Labing walo taong gulang si Erica nang mabuntis siya ni Gregory Hans Miller dahil sa one night stand. Napilitan na pakasalan siya ni Greg dahil sa utos ng kanyang grandfather. Sinisisi siya ni Greg dahil sa pag hihiwalay nila ng kasintahan nito si Amira. Sinaktan at itinuring na katulong imbes na asawa. Nag offer si Greg ng sampung milyon kapalit na pipirmahan ang annulment papers at mawawalan ng karapatan si Erica bilang ina ni Greyson na kanilang anak. Nagmakaawa si Erica kay Greg kapalit ng magiging nanny siya ng kanilang anak sa loob ng isang taon. Pagkalipas ng isang taon. Kahit labag sa kalooban. Napilitan umalis si Erica para magpakalayo at kalimutan ang pagiging ina ni Greyson. Malaki ang pag sisi ni Greg dahil huli na ang lahat nang matanto niya na umiibig siya sa kanyang asawa. Hinanap ni Greg ang kanyang asawa subalit nawala na lang ito na parang bula. Pagkalipas ng anim na taon. Muli niyang nakita ang kanyang asawa. Subalit malaki na ang pinagbago ni Erica. Isang matapang at palaban na babae.
View MoreAll characters names, event and setting are fiction
This story is purely from imaginations, any part of the story that is similar to other stories are coincidence
Reader below 18 are not suitable
Plagiarism is a crime
This story contains mature scene
***
Erica POV
Magkaharap kami ni Number 16 nasa loob kami ng isang ring kung saan dalawa kami ang maglalaban para sa huling training dito sa Isla Del Fuego. Naunang sumugod si Number 16. Inaamin ko malakas talaga si Number 16. Nakikita ko na sanay siya sa pakikipag bakbakan.
Ako naman ang number 10. Nagpanggap ako inipit ko siya. Gusto kong iparating sa kanya ang nararamdaman ko ngayon.
"My name is Erica Miller. If i die today. Please tell to my husband that I love him so much." Bulong ko sa kanya. Inaamin ko mahal ko si Greg sa kabila na sinasaktan at binababoy niya ang katawan ko kapalit ng pagtira ko sa kanyang Mansion kasama ng anak namin si Grey.
"I won't kill you" Nagulat ako sa ganting bulong ni Number 16. Nagkatitigan kami sa mata. Nabasa ko sa kanyang mata na totoo ang kanyang sinasabi. May nakapa akong pag asa sa puso dahil umaasa ako na makakaalis ako dito sa impyernong lugar ng Isla Del Fuego.
Ramdam ko ang sakit ng pagkakasaksak ni Number 16 sa aking katawan. Nagpanggap akong nanghihina at bumagsak sa sahig. Narinig ko ang hiyawan ng mga tao sa paligid.
May kumuha ng katawan ko saka itinapon na parang basura. Nandidiri ako sa paligid. Naamoy ko ang mga naaagnas na bangkay ng mga tao na itinatapon dito.
Pinilit ko na hindi umaray dahil natatamaan nila ang sugat ko sa tyan.
Basta na lang ako itinapon ng mga naka itim na lalake.
Nang maramdaman ko na walang ng tao. Gumapang ako naglalakad sa lupa.
Tumutulo ang dugo sa aking tyan. Halos manghina ako punong puno na ng pawis ang buo kong katawan. Medyo nakakalayo na ako sa mga itinapon na bangkay. Nandidilim na ang paningin ko sa sobra sakit at pagod ng katawan ko. Nanalangin ako na sana magkaroon ng himala at iligtas ako dito sa lugar na ito.
Bigla akong napahinto dahil may itim na sapatos ang humarang sa akin. Umangat ang mata ko. Nakatitig sa akin ang lalakeng nakaitim. Itinaas ko ang aking kamay.
"He - Help me!" Hanggang sa mandilim ang paningin ko.
***
Napabalikwas ako ng bangon mula sa masamang panaginip. Punong puno ng pawis ang aking katawan. Halos habulin ko ang hininga.
Am i still alive? Tanong ko agad sa sarili ko. Akmang tatayo ako. Maramdaman ko ang sumigid na sakit mula sa aking tyan.
May benda?! Ibig sabihin totoo ang nangyari sa akin?! Nanlaki ang mata ko.
Hindi isang panaginip ang nangyari sa akin sa Isla Del Fuego?!
