DUMIRETSO kaagad siya sa kwarto ni Coleen upang gisingin ito.
"What's for breakfast Safirah?"
"Ang uncle mo ang nagluto ng pagkain mo. He prepared orange honey shrimp and toast, there's also pancakes if you want to."
"Sounds delicious. I missed his dishes." Sabik itong bumangon at naligo. Tinulungan niya itong magbihis tsaka inakay ito palabas ng kwarto para ipaghain ito ng almusal. Pababa palang sila ng hagdan nang mapansin niya si Terence na nakaupo sa sala habang abala sa kanyang cellphone.
"Good morning, Uncle Terence!" masayang bati ni Coleen. Patakbo itong lumapit sa tiyuhin nito at yumakap sabay halik sa pisngi nito.
"Good morning, sweety. How's your sleep?" anito sabay ganti ng yakap sa bata habang nakangiti.
Hindi naman maiwasan ni Safirah ang mapangiti sa eksenang iyon ng mag-tito. Bihira niya kasi makita ang dalawa na magkasama dahil sa sobrang busy ni Terence sa negosyo nito.
Umupo si Coleen sa tabi nito. "It was great. I slept well and I enjoyed yesterday at the mall with Safirah."
Tumingin sa kanya si Terence sa kanya nang banggitin siya ni Coleen dahilan para mataranta bigla si Safirah nang magtama ang kanilang paningin. Bumilis ang tibok ng puso niya at hindi niya alam kung ngingiti ba siya o hindi. Pero mas pinili niya ang huli.
"That's nice. I hope next time I can go with you," sabi nito sa bata.
"I hope so too uncle. I missed our hangouts. I want to go on a camping trip on my birthday next week," said Coleen.
Naisipan ni Safirah na iwan na muna ang dalawa para makapag-bonding naman ang mga ito kahit sandali at para maihanda niya na rin ang almusal ni Coleen. At isa pa, para bigyan sila ng privacy.
"Safirah," tawag sa kanya ni Terence nang akmang tatalikod na siya para iwan ang mga ito. Muli siyang humarap. Hindi siya nagsalita at hinintay itong magsalitang muli.
"Please prepare everything she needs for the camping trip and yours as well. You're coming with us," anito sa seryosong anyo.
Akma sana siyang tatanggi nang biglang bumukas ang main door. Lahat sila ay napalingon.
"Did I hear it right? Camping trip? That's great. I'm so excited!"
Napalitan ng inis ang nararamdaman ni Safirah sa mga sandaling iyon.
"Why are you here? I thought you're gonna be busy today," ani Terence. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Tumayo ito ngunit hindi ito lumapit sa babae.
Lumapit naman si Patricia sabay pulupot sa baywang ni Terence at halik sa labi nito. Agad naman lumingon sa ibang direksyon si Safirah nang makita ang tagpong iyon.
"I canceled my appointments coz you're too important to me. I couldn't sleep last night thinking we argued again," malambing nitong saad habang nakapulupot pa rin kay Terence. Inalis naman ni Terence ang mga braso nito at dumistansya ng kaunti.
"Now is not the best time to talk about it. I'll be leaving in a few minutes. I have loads of work today."
"That's not true, because it's Sunday today."
"I'm a businessman. Day off doesn't include in my day-to-day life. Every day is business day." Bakas sa mukha ni Terence na tila nauubusan na ito ng pasensya sa babae.
"But I want to see you, darling."
"You already did," sarkastikong saad ni Terence.
Hindi na napigilan ni Safirah ang kanyang sarili kaya naman tumikhim siya para kunin ang atensyon ng dalawa.
"Excuse me. Coleen and I will do our daily activities." Minuwestra niya ang kanyang kamay para palapitin si Coleen sa kanya na noo'y nakaupo pa rin habang nanonood sa dalawa. Agad naman lumapit sa kanya si Coleen at humawak sa kanyang braso.
Pasimple naman siyang tiningnan ng masama ni Patricia.
"Okay," saad naman ni Terence at tumango sa kanya.
"Oh. You again? Why are you still here?" ani Patricia habang nakataas ang isang kilay nito.
"Patricia," saway ni Terence sa babae. Agad nagbago ang reaksiyon nito at muling hinarap si Terence.
Hindi umimik si Safirah dahil ayaw niyang masira ang araw niya. Tumalikod na siya para akayin si Coleen sa kusina para makakain na ito ng almusal at masimulan na nila ang activities ng bata.
