari iyon sa ibang tao. Panay na lamang ang kumbinsi niya sa kanyang sarili na wala lamang iyon kay Terence. Tsaka isa pa, hindi lang naman ang mga ito ang pumuri sa ganda niya. Kaya maraming nanligaw sa kanya noon dahil sa angking ganda niya."Let's go," ani Terence sabay lakad palabas ng bahay.Agad naman sumunod ang dalawang matanda habang akay ng mga ito si Coleen sa magkabilang kamay ng bata. Nakasunod nama

    Last Updated : 2024-09-05
  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 8

    Nang magsimula na ang pagsasalo-salo sa pagkain ay agad niyang inasikaso si Coleen para makakain ito kasama ang mga kalaro nito."Safirah, sumabay ka na sa amin," anyaya ng ina ni Terence."Maya-maya na po. Medyo busog pa po ako," aniya."Oh, okay. By the way, have you seen Terence? I haven't noticed him since lunchtime."Hindi niya alam kung ano ang isasagot rito. Mabuti na lamang ay sumulpot si Amanda at Nina."He's with Jasper Tita. Men's business, you know," ani Amanda habang nakangiti. Sunod niyon ay tumingin ito sa kanya ng makahulugan."Ganun ba?""Yes, Tita. Pabalik na rin sila."Tumango na lamang si Mrs. Villanueva at umalis na ito.Lumapit sa kanya si Amanda. "Dark business, if I may correct it.""Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Safirah.Bumulong ito sa kanya. "They continue their argument outside the camp. Believe me, you'll see one of them with busted lips."Napanganga siya sa sinabi nito. "W-what? How?""Relax, Safirah. It's normal among men to argue about

    Last Updated : 2024-09-05
  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 9

    Dahil sa gulat ay hindi siya agad makapagsalita."Safirah," tawag ni Terence sa pangalan niya kaya naman biglang nahimasmasan si Safirah at agad niya itong tinulak sa dibdib."How dare you kissed me!"Isang sampal ang natanggap ni Terence mula sa kanya ngunit hindi ito natinag. Nagtagis ang mga bagang nito at mataman siyang tinitigan. Parang wala lamang rito ang pinakawalan niyang sampal.Hindi na niya ito hinintay pang makapagsalita dahil agad siyang umahon sa tubig at dali-daling umalis para iwan ito. Habang naglalakad siya ay gusto niyang maiyak sa galit. Hindi siya makapaniwala sa nangyari at hanggang sa makarating siya ng tent ay nasa isip pa rin niya kung paanong inangkin ni Terence ang kanyang mga labi na wala man lang pahintulot. Hindi matanggap ng isip niya ang nangyari pero iba ang sinasabi ng puso niya. Para tuloy siyang mababaliw.Agad siyang nagbanlaw at muling bumalik sa tent upang magbihis at magpahinga. Pero buong gabi siyang hindi nakatulog kaya naman kinabukasan ay ma

    Last Updated : 2024-09-05

Latest chapter

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER FINALE

    "PANG LABING dalawa mo nang buntong-hininga yan girl. Baka magreklamo na sayo iyang salamin," ani Josie. Hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya ito. Hinawakan siya nito sa balikat at pinisil iyon para pakalmahin siya. Kasalukuyan siyang nakatayo sa harap ng salamin. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatayo roon."S-sorry, wedding jitters."Ngumisi ito. "It's okay. Normal naman yan. We're here for you. Ang ganda mo talaga.""That's right. You're probably feeling an endless amount of emotions in anticipation of your big day. Just be calm and breathe in the positivity. You'll be alright."Lumingon siya kay Amanda at kabadong ngumiti. Winisik-wisik niya ang kanyang dalawang kamay at ilang beses bumuga ng hangin nang biglang bumukas ang pinto."Ma'am ready na po ang sasakyan," ani isang babae na staff ng wedding coordinator, ang tinutukoy ay ang wedding car na gagamitin niya.Muli siyang nilapatan ng retouch ng makeup artist at final check ng gown naman ng bridal stylist

