HINDI alam ni Safirah kung ano ang mararamdaman niya sa sinabi ni Terence. Gusto niyang kiligin pero hindi niya iyon pwedeng ipahalata. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil bakit ngayon pa siya magpapaapekto sa isang lalaki na sa gayon ay ayaw niya nga noon pa sa mga lalaki. Nangako pa nman siya sa kanyang sarili. Pero bakit sa tingin niya ay tinatraydor siya ng kanyang sariling puso?
Para maibsan ang pagkabahala niya sa kanyang nararamdaman ay inisip na lamang niya na kahit naman sino ay pwede siyang purihin na walang kaakibat na pagnanais sa kanya. Hindi naman imposibleng mangyari iyon sa ibang tao. Panay na lamang ang kumbinsi niya sa kanyang sarili na wala lamang iyon kay Terence. Tsaka isa pa, hindi lang naman ang mga ito ang pumuri sa ganda niya. Kaya maraming nanligaw sa kanya noon dahil sa angking ganda niya.
"Let's go," ani Terence sabay lakad palabas ng bahay.
Agad naman sumunod ang dalawang matanda habang akay ng mga ito si Coleen sa magkabilang kamay ng bata. Nakasunod naman si Safirah sa mga ito.
Paglabas nila ay napansin niyang si Terence ang magmamaneho ng sasakyan habang sa kabilang sasakyan naman ang ilang tauhan nito.
"Safirah iha," baling sa kanya ng ina ni Terence.
Lumapit siya rito. "Bakit po?"
"Ikaw na ang sumakay sa passenger seat at ako na lamang ang tatabi sa apo ko sa likuran."
"P-po?"
Hindi na ito nakasagot dahil agad na itong pumasok sa kotse. Naiwan siyang mag isa sa labas ng kotse na noo'y gustong tumanggi sa gusto ng ina ni Terence. Ilang sandali pa ay bumaba ang bintana ng passenger's seat.
"What are you waiting for, Safirah? Get in."
Nataranta bigla si Safirah sa sinabi ni Terence dahilan para pumayag na lamang siya at dali-daling lumapit. Binuksan niya ang pinto at sumakay. Tahimik lamang siya at nakanataw sa labas ng bintana habang binabagtas nila ang daan papuntang Baguio. Habang panay naman ang kwentuhan ng maglola sa likuran nila. Nagtatawanan ang mga ito samantalang ay panay ang lunok dahil sa kaba at pagkailang.
I hate this kind of feeling!
Pagdating nila sa camp site ay agad bumaba ang mga magulang ni Terence at ang apo nitong si Coleen upang magliwaliw saglit sa lugar. Napakaganda ng lugar at ramdam niya ang lamig ng hangin na umiihip sa kanyang mukha. Mabuti na lamang ay nakasuot siya ng knitted cardigan at jogger pants.
Ilang sandali pa ay may mga ilang sasakyan rin ang pumarada sa katabi nila. Doon niya lamang nalaman na kasunod lang pala nila sa byahe ang ilang imbitadong kamag-anak nina Terence at ilang mga kaibigan. May ilan sa mga ito ay nagulat nang makita siya at nagbubulungan pa ang mga ito. Dahil marahil sa passenger seat siya galing? Iniisip marahil ng mga ito na espesyal siya kay Terence.
Jeez!
"Hi! Are you Terence's new girlfriend?" tanong ng isang babae na sa tingin niya ay kaedad niya lang. Hindi na marahil nito napigilan na magtanong.
"Huh? H-hindi. Stay-in tutor ako ni Coleen."
Parang dismayado ang naging reaksyon ng babae sa sagot niya.
"Oh, okay. I'm sorry. We just thou-"
"No. It's okay. I understand what you guys are thinking."
"I'm Nina by the way. Terence's prettiest cousin."
"Safirah," aniya at tinanggap ang pakikipagkamay nito.
Lalong nailang si Safirah nang isa-isang lumapit sa kanya ang ilan sa mga bisita.
