"PANG LABING dalawa mo nang buntong-hininga yan girl. Baka magreklamo na sayo iyang salamin," ani Josie. Hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya ito. Hinawakan siya nito sa balikat at pinisil iyon para pakalmahin siya. Kasalukuyan siyang nakatayo sa harap ng salamin. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatayo roon."S-sorry, wedding jitters."Ngumisi ito. "It's okay. Normal naman yan. We're here for you. Ang ganda mo talaga.""That's right. You're probably feeling an endless amount of emotions in anticipation of your big day. Just be calm and breathe in the positivity. You'll be alright."Lumingon siya kay Amanda at kabadong ngumiti. Winisik-wisik niya ang kanyang dalawang kamay at ilang beses bumuga ng hangin nang biglang bumukas ang pinto."Ma'am ready na po ang sasakyan," ani isang babae na staff ng wedding coordinator, ang tinutukoy ay ang wedding car na gagamitin niya.Muli siyang nilapatan ng retouch ng makeup artist at final check ng gown naman ng bridal stylist
Napakamot siya sa ulo kasabay ng malalim na buntong-hininga habang nakatingin sa screen ng kanyang laptop."Oh bakit, bagsak na naman 'yang mukha mo? Na-reject ka na naman ba?" sabi ng kanyang roommate na kalaunan ay naging matalik niya ring kaibigan.Umayos siya ng upo. "Bakit ganun? Mag a-apply ka nga para magka-experience tapos ang hanap nila dapat may 1 or 2 years na experience? Depende na lang siguro kung may backer.""Hay nako. Mag abroad ka na lang," ani Josie habang abala ito sa pag apply ng makeup."Pero-"*tok tok*Sabay silang napalingon sa pinto.Binuksan ni Josie ang pinto ng at bumungad sa kanila ang galit na anyo ng kanilang landlady. Mayroon pa itong tuwalya na nakabalot sa ulo nito."Nasaan ang magaling mong kaibigan?" galit nitong tanong kay Josie at diri-diretsong pumasok ng kwarto habang nakapamaywang."Aling Tonya huw-""Manahimik ka Josie! At ikaw Safirah?" Tumaas ang kilay nito nang makita siya. "Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na magbalot-balot ka na dahil may pa
"Kamusta pala ang lakad mo kanina? Natanggap ka ba?" tanong ni Josie."Kailangan ko muna basahin ang kontrata.""Hay nako. Kung ako sayo, pinirmahan ko na yan agad, doon pa lang. Wala nang basa-basa, tanggap ka naman na eh. Ikaw na lang hinihintay na pumirma at boom! May trabaho ka na."Kumunot ang noo ni Safirah sa kasalukuyang binabasang kontrata sa screen ng laptop niya.Really?"Oh, bakit ganyan na ang mukha mo? Patingin nga," anito at tumingin rin sa screen upang basahin ang nakapaloob sa kontrata."Naku girl! Napakasimple naman sayo niyan eh. Paano ka naman talaga magkakajowa eh ayaw mo nga tumanggap ng manliligaw. Sisiw lang yan sayo." Tinapik siya nito sa balikat.Alam naman ni Safirah iyon. Natapos na niyang basahin ang dalawang pahina ng kontrata at aminado siya na kaya niyang gawin lahat ng nakasaad doon. Hindi naman mahirap intindihin at isa pa, pabor naman sa kanya lahat ng nakapaloob roon. Hindi na siya pwede pang umurong dahil mataas naman ang sahod kumpara sa dati niyan
Pagkatapos nila maglaro ni Coleen maghapon ay mabilis itong nakatulog kinagabihan dahil sa sobrang pagod. Kahit papaano ay napanatag na ang loob ni Safirah dahil sa wakas ay hindi na siya mahihirapan sa trabaho niya. Bukod kasi sa hindi na siya sinusungitan ni Coleen ay mabilis rin itong matuto katulad na lamang kanina sa tutor session nila. Matalinong bata si Coleen kaya hindi nahirapan si Safirah na turuan ito ng mga basic lesson para sa isang toddler.Alas nuwebe na ng gabi natapos kumain ng hapunan si Safirah dahil inayos niya pa lahat ng kalat sa kwarto ni Coleen habang natutulog ito. Pagkatapos niyang hugasan ang ginamit niyang plato ay naisipan niya na rin maligo at magpahinga. Paakyat na sana siya ng hagdan nang marinig niya ang tila tunog ng kotse na pumarada sa harap ng bahay. Lumingon sya at nakita niya si Terence na pumasok sa main door. Natigil si Safirah sa pag akyat sa hagdan.Gusto niya makausap si Terence tungkol kay Coleen pero nagbago ang isip niya nang makita niyang