Mula sa kusina ay naririnig niya ang pagtatalo ng dalawa sa sala pero hindi masyadong malinaw sa pandinig niya ang mga sinasabi ni Patricia. Tanging boses lamang nito nangingibabaw kumpara sa boses ni Terence na halos hindi niya alam kung nagsasalita nga ba ito pero base sa timbre ng boses ni Patricia ay may sinasabi nga si Terence dahilan para manggalaiti ito ng ganoon. Sigurado siya na hindi lamang siya ang nakakarinig noon pati na rin si Manang Ofelia na noo'y kakalabas lamang galing maid quarters. Masama ang pakiramdam nito kaya't hindi ito ang nagluto ng almusal kanina.
"Sino ba yun? Bakit ang ingay?" tanong nito.
"It's Tita Patricia, yaya. She's making a scene."
Ayaw sana ni Safirah na marinig o makita ni Coleen ang mga ganoong eksena na hindi pambata. Kaya kinausap niya ito tungkol sa ibang bagay para maalis ang atensyon nito sa malakas na boses ni Patricia.
"What do you want to do right now, Coleen?" tanong niya.
Saglit na napaisip ang bata. "I want to watch all the Harry Potter movies after lessons." Nakangiti nitong saad.
"Harry Potter? That's my favorite. Okay, we'll watch it," aniya sa gulat na anyo. Ngumiti siya. "And what do you want for a movie snack?"
"Mmmm, I want assorted nuts and ice cream."
"Assorted nuts and ice cream indeed." Hinaplos niya ito sa buhok habang nakangiti.
Habang hinihintay niya itong matapos ay narinig niya ang malakas na paglagabog ng pinto sa sala at tumahimik na ang buong bahay. Umalis na marahil si Patricia.
Nagkatinginan si Safirah at Manang Ofelia na noo'y humihigop ng kape. Nagkibit-balikat ito.
Ilang sandali pa ay natapos rin sa wakas si Coleen. "That's delicious!"
Natawa siya sa tinuran nito.
Matapos ligpitin ang pinagkainan nito ay lumabas na sila ng dining area at napansin niyang nakaupo pa rin si Terence sa sofa sa living room habang abala sa cellphone nito. Nasa mukha nito ang hindi maipintang ekspresyon.
Minabuti niyang huwag na itong pansinin kaya dali-dali niyang inakay si Coleen papunta sa hardin na kung saan ay may gazebo na pwede nilang tambayan. Doon niya napiling turuan si Coleen sa mga lessons nito dahil tahimik at sariwa ang hangin dahil sa mga naglalakihang puno at mayayabong na mga bulaklak.
"Safirah, I have a question," ani Coleen.
"Okay. What is it?"
"Do you think they broke up?"
Kumunot ang noo ni Safirah. "What are you talking about?"
"Uncle Terence and Tita Patricia."
Kinurot niya ng bahagya ang pisngi nito. "Ikaw talaga. Masyado ka pang bata para isipin ang mga ganyang bagay."
"I know but answer me please."
Bumuntong-hininga siya at ngumiti rito. "I don't know but it looks like it. They fought earlier as you noticed."
"Is it because Tita Patricia was with someone else? Did she cheat on him?"
"You know what. We should not be talking about your uncle's personal life. It's not good, especially for you. You're still young to discuss those matters. The right time will come, and you will know the whole story. Not now. It would be best if you focused on your studies so that next year, you could go to school and play with other kids. For sure your mother will be proud of you, all of us."
"Okay, but one more question."
Natawa siya. "Okay, last na yan ah. We need to start your lesson."
Masayang tumango si Coleen. "Do you find him handsome?"
"W-who?"
"Uncle Terence. "
Bahagyang nagulat si Safirah tsaka natawa sa sinabi nito. "Uhm, do I really need to answer that?"
"Yes," anito na abot hanggang tainga ang ngiti.
"Well, he looks fine to me, but I don't pay much attention to that because I'm here to work. What are you trying to implicate?"
"Nothing. I'm just curious if you're attracted to him because I think you two look good together. You're so pretty like a princess, and my uncle looks like a prince."
Napanganga siya sa sinabi nito. "Coleen, what you are saying is impossible. First of all, I don't like men, I mean I don't want to be in a relationship or be in love with anyone. Second, he will never pick a woman like me who's below his level and he is my boss. Enough with the questions, okay?"
Hindi nakaligtas sa pansin ni Safirah ang dismayadong anyo nito. Mabuti na lamang at hindi na ito nangulit pa bagkos sinimulan na nitong gawin ang mga activities nito.