"Wow. You're so pretty. I'm Amanda, Nina's sister."
I think I need to dig up mother's grave and ask her personally why do I look like her?
Tinanggap niya rin ang pakikipagkamay nito. Ngumiti siya. "Nice to meet you. I'm Safirah."
"Hi. I'm Jasper. Eldest cousin of Terence. Y-you're gorgeous. Good Lord."
Hindi nito agad binitawan ang kamay niya na ikinabahala ni Safirah. Tinaas pa nito iyon at dinala sa labi nito para gawaran ng halik hanggang sa isang tikhim ang narinig niya mula sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakita niya ang seryoso ngunit gwapong mukha ni Terence.
"I think that's it for now. You guys can introduce yourselves later," ani Terence sa mga pinsan nito.
"Hi, Terence. How's our billionaire cousin? It's been a long time buddy," ani Jasper sabay lapit kay Terence at fist-bump.
"So far so good. Nice to see you all."
Kasunod niyon ay yumakap kay Terence si Nina at Amanda.
"You're getting more handsome, Terence and more powerful now. We're so proud of you. How are Tito Guillermo and Tita Carmilla?" tanong ni Amanda.
"They're doing great. They're at the side of the hill, playing with Coleen," sagot ni Terence at ininda ang unang sinabi ni Amanda tungkol sa itsura nito.
"Uhm. If you may excuse me. I'll just settle some of our belongings," ani Safirah sa mga ito.
"Yes, sure. Nice meeting you again Safirah, We'll hangout later, okay?" sabi naman ni Nina habang nakangiti.
Tumango si Safirah. "O-okay." At umalis na para tulungan si Manang Ofelia na ibaba lahat ng gamit mula sa sasakyan. Tumulong na rin ang ilang tauhan ni Terence.
"Hey Terence," tawag ni Nina.
"Yeah?"
"How can you stand not to get attracted to her and tried to pursue her?" tanong nito.
"What are you talking about?"
"Safirah, Coleen's tutor. Hello?" ani Amanda.
"I forbid her to be in a relationship. It's a part of her contract as a stay-in tutor."
"What? That's cruel and ridiculous," saad naman ni Nina.
"No, it's not. Besides, it's her who doesn't want to be in a relationship for some reason."
"Why? Is she a man-hater?"
"Stop asking so many questions. Let's go."
==============
MATAPOS maitayo ang Giant Family Tent sa may ilalim ng malaking puno ay agad silang nagtulong-tulong na ayusin ang kanilang gamit. Namangha si Safirah sa laki ng tent na binili ni Terence. Tent iyon na may apat na kwarto na sa loob at may mini sala at kitchen pa. Sa kada kwarto ay sakto lamang ang dalawang tao.
Kanya-kanya ring tayo ng camping tent ang mga kamag-anak nina Terence at ilan pang bisita. Bagaman pwede rin naman mag renta ng cabin na pagmamay-ari ng campsite ay mas pinili ni Terence na magtayo ng sariling tent.
At dahil malapit na magtanghalian ay nag nagprepare na si Terence sa lulutuin na inihaw na isda. Tumulong naman si Safirah at Manang Ofelia sa pag asikaso pa ng ilang lulutuin. Habang abala naman ang mga magulang ni Terence sa pakikipag kwentuhan sa mga iba nilang kasama at si Coleen naman ay nakikipaglaro sa ibang bata.
Hindi maiwasan mapangiti ni Safirah habang pinapanood niya si Coleen. Masaya siya dahil nakakarecover na ang bata mula sa past trauma nito. Malaking tagumpay iyon para kanya bilang tutor at nanny nito. Isa pa, malaking tulong ang ganitong ganap sa buhay ng bata na nakakasagap ng sariwang hangin dahil nakakatulong ang kalikasan para makalma ang isip at katawan. Para na rin makalimot sa mga problema.
"Ang ganda naman dito," saad ni Manang Ofelia. Tumabi ito sa kanya.
