"IT'S OKAY. We can visit some other time if you're still not ready to face him," ani Terence habang katabi niya ito sa upuan sa bahaging likod ng kotse.Nakatigil ang kotseng sinasakyan nila sa gilid ng kalsada, sa tapat mismo ng gate. Lumunok siya at umiling habang pinipisil ang sariling mga kamay dahil sa kaba."No. I can do this. We're here already anyway, so there's no backing out," kinakabahan niyang sabi.Kinuha ni Terence ang kanina pa nanginginig na kamay niya at dinala iyon sa bibig nito para gawaran ng mariin na halik. Ngumiti ito sa kanya."Okay. Don't worry I won't let go of your hand. Just tell me when you're ready, take your time."Marahan siyang tumango at ilang beses huminga ng malalim. "Okay. I'm ready. Let's go."Gaya nga ng sinabi ni Terence ay hindi nito binatawan ang kamay niya hanggang sa makalapit sila sa isang lumang gate. Ginala niya ang kanyang mata sa paligid.Isang simpleng bahay na gawa sa semento at ang bubong ay kinakalawang na yero lamang ang pumukaw sa
SA PAGLIPAS ng ilang buwan ay unti nang lumulobo ang kanyang tiyan. Naghilom na rin ang mga sugat niya sa katawan pero hindi ang puso niya. Ilang buwan na rin kasi niyang hindi nakikita sa Terence dahil sa mga business travels nito sa iba't-ibang bansa. Bihira rin iton tumawag at kung tumawag man ay saglit lang. Naalala niya ang sinabi nito bago ito umalis."I'll be away for months. I need to take care of some meetings and visit the progress of my projects. I need to meet many clients and take part in public conferences. I promise I'll be back as soon as I finish those things.""Months? How many?" Iniisip niya pa lang kung ilang buwan niya itong hindi makikita ay nanlulumo na siya kaagad."I'm not sure. Maybe six or seven months. I also have to settle some 'unfinished' business," anito habang nakatanaw sa bintana."Unfinished business? What's that supposed to mean?" Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa bago ito pumihit paharap sa kanya habang nakaupo siya sa kama
WALA NA siyang nagawa kundi pumikit at hintayin ang nakaambang na kamatayan nilang mag-ina habang yakap niya ng mahigpit ang kanyang anak na patuloy pa rin sa pag iyak. Kinulong niya ito ng maigi sa kanyang dibdib para protektahan.!!!!#*#@*^#!!!!Ano yun? Anong nangyari?Bigla siyang nagmulat ng mata nang marinig niya ang tila pagsabog o malakas na salpukan ng sasakyan. Napanganga siya nang makitang tumilapon ang sasakyan na lulan ni Zara at ilang beses nagpagulong-gulong tsaka tumama sa isang sementadong bakod.Halos mawasak na ito at nagkalat sa kalsada ang basag na bote ng bintana at ilang pira-piraso ng sasakyan. Dahil doon ay lalong nagkagulo ang mga tao. Lahat ay gulat sa pangyayari.Nagsimulang umapoy ang unahang bahagi ng sasakyan ni Zara. Kita niya rin na duguan ito sa loob dahil sa tinamong sugat at wala na rin itong malay. Hindi rin niya magawang sumigaw dahil sa pagkabigla. Nanginginig ang buo niyang katawan at namanhid.Paanong...Hanggang sa unti-unti siyang napalingon s
MABUTI na lamang ay hindi ganoon kalala ang sugat niya sa tagiliran at ulo. Sadyang bukong-bukong niya lamang ang napuruhan dahil naipit iyon sa pagitan ng pinto ng kotse at driver seat at pinilit niya pang hilahin ang kanyang paa kahit namimilipit na siya sa sakit makaalis lang sila ng kanyang anak. Isa pa sa kinagaan ng loob niya ay ligtas rin si Mang Rodolfo, iyon nga lang, mas kailangan nitong tumagal sa ospital dahil sa tinamo nitong sugat sa ulo at leeg."She's dead," malamig nitong saad."H-how?" nagitla siya sa sinabi nitong balita.Sandali itong natahimik tsaka tumikhim."She had lost a lot of blood, and her other injuries made it worse."Napabuntong-hininga siya."But what about her child? Where-""Long gone," mabilis nitong sagot. Bagaman seryoso ang mukha nito, pero gumuhit ang tila guilt sa mga mata nito. Agad itong lumingon sa ibang direksyon at huminga ng malalim."W-what do you mean gone?"Lumibot ito sa gilid ng kama at umupo sa isang sofa. Magkadaop ang mga kamay nito