May narinig akong tumikhim na lalake. Napaangat ako ng tingin. Kung kanina nanlaki ang mata ko. Ngayon mas lalong lumaki dahil nakita ko ang lalakeng matiim kung tumitig sa akin. Nakaupo siya sa harap ng hospital bed. Nakatitig sa akin.
Hinihintay ba niya ako magising? Siya ang lalakeng nakaupo sa tabi na tinatawag na Master Bryan MacKenzie habang pinapanood kami nagpapatayan sa Ring. Halatang ibang lahi ang kanyang itsura.
Blonde ang kanyang buhok at kulay violet ang kanyang mata binagayan ng mahahabang pilik mata. May mapulang labi at matangos ang ilong. Ngayon lang ako nakakita ng perpektong lalake sa tanang buhay ko. Pero hindi ibig sabihin nun may gusto na ako sa kanya. Nakakatakot ang aura ng lalakeng nasa harap ko.
"Buti naman at nagising ka na. Erica Mendoza - Miller" Malamig ang kanyang boses. Ang kanyang mga tingin nakakatakot parang handang pumatay kung gugustuhin ang lalakeng nasa harap ko. Tumaas ang balahibo ko sa katawan.
"Si - Sino ka?" Yan ang una kong tinanong sa lalakeng nasa harap ko pilit kong tinatagan ang boses. Nakasuot siya ng itim na amerikana.
"Ako si Genesis. King of Royal Mafia" Humungot ako ng hininga. Hindi na ako magtataka kung bakit Genesis ang kanyang Code name dahil sa Alexandria's Genesis.
Tumayo ang lalakeng nangangalang Genesis. Siya ang huling tao ang nakita ko bago ako hinimatay.
"Anong kailangan mo sa akin? At bakit mo ako iniligtas?" Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Kailangan ko mag ingat sa sasabihin ko dahil hindi siya mag dadalawang isip na patayin ako.
"You ask for my help. Kaya utang mo ang buhay mo sa kin." Tipid niyang sinabi. Kahit natatakot ako sa kanya. Hindi ko maiwasan na tumaas ang boses ko dahil sa inis na sinabi niya sa akin.
"Ako pa ang may utang na loob pagkatapos ninyo ako dinukot basta basta. Nanahimik ang buhay ko. Mr Genesis!" Umiling si Genesis. Tumaas baba ang dibdib ko sa inis.
Ako pa ang nagkaroon ng utang na loob sa kanila? Sila na nga nagpadukot sa akin! Ang kapal naman nila!
Ngumiti ng patagilid si Genesis saka tumalikod at tumingin sa salamin para tignan ang kalangitan.
"Kung hindi kita iniligtas baka pinaglalamayan ka na ng mga piranha" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napalunok ako hindi imposible yun. Alam ko na doon itinatapon ang mga kasamahan naming babae kapag hindi nakayanan ang training sa Isla Del Fuego. Nagpatuloy magsalita si Genesis.
"Alam ko na hindi ka napuruhan ni Lady Xelena ang nakatunggali mo. Akala mo hindi ko mapapansin ang pag bulong mo sa kanya at pag saksak niya sa iyo?" Humarap siya sa akin.
Paano niya nalaman?! Walang boses ang lumabas sa kin. Gulat na gulat sa kakayanan ni Genesis mag obserba sa paligid.
How stupid of me!
"Tsk! Tsk! Tsk! Erica, natahimik ka? A battered wife of Gregory Hans Miller and a mother of turning two years old boy. Greyson Hawk Mendoza - Miller. " May kabang bumalot sa puso ko sa sinabi niya tungkol sa pagkatao ko. Hindi na ako mag tataka lalo na isang King ng Royal Mafia si Genesis. Lahat ng bagay malalaman nila sa isang utos nila sa kanilang tauhan.
Alam ko kaya niya ako iniligtas dahil may kailangan siya sa kin? Bumukas ang bibig ko.
"A- Anong kailangan mo sa kin kung ganon?" Nanginginig ang boses ko. Ramdam ko ang tensyon sa katawan ko.
"Unang kita ko pa lang sa iyo alam ko mapapakinabangan na kita. You need to work with me and be my Assassin" Umawang ang labi ko sa sinabi ni Genesis.