Ngumiti si Safirah. "Sinabi niyo pa Manang. Sobrang ganda talaga. Nakakarelax ang tanawin."
"Pero sa tingin ko mas maganda ka."
Natawa siya. "Bakit naman ho sakin napunta ang usapan?"
"Eh sayo nakatingin si Sir Jasper kanina pa. Mukhang wala naman siyang pakialam sa magandang tanawin eh."
"H-ho?"
"Tingin ka sa kanan mo."
Pasimpleng lumingon si Safirah at totoo nga sinabi nito. Nakatingin sa kanya si Jasper. Ngumiti ito sa kanya nang magtama ang kanilang paningin pero hindi niya iyon ginantihan. Pakiramdam niya ay nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan.
"Diyos ko. Ayan na siya. Maiwan na muna kita diyan, Safirah. Titingnan ko lang kung tapos na si Sir Terence mag ihaw ng isda. Baka kailangan niya ang tulong ko."
"Pero Mana-"
"Hi Safirah," bati ni Jasper sa kanya nang makalapit ito.
Biglang nailang si Safirah sa presensya nito. Nagsisi tuloy siya kung bakit sinunod pa niya si Manang Ofelia na lumingon kay Jasper.
"Hi," simpleng sagot siya.
"May I join you?" anito na ang tinutukoy ay kung pwede itong tumabi sa kanya.
Nakaupo kasi siya sa damuhan sa labas lang mismong ng tent dahil gusto rin niyang makalanghap ng sariwang hangin at ma-enjoy ang paligid. Pero mukhang hindi na siya nag e-enjoy ngayon.
At dahil ayaw naman niya itong tanggihan o ipagtabuyan ay pumayag na lamang siya. "Sure."
"Thank you. I hope I'm not interrupting something," anito at ngumiti na tila nagpapa-cute sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. "Not at all." Kahit ang totoo ay oo.
"Do you need anything?" tanong ni Safirah rito.
"Uhm, not much. I just want to have a little chat with you, if you don't mind."
"I don't mind," tipid niyang sagot.
"Okay, so...how are you? How long have been in Terence's house?"
"I'm fine. It's been almost two months."
Tumango-tango ito. "How long will you be there?"
"I don't know. Maybe as soon as Coleen gets better, or her doctor advises that she's ready to be in school. There are a few more tests to be done with her, checkups, counseling, those kinds of stuff."
Hindi ito nagsalita bagkos ay nakatitig lamang ito na animo'y isa siyang bituin sa langit. Nailang siya kaya tumikhim siya para kunin ang atensyon nito.
"I'm sorry. I'm just admiring your beauty. I like your long and dark lashes and curly hair. Are those natural?
Tipid siyang tumango.
"Would you like to hang out with us later at night? By the falls? Few drinks and go on a night swimming?"
"Sounds tempting but I better stay here. I need to look after Coleen. You know, it's my job."
"Yes, I understand but of course, she'll be sleeping by that time so you're free to relax and enjoy."
Kahit hindi siya komportable sa presensya nito ay sinusubukan pa rin niyang pakisamahan ito hangga't hindi ito nagsasabi na gusto siya nito. Ayos lang naman sa kanya na makipag-usap sa lalaki pero hindi iyong tipong lalandiin siya dahil hindi siya magdadalawang isip na layuan o di kaya ay sungitan ito. Pero sa totoo lang ay hindi niya maikakaila na may itsura rin si Jasper, iyon nga lang, para sa kanya ang presko ng dating nito at iyon ang isa sa ayaw niya sa mga lalaki. Base na rin sa galaw nito dahil pansin niya na kanina pa ito nagpapacute sa kanya. Madali siyang mairita sa mga lalaki na gwapong-gwapo sa sarili at pasikat.
"I can't promise."
"Why not? Did Terence warn you not to hang out with us? Besides Terence will be there too so there's no reason for you not to come."
"We'll see. Thanks for the invite."
Hindi pa rin ito maalis ang titig nito sa kanya na lalong nakapagpailang kay Safirah. Gusto na niya itong iwan pero muli itong nagsalita.