"We still haven't-""I'm so very excited! I'll invite all of our relatives and friends for this much-awaited day! Wedding! It brings people together!"Mother.""This is the moment I've been waiting for! Isn't it exciting, Safirah?""Yes, Mother, bu-""At last, I'll witness the wedding of my beloved son! It's too bad your big sister, Anna, is no longer here with us to see this! But I know she's also happy for both of you.""Mother--""And ensure that after this, you two must make more children! I want more grandchildren, and they will play and run around and-""Mother!""What son? Did I say something wrong?""Nothing's wrong. It's just th-""Well then that's it! We must prepare for the big day. Anyway, I'm done eating, and I'll go to Rikkard. My beloved grandson Rikkard. He's adorable and handsome. Oh dear, oh dear. I'm aging more and more and still have only two grandchildren," ani ina ni Terence na si Carmilla Villanueva habang magkadaop ang sariling mga kamay at nakatingala.Tumayo a
"PANG LABING dalawa mo nang buntong-hininga yan girl. Baka magreklamo na sayo iyang salamin," ani Josie. Hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya ito. Hinawakan siya nito sa balikat at pinisil iyon para pakalmahin siya. Kasalukuyan siyang nakatayo sa harap ng salamin. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatayo roon."S-sorry, wedding jitters."Ngumisi ito. "It's okay. Normal naman yan. We're here for you. Ang ganda mo talaga.""That's right. You're probably feeling an endless amount of emotions in anticipation of your big day. Just be calm and breathe in the positivity. You'll be alright."Lumingon siya kay Amanda at kabadong ngumiti. Winisik-wisik niya ang kanyang dalawang kamay at ilang beses bumuga ng hangin nang biglang bumukas ang pinto."Ma'am ready na po ang sasakyan," ani isang babae na staff ng wedding coordinator, ang tinutukoy ay ang wedding car na gagamitin niya.Muli siyang nilapatan ng retouch ng makeup artist at final check ng gown naman ng bridal stylist
Napakamot siya sa ulo kasabay ng malalim na buntong-hininga habang nakatingin sa screen ng kanyang laptop."Oh bakit, bagsak na naman 'yang mukha mo? Na-reject ka na naman ba?" sabi ng kanyang roommate na kalaunan ay naging matalik niya ring kaibigan.Umayos siya ng upo. "Bakit ganun? Mag a-apply ka nga para magka-experience tapos ang hanap nila dapat may 1 or 2 years na experience? Depende na lang siguro kung may backer.""Hay nako. Mag abroad ka na lang," ani Josie habang abala ito sa pag apply ng makeup."Pero-"*tok tok*Sabay silang napalingon sa pinto.Binuksan ni Josie ang pinto ng at bumungad sa kanila ang galit na anyo ng kanilang landlady. Mayroon pa itong tuwalya na nakabalot sa ulo nito."Nasaan ang magaling mong kaibigan?" galit nitong tanong kay Josie at diri-diretsong pumasok ng kwarto habang nakapamaywang."Aling Tonya huw-""Manahimik ka Josie! At ikaw Safirah?" Tumaas ang kilay nito nang makita siya. "Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na magbalot-balot ka na dahil may pa
"Kamusta pala ang lakad mo kanina? Natanggap ka ba?" tanong ni Josie."Kailangan ko muna basahin ang kontrata.""Hay nako. Kung ako sayo, pinirmahan ko na yan agad, doon pa lang. Wala nang basa-basa, tanggap ka naman na eh. Ikaw na lang hinihintay na pumirma at boom! May trabaho ka na."Kumunot ang noo ni Safirah sa kasalukuyang binabasang kontrata sa screen ng laptop niya.Really?"Oh, bakit ganyan na ang mukha mo? Patingin nga," anito at tumingin rin sa screen upang basahin ang nakapaloob sa kontrata."Naku girl! Napakasimple naman sayo niyan eh. Paano ka naman talaga magkakajowa eh ayaw mo nga tumanggap ng manliligaw. Sisiw lang yan sayo." Tinapik siya nito sa balikat.Alam naman ni Safirah iyon. Natapos na niyang basahin ang dalawang pahina ng kontrata at aminado siya na kaya niyang gawin lahat ng nakasaad doon. Hindi naman mahirap intindihin at isa pa, pabor naman sa kanya lahat ng nakapaloob roon. Hindi na siya pwede pang umurong dahil mataas naman ang sahod kumpara sa dati niyan