Share

CHAPTER 34

WALA NA siyang nagawa kundi pumikit at hintayin ang nakaambang na kamatayan nilang mag-ina habang yakap niya ng mahigpit ang kanyang anak na patuloy pa rin sa pag iyak. Kinulong niya ito ng maigi sa kanyang dibdib para protektahan.

!!!!#*#@*^#!!!!

Ano yun? Anong nangyari?

Bigla siyang nagmulat ng mata nang marinig niya ang tila pagsabog o malakas na salpukan ng sasakyan. Napanganga siya nang makitang tumilapon ang sasakyan na lulan ni Zara at ilang beses nagpagulong-gulong tsaka tumama sa isang sementadong bakod. Halos mawasak na ito at nagkalat sa kalsada ang basag na bote ng bintana at ilang pira-piraso ng sasakyan. Dahil doon ay lalong nagkagulo ang mga tao. Lahat ay gulat sa pangyayari.

Nagsimulang umapoy ang unahang bahagi ng sasakyan ni Zara. Kita niya rin na duguan ito sa loob dahil at wala nang malay. Hindi rin niya magawang sumigaw dahil sa bigla. Nanginginig ang buo niyang katawan at namanhid.

Paanong...

Unti-unti siyang napalingon sa isang sasakyan na bumangga mismo kay Zar
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status