"So, is it true that you're a man-hater?"
Napangisi siya sa sinabi nito. "Sort of."
Tiningnan siya nito na tila naaaliw ito at hindi makapaniwala. "Really? That's kinda sad yet amusing."
"Amusing?" pagtataka niya. "Do women throw themselves at you?"
Tumawa ito. "Most of them, yeah. That's why I'm so amused and confused why-"
"Why am I not flirting with you?" aniya habang nakataas ang isang kilay. ".....It's because I don't like flirt and conceited men."
Nagulat ito sa sagot niya. "Now, I'm starting to like you even more. I like hard-to-get girls."
"And I don't like easy-to-get men. So, if you may excuse m-"
Tumayo na siya para lumayo rito nang bigla siya nitong hilahin sa braso. "I love your perfume, by the way. You smell so good, Safirah."
"Let me go."
Pilit niyang nilalayo ang kanyang sarili nang amoyin nito ang kanyang buhok. Nakaramdam siya ng takot sa mga oras na iyon kaya pinilit niya bawiin ang kanyang braso sa mahigpit nitong pagkakahawak.
"I just want you to accept my invitation."
Lalo siyang nainis rito. "Now, you are giving me a reason not to accept it. So, you better let go of me or I'll scream," mariin niyang saad.
Nakakaloko itong tumawa sa sinabi niya. "Don't be such a hard-to-get, honey. I know you'll love me inside of you. No woman ever resisted my sex appeal. You'll only scream my name and ask for more."
Akma niya itong sasampalin nang agad nito iyong hinarang gamit ang isa pa nito kamay. "Your sex appeal is rotting. I don't even find you attractive. Your filthy behavior and disrespect are screaming so loud."
"Co-"
"Get your vile hands off of her or I'll smudge your face in the mud!"
"Terence?" sambit niya.
Nagulat siya ng hawakan nito ng mahigpit ang kamay ni Jasper sabay tulak rito palayo. Agad naman siyang umatras pero hinila siya ni Terence papunta sa likod nito at pumagitna ito sa kanila ni Jasper. Nagtatagis ang mga bagang ni Terence dahil sa galit at nanginginig ang mga kamao nito habang nanlilisik naman ang mga nito habang nakatingin kay Jasper.
"Easy cousin. I'm just messing around with her. It was just a joke," ani Jasper na tila nang uuyam ang anyo habang nakataas ang dalawang kamay na senyales na hindi ito papatol kay Terence.
"A joke? Do you call that a joke?! I heard what you said to her! You're no different from your brother!"
Kitang-kita ni Safirah ang matinding galit sa mga mata ni Terence pero kahit papaano ay pinipigalan nito ang sarili na huwag gumawa ng mas malaking komusyon. Pero tila napansin iyon ni Amanda mula sa malayo kaya tumakbo ito palapit sa kanila.
"Anong nangyayari rito?" pagtataka nito. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang tatlo. Ito naman ang pumagitna sa dalawang lalaki.
"Keep your hands to yourself, especially your orgasm. Don't come any close to her again," mariing saad ni Terence sabay duro kay Jasper na noo'y nakangisi pa.
Doon napatingin kay Safirah si Amanda at naintindihan na nito ang nangyari. "I'm so sorry Safirah. Are you okay?"
Lumapit si Amanda sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "Okay na ako. Thank you."
"And you? Get out of here! Go!" sigaw ni Amanda kay Jasper habang hila-hila ito sa braso palayo sa kanila.
"Terence."
Humarap ito sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay unti-unting humupa ang galit nito sa mukha. Tumingin ito sa kanya ng mataman bago siya nito nilagpasan at umalis.
Naiwan siyang tulala sa kanyang kinatatayuan at iniisip kung bakit ramdam niya na tila galit ito sa kanya. Natauhan siya at hinanap ito para kausapin pero si Manang Ofelia lamang ang nakita niya. Lumapit siya rito.