Erica POV Pagkatapos kong manganak sa anak naming babae ni Greg. After two months, nandito ako ngayon sa simbahan habang naglalakad sa aisle kasama si Genesis. Siya ang nag hatid sa akin papuntang altar kung saan nag hihintay si Greg. Halos ayaw i abot ni Genesis ang kamay ko kay Greg. "Try to hurt my cousin again. I won't hesitate to kill you!" Malamig pa rin ang tingin ni Genesis kay Greg. Napalunok si Greg sa banta ni Genesis. "Eto den' moyey svad'by! ne pugay yego (It's my wedding day! Do not frighten him)" Natatawa kong sinabi kay Genesis. "Mne vse ravno! (I don't care!)" He said with his famous poker face. Mas sinamaan niya ng tingin si Greg. Talagang bad shot sa kanya si Genesis. Nakangiti akong nakatitig kay Greg na halos naluluha ang kanyang mata. Inakay niya ako papunta sa altar. "I love you so much. Wife!" Mahina niyang bulong. "I love you too. Hubby" Ganting sagot ko. Hinalikan niya ang kamay ko. Pareho kaming nakatitig sa isa't isa. Nabaling ang tingin na
Erica POV Limang buwan na ang nakakalipas. Nang huling nakita ko si Greg. Nandito ako ngayon sa davao nagtatago. Hindi ako maaaring kumilos dahil maselan ang pag bubuntis ko. Hinaplos ko ang aking tyan. Hindi ko alam na buntis na ako habang nakikipag patayan ako kay Neville at kay Nelson De Luca. Dala ng pagod ng katawan kaya nahimatay ako ng araw na iyon. Itinago ako ni Genesis kay Greg. Nagising na lang ako nasa hospital. Nalaman ko na buntis ako ng dalawang buwan nang sinabi ng Doctor. Hindi ko akalain nabuo ang pangalawang anak namin sa Hotel de Baler. Dahil hindi na ako umiinom ng pills. Simula nang umalis ako sa poder ni Greg. Dahan dahan akong tumayo. Mabigat na din ang pakiramdam ko dahil malaki na ang tyan ko. Mahigit pitong buwan na. Papalubog na ang araw kaya naisipan ko na bumalik sa loob ng hacienda. Isa sa binili ko na bahay bakasyunan ko dito sa Davao. Isa ito sa pinag ipunan ko bukod sa pag aari ko ang Novikov Hotel sa Russia at sa ibang bansa. Binigay ni
Greg POV Pinuntahan ko si Grandpa sa bahay ng magulang ko. Para humingi ng tulong na mahanap ang asawa ko at gusto kong malaman ang tungkol sa pamilyang Novikov. "Grandpa, I want to know about the Royal Mafia?" I asked him. Habang nakaupo siya sa kanyang opisina. "Why?" Ngumisi si Grandpa sa akin. "I want to see my wife. Please...Help me to find her" Nakikiusap kong sinabi. "Are you sure? Are you willing to die?" Napalunok ako sa tanong niya. "Y - Yes" Pilit kong tinapangan ang boses ko. Tumawa ng malakas si Grandpa. "Okay! I will tell you everything" Mariin siyang nakatitig sa akin. Pinaliwanag sa akin ni Grandpa ang napakagwapong lalake muntikan ko na masuntok sa mukha ay si King Genesis. Bigla akong nangilabot sa kwento ni Grandpa. Kung wala si Erica sa tabi ko. Sa oras na iyon baka nakabaon na ako sa ilalim ng lupa. Nalaman ko na pinsan ni Erica si Genesis or Bradley Kuzmin - Novikov. Ang kanilang magulang magkapatid sa ama. Maagang namatay ang Asawa ni Osvaldo Novi
Erica POV Nagulat si Nelson nang marinig ang pangalan ko. "So, you are Lady Hawk, The Queen of Royal Mafia!" Matiim ang tingin niya sa akin. "Hindi kami nakielam sa Royal Mafia but why are you fighting with us?" Malamig ko siyang tinignan. "Because, he is my husband" Sagot ko. Pagkagulat ang nabanaag sa mukha ni Nelson."I see" Itinutok niya ang baril sa ulo ni Greg. Napalunok ako dahil hindi mangingiming pindutin ni Nelson ang gatilyo ng baril. Tatlong tauhan niya ang hindi ko pa napapatay. Hindi ako makapag isip ng maayos pag dating kay Greg. "Papatayin ko ang lalakeng ito. kung hindi mo ibaba ang baril" Dumiin ang kamay ko sa pag hawak ng baril. May takot na lumukob sa dibdib ko. Ayokong mamatay ang asawa ko! "Erica. No! Huwag mo akong isipin! barilin mo na siya!" Matigas na sigaw ni Greg. "One -" Unang bilang n'ya pa lang mabilis kong binaba ang baril. Wala na talo na ako. Pagdating sa kaligtasan ng asawa ko."Good! Marunong ka palang makinig!" Nakakalokong sinabi ni N