Sa katunayan, kinabahan siya sa mga tanong nito at hindi niya alam kung bakit. Hangga't maaari ay ayaw niyang mapag-usapan ang tungkol sa mga ganoong mga bagay dahil hindi siya komportable sa ganoon.
Pagkatapos nito sa art and music lesson ay nagpasya silang magpahinga at manood ng movie sa kwarto nito dahil may sarili naman itong tv. Gaya ng sinabi ni Coleen ay nanood nga sila ng Harry Potter pero bago pa man matapos ang unang movie series niyon ay nakatulog ito sa tabi niya. Siya man ay medyo inaantok rin kaya nagpasya siyang patayin na ang tv at tabihan ito sa pag idlip kahit kaunting minuto lang.
**********
DUMAAN ang ilang araw ay ganoon pa rin ang naging takbo ng araw-araw na gawain ni Safirah. Bihira pa rin niyang makita si Terence o di kaya ay makausap man lang ito tungkol sa pagbuti ng kondisyon ni Coleen na kung noon ay mailap at parating gustong mapag-isa ay unti-unti na itong nakakarecover sa mga past experiences nito. Pero panay pa rin ang update niya sa pamamagitan ng text message tuwing aalis sila ni Coleen para mamasyal sa mall.
Ngayon nga ay nasa mall sila para mamili ng ilang gamit na kailangan nito para sa birthday nito sa susunod na araw na ipagdiriwang nila sa isang campsite sa baguio kasama ang ilang malapit na kamag-anak ng mga ito pati na rin ilang mga kaibigan ng yumaong ina ni Coleen, na naging ninong at ninang rin ng bata. Pati na rin ang lolo at lola nito ay balita niya ay uuwi raw ngayong araw mula America para makasama ng mga ito ang kaisa-isa nitong apo.
Pag uwi nila ay agad sumalubong sa kanila ang mga magulang ni Terence. Agad ng mga itong niyakap at kinarga si Coleen. Kitang-kita sa mga mukha nito ang sobrang katuwaan nang makita nito ang bata. Mahigpit namang yumakap si Coleen at humalik sa pisngi ng dalawang matanda.
Nanatiling nakatayo si Safirah sa gilid ng pinto dala ang kanilang pinamili nang mapansin siya ng lola ni Coleen. Agad siyang ngumiti at bumati siya rito.
"Hello po. Magandang hapon po. Ako po pala si-"
"Ikaw ba ang sinasabing mapapangasawa ng anak ko? You're so gorgeous, very lovely. Mabuti naman at malapit na ang loob mo sa apo kong si Coleen," masaya nitong saad at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
Hindi agad nakapagsalita si Safirah dahil sa gulat at pagkataranta. Mabuti na lamang ay agad nakalapit si Terence sa kanila.
"No, mother. She's the stay-in tutor of Coleen," seryoso nitong sagot.
Agad siyang bumawi ng tingin nang magtama ang kanilang mga mata. Napalunok siya.
"I'm Safirah Perez po. Nice to meet you, Mr. and Mrs. Villanueva."
Sandali nagtaka ang matandang babae pero nanatili sa mga labi nito ang ngiti. Tinanggap nito ang pakikipagkamay niya.
"Nice to meet you too, Safirah. I'm sorry if I mistaken you as my son's fiancé."
Ngumiti lamang siya at marahang tumango sa matandang babae. Habang ang lolo naman ni Coleen ay abala sa pakikipagsalamuha sa apo nito. Pero ilang sandali ay lumapit ito sa kanila.
"Oh, what a beautiful young lady. Are you our future daughter-in-law?"
"No, hon. She's Coleen's tutor. She's really pretty, right?" ani Mrs. Villanueva sa asawa nito.
"Oh. That's nice. You're pretty indeed."
Hindi maiwasang hindi mailang ni Safirah dahil sa pagpuri nito sa itsura niya. Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa kanyang kinatatayuan.
Tumikhim si Terence. "Let's get inside. It's almost dark. Dinner is ready."
"Yes, of course, son. Safirah, join us for dinner, okay? I'd like to know more about you," masayang sabi ng ina ni Terence.
Walang siyang nagawa kundi ang tumango.
Pumunta muna siya sa kwarto ni Coleen dala ang ibang gamit na pinamili nila, at tsaka siya pumunta sa sariling kwarto. Humarap siya sa salamin at kinalma ang sarili.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Binasa niya ang kanyang mukha at ilang beses nagbuga ng hangin.