"Manang, nakita niyo ho ba si Terence?"
"Naku, umalis dala ang kotse. Mukhang galit. Ano kayang nangyari doon. Alam mo ba?"
Bumagsak ang mga balikat niya sa narinig. Hindi niya alam kung ano nagawa niya kung bakit tila galit ito sa kanya pero sa kabila niyon ay nagpapasalamat siya na bigla itong sumulpot kanina at ipinagtanggol siya sa pambabastos ni Jasper sa kanya.
Lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin bumabalik si Terence at hanggang ngayon wala pa ring alam ang nakararami sa nangyari kanina maliban na lamang kay Amanda na nasaksihan nito ang galit ni Terence kay Jasper. Mas mabuti na ring hindi lumaki ang gulo dahil siguradong masisira ang espesyal na araw na ito para kay Coleen. At isa pa ay ayaw niya ng gulo.
Napagdesisyunan ng lahat na alas kwatro ng hapon umpisahan ang selebrasyon ng kaarawan ni Coleen. Si Nina ang tumayong host sa mini program nito. Siyempre hindi mawawala ang mga palaro para sa mga bata at matanda. Masayang nagtatawanan at kwentuhan ang mga bisita pero ni anino ni Terence ay hindi pa rin niya makita. Saan kaya ito nagpunta?
Nakatayo siya sa isang gilid habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro nang lapitan siya ni Amanda.
"Mind if I join you right now?"
Lumingon si Safirah sa tabi niya. Ngumiti siya at umiling.
"Safirah," anito. "The moment I first saw you earlier when you got out of Terence's car, I knew there was something different about you among the women who entered Terence's life."
Tahimik lang siyang nakikinig rito kahit hindi niya maintindihan kung ano ibig nitong sabihin, at kung nito iyon sinasabi sa kanya.
"Especially when he defended you against Jasper. I know it because I was once her big sister, the closest cousin he ever had since we were young. I am his so-called best friend besides his sister, Anna. I was his ears and shoulder when he needed someone to listen to his dramas in life especially when it comes to love. I knew you were something to him. I can see it in his eyes the moment Jasper kissed your hand earlier."
"Why are you telling me these?"
"Because I never saw Terence defend a woman that way. I think you're special to him."
"I don't think so," aniya sa di makapaniwalang eskpresyon. Marahan siyang natawa.
"Why not?"
"He's still in love with his ex-fiancé. It's impossible that he would feel something for me right after they broke up. And most of all, I'm a nobody. I'm his niece's tutor. Maybe he defended me because he's different from Jasper. Terence respects women. That's all."
Ito naman ang natawa sa sinabi niya. Kumunot ang noo ni Safirah.
"But he's not trying to get his ex-fiancé back, is he?"
"This is not making any sense."
"For now," anito habang nakangiti sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng ngiti nito. Nalilito siya. "You'll see."
Iyon lang at umalis na ito. Naiwan siyang puno ng katanungan ang isip.
Nang magsimula na ang pagsasalo-salo sa pagkain ay agad niyang inasikaso si Coleen para makakain ito kasama ang mga kalaro nito."Safirah, sumabay ka na sa amin," anyaya ng ina ni Terence."Maya-maya na po. Medyo busog pa po ako," aniya."Oh, okay. By the way, have you seen Terence? I haven't noticed him since lunchtime."Hindi niya alam kung ano ang isasagot rito. Mabuti na lamang ay sumulpot si Amanda at Nina."He's with Jasper Tita. Men's business, you know," ani Amanda habang nakangiti. Sunod niyon ay tumingin ito sa kanya ng makahulugan."Ganun ba?""Yes, Tita. Pabalik na rin sila."Tumango na lamang si Mrs. Villanueva at umalis na ito.Lumapit sa kanya si Amanda. "Dark business, if I may correct it.""Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Safirah.Bumulong ito sa kanya. "They continue their argument outside the camp. Believe me, you'll see one of them with busted lips."Napanganga siya sa sinabi nito. "W-what? How?""Relax, Safirah. It's normal among men to argue about
Dahil sa gulat ay hindi siya agad makapagsalita."Safirah," tawag ni Terence sa pangalan niya kaya naman biglang nahimasmasan si Safirah at agad niya itong tinulak sa dibdib."How dare you kissed me!"Isang sampal ang natanggap ni Terence mula sa kanya ngunit hindi ito natinag. Nagtagis ang mga bagang nito at mataman siyang tinitigan. Parang wala lamang rito ang pinakawalan niyang sampal.Hindi na niya ito hinintay pang makapagsalita dahil agad siyang umahon sa tubig at dali-daling umalis para iwan ito. Habang naglalakad siya ay gusto niyang maiyak sa galit. Hindi siya makapaniwala sa nangyari at hanggang sa makarating siya ng tent ay nasa isip pa rin niya kung paanong inangkin ni Terence ang kanyang mga labi na wala man lang pahintulot. Hindi matanggap ng isip niya ang nangyari pero iba ang sinasabi ng puso niya. Para tuloy siyang mababaliw.Agad siyang nagbanlaw at muling bumalik sa tent upang magbihis at magpahinga. Pero buong gabi siyang hindi nakatulog kaya naman kinabukasan ay ma
Hindi na siya nakatanggi sa pamimilit ni Nina sa kanya. Tinanggap niya ang imbitasyon nito na dumalo siya sa birthday party nito mamaya. Tutal sinabi naman nito na pumayag naman si Terence na imbitahan siya kaya naman hindi na siya nagpaalam kay Terence. Isa pa, wala pa rin ito sa bahay sa mga oras na iyon. Alas syete na ng gabi.Pagkatapos niyang pakainin ng hapunan si Coleen ay sunod niya itong hinilamusan para presko at mahimbing ang tulog nito. Sinabi niya rin sa bata na aalis siya saglit at pumayag naman ito."For sure, Safirah, all men will stare at you at the party. Do you already have a dress?" tanong nito.Ngumiti siya. "I don't care about the men; yes, I already have a dress. Your Aunt Nina gave me one but I'm not yet seeing it. It's still in the bag. I hope I'll like it. Go ahead."Agad itong tumaas sa higaan at niyakap ang paborito nitong stuff toy. "Good night, Safirah. And good luck.""Thank you. Don't forget to pray before going to sleep, okay?"Masayang tumango si Colee
"Terence, let go of me. People are staring," aniya habang pilit na hinihila ang kamay niya rito."F*ck them. Get inside," galit nitong saad matapos nitong buksan ang pinto ng passenger seat. Agad naman siyang pumasok at naglagay ng seatbelt. Padabog naman nitong sinara ang pinto tsaka ito lumibot at sumakay sa driver seat.Agad nitong binuhay ang makina at mabilis nito iyong pinaandar palabas ng gate. Napahawak siya sa handle."Will you please slow down?" naiinis niyang sabi rito pero tila wala itong narinig at patuloy lamang itong pinapaharurot ang sasakyan."Terence, I said slow down! You're scaring me!"Doon ito tila nahimasmasan kaya naman unti-unting bumagal ang takbo ng kotse. Nakahinga siya ng maluwag habang ito naman ay nagtatagis pa rin ang bagang sa galit."Why did we leave? I mean how about Zara? You left her. She might think-""She already got home, and I don't care what she might think if she found out."Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "What? She's your girlfriend and
