Share

CHAPTER 2

"Kamusta pala ang lakad mo kanina? Natanggap ka ba?" tanong ni Josie.

"Kailangan ko muna basahin yung sinend niya na kontrata sa email address ko."

"Hay nako. Kung ako sayo, pinirmahan ko na yan agad. Wala nang basa-basa, tanggap ka naman na eh. Ikaw na lang hinihintay na pumirma at boom! May trabaho ka na."

Kumunot ang noo ni Safirah sa kasalukuyang binabasang kontrata sa screen ng laptop niya.

Really?

"Oh, bakit ganyan na ang mukha mo? Patingin nga," anito at tumingin rin sa screen upang basahin ang nakapaloob sa kontrata.

"Naku girl! Napakasimple naman sayo niyan eh. Paano ka naman talaga magkakajowa eh ayaw mo nga tumanggap ng manliligaw. Sisiw lang yan sayo."

Alam naman ni Safirah iyon. Natapos na niyang basahin ang dalawang pahina ng kontrata at aminado siya na kaya niyang gawin lahat ng nakasaad doon. Hindi naman mahirap intindihin at gawin lahat ng nakasaad na terms and conditions sa kontrata. Pabor naman sa kanya lahat ng nakapaloob roon. Hindi na siya pwede pang umurong dahil mataas naman ang sahod kumpara sa dati niyang mga naging trabaho.

Kinabukasan, pag gising niya ay agad niyang binuksan ang laptop at pumunta sa email na naglalaman ng file ng kontrata. Agad niyang nilagyan ng digital signature ang ibaba parte ng kada pahina at sinend iyon sa email address ng magiging amo niya. Ilang minuto pa ang lumipas nang tumunog ang cellphone niya. Unknown number iyon pero sinagot niya pa rin.

"Hello?"

"Hi, Miss Perez. This is Terence Villanueva. I received your response to my email. I can see that this job is official, so I want you to start today, ASAP. My driver will be there in a few minutes to get you, so you better pack your stuff. I'll see you later." Yun lang at naputol na ang tawag. Ni hindi man lang siya nito hinintay na makapagsalita.

Ilang sandali pa ay sinimulan na niya mag ayos ng mga gamit. Hindi niya inubos lahat dahil hindi naman iyon magkakasya sa sasakyan kaya ang iba ay inihabilin niya na lang kay Josie at babalikan niya na lamang ang iba pa niyang gamit. Pumayag naman ito. Isang medium size na maleta at isang duffel bag ang dadalhin niya.

"Good luck, girl." ani Josie habang ngumunguya ito ng tinapay at nakatingin lang sa kanya habang nag aayos siya ng gamit. "Buti naman at nakapagdecide ka na."

Tumigil si Safirah sa ginagawa at umupo sa gilid ng kama. "Wala na akong choice at isa pa hindi naman ito permanente kaya kailangan ko pa rin maghanap ng ipapalit na trabaho bago matapos ang kontrata ko."

Ilang katok ang pumukaw sa atensyon ng dalawa. Si Josie na ang nagbukas niyon.

"Oh, abay mabuti naman at nagbalot-balot ka na Safirah at may sundo ka pa talaga ha? Kailan pa may sumundo sayong magarang sasakyan?" taas-kilay nitong saad habang nakapamaywang.

"Sundo ho iyon sa bago niyang trabaho," paismid na sagot ni Josie.

"Trabaho? Ano namang klaseng trabaho? Baka naman namingwit lang yan ng matanda na malapit nang mamatay," patutsada pa nito.

"Alam niyo Aling Tonya, sa edad niyo, tsismosa pa rin kayo. At least ho kay Safirah, may nagkakagusto pa rin di tul-" ani Josie. Siniko ni Safirah ang kaibigan sa tagiliran para patahimikin ito. Pigil niya ang kanyang tawa.

Nanlisik lamang ang mga mata ni Aling Tonya at padabog na umalis.

Tumawa ng malakas si Josie. "At lumaki na naman ang ilong ng dragon na dati nang malaki."

"Tumigil ka nga. Marinig ka niya baka sumugod uli dito at ikaw naman ang palayasin," ani Safirah at muling inayos ang mga gamit niya.

"Naku! Okay lang. Kung hindi lang talaga mahirap maghanap ng mauupahan ay matagal na ako umalis rito. Sadyang kailangan ko lang magtiis dahil ito lang paupahan na malapit sa trabaho ko. Pero soon aalis na rin ako dito. Nakakabanas na mukha ni Aling Tonya lalo na ang bibig niya na nagmistulang alarm clock na ng lahat ng boarders dito."

Natawa na lamang si Safirah sa tinuran ng kaibigan. Sabagay hindi naman niya masisisi ang kaibigan kung aalis na rin ito.