"Kumalma ka," aniya sa sarili.
Kahit ayaw niya ay napilitan siyang makisalo sa hapunan ng mga ito at isa pa, ay nahihiya siyang tumanggi sa mga magulang ni Terence at baka mag-isip ito ng kung ano sa kanya. Pagkatapos muling mag ayos ng sarili ay bumaba na siya para pumunta sa dining area kung saan ay nakaupo na ang lahat para sa hapunan.
Nang makita siya ng ina ni Terence ay agad siya nitong tinawag at sinabing maupo siya sa katabing upuan ni Terence. Pero huli na bago siya makatanggi nang tumayo si Terence at hinila ang upuan para makaupo siya.
Napamura siya sa kanyang isip sa ginawa ni Terence. Kailangan pa ba iyon?
Kabado siyang lumapit habang nakayuko. Tumingin siya kay Terence.
"T-thank you." Halos hindi makalabas sa lalamunan niya ang mga katagang iyon.
Tumango lamang ito bilang sagot pero seryoso pa rin ang mukha.
"So how was your stay here, Safirah? How was our granddaughter's development so far? Is she doing great?" tanong ng ina ni Terence habang hinahaplos sa buhok si Coleen sa tabi nito.
Nakangiting tumango si Safirah. "She's doing really great. She improved really well unlike before."
"Indeed? Terence is lucky to have you as Coleen's tutor. Am I right son?" tanong ng ama ni Terence.
"Yes. I'm glad I found her. Coleen has been improved and seems to be a happy-go-lucky kid now."
"Thanks to you Safirah," nakangiting saad ni Mrs. Villanueva.
"Just doing my very best for this job," aniya at bahagyang ngumiti sa mga ito.
Sa pagkakataong iyon ay sinimulan na nilang kumain. Tahimik lang si Safirah habang panay naman ang kwentuhan ng ina ni Terence sa apo nitong si Coleen. Habang siya at si Terence ay tahimik lamang na kumakain.
"By the way Safirah, I hope you don't mind if I ask you some personal questions," ani Mrs. Villanueva.
Biglang natigilan si Safirah. "It's okay po."
"Do you have a boyfriend?"
Nalunok niya ang karne na hindi pa niya nangunguya ng husto.
Umiling siya at medyo hindi siya naging komportable sa tanong nito pero hindi niya iyon ipinahalata. "I'm single. I never dated any one and I don't plan in doing so."
Bakas sa mukha ng matandang babae ang pagkamangha. "Is that so? Why is that if I may ask?"
"I-"
"It's because she doesn't want to. That's all there is, and besides being single is one of the requirements for her job. I don't want any disturbance or distractions for the job. I want her full attention for Coleen's needs. But this is not forever. Of course, she'll have her chance to be with someone after the end of her contract."
Hindi na nakasagot si Safirah dahil si Terence na mismo ang sumagot sa tanong ng ina nito.
"Y-yes. He's right," sang-ayon niya kay Terence pero hindi niya ito nililingon.
Napatango-tango na lamang ang dalawang matanda.
"And how about you son? We heard you're getting married. When will you introduce to us your fiance?" tanong naman ng ama nito.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa mga ito. Bakas sa mukha ni Terence ang hindi niya maipaliwanag na emosyon nang pasimple niya itong sulyapan. Masakit sigurado para rito na kung kailan malapit na itong ikasal ay saka pa nito naranasan ang lokohin ng mismo pang babae na gusto nitong pakasalan.
"There gonna be no wedding, Father," simpleng sagot nito habang nakatuon ang atensyon nito sa pagkain. Ramdam ni Safirah ang sakit na nadarama nito base sa tono ng boses nito.
Nagkatinginan sa isa't-isa ang dalawang matanda. Bakas sa mga mukha nito ang pagkagulat at pagkalito sa sinabi ng anak.
"Why, anak? What happened?" tanong ng ina nito.
"It doesn't matter now, Mother. It's quite a relief, actually. Everything is fine."
Sa pagkakataong iyon, kahit papaano ay nag iba ang pananaw ni Safirah sa mga lalaki sa panahon ngayon. Na hindi lang lalaki ay may kakayahang magloko sa isang relasyon pati na rin ang mga babae. Kaya para sa kanya, hangga't maaari ay huwag na lang pumasok sa isang relasyon na magiging komplikado rin pagdating ng panahon. Para sa kanya, sa libro na lang nagkakaroon ng happily ever after.
