Hindi na siya nakatanggi sa pamimilit ni Nina sa kanya. Tinanggap niya ang imbitasyon nito na dumalo siya sa birthday party nito mamaya. Tutal sinabi naman nito na pumayag naman si Terence na imbitahan siya kaya naman hindi na siya nagpaalam kay Terence. Isa pa, wala pa rin ito sa bahay sa mga oras na iyon. Alas syete na ng gabi.Pagkatapos niyang pakainin ng hapunan si Coleen ay sunod niya itong hinilamusan para presko at mahimbing ang tulog nito. Sinabi niya rin sa bata na aalis siya saglit at pumayag naman ito."For sure, Safirah, all men will stare at you at the party. Do you already have a dress?" tanong nito.Ngumiti siya. "I don't care about the men; yes, I already have a dress. Your Aunt Nina gave me one but I'm not yet seeing it. It's still in the bag. I hope I'll like it. Go ahead."Agad itong tumaas sa higaan at niyakap ang paborito nitong stuff toy. "Good night, Safirah. And good luck.""Thank you. Don't forget to pray before going to sleep, okay?"Masayang tumango si Colee
"Terence, let go of me. People are staring," aniya habang pilit na hinihila ang kamay niya rito."F*ck them. Get inside," galit nitong saad matapos nitong buksan ang pinto ng passenger seat. Agad naman siyang pumasok at naglagay ng seatbelt. Padabog naman nitong sinara ang pinto tsaka ito lumibot at sumakay sa driver seat.Agad nitong binuhay ang makina at mabilis nito iyong pinaandar palabas ng gate. Napahawak siya sa handle."Will you please slow down?" naiinis niyang sabi rito pero tila wala itong narinig at patuloy lamang itong pinapaharurot ang sasakyan."Terence, I said slow down! You're scaring me!"Doon ito tila nahimasmasan kaya naman unti-unting bumagal ang takbo ng kotse. Nakahinga siya ng maluwag habang ito naman ay nagtatagis pa rin ang bagang sa galit."Why did we leave? I mean how about Zara? You left her. She might think-""She already got home, and I don't care what she might think if she found out."Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "What? She's your girlfriend and
PINIHIT niya ang doorknob at tinulak iyon pabukas. Ginala niya ang kanyang mga mata pagpasok niya sa pinto. Kahit gaano iyon kaganda ay pakiramdam niya ay hindi tama na dito siya manatili. Mas gugustuhin niyang kumuha na lamang ng maliit na kwarto pero alam niyang hindi siya pagbibigyan ni Terence.Isa pa sa iniisip niya ay kung anong pwedeng maging epekto niyon sa relasyon nito kay Zara. Ayaw niya ng gulo. Kahit pa wala namang namamagitan sa kanila ni Terence ay alam niyang hindi maiiwasan na magkaroon ng problema sa pagitan nila ng kasintahan nito."I'll call someone to change the lock on the door and I'll put more security cameras," ani Terence sa kanyang likuran. Medyo nagulat siya dahil hindi niya man lang namalayan ang pagpasok nito. Humarap siya rito."Terence. I appreciate it but this doesn't seem right. I can hide somewhere else but not here. This is too much," aniya.Bumuntong-hininga ito ng malalim at humakbang palapit sa kanya. "Look, Safirah. This is not free, remember? Yo
HABANG lulan ng sasakyan ay wala silang imikang dalawa ni Terence. Nakatanaw lamang siya sa labas ng bintana habang pinipisil ang kanyang namamawis na palad kahit nakabukas naman ang aircon ng sasakyan. Ganito pala ang pakiramdam na magkagusto sa isang lalaki na halos ilang dangkal lamang ang pagitan? Iyong tipong kabado ka at hindi mapakali sa kinauupuan dahil alam mong malapit lang ang distansiya nito sayo?"I don't want to see you being near with Samuel again." Basag nito sa nakabibinging katahimikan."W-why not?" nagtataka niyang tanong. Napansin niyang humigpit ang hawak nito sa manibela habang seryoso ang mata habang nakatingin sa kalsada.Ngumisi ito ng mapakla sa tanong niya. "'Why'?""Okay, let me be clear. I don't like men when it comes to the idea of having a relationship. I still want to talk with men unless they don't show any affection or let's say they don't confess about their feelings towards me. I want to be single but that doesn't mean I will not talk to men. Samuel