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 36

    "We still haven't-""I'm so very excited! I'll invite all of our relatives and friends for this much-awaited day! Wedding! It brings people together!"Mother.""This is the moment I've been waiting for! Isn't it exciting, Safirah?""Yes, Mother, bu-""At last, I'll witness the wedding of my beloved son! It's too bad your big sister, Anna, is no longer here with us to see this! But I know she's also happy for both of you.""Mother--""And ensure that after this, you two must make more children! I want more grandchildren, and they will play and run around and-""Mother!""What son? Did I say something wrong?""Nothing's wrong. It's just th-""Well then that's it! We must prepare for the big day. Anyway, I'm done eating, and I'll go to Rikkard. My beloved grandson Rikkard. He's adorable and handsome. Oh dear, oh dear. I'm aging more and more and still have only two grandchildren," ani ina ni Terence na si Carmilla Villanueva habang magkadaop ang sariling mga kamay at nakatingala.Tumayo a

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 35

    MABUTI na lamang ay hindi ganoon kalala ang sugat niya sa tagiliran at ulo. Sadyang bukong-bukong niya lamang ang napuruhan dahil naipit iyon sa pagitan ng pinto ng kotse at driver seat at pinilit niya pang hilahin ang kanyang paa kahit namimilipit na siya sa sakit makaalis lang sila ng kanyang anak. Isa pa sa kinagaan ng loob niya ay ligtas rin si Mang Rodolfo, iyon nga lang, mas kailangan nitong tumagal sa ospital dahil sa tinamo nitong sugat sa ulo at leeg."She's dead," malamig nitong saad."H-how?" nagitla siya sa sinabi nitong balita.Sandali itong natahimik tsaka tumikhim."She had lost a lot of blood, and her other injuries made it worse."Napabuntong-hininga siya."But what about her child? Where-""Long gone," mabilis nitong sagot. Bagaman seryoso ang mukha nito, pero gumuhit ang tila guilt sa mga mata nito. Agad itong lumingon sa ibang direksyon at huminga ng malalim."W-what do you mean gone?"Lumibot ito sa gilid ng kama at umupo sa isang sofa. Magkadaop ang mga kamay nito

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 34

    WALA NA siyang nagawa kundi pumikit at hintayin ang nakaambang na kamatayan nilang mag-ina habang yakap niya ng mahigpit ang kanyang anak na patuloy pa rin sa pag iyak. Kinulong niya ito ng maigi sa kanyang dibdib para protektahan.!!!!#*#@*^#!!!!Ano yun? Anong nangyari?Bigla siyang nagmulat ng mata nang marinig niya ang tila pagsabog o malakas na salpukan ng sasakyan. Napanganga siya nang makitang tumilapon ang sasakyan na lulan ni Zara at ilang beses nagpagulong-gulong tsaka tumama sa isang sementadong bakod.Halos mawasak na ito at nagkalat sa kalsada ang basag na bote ng bintana at ilang pira-piraso ng sasakyan. Dahil doon ay lalong nagkagulo ang mga tao. Lahat ay gulat sa pangyayari.Nagsimulang umapoy ang unahang bahagi ng sasakyan ni Zara. Kita niya rin na duguan ito sa loob dahil sa tinamong sugat at wala na rin itong malay. Hindi rin niya magawang sumigaw dahil sa pagkabigla. Nanginginig ang buo niyang katawan at namanhid.Paanong...Hanggang sa unti-unti siyang napalingon s

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 33

    SA PAGLIPAS ng ilang buwan ay unti nang lumulobo ang kanyang tiyan. Naghilom na rin ang mga sugat niya sa katawan pero hindi ang puso niya. Ilang buwan na rin kasi niyang hindi nakikita sa Terence dahil sa mga business travels nito sa iba't-ibang bansa. Bihira rin iton tumawag at kung tumawag man ay saglit lang. Naalala niya ang sinabi nito bago ito umalis."I'll be away for months. I need to take care of some meetings and visit the progress of my projects. I need to meet many clients and take part in public conferences. I promise I'll be back as soon as I finish those things.""Months? How many?" Iniisip niya pa lang kung ilang buwan niya itong hindi makikita ay nanlulumo na siya kaagad."I'm not sure. Maybe six or seven months. I also have to settle some 'unfinished' business," anito habang nakatanaw sa bintana."Unfinished business? What's that supposed to mean?" Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa bago ito pumihit paharap sa kanya habang nakaupo siya sa kama

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 32

    "IT'S OKAY. We can visit some other time if you're still not ready to face him," ani Terence habang katabi niya ito sa upuan sa bahaging likod ng kotse.Nakatigil ang kotseng sinasakyan nila sa gilid ng kalsada, sa tapat mismo ng gate. Lumunok siya at umiling habang pinipisil ang sariling mga kamay dahil sa kaba."No. I can do this. We're here already anyway, so there's no backing out," kinakabahan niyang sabi.Kinuha ni Terence ang kanina pa nanginginig na kamay niya at dinala iyon sa bibig nito para gawaran ng mariin na halik. Ngumiti ito sa kanya."Okay. Don't worry I won't let go of your hand. Just tell me when you're ready, take your time."Marahan siyang tumango at ilang beses huminga ng malalim. "Okay. I'm ready. Let's go."Gaya nga ng sinabi ni Terence ay hindi nito binatawan ang kamay niya hanggang sa makalapit sila sa isang lumang gate. Ginala niya ang kanyang mata sa paligid.Isang simpleng bahay na gawa sa semento at ang bubong ay kinakalawang na yero lamang ang pumukaw sa

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 31

    "I'M SORRY for their noises," ani Terence habang nakangiti at hinalikan siya nito sa noo.Umiling siya at medyo natatawa. "It's okay. They're actually fun to be with and it's a good thing that they had visited me because I'm so damn bored being here and not even moving around."Kumuha ito ng upuan at dinala nito iyon sa gilid ng kama. Umupo ito roon at ginagap nito ang kanyang kamay."What's wrong? You looked disturbed. Did something happen yesterday?"Kahit hindi nito sagutin ang tanong niya ay ramdam niya na may hindi nga magandang nangyari kahapon nung umalis ito. Katunayan ay hindi siya makatulog kagabi kakaisip rito dahil nangangamba siya na may nangyari na naman dito na masama."My parents called last night. They saw the news on TV about what happened to you. They were distraught and I told them not to mention it to Coleen," nakayuko nitong sabi. "I didn't tell them yet about us and the baby because I knew they would be more frantic knowing that this happened to you while you're

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 30

    "Terence is not the father of the child? Such a disgrace!""Who's the woman they're talking about? Who's Safirah?""Who is that man she's talking with? Is that the real father?""She tricked Terence for his wealth? That's ridiculous. Poor Terence.""Isn't she rich enough to deceive another man for his money?""So, she's only acting and pretending to be in love with him? That's shameful."Lumapit siya kay Zara habang hawak pa rin ang mikropono. Sa nakikita niyang itsura nito ay halos hindi na ito makatayo o di kaya ay makagalaw sa kinauupuan dahil sa sobrang kahihiyan. Napangiti siya sa senaryong iyon.Hawak ang mikropono, muli siyang nagsalita. "You think this is the beginning of your horrendous plan?"Galit itong nakatingin sa kanya na para bang gusto siyang sunggaban na lalo niyang ikinatuwa.Lumapit sa kanya ang kanyang lawyer at binigay sa kanya ang isang folder. Kinuha niya iyon at binuklat. Saglit niyang binasa ang nakasulat sa papel at ngumiti."How does it feel that you became

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 29

    "ARE YOU threatening me?" galit na tanong nito."Sort of. Why? Are you going to sue me for grave threats? Let's see who did it first. Do you want me to show you some videos and audio wherein you're planning to kill me after the partnership is done? You talked to some people and hired them to do the dirty work on your behalf, however, those people were actually my men. It seemed like Lucas was the only man loyal to you that's why he himself operated that bomb drone of yours."Kitang-kita niya ang naghahalong kaba at galit sa anyo nito na para sa kanya ay kasiya-siyang panoorin. Hindi nito akalain na alam niya lahat ng galaw nito at mayroon siyang ebidensya laban rito. Nilapitan niya ito."Choose your memorable destination, Mr. Norrington. Grave or jail?""You can't scare me with your sharp tongue!""I'll take that as a compliment, so I'll thank you for that, old man. I would rather have a sharp tongue than to have a blunt and weak brain.""Get out! Get out of my property!"Ngumisi siya.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status