Erica POV Kausap ko si Genesis at Light tungkol sa nangyari kanina. Pinaliwanag ni Light na nakatakas si Nelson De Luca. Habang hostage niya kanina si Georgie. "Kailangan natin higpitan ang pagbabantay. Lalo na alam na ngayon ni Nicodemus ang nangyari kay Neville" Napakuyom ang kamao ko. May galit nababanaag sa mukha ni Light habang nag ke kwento. Gusto kong malaman kung bakit pursigido si Light na mapabagsak ang Dragon Mafia. "Light, tell me the truth. Bakit galit ka sa Dragon Mafia?" Pareho kaming nag hihintay ni Genesis sa isasagot ni Light. "I'm an illegitimate son of Nicodemus De Luca" Napaawang ang labi ko sa gulat. Si Genesis napatuwid ng tayo. "He raped my mother. After a month when she gave birth to me. He killed my Mom. Luckily, my grandparents naitago nila ako." Nanlalaki ang mata ko sa nalaman. Now i know, kung bakit galit siya kay Nicodemus. Gusto niyang ipaghiganti ang nangyari sa kanyang ina. Si Genesis hinawakan sa balikat si Light. "I'll take care of
Erica POV Inalalayan ako ni Greg papunta sa venue kung saan ang pamilyang Miller. Iniligtas sila ng Royal Mafia mula sa kamay ng Dragon Mafia. Sinalubong ako ng matalim na tingin ng ina ni Greg. "Anong ginagawa ng babae yan dito?!" Nang gagalaiti sa galit ang ina ni Greg, si Mrs. Giselle Miller. "Mom, will you just shut up?!" Pagpapatigil ni Greg sa ina. Sinamaan niya ito ng tingin. "Giselle, don't be rude to your son's wife!" Nagbabantang saway ni Mr. Robert Miller sa asawa. Biglang natakot si Mrs. Giselle dahil sa pag babantang tingin ng kanyang asawa at anak. Natahimik ang lahat nang biglang bumukas ang pinto. Lahat napatingin nang pumasok sa loob ng venue ang matandang Miller. May mga kasama siyang naka itim na kalalakihan. Tumiim ang bagang ko. Hawak ko pa rin ang baril sa kamay. Tinignan ni Alberto ang paligid dahil sa nangyaring gulo. May ilang mga bangkay nakahiga. Napatingin siya sa akin bago lumapit. Napasinghap ang magulang ni Greg nang makitang lumuhod at yumuko sa
Erica POV "I know but the man that you are holding is my... Husband" Umawang ang labi ni Greg. Nang marinig ang sinabi ko. Saka ko hinubad ang itim na maskara. Pagkagulat at pagkamangha ang mababakas sa mukha ni Greg. Hindi makapaniwalang nakatitig sa akin na malaman niya na ako si Lady Hawk. "You?! You're a traitor!" Nanlisik ang mata ni Neville nang makilala niya ako. Itinutok niya agad ang baril sa akin saka ako pinaputukan. Mabilis kong inilagan ang bala na tatama sa akin. Hanggang sa maubos ang kanyang bala ng baril. Kaya chance ko na makalapit sa kanya. Napilitan siyang bitawan si Greg na basta na lang niya itinulak. Pareho kaming nakatitig ni Neville sa isa't isa. "Such a beautiful face but a cunning woman! Nadaya mo ako! Sisiguraduhin ko na hindi ka na makakaalis dito ng buhay!" Mariin banta niya sa akin. May pang hihinayang mababakas sa mukha niya. Alam ko naman na may gusto siya sa akin. Subalit wala akong pakielam. Iisang lalake lang ang itinatangi ko. Napan
Greg POV Para akong binagsakan ng mundo. Nang tinanggihan ni Erica ang proposal ko sa kanya na magpakasal kaming muli. Pareho kami ni Grey nasaktan. Umasa kami na mabuo ang pamilya namin kasama ang kanyang ina. Subalit hindi ko akalain na iiwan kami ng tuluyan ni Erica. Kaya ilang araw ako puro alak ang laman ng tyan ko. Ginawa ko naman ang lahat para hindi na siya umalis sa amin ni Grey. Ilang araw kong hinanap si Erica pero wala na akong balita sa kanya. Simula nang umalis siya ng araw na iyon. Nagtaka