PABAGSAK siyang nahiga sa kanyang kama at pumikit ng mariin. Ramdam niya ang pagod at gutom pero wala na siyang lakas pang bumangon para kumuha ng pagkain sa kusina. Gusto na lamang niyang matulog pero hindi nakikisama ang kanyang humahapding sikmura. Kaya kahit ayaw niya ay bumangon siya at naglakad papuntang kusina. Binuksan niya ang refrigerator at tumambad sa kanya ang sari-saring pagkain. Puno iyon ng laman at hindi naman niya matandaan na nilagay niya ang mga iyon doon.Terence...of course it's him.Naalala niya, nag utos nga pala ito ng ibang tao na bilhan siya ng mga kailangan niya sa grocery store para hindi na siya lumabas pa at para na rin sa kanyang seguridad.Bumuntong-hininga siya at kumuha na lamang ng orange juice at slice bread. Pagkatapos niya iyong ubusin, pumunta siya sa living area na kung saan ay may indoor mini pool na malapit sa bintana. Bigla tuloy siyang na-engganyong maligo roon dahil sa tingin niya ay mas mare-relax siya kapag lumubog siya sa tubig kaysa ang
WALANG ibang tumatakbo sa isip niya kundi ang tanong na 'bakit'. Bakit ni isang beses ay wala siyang natanggap na kahit na anong tugon mula kay Terence buong magdamag?Kasalukuyan siyang nasa loob ng sasakyan papunta sa kompanya nito upang pumasok sa trabaho at para na rin kausapin si Terence tungkol sa nangyari sa kanila noong isang gabi. Gusto niyang malaman kung ano na ang magiging kahihitnan ng magiging relasyon nila. Napuno ng pag aalala at pagtataka ang isip niya na halos hindi na niya namalayan na tumigil na pala ang kotse at nakabukas na ang pinto niyon habang naghihintay ang driver na noo'y nakababa na pala upang alalayan siyang makalabas.Agad siyang bumaba at nagpasalamat sa driver sa paghatid sa kanya. Sinamahan naman siya ng dalawang tauhan ni Terence sa paglakad hanggang sa makapasok sa building. Gusto pa sana siya nitong sundan hanggang sa elevator pero pinigilan niya ang mga ito dahil baka magtaka ang mga tao kung bakit mayroon siyang bodyguards na nakabuntot sa kanya.
SA PAGLIPAS ng maraming araw ay unti-unti niyang sinubukang makabangon. Mabuti na lamang ay mayroon siyang naitabing pera para makapagsimulang muli. Balak niyang magtayo ng flower shop na pwedeng mag offer ng creative events na kung saan ay pwede siyang mag disenyo ng iba't ibang klase ng event habang naghahanap siya ng bagong mapapasukan na trabaho para mas makaipon siya ng mas malaki. Tinulungan siya ni Josie na asikasuhin ang mga dokumento na kakailanganin niya para sa pagpapatayo ng kanyang shop.Laking pasasalamat niya rin dahil hindi ito nagdalawang-isip na tulungan siya. Nag-invest din ito sa kanya para makadagdag sa gagastusin niya at gagawin niya itong co-owner."Maraming salamat Josie ah. The best ka talaga," aniya at yumakap rito matapos ma-approve ang kanyang business permit."Ako pa ba? Malakas ka sakin," natatawa nitong sabi sabay akbay sa kanya.Nakakuha na sila agad ng pwesto pero buwanan ang hulog niya ng bayad dahil hindi niya pa kayang bilhin iyon ng buo. Mabuti na l
HINDI na niya maulinigan ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki sa labas ng kotse pero nakikita niya sa mukha ni Terence na iritable ito habang si Lucas naman ay kaswal lamang na nakikipag-usap. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa para maging ganoon ang reaksiyon ng mukha ni Terence.Maya-maya pa ay umalis na si Terence at naglakad naman si Lucas papunta sa driver seat ng kotse. Pagpasok nito ay isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan nito na ipinagtataka niya."What's wrong?" tanong niya."Nothing serious," sagot naman nito at ngumiti sa kanya bago nito binuhay ang kotse at pinaandar.Kahit alam niyang meron ay hindi na niya ito pinilit. Nagtataka tuloy siya kung bakit tahimik ito hanggang sa makarating sila sa isang coffee shop. Ano kaya ang sinabi ni Terence rito bakit naging seryoso ang mukha ni Lucas at tila parang may bumabagabag rito?Pagkatapos nilang mag order ng coffee ay nagkwentuhan sila tungkol sa iba't-ibang bagay. Kahit papaano ay bumalik ang sigla ni Lucas