Ilang sandali pang nag ayos ng sarili si Safirah at lumabas ng kwarto dala ang kanyang maleta. Si Josie naman ang nagdala ng iba pa niyang gamit. Paglabas ng gate ay agad sumalubong sa kanila ang isang may edad nang lalaki upang tumulong na sa pagbuhat ng mga gamit at iniligay nito iyon sa likurang bahagi ng kotse.

"Maraming salamat Josie. Huwag ka mag alala, sa unang sahod ko babayaran ko lahat ng utang ko sayo. Pangako yan."

"Walang anuman. Salamat rin. Basta ah, magkikita pa rin tayo. Pag may problema ka tawagan mo lang ako. Good luck."

Ngumiti si Safirah at yumakap rito ng mahigpit bago sumakay sa kotse.

Dahil sa matinding trapiko ay umabot sila ng halos dalawang oras sa daan. Napansin ni Safirah na panay na rin ang tawag ni Terence sa driver. Kaya naman nag iba ng daan ang driver para mas madali silang makarating sa bahay ng magiging amo niya. Lumipas pa ang 30 minuto ay nakarating na rin sila sa wakas. Medyo nakaidlip na rin siya ng kaunti dahil sa bigat ng trapiko. Ramdam na rin niya ang gutom dahil hindi naman siya nag almusal kanina.

Pagbaba ng kotse ay agad umalalay ang driver sa pagdala ng mga gamit niya sa loob ng bahay. Inayos niya ang nagusot niyang damit at buhok bago pumasok ng bahay. Nanatili muna siya sa living area nang lumapit sa kanya ang isang kasambahay na may dalang orange juice at iniabot sa kanya. Hindi siya nagdalawang isip na tanggapin iyon. Matapos magpasalamat ay muli itong bumalik sa kusina.

Ilang sandali pa ay nakita niyang pababa ng hagdan si Terence. Nakasuot ito ng khaki pants at puting t-shirt. May suot rin itong shades. Halatang may lakad ito. Agad tumayo si Safirah.

Inalis nito ang suot na shades at lumapit sa kanya.

"Glad you're finally here. Since I'm already late to my appointment because of waiting for you, the maid will show you your room. If you're hungry, help yourself. There's a lot of food in the kitchen. We will discuss some other things when I get home later but for now, I have to go. Coleen is in her room. You can go there and talk to her, introduce yourself, or whatever you need for her to like you and be comfortable with you."

"Yes, Sir."

"I told you to call me just Terence"

"I'm sorry. Okay, Terence."

Walang anumang ekspresyon ang gumuhit sa gwapo nitong mukha, bagkos ay muli nitong sinuot ang shades at nagmamadaling lumabas na ng pinto.

Nagkibit-balikat na lamang si Safirah at muling ginala ang mga mata sa buong bahay. Hindi niya akalain na ganito kayaman ang magiging amo niya.

Tinungo niya ang glass door kung saan sa labas niyon ay isang malaking swimming pool at malawak na hardin. Lumabas siya at ninamnam ang sariwang hangin. Napansin din niya na maraming puno sa parteng likuran ng bakuran.

"Ang cozy naman dito," sambit niya sa kanyang sarili.

"Miss Perez."

Napalingon si Safirah sa kung sinong tumawag sa kanya. Nakita niya ang isang kasambahay.

"Hello po," aniya at ngumiti siya rito.

Ngumiti ito. "Hali na ho kayo at ihahatid ko na kayo sa magiging kwarto niyo."

Tumango si Safirah at pumasok nang muli sa loob upang sundan ang kasambahay. Nagpasalamat siya rito nang tulungan siya nitong magdala ng mga gamit niya.

Muli na naman gumala ang mga mata niya pag akyat nila ng second floor ng bahay. Habang naglalakad kasunod ng kasambahay ay nadaanan nila ang isang divider na may mga nakadisplay na picture frame. Napatigil siya at tinitigan ang isang litrato ng batang lalaki na sa tingin niya ay nasa 12 to 15 years old iyon.

Is that Terence?

He looked cute in those golf outfits.

"Ito ang magiging kwarto mo," ani kasambahay na medyo ikinigulat ni Safirah. Agad niyang binaba ang picture frame at lumapit sa kasambahay.

"Salamat ho."

Tumango ito. "Ang katabing kwarto sa kanan ay ang kwarto ni Coleen."

"Sige ho."

Medyo naguluhan si Safirah nang mataman siya nitong titigan. "Bakit ho?"

"Wala naman. Napapaisip lang ako kung makakatagal ka rito kasi iyong mga huling na-hire na tutor at nanny ni Coleen hindi umabot ng dalawang linggo," sa tono nito halatang nababahala at dismayado ito.