"Are you sure son?""I'm fine. Just need more time to move on.""Indeed, iho. The camping trip is perfect for unwinding and relaxing. It's good for you." ani Mrs. Villanueva."How I wish you'll find the right woman for you Uncle Terence, so you'll be happy again," nakangiting sabi ni Coleen."That's so thoughtful of you, sweety," ani Terence.Sa mga oras na iyon ay hindi na nabanggit pa ang tungkol sa personal na buhay ni Terence o di kaya ay buhay niya, na tahimik na ipinagpasalamat ni Safirah. Napunta na lamang ang usapan tungkol sa mga activities na gagawin sa birthday ni Safirah sa susunod na araw."Have you invited your cousin Mateo, iho?" tanong ng ina nito."Do I have to?" nasa boses nito ang pagkayamot nang mabanggit ang pinsan nito. Nagtaka si Safirah sa naging reaksyon nito pero wala siya sa posisyon para alamin kung may problema ito sa pinsan nito. Tahimik lamang siyang nakikinig sa usapan ng mga ito.Katunayan gusto na niyang umalis dahil hindi na tama na kaharap pa rin niy
HINDI alam ni Safirah kung ano ang mararamdaman niya sa sinabi ni Terence. Gusto niyang kiligin pero hindi niya iyon pwedeng ipahalata. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil bakit ngayon pa siya magpapaapekto sa isang lalaki na sa gayon ay ayaw niya nga noon pa sa mga lalaki. Nangako pa nman siya sa kanyang sarili. Pero bakit sa tingin niya ay tinatraydor siya ng kanyang sariling puso?Para maibsan ang pagkabahala niya sa kanyang nararamdaman ay inisip na lamang niya na kahit naman sino ay pwede siyang purihin na walang kaakibat na pagnanais sa kanya. Hindi naman imposibleng mangyari iyon sa ibang tao. Panay na lamang ang kumbinsi niya sa kanyang sarili na wala lamang iyon kay Terence. Tsaka isa pa, hindi lang naman ang mga ito ang pumuri sa ganda niya. Kaya maraming nanligaw sa kanya noon dahil sa angking ganda niya."Let's go," ani Terence sabay lakad palabas ng bahay.Agad naman sumunod ang dalawang matanda habang akay ng mga ito si Coleen sa magkabilang kamay ng bata. Nakasunod nama
Nang magsimula na ang pagsasalo-salo sa pagkain ay agad niyang inasikaso si Coleen para makakain ito kasama ang mga kalaro nito."Safirah, sumabay ka na sa amin," anyaya ng ina ni Terence."Maya-maya na po. Medyo busog pa po ako," aniya."Oh, okay. By the way, have you seen Terence? I haven't noticed him since lunchtime."Hindi niya alam kung ano ang isasagot rito. Mabuti na lamang ay sumulpot si Amanda at Nina."He's with Jasper Tita. Men's business, you know," ani Amanda habang nakangiti. Sunod niyon ay tumingin ito sa kanya ng makahulugan."Ganun ba?""Yes, Tita. Pabalik na rin sila."Tumango na lamang si Mrs. Villanueva at umalis na ito.Lumapit sa kanya si Amanda. "Dark business, if I may correct it.""Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Safirah.Bumulong ito sa kanya. "They continue their argument outside the camp. Believe me, you'll see one of them with busted lips."Napanganga siya sa sinabi nito. "W-what? How?""Relax, Safirah. It's normal among men to argue about
Dahil sa gulat ay hindi siya agad makapagsalita."Safirah," tawag ni Terence sa pangalan niya kaya naman biglang nahimasmasan si Safirah at agad niya itong tinulak sa dibdib."How dare you kissed me!"Isang sampal ang natanggap ni Terence mula sa kanya ngunit hindi ito natinag. Nagtagis ang mga bagang nito at mataman siyang tinitigan. Parang wala lamang rito ang pinakawalan niyang sampal.Hindi na niya ito hinintay pang makapagsalita dahil agad siyang umahon sa tubig at dali-daling umalis para iwan ito. Habang naglalakad siya ay gusto niyang maiyak sa galit. Hindi siya makapaniwala sa nangyari at hanggang sa makarating siya ng tent ay nasa isip pa rin niya kung paanong inangkin ni Terence ang kanyang mga labi na wala man lang pahintulot. Hindi matanggap ng isip niya ang nangyari pero iba ang sinasabi ng puso niya. Para tuloy siyang mababaliw.Agad siyang nagbanlaw at muling bumalik sa tent upang magbihis at magpahinga. Pero buong gabi siyang hindi nakatulog kaya naman kinabukasan ay ma