Apat na araw nang hindi nakakausap ni Safirah si Terence tungkol kay Coleen. Nakasaad kasi sa kontratang pinirmahan niya na kailangan niya magreport araw-araw kay Terence sa progression ni Coleen. Pero bihira na niya itong makita dahil sa umaga palang ay mas maaga itong gumigising para pumasok ng trabaho at halos gabing-gabi na ito umuwi kaya naman hindi niya ito makausap o di kaya ay makita man lang. Naaawa tuloy siya lalo kay Coleen dahil wala man lang ni isang kapamilya nito ang nakakasalamuha ng bata.Bandang tanghali ng araw na iyon ay niyaya niya si Coleen na lumabas ng bahay at mamasyal sandali. Hindi naman iyon ipinagbawal ni Terence dahil nakasaad din sa kasunduan nila na kasama ang pamamasyal sa labas para sa behavioral at mental health ni Coleen, at ayon na rin sa espesyalista ng bata. Nagsend na lamang siya ng mensahe kay Terence sa cellphone number nito pero wala siyang natanggap na sagot. Bago sila umalis ni Coleen ay nagpaalam rin siya sa mga kasambahay para sakaling dum
DUMIRETSO kaagad siya sa kwarto ni Coleen upang gisingin ito."What's for breakfast Safirah?""Ang uncle mo ang nagluto ng pagkain mo. He prepared orange honey shrimp and toast, there's also pancakes if you want to.""Sounds delicious. I missed his dishes." Sabik itong bumangon at naligo. Tinulungan niya itong magbihis tsaka inakay ito palabas ng kwarto para ipaghain ito ng almusal. Pababa palang sila ng hagdan nang mapansin niya si Terence na nakaupo sa sala habang abala sa kanyang cellphone."Good morning, Uncle Terence!" masayang bati ni Coleen. Patakbo itong lumapit sa tiyuhin nito at yumakap sabay halik sa pisngi nito."Good morning, sweety. How's your sleep?" anito sabay ganti ng yakap sa bata habang nakangiti.Hindi naman maiwasan ni Safirah ang mapangiti sa eksenang iyon ng mag-tito. Bihira niya kasi makita ang dalawa na magkasama dahil sa sobrang busy ni Terence sa negosyo nito.Umupo si Coleen sa tabi nito. "It was great. I slept well and I enjoyed yesterday at the mall with
"Are you sure son?""I'm fine. Just need more time to move on.""Indeed, iho. The camping trip is perfect for unwinding and relaxing. It's good for you." ani Mrs. Villanueva."How I wish you'll find the right woman for you Uncle Terence, so you'll be happy again," nakangiting sabi ni Coleen."That's so thoughtful of you, sweety," ani Terence.Sa mga oras na iyon ay hindi na nabanggit pa ang tungkol sa personal na buhay ni Terence o di kaya ay buhay niya, na tahimik na ipinagpasalamat ni Safirah. Napunta na lamang ang usapan tungkol sa mga activities na gagawin sa birthday ni Safirah sa susunod na araw."Have you invited your cousin Mateo, iho?" tanong ng ina nito."Do I have to?" nasa boses nito ang pagkayamot nang mabanggit ang pinsan nito. Nagtaka si Safirah sa naging reaksyon nito pero wala siya sa posisyon para alamin kung may problema ito sa pinsan nito. Tahimik lamang siyang nakikinig sa usapan ng mga ito.Katunayan gusto na niyang umalis dahil hindi na tama na kaharap pa rin niy
HINDI alam ni Safirah kung ano ang mararamdaman niya sa sinabi ni Terence. Gusto niyang kiligin pero hindi niya iyon pwedeng ipahalata. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil bakit ngayon pa siya magpapaapekto sa isang lalaki na sa gayon ay ayaw niya nga noon pa sa mga lalaki. Nangako pa nman siya sa kanyang sarili. Pero bakit sa tingin niya ay tinatraydor siya ng kanyang sariling puso?Para maibsan ang pagkabahala niya sa kanyang nararamdaman ay inisip na lamang niya na kahit naman sino ay pwede siyang purihin na walang kaakibat na pagnanais sa kanya. Hindi naman imposibleng mangyari iyon sa ibang tao. Panay na lamang ang kumbinsi niya sa kanyang sarili na wala lamang iyon kay Terence. Tsaka isa pa, hindi lang naman ang mga ito ang pumuri sa ganda niya. Kaya maraming nanligaw sa kanya noon dahil sa angking ganda niya."Let's go," ani Terence sabay lakad palabas ng bahay.Agad naman sumunod ang dalawang matanda habang akay ng mga ito si Coleen sa magkabilang kamay ng bata. Nakasunod nama