PINIHIT niya ang doorknob at tinulak iyon pabukas. Ginala niya ang kanyang mga mata pagpasok niya sa pinto. Kahit gaano iyon kaganda ay pakiramdam niya ay hindi tama na dito siya manatili. Mas gugustuhin niyang kumuha na lamang ng maliit na kwarto pero alam niyang hindi siya pagbibigyan ni Terence.Isa pa sa iniisip niya ay kung anong pwedeng maging epekto niyon sa relasyon nito kay Zara. Ayaw niya ng gulo. Kahit pa wala namang namamagitan sa kanila ni Terence ay alam niyang hindi maiiwasan na magkaroon ng problema sa pagitan nila ng kasintahan nito."I'll call someone to change the lock on the door and I'll put more security cameras," ani Terence sa kanyang likuran. Medyo nagulat siya dahil hindi niya man lang namalayan ang pagpasok nito. Humarap siya rito."Terence. I appreciate it but this doesn't seem right. I can hide somewhere else but not here. This is too much," aniya.Bumuntong-hininga ito ng malalim at humakbang palapit sa kanya. "Look, Safirah. This is not free, remember? Yo
HABANG lulan ng sasakyan ay wala silang imikang dalawa ni Terence. Nakatanaw lamang siya sa labas ng bintana habang pinipisil ang kanyang namamawis na palad kahit nakabukas naman ang aircon ng sasakyan. Ganito pala ang pakiramdam na magkagusto sa isang lalaki na halos ilang dangkal lamang ang pagitan? Iyong tipong kabado ka at hindi mapakali sa kinauupuan dahil alam mong malapit lang ang distansiya nito sayo?"I don't want to see you being near with Samuel again." Basag nito sa nakabibinging katahimikan."W-why not?" nagtataka niyang tanong. Napansin niyang humigpit ang hawak nito sa manibela habang seryoso ang mata habang nakatingin sa kalsada.Ngumisi ito ng mapakla sa tanong niya. "'Why'?""Okay, let me be clear. I don't like men when it comes to the idea of having a relationship. I still want to talk with men unless they don't show any affection or let's say they don't confess about their feelings towards me. I want to be single but that doesn't mean I will not talk to men. Samuel
PABAGSAK siyang nahiga sa kanyang kama at pumikit ng mariin. Ramdam niya ang pagod at gutom pero wala na siyang lakas pang bumangon para kumuha ng pagkain sa kusina. Gusto na lamang niyang matulog pero hindi nakikisama ang kanyang humahapding sikmura. Kaya kahit ayaw niya ay bumangon siya at naglakad papuntang kusina. Binuksan niya ang refrigerator at tumambad sa kanya ang sari-saring pagkain. Puno iyon ng laman at hindi naman niya matandaan na nilagay niya ang mga iyon doon.Terence...of course it's him.Naalala niya, nag utos nga pala ito ng ibang tao na bilhan siya ng mga kailangan niya sa grocery store para hindi na siya lumabas pa at para na rin sa kanyang seguridad.Bumuntong-hininga siya at kumuha na lamang ng orange juice at slice bread. Pagkatapos niya iyong ubusin, pumunta siya sa living area na kung saan ay may indoor mini pool na malapit sa bintana. Bigla tuloy siyang na-engganyong maligo roon dahil sa tingin niya ay mas mare-relax siya kapag lumubog siya sa tubig kaysa ang
WALANG ibang tumatakbo sa isip niya kundi ang tanong na 'bakit'. Bakit ni isang beses ay wala siyang natanggap na kahit na anong tugon mula kay Terence buong magdamag?Kasalukuyan siyang nasa loob ng sasakyan papunta sa kompanya nito upang pumasok sa trabaho at para na rin kausapin si Terence tungkol sa nangyari sa kanila noong isang gabi. Gusto niyang malaman kung ano na ang magiging kahihitnan ng magiging relasyon nila. Napuno ng pag aalala at pagtataka ang isip niya na halos hindi na niya namalayan na tumigil na pala ang kotse at nakabukas na ang pinto niyon habang naghihintay ang driver na noo'y nakababa na pala upang alalayan siyang makalabas.Agad siyang bumaba at nagpasalamat sa driver sa paghatid sa kanya. Sinamahan naman siya ng dalawang tauhan ni Terence sa paglakad hanggang sa makapasok sa building. Gusto pa sana siya nitong sundan hanggang sa elevator pero pinigilan niya ang mga ito dahil baka magtaka ang mga tao kung bakit mayroon siyang bodyguards na nakabuntot sa kanya.