Hindi na siya nakatanggi sa pamimilit ni Nina sa kanya. Tinanggap niya ang imbitasyon nito na dumalo siya sa birthday party nito mamaya. Tutal sinabi naman nito na pumayag naman si Terence na imbitahan siya kaya naman hindi na siya nagpaalam kay Terence. Isa pa, wala pa rin ito sa bahay sa mga oras na iyon. Alas syete na ng gabi.Pagkatapos niyang pakainin ng hapunan si Coleen ay sunod niya itong hinilamusan para presko at mahimbing ang tulog nito. Sinabi niya rin sa bata na aalis siya saglit at pumayag naman ito."For sure, Safirah, all men will stare at you at the party. Do you already have a dress?" tanong nito.Ngumiti siya. "I don't care about the men; yes, I already have a dress. Your Aunt Nina gave me one but I'm not yet seeing it. It's still in the bag. I hope I'll like it. Go ahead."Agad itong tumaas sa higaan at niyakap ang paborito nitong stuff toy. "Good night, Safirah. And good luck.""Thank you. Don't forget to pray before going to sleep, okay?"Masayang tumango si Colee
"Terence, let go of me. People are staring," aniya habang pilit na hinihila ang kamay niya rito."F*ck them. Get inside," galit nitong saad matapos nitong buksan ang pinto ng passenger seat. Agad naman siyang pumasok at naglagay ng seatbelt. Padabog naman nitong sinara ang pinto tsaka ito lumibot at sumakay sa driver seat.Agad nitong binuhay ang makina at mabilis nito iyong pinaandar palabas ng gate. Napahawak siya sa handle."Will you please slow down?" naiinis niyang sabi rito pero tila wala itong narinig at patuloy lamang itong pinapaharurot ang sasakyan."Terence, I said slow down! You're scaring me!"Doon ito tila nahimasmasan kaya naman unti-unting bumagal ang takbo ng kotse. Nakahinga siya ng maluwag habang ito naman ay nagtatagis pa rin ang bagang sa galit."Why did we leave? I mean how about Zara? You left her. She might think-""She already got home, and I don't care what she might think if she found out."Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "What? She's your girlfriend and
PINIHIT niya ang doorknob at tinulak iyon pabukas. Ginala niya ang kanyang mga mata pagpasok niya sa pinto. Kahit gaano iyon kaganda ay pakiramdam niya ay hindi tama na dito siya manatili. Mas gugustuhin niyang kumuha na lamang ng maliit na kwarto pero alam niyang hindi siya pagbibigyan ni Terence.Isa pa sa iniisip niya ay kung anong pwedeng maging epekto niyon sa relasyon nito kay Zara. Ayaw niya ng gulo. Kahit pa wala namang namamagitan sa kanila ni Terence ay alam niyang hindi maiiwasan na magkaroon ng problema sa pagitan nila ng kasintahan nito."I'll call someone to change the lock on the door and I'll put more security cameras," ani Terence sa kanyang likuran. Medyo nagulat siya dahil hindi niya man lang namalayan ang pagpasok nito. Humarap siya rito."Terence. I appreciate it but this doesn't seem right. I can hide somewhere else but not here. This is too much," aniya.Bumuntong-hininga ito ng malalim at humakbang palapit sa kanya. "Look, Safirah. This is not free, remember? Yo
HABANG lulan ng sasakyan ay wala silang imikang dalawa ni Terence. Nakatanaw lamang siya sa labas ng bintana habang pinipisil ang kanyang namamawis na palad kahit nakabukas naman ang aircon ng sasakyan. Ganito pala ang pakiramdam na magkagusto sa isang lalaki na halos ilang dangkal lamang ang pagitan? Iyong tipong kabado ka at hindi mapakali sa kinauupuan dahil alam mong malapit lang ang distansiya nito sayo?"I don't want to see you being near with Samuel again." Basag nito sa nakabibinging katahimikan."W-why not?" nagtataka niyang tanong. Napansin niyang humigpit ang hawak nito sa manibela habang seryoso ang mata habang nakatingin sa kalsada.Ngumisi ito ng mapakla sa tanong niya. "'Why'?""Okay, let me be clear. I don't like men when it comes to the idea of having a relationship. I still want to talk with men unless they don't show any affection or let's say they don't confess about their feelings towards me. I want to be single but that doesn't mean I will not talk to men. Samuel