"Huwag ho kayo mag-alala. Hindi naman ho bago sa akin ang mga batang katulad ni Coleen."

Ngumiti lamang ito pero may pait iyon. "Sige maiwan na kita rito. Marami pa akong aasikasuhin sa kusina. Kapag may kailangan ka hanapin mo lang ako sa kusina o sa hardin. Huwag ka rin mahihiya o mag aalangan na kumuha ng pagkain sa kusina sakaling magutom ka."

"Salamat ho."

"Tawagin mo na lang akong Manang Ofelia."

"At ako naman ho Safirah. Huwag niyo na ho ako tawaging Miss Perez, masyadong pormal eh."

Ngumiti ito saka tuluyang umalis. Nilapag niya ang ilang gamit niya sa ibabaw ng kama. Sakto lang ang laki ng kwarto niya at may sarili na rin itong banyo. Nagustuhan niya ang disenyo ng kwarto niya dahil nordic style iyon. Very relaxing ang dating at hindi masakit sa mata ang kulay ng pintura. Ilang sandali pa niyang sinuri ang kwarto nang maisipan niyang ayusin na ang mga gamit niya. Isa-isa niyang nilagay ang mga damit niya sa cabinet.

"So, you're hired."

Napalingon si Safirah nang marinig niya ang tinig ng isang batang babae. Ngumiti siya at lumapit rito. Pero halata sa itsura ng bata na hindi ito natutuwa na makita siya.

"Hi, Coleen. I'm Safirah Perez. And yes, I'm your newly hired tutor and nanny. How are you?"

Tumaas ang isang kilay nito at tiningnan na naman siya nito mula ulo hanggang paa. Hindi siya natinag sa ginawa nito. Sa katunayan, para sa kanya ang cute tingnan kapag ang toddler ay trying hard magsungit. Parang gusto niya tuloy ito kurutin sa pisngi. Bukod kasi sa maputi si Coleen ay chubby din ito. Para kay Safirah ay mukhang baby polar bear si Coleen.

"Why are you here? Are you trying to replace my mother?"

Hindi napigilang matawa ni Safirah sa sinabi nito. Lumapit siya rito at umupo sa harap nito. "Alam mo, Coleen. Kahit sino, kahit kailan, walang pwedeng pumalit sa mommy mo. Pero hindi ibig sabihin non ay wala rin pwedeng magmahal sayo at ituring kang tunay na anak. You should be grateful kasi marami pa rin ang nagmamahal sayo. Ang iba nga kahit nawalan ng mommy or daddy but they are still nice. Sa tingin mo ba masaya ang mommy mo sa heaven na nakikita niya na hindi ka nice sa ibang tao? For sure malungkot ang mommy mo."

Naglaho sa mukha nito ang kaning pagsusungit nito at muling tumingin sa mukha ni Safirah. "Do you still have a mother?"

Ngumiti si Safirah ng mapait at hinagod ang kulot na buhok ni Coleen at marahang kinurot ito sa pisngi. "My mother also went to heaven. But even though she's gone, I'm trying my best to be a good person para i-blessed lagi ako ni papa Jesus at para happy rin ang mommy ko sa heaven, para hindi na rin siya mag worry. And you should do the same. Be nice and happy always. Can you do that?"

"But my previous tutor and nanny hindi sila nice sa akin."

Nakaramdam ng awa si Safirah sa bata. "That's why they are not here anymore kasi for sure pinaalis rin sila ng mommy mo kasi di sila nice sayo."

"Talaga? Mommy is always by my side? But why can't I see her?" Napalitan ng lungkot ang cute nitong mukha.

"Because she is your invisible guardian angel. Kahit hindi mo siya nakikita, lagi mo isipin na kasama mo siya palagi. Tsaka makikita mo naman siya dito," nilapat ni Safirah ang kanyang palad sa dibdib nito. "As long as nasa puso mo ang mommy mo, hindi ka niya iiwan bilang guardian angel mo."

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ng bata at iniabot nito sa kanya ang hawak nitong stuff toy. Kinuha niya iyon at pinindot naman ni Coleen ang kamay ng stuff toy. Isang boses babae ang tumunog mula sa loob ng stuff toy.

"That's my mother's voice. I always play it when I'm sad. It helps me relax and sleep at night."

"See? Your mother never actually left."

Ngumiti ang bata ng matamis.

"So, are we friends now?"

Kunwari itong nag isip habang nakangiti. "Yes! We can be friends!"

"That's great! Your father will be proud of you."

"Uhm, I never met my father."

Kumunot ang noo ni Safirah. "I thought Terence is your father?"

"Uncle Terrence is my mother's brother. My mother wanted my uncle to adopt me before she died."

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status