Share

CHAPTER 4

Penulis: Adhine A.
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-05 08:11:45

Apat na araw nang hindi nakakausap ni Safirah si Terence tungkol kay Coleen. Nakasaad kasi sa kontratang pinirmahan niya na kailangan niya magreport araw-araw kay Terence sa progression ni Coleen. Pero bihira na niya itong makita dahil sa umaga palang ay mas maaga itong gumigising para pumasok ng trabaho at halos gabing-gabi na ito umuwi kaya naman hindi niya ito makausap o di kaya ay makita man lang. Naaawa tuloy siya lalo kay Coleen dahil wala man lang ni isang kapamilya nito ang nakakasalamuha ng bata.

Bandang tanghali ng araw na iyon ay niyaya niya si Coleen na lumabas ng bahay at mamasyal sandali. Hindi naman iyon ipinagbawal ni Terence dahil nakasaad din sa kasunduan nila na kasama ang pamamasyal sa labas para sa behavioral at mental health ni Coleen, at ayon na rin sa espesyalista ng bata. Nagsend na lamang siya ng mensahe kay Terence sa cellphone number nito pero wala siyang natanggap na sagot. Bago sila umalis ni Coleen ay nagpaalam rin siya sa mga kasambahay para sakaling dumating si Terence, ay alam rin ng mga kasambahay ang sasabihin kung nasaan sila ng bata.

Naisipan niyang dalhin ang bata sa isang playground na nasa loob ng isang mall para naman makasalamuha ito ng mga kaedad nitong mga bata. Tuwang-tuwa si Coleen sa pakikipaglaro sa mga ito kaya naman napanatag ang loob niya. Hindi niya rin nakakalimutan ang mag-update kay Terence sa mga ginagawa ng bata ng araw na iyon sa pamamagitan ng pag text rito pero ni isang sagot ay wala siyang nakuha mula rito. Napaisip siya bigla na marahil ay napaka busy nito sa trabaho.

"Safirah, I'm hungry. Please, I want spaghetti and fried chicken," ani Coleen nang lumapit ito sa kanya.

Medyo natawa siya sa paraan ng pagmamakaawa nito. Sabagay gutom na rin naman siya at kailangan na nila mag meryenda dahil sino ba naman ang hindi magugutom sa kakalaro at kakabantay ng bata?

"Okay, let's go."

Bago lumabas ng playground ay nagpaalam muna si Coleen sa mga batang nakalaro nito na ikinatuwa naman ni Safirah. Kahit papaano ay nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng batang kaibigan si Coleen kahit sandali man lang.

Alas tres na ng hapon ng mga oras na iyon kaya naman naisipan nilang mag meryenda. Habang naglalakad papunta sa isang fastfood restaurant ay abala si Safirah sa paghalukay sa loob ng bag niya para kunin ang kanyang cellphone upang mag update muli kay Terence kung saan sila pupunta dahilan para hindi niya mapansin kung sino ang kasalubong niya pero huli na ang lahat.

"Hey! Watch where you're going! Are you blind?!" Isang galit na babae na mukhang sopistikada ang nakabunggo ni Safirah.

"I'm so sorry. I didn't m-"

"Tita Patricia?" ani Coleen na katabi lamang ni Safirah. Nilingon niya ang bata.

Nagulat ang babaeng kaharap ni Safirah nang makita nito si Coleen. Agad itong bumitaw ang babae sa pagkakapulupot ng braso sa kasama nitong lalaki.

Bale ito pala ang Patricia?

Nagbago kaagad ang nararamdaman ni Safirah mula sa pagiging regretful dahil sa pagkakabangga niya rito na ngayon ay napalitan ng inis dahil naalala niya ang kinuwento ni Coleen sa kanya kung paano nito tratuhin ang bata. Medyo tumaas ang kilay niya sa isiping may kasama itong ibang lalaki.

Napansin rin ni Safirah na biglang nagbago ang kaninang galit na mukha nito na ngayon ay biglang namutla at tila nataranta.

Sinubukan nitong umakto ng normal pero hindi nakaligtas kay Safirah ang pagkukunwari nito. Lumapit ang babae kay Coleen at bahagyang yumuko.

"Oh, hi, Coleen. What a coincidence. I didn't expect to see you here. I thought you'd be forever a prison in your house. Why are you here?"

Bahagyang umatras si Coleen. "Uncle Terence allowed us to go outside."

Tumaas ang isang kilay ng babae. "Us? You mean you are with this blind bitch?"

Tumayong muli nang matuwid si Patricia at lumapit kay Safirah upang tingnan siya nito mula ulo hanggang paa. Hindi naman nagpatinag si Safirah at mataman niya itong tinitigan sa mga mata.

"And who are you?"

"She's my tutor," si Coleen ang sumagot sa tanong ni Patricia.

"Oh really?" sandali itong napasulyap sa bata at muling binaling sa kanya ang atensiyon.

Hindi pa rin umimik si Safirah kahit nag iinit na ang magkabila niyang tainga dahil sa pagkairita sa boses nito.

"Hindi ako makapaniwala na hindi pa rin napapagod si Terence maghanap ng muchacha para sayo Coleen." Natatawa nitong saad pero sa kanya ito nakatitig na tila nang uuyam.

Si Safirah naman ang natawa. "At hindi rin ako makapaniwala na ikakasal ka na kay Terence pero may kalandian kang iba," aniya at pinaglipat-lipat ang tingin kay Patricia at sa lalaking kasama nito na noo'y pareho na ring namumutla. Bumakas sa mukha ni Patricia ang gulat pero sandali lamang iyon dahil napalitan iyon agad ng galit.

"At sino ko naman para husgahan ako? Isa ka lang katulong!" asik nito pero nanatiling kalmado si Safirah.

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Safirah sa tinuran nito. "Correction, a highly decorated maid. And just so you know, mas mukha pang may pinag-aralan ang mga katulong kaysa sayo, not to mention about attitude and behavior towards young child. So please if you may excuse us, we have to go because seeing an adult flirting in public is bad for young ages like Coleen especially when that woman is getting married to someone. Au revoir."

Iyon lang at agad kinuha ni Safirah ang kamay ni Coleen at inakay ito palayo habang naiwang nakanganga si Patricia. At dahil malapit nang dumilim ay naisipan nilang magtake-out na lang ng pagkain at sa byahe na lang kumain. May curfew kasi si Coleen na nakasaad sa kontrata na bago mag alas singko ng hapon ay dapat nasa bahay na ang bata.

Sinundo sila ng driver at habang binabagtas nila ang daan pauwi sa mansyon ay hindi napigilan ni Coleen ang magtanong sa kanya.

"Safirah?"

Nilingon ni Safirah si Coleen at ngumiti rito. "Yes, Coleen?"

"Are you gonna tell Uncle Terence about what happened?" Nasa mukha nito ang pag aalala.

"If you're worrying that Patricia will treat you more badly, then don't. I won't allow it."

"But what if Uncle fired you? I don't want anybody else to be my tutor. I only want you."

Ngumiti ng mapakla si Safirah sa tinuran nito at hinaplos ang pisngi nito. "Don't worry, ako na ang bahala makipag-usap sa uncle mo tungkol sa nangyari."

Dahil tapos na ang work at school hours ay naging mabagal ang pag usad ng trapiko kaya naman sa kotse palang ay nakatulog na si Coleen sa sobrang pagod. Halos mag iisang oras na sila ay hindi pa rin gaanong umuusad ang kanilang sasakyan kaya naman naisipan niyang i-text si Terence para ipaalam rito ang sitwasyon. Matapos niyang i-send iyon ay ilang minuto lang ay nag-ring ang kanyang cellphone at agad niya iyong sinagot nang makita niya ang caller name.

"Hello, Terence?"

"How's Coleen?" tanong nito sa kabilang linya.

"She's sleeping here right next to me."

"Okay. I need to talk to you in person immediately so when you get home, go to my library."

Hindi na nakasagot pa si Safirah dahil agad binaba ni Terence ang tawag. Napaisip tuloy siya na baka alam na nito ang nangyaring paghaharap nilang dalawa ni Patricia kanina. Marahil ay nagsumbong ang babae at gumawa ng kwento. Dahil base sa tono ni Terence ay mukhang seryoso at galit ito. Pero sa oras na malaman niyang ganoon nga ang ginawa ni Patricia ay hindi magdadalawang isip si Safirah na sabihin kay Terence ang nakita niya kanina.

Sa katunayan ay ayaw ng gulo ni Safirah. Hangga't maaari ay hindi siya manghihimasok sa relasyon ng dalawa pero kapag siya ang kinanti ay hindi siya magpapatalo. Wala sa bokabularyo niya ang magpatupi lalo na sa mga katulad ni Patricia, higit sa lahat ang isang walang kamuwang-muwang na bata ay hindi nakaligtas sa pangit na ugali ng babaeng iyon.

Pasado alas sais na ng gabi nakauwi si Safirah at tulog pa rin si Coleen. Hindi na niya ito ginising pa bagkos ay dahan-dahan niya itong kinarga at dinala papunta sa kwarto nito. Mahimbing ang tulog nito dahil marahil sa sobrang pagod kakalaro buong araw kaya naman hindi ito nagising kahit hanggang sa paglapag niya rito sa higaan. Tinanggal niya ang sapatos nito at tinira lamang ang medyas nito para hindi ginawin sa aircon tsaka niya ito kinumutan.

Sa pagtalikod niya para lumabas na ng kwarto ng bata ay nakita niyang nakatayo sa may pintuan si Terence. Nanlamig ang buo niyang katawan.

Here we go again..

Lumunok si Safirah pagkatapos ay bumuntong-hininga tsaka lumapit ng bahagya pero malayo pa rin ang distansiya niya rito.

"I'm sorry kung ngayon lang kami nakauwi. Kung alam ko lang na maiipit kami sa trapiko ay-"

"It's okay. It's not your fault. Nothing to worry about." Seryoso ang mukha nito habang nakatingin ito sa kanyang mukha.

"Ter-"

"I'll wait for you in the library," malamig nitong saad.

Hindi na nagawang magsalita pa ni Safirah dahil agad din itong tumalikod at lumakad palayo. Wala siyang magawa kundi ang sundin ito. Naligo muna siya ulit at nagsuot ng pambahay na damit at tsaka pumunta sa library kung saan naghihintay sa kanya si Terence.

Napansin niyang hindi nakalapat ang pinto kaya naman rinig niya na tila may kausap ito sa kabilang linya. Lumapit siya sa pinto at akmang kakatok sa pinto nang bigla maulinigan niya ang sinasabi ni Terence sa kausap nito sa cellphone.

"Calm down, Patricia. What you're asking me to do is impossible. I just can't fire her. She's perfect for the job. Coleen changed a lot in just a short time because of her."

Sa pagkakataong iyon ay nanatili sa kinatatayuan si Safirah habang nakikinig. Hindi nga siya nagkamali. Nagsumbong talaga ang babaeng iyon kay Terence at iyon ang dahilan kung bakit gusto siyang makausap ng kanyang amo.

Ilang sandali pa ay lakas-loob siyang kumatok.

Sandaling katahimikan ang umalingawngaw bago niya narinig ang boses nito. "Come in," marahang saad ni Terence.

Huminga muna ng malalim bago tinulak ang pinto nang bahagya at tipid na ngumiti kay Terence. Agad nitong minuwestra na umupo siya sa kaharap na upuan ng lamesa nito. Tumalima naman siya.

Ilang sandaling katahimikan na naman ang namagitan sa kanila habang si Terence ay abala sa kakabuklat ng mga papeles nito. Hanggang sa tumikhim ito at tumingin sa kanya.

"Mind telling me what happened between you and Patricia?" tanong nito sa seryosong tono. Palipat-lipat ang tingin nito sa papeles at sa kanya.

Humugot muna ng hininga si Safirah bago siya nagsalita. "I'm sorry about that. I bumped into her and apologized but instead, she insulted me as well as Coleen. I was just defending myself. Nothing serious happened between us."

Nanigas ang panga nito at pansin niyang nagkuyom ang mga kamao nito. "And what did you see?"

Kumunot ang noo ni Safirah. "Wwhat do you mean?"

At doon binaba ni Terence ang hawak nitong mga papeles at tinuon sa kanya ang buo nitong atensyon. "You know what I'm talking about, Safirah."

Oo, alam talaga siya ang ibig nitong sabihin. Hindi niya alam kung sasabihin nga ba niya rito ang tungkol sa kasamang lalaki ni Patricia kanina o hindi, dahil ayaw niya madamay sa problema ng dalawa.

"Safirah? I want you to tell me the truth." Tumaas ang isa nitong kilay.

Lumunok siya at yumuko. "I don't want to be the reason-"

"Nevermind. I already got the answer by how you're reacting, thank you."

Huh?

"Tere-"

"It's fine, Safirah. I understand your reason if you don't want to tell me. I just need confirmation from what I discovered."

Nagdala ng kakaibang pakiramdam ang malamig nitong boses. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba. "O-okay. I'm really sorry."

"No need to apologize. I know Patricia. She has this kind of pretentious attitude sometimes toward others. And about Coleen, I think that's too much of her to treat my niece like that so I will discuss it with Patricia."

"Yes. That's too much of her to say something that may hurt the child."

"Why? What did Patricia say to Coleen? And what did Coleen tell you?"

Hindi na pagtatakpan pa ni Safirah ang masasamang sinabi ng babae sa bata na ayon na rin mismo kay Coleen.

"Coleen told me the other day that your fiancé called her a 'pest' and I asked Coleen why she didn't tell you, it's because she's scared that you might get rid of her and scold her. She thought you might not believe her."

Gumuhit sa mukha nito ang pagkabigla hanggang sa napalitan iyon ng guilt. Nagtagis ang mga bagang nito at bumuntong-hininga. Hindi marahil ito makapaniwala sa sinabi niya.

"Okay, that's for now. You may go and rest. Good night, Safirah."

Hindi na muling nagsalita pa si Safirah bagkos ay tumayo na siya at umalis.

=======

KINABUKASAN ay agad bumangon si Safirah nang marinig niya ang tunog ng kanyang alarm. Agad siyang naligo at nagbihis saka lumabas at dumiretso ng kusina para ipaghain ng almusal si Coleen bago niya ito gisingin sa kwarto nito.

Nagulat pa siya ng makita niyang nakatayo si Terence sa harap ng stove. Nang marinig nito na tila may tao sa likuran nito ay lumingon ito sa direksyon niya.

"Good morning," simpleng saad nito. Seryoso pa rin ang mukha nito.

Napalunok si Safirah. "Good morning. Ako na magpapatuloy ng niluluto mo."

"It's fine, Safirah. Just sit there. I'm almost done."

Napaisip tuloy si Safirah na galit pa rin si Terence, dahil base sa tono ng boses nito ay mukhang galit nga ito. Napansin niya rin na medyo nangingitim ang paligid ng mga mata nito, senyales na hindi ito nakatulog ng maayos kagabi. Dahil marahil sa balitang nakarating rito na may ibang lalaking kasama si Patricia kahapon.

Umupo na lang siya at hinintay itong matapos. Ilang minuto pa ang lumipas saka nito nilapag ang pagkain sa mesa. Nag alangan pa siya dahil trabaho niya ang maghanda ng pagkain kaso baka lalong mawala sa mood si Terence kapag nangulit pa siya kaya hinayaan na lamang niya ito sa ginagawa.

Ilang sandali pa ay umupo ito sa kaharap na upuan. Hindi maiwasan ni Safirah ang mailang pero kinalma niya ang sarili para hindi iyon mapansin ni Terence. Hindi siya sanay na kaharap o kasalo ito sa hapag-kainan at lalong hindi pa niya naranasan kumain sa iisang mesa kasama ang isang lalaki.

"Terence."

Hindi ito kumibo. Patuloy lamang ito sa pagkain.

Dahil ayaw ni Safirah ng ganoong pakiramdam kaya lakas-loob niya na itong kinompronta. "Are you mad at me?"

Saka ito nag-angat ng mukha at nagtama ang kanilang paningin. Sa klase ng tingin nito ay para siyang lalamunin. Ilang sandali bago ito sumagot.

"Why would I be?"

Binaba nito ang hawak na kutsara at binuhos ang buong atensiyon sa kanya. Bigla tuloy siyang nagsisi na kinuha niya ang atensiyon. Nanahimik nalang sana siya pero huli na.

"Because of P-"

"I'm not mad at you, Safirah. I'm just not in the mood because of what she did to me, to Coleen and to you. I have nothing against you. So, don't ever think that way."

Kahit papaano ay nakalma ang loob ni Safirah sa sinabi nito. Buong akala niya ay galit ito sa kanya. Hindi naman pala.

Hindi na siya nagsalita pang muli at ipinagpatuloy na lamang ang pag kain. Maging ito ay tahimik na rin habang kumakain at nagbabasa ng diaryo.

Dahil sa sobrang pagkailang ay agad tinapos ni Safirah ang kanyang almusal at hinugasan ang sariling pinagkainan. Hindi niya talaga kaya ang manatili kahit pa ilang minuto lang kasama sa isang lugar si Terence lalo na at sabay pa silang kumakain sa iisang mesa. Pakiramdam niya ay naninigas ang buo niyang katawan sa presensiya nito na hanggang ngayon ay nagpapalito sa puso't isip niya.

Pagkatapos maghugas ng pinggan ay muli siyang bumalik sa dining area para sabihin rito na pupuntahan na niya sa Coleen. Tumango lamang ito habang nakatutok pa rin sa diaryo ang mga mata nito.

Bab terkait

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 5

    DUMIRETSO kaagad siya sa kwarto ni Coleen upang gisingin ito."What's for breakfast Safirah?""Ang uncle mo ang nagluto ng pagkain mo. He prepared orange honey shrimp and toast, there's also pancakes if you want to.""Sounds delicious. I missed his dishes." Sabik itong bumangon at naligo. Tinulungan niya itong magbihis tsaka inakay ito palabas ng kwarto para ipaghain ito ng almusal. Pababa palang sila ng hagdan nang mapansin niya si Terence na nakaupo sa sala habang abala sa kanyang cellphone."Good morning, Uncle Terence!" masayang bati ni Coleen. Patakbo itong lumapit sa tiyuhin nito at yumakap sabay halik sa pisngi nito."Good morning, sweety. How's your sleep?" anito sabay ganti ng yakap sa bata habang nakangiti.Hindi naman maiwasan ni Safirah ang mapangiti sa eksenang iyon ng mag-tito. Bihira niya kasi makita ang dalawa na magkasama dahil sa sobrang busy ni Terence sa negosyo nito.Umupo si Coleen sa tabi nito. "It was great. I slept well and I enjoyed yesterday at the mall with

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-05
  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 6

    "Are you sure son?""I'm fine. Just need more time to move on.""Indeed, iho. The camping trip is perfect for unwinding and relaxing. It's good for you." ani Mrs. Villanueva."How I wish you'll find the right woman for you Uncle Terence, so you'll be happy again," nakangiting sabi ni Coleen."That's so thoughtful of you, sweety," ani Terence.Sa mga oras na iyon ay hindi na nabanggit pa ang tungkol sa personal na buhay ni Terence o di kaya ay buhay niya, na tahimik na ipinagpasalamat ni Safirah. Napunta na lamang ang usapan tungkol sa mga activities na gagawin sa birthday ni Safirah sa susunod na araw."Have you invited your cousin Mateo, iho?" tanong ng ina nito."Do I have to?" nasa boses nito ang pagkayamot nang mabanggit ang pinsan nito. Nagtaka si Safirah sa naging reaksyon nito pero wala siya sa posisyon para alamin kung may problema ito sa pinsan nito. Tahimik lamang siyang nakikinig sa usapan ng mga ito.Katunayan gusto na niyang umalis dahil hindi na tama na kaharap pa rin niy

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-05
  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 7

    HINDI alam ni Safirah kung ano ang mararamdaman niya sa sinabi ni Terence. Gusto niyang kiligin pero hindi niya iyon pwedeng ipahalata. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil bakit ngayon pa siya magpapaapekto sa isang lalaki na sa gayon ay ayaw niya nga noon pa sa mga lalaki. Nangako pa nman siya sa kanyang sarili. Pero bakit sa tingin niya ay tinatraydor siya ng kanyang sariling puso?Para maibsan ang pagkabahala niya sa kanyang nararamdaman ay inisip na lamang niya na kahit naman sino ay pwede siyang purihin na walang kaakibat na pagnanais sa kanya. Hindi naman imposibleng mangyari iyon sa ibang tao. Panay na lamang ang kumbinsi niya sa kanyang sarili na wala lamang iyon kay Terence. Tsaka isa pa, hindi lang naman ang mga ito ang pumuri sa ganda niya. Kaya maraming nanligaw sa kanya noon dahil sa angking ganda niya."Let's go," ani Terence sabay lakad palabas ng bahay.Agad naman sumunod ang dalawang matanda habang akay ng mga ito si Coleen sa magkabilang kamay ng bata. Nakasunod nama

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-05
  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 8

    Nang magsimula na ang pagsasalo-salo sa pagkain ay agad niyang inasikaso si Coleen para makakain ito kasama ang mga kalaro nito."Safirah, sumabay ka na sa amin," anyaya ng ina ni Terence."Maya-maya na po. Medyo busog pa po ako," aniya."Oh, okay. By the way, have you seen Terence? I haven't noticed him since lunchtime."Hindi niya alam kung ano ang isasagot rito. Mabuti na lamang ay sumulpot si Amanda at Nina."He's with Jasper Tita. Men's business, you know," ani Amanda habang nakangiti. Sunod niyon ay tumingin ito sa kanya ng makahulugan."Ganun ba?""Yes, Tita. Pabalik na rin sila."Tumango na lamang si Mrs. Villanueva at umalis na ito.Lumapit sa kanya si Amanda. "Dark business, if I may correct it.""Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Safirah.Bumulong ito sa kanya. "They continue their argument outside the camp. Believe me, you'll see one of them with busted lips."Napanganga siya sa sinabi nito. "W-what? How?""Relax, Safirah. It's normal among men to argue about

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-05
  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 9

    Dahil sa gulat ay hindi siya agad makapagsalita."Safirah," tawag ni Terence sa pangalan niya kaya naman biglang nahimasmasan si Safirah at agad niya itong tinulak sa dibdib."How dare you kissed me!"Isang sampal ang natanggap ni Terence mula sa kanya ngunit hindi ito natinag. Nagtagis ang mga bagang nito at mataman siyang tinitigan. Parang wala lamang rito ang pinakawalan niyang sampal.Hindi na niya ito hinintay pang makapagsalita dahil agad siyang umahon sa tubig at dali-daling umalis para iwan ito. Habang naglalakad siya ay gusto niyang maiyak sa galit. Hindi siya makapaniwala sa nangyari at hanggang sa makarating siya ng tent ay nasa isip pa rin niya kung paanong inangkin ni Terence ang kanyang mga labi na wala man lang pahintulot. Hindi matanggap ng isip niya ang nangyari pero iba ang sinasabi ng puso niya. Para tuloy siyang mababaliw.Agad siyang nagbanlaw at muling bumalik sa tent upang magbihis at magpahinga. Pero buong gabi siyang hindi nakatulog kaya naman kinabukasan ay ma

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-05
  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 10

    Hindi na siya nakatanggi sa pamimilit ni Nina sa kanya. Tinanggap niya ang imbitasyon nito na dumalo siya sa birthday party nito mamaya. Tutal sinabi naman nito na pumayag naman si Terence na imbitahan siya kaya naman hindi na siya nagpaalam kay Terence. Isa pa, wala pa rin ito sa bahay sa mga oras na iyon. Alas syete na ng gabi.Pagkatapos niyang pakainin ng hapunan si Coleen ay sunod niya itong hinilamusan para presko at mahimbing ang tulog nito. Sinabi niya rin sa bata na aalis siya saglit at pumayag naman ito."For sure, Safirah, all men will stare at you at the party. Do you already have a dress?" tanong nito.Ngumiti siya. "I don't care about the men; yes, I already have a dress. Your Aunt Nina gave me one but I'm not yet seeing it. It's still in the bag. I hope I'll like it. Go ahead."Agad itong tumaas sa higaan at niyakap ang paborito nitong stuff toy. "Good night, Safirah. And good luck.""Thank you. Don't forget to pray before going to sleep, okay?"Masayang tumango si Colee

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-06
  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 11

    "Terence, let go of me. People are staring," aniya habang pilit na hinihila ang kamay niya rito."F*ck them. Get inside," galit nitong saad matapos nitong buksan ang pinto ng passenger seat. Agad naman siyang pumasok at naglagay ng seatbelt. Padabog naman nitong sinara ang pinto tsaka ito lumibot at sumakay sa driver seat.Agad nitong binuhay ang makina at mabilis nito iyong pinaandar palabas ng gate. Napahawak siya sa handle."Will you please slow down?" naiinis niyang sabi rito pero tila wala itong narinig at patuloy lamang itong pinapaharurot ang sasakyan."Terence, I said slow down! You're scaring me!"Doon ito tila nahimasmasan kaya naman unti-unting bumagal ang takbo ng kotse. Nakahinga siya ng maluwag habang ito naman ay nagtatagis pa rin ang bagang sa galit."Why did we leave? I mean how about Zara? You left her. She might think-""She already got home, and I don't care what she might think if she found out."Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "What? She's your girlfriend and

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-06
  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 12

    PINIHIT niya ang doorknob at tinulak iyon pabukas. Ginala niya ang kanyang mga mata pagpasok niya sa pinto. Kahit gaano iyon kaganda ay pakiramdam niya ay hindi tama na dito siya manatili. Mas gugustuhin niyang kumuha na lamang ng maliit na kwarto pero alam niyang hindi siya pagbibigyan ni Terence.Isa pa sa iniisip niya ay kung anong pwedeng maging epekto niyon sa relasyon nito kay Zara. Ayaw niya ng gulo. Kahit pa wala namang namamagitan sa kanila ni Terence ay alam niyang hindi maiiwasan na magkaroon ng problema sa pagitan nila ng kasintahan nito."I'll call someone to change the lock on the door and I'll put more security cameras," ani Terence sa kanyang likuran. Medyo nagulat siya dahil hindi niya man lang namalayan ang pagpasok nito. Humarap siya rito."Terence. I appreciate it but this doesn't seem right. I can hide somewhere else but not here. This is too much," aniya.Bumuntong-hininga ito ng malalim at humakbang palapit sa kanya. "Look, Safirah. This is not free, remember? Yo

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-07

Bab terbaru

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER FINALE

    "PANG LABING dalawa mo nang buntong-hininga yan girl. Baka magreklamo na sayo iyang salamin," ani Josie. Hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya ito. Hinawakan siya nito sa balikat at pinisil iyon para pakalmahin siya. Kasalukuyan siyang nakatayo sa harap ng salamin. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatayo roon."S-sorry, wedding jitters."Ngumisi ito. "It's okay. Normal naman yan. We're here for you. Ang ganda mo talaga.""That's right. You're probably feeling an endless amount of emotions in anticipation of your big day. Just be calm and breathe in the positivity. You'll be alright."Lumingon siya kay Amanda at kabadong ngumiti. Winisik-wisik niya ang kanyang dalawang kamay at ilang beses bumuga ng hangin nang biglang bumukas ang pinto."Ma'am ready na po ang sasakyan," ani isang babae na staff ng wedding coordinator, ang tinutukoy ay ang wedding car na gagamitin niya.Muli siyang nilapatan ng retouch ng makeup artist at final check ng gown naman ng bridal stylist

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 36

    "We still haven't-""I'm so very excited! I'll invite all of our relatives and friends for this much-awaited day! Wedding! It brings people together!"Mother.""This is the moment I've been waiting for! Isn't it exciting, Safirah?""Yes, Mother, bu-""At last, I'll witness the wedding of my beloved son! It's too bad your big sister, Anna, is no longer here with us to see this! But I know she's also happy for both of you.""Mother--""And ensure that after this, you two must make more children! I want more grandchildren, and they will play and run around and-""Mother!""What son? Did I say something wrong?""Nothing's wrong. It's just th-""Well then that's it! We must prepare for the big day. Anyway, I'm done eating, and I'll go to Rikkard. My beloved grandson Rikkard. He's adorable and handsome. Oh dear, oh dear. I'm aging more and more and still have only two grandchildren," ani ina ni Terence na si Carmilla Villanueva habang magkadaop ang sariling mga kamay at nakatingala.Tumayo a

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 35

    MABUTI na lamang ay hindi ganoon kalala ang sugat niya sa tagiliran at ulo. Sadyang bukong-bukong niya lamang ang napuruhan dahil naipit iyon sa pagitan ng pinto ng kotse at driver seat at pinilit niya pang hilahin ang kanyang paa kahit namimilipit na siya sa sakit makaalis lang sila ng kanyang anak. Isa pa sa kinagaan ng loob niya ay ligtas rin si Mang Rodolfo, iyon nga lang, mas kailangan nitong tumagal sa ospital dahil sa tinamo nitong sugat sa ulo at leeg."She's dead," malamig nitong saad."H-how?" nagitla siya sa sinabi nitong balita.Sandali itong natahimik tsaka tumikhim."She had lost a lot of blood, and her other injuries made it worse."Napabuntong-hininga siya."But what about her child? Where-""Long gone," mabilis nitong sagot. Bagaman seryoso ang mukha nito, pero gumuhit ang tila guilt sa mga mata nito. Agad itong lumingon sa ibang direksyon at huminga ng malalim."W-what do you mean gone?"Lumibot ito sa gilid ng kama at umupo sa isang sofa. Magkadaop ang mga kamay nito

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 34

    WALA NA siyang nagawa kundi pumikit at hintayin ang nakaambang na kamatayan nilang mag-ina habang yakap niya ng mahigpit ang kanyang anak na patuloy pa rin sa pag iyak. Kinulong niya ito ng maigi sa kanyang dibdib para protektahan.!!!!#*#@*^#!!!!Ano yun? Anong nangyari?Bigla siyang nagmulat ng mata nang marinig niya ang tila pagsabog o malakas na salpukan ng sasakyan. Napanganga siya nang makitang tumilapon ang sasakyan na lulan ni Zara at ilang beses nagpagulong-gulong tsaka tumama sa isang sementadong bakod.Halos mawasak na ito at nagkalat sa kalsada ang basag na bote ng bintana at ilang pira-piraso ng sasakyan. Dahil doon ay lalong nagkagulo ang mga tao. Lahat ay gulat sa pangyayari.Nagsimulang umapoy ang unahang bahagi ng sasakyan ni Zara. Kita niya rin na duguan ito sa loob dahil sa tinamong sugat at wala na rin itong malay. Hindi rin niya magawang sumigaw dahil sa pagkabigla. Nanginginig ang buo niyang katawan at namanhid.Paanong...Hanggang sa unti-unti siyang napalingon s

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 33

    SA PAGLIPAS ng ilang buwan ay unti nang lumulobo ang kanyang tiyan. Naghilom na rin ang mga sugat niya sa katawan pero hindi ang puso niya. Ilang buwan na rin kasi niyang hindi nakikita sa Terence dahil sa mga business travels nito sa iba't-ibang bansa. Bihira rin iton tumawag at kung tumawag man ay saglit lang. Naalala niya ang sinabi nito bago ito umalis."I'll be away for months. I need to take care of some meetings and visit the progress of my projects. I need to meet many clients and take part in public conferences. I promise I'll be back as soon as I finish those things.""Months? How many?" Iniisip niya pa lang kung ilang buwan niya itong hindi makikita ay nanlulumo na siya kaagad."I'm not sure. Maybe six or seven months. I also have to settle some 'unfinished' business," anito habang nakatanaw sa bintana."Unfinished business? What's that supposed to mean?" Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa bago ito pumihit paharap sa kanya habang nakaupo siya sa kama

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 32

    "IT'S OKAY. We can visit some other time if you're still not ready to face him," ani Terence habang katabi niya ito sa upuan sa bahaging likod ng kotse.Nakatigil ang kotseng sinasakyan nila sa gilid ng kalsada, sa tapat mismo ng gate. Lumunok siya at umiling habang pinipisil ang sariling mga kamay dahil sa kaba."No. I can do this. We're here already anyway, so there's no backing out," kinakabahan niyang sabi.Kinuha ni Terence ang kanina pa nanginginig na kamay niya at dinala iyon sa bibig nito para gawaran ng mariin na halik. Ngumiti ito sa kanya."Okay. Don't worry I won't let go of your hand. Just tell me when you're ready, take your time."Marahan siyang tumango at ilang beses huminga ng malalim. "Okay. I'm ready. Let's go."Gaya nga ng sinabi ni Terence ay hindi nito binatawan ang kamay niya hanggang sa makalapit sila sa isang lumang gate. Ginala niya ang kanyang mata sa paligid.Isang simpleng bahay na gawa sa semento at ang bubong ay kinakalawang na yero lamang ang pumukaw sa

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 31

    "I'M SORRY for their noises," ani Terence habang nakangiti at hinalikan siya nito sa noo.Umiling siya at medyo natatawa. "It's okay. They're actually fun to be with and it's a good thing that they had visited me because I'm so damn bored being here and not even moving around."Kumuha ito ng upuan at dinala nito iyon sa gilid ng kama. Umupo ito roon at ginagap nito ang kanyang kamay."What's wrong? You looked disturbed. Did something happen yesterday?"Kahit hindi nito sagutin ang tanong niya ay ramdam niya na may hindi nga magandang nangyari kahapon nung umalis ito. Katunayan ay hindi siya makatulog kagabi kakaisip rito dahil nangangamba siya na may nangyari na naman dito na masama."My parents called last night. They saw the news on TV about what happened to you. They were distraught and I told them not to mention it to Coleen," nakayuko nitong sabi. "I didn't tell them yet about us and the baby because I knew they would be more frantic knowing that this happened to you while you're

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 30

    "Terence is not the father of the child? Such a disgrace!""Who's the woman they're talking about? Who's Safirah?""Who is that man she's talking with? Is that the real father?""She tricked Terence for his wealth? That's ridiculous. Poor Terence.""Isn't she rich enough to deceive another man for his money?""So, she's only acting and pretending to be in love with him? That's shameful."Lumapit siya kay Zara habang hawak pa rin ang mikropono. Sa nakikita niyang itsura nito ay halos hindi na ito makatayo o di kaya ay makagalaw sa kinauupuan dahil sa sobrang kahihiyan. Napangiti siya sa senaryong iyon.Hawak ang mikropono, muli siyang nagsalita. "You think this is the beginning of your horrendous plan?"Galit itong nakatingin sa kanya na para bang gusto siyang sunggaban na lalo niyang ikinatuwa.Lumapit sa kanya ang kanyang lawyer at binigay sa kanya ang isang folder. Kinuha niya iyon at binuklat. Saglit niyang binasa ang nakasulat sa papel at ngumiti."How does it feel that you became

  • The Stay-In Tutor   CHAPTER 29

    "ARE YOU threatening me?" galit na tanong nito."Sort of. Why? Are you going to sue me for grave threats? Let's see who did it first. Do you want me to show you some videos and audio wherein you're planning to kill me after the partnership is done? You talked to some people and hired them to do the dirty work on your behalf, however, those people were actually my men. It seemed like Lucas was the only man loyal to you that's why he himself operated that bomb drone of yours."Kitang-kita niya ang naghahalong kaba at galit sa anyo nito na para sa kanya ay kasiya-siyang panoorin. Hindi nito akalain na alam niya lahat ng galaw nito at mayroon siyang ebidensya laban rito. Nilapitan niya ito."Choose your memorable destination, Mr. Norrington. Grave or jail?""You can't scare me with your sharp tongue!""I'll take that as a compliment, so I'll thank you for that, old man. I would rather have a sharp tongue than to have a blunt and weak brain.""Get out! Get out of my property!"Ngumisi siya.

DMCA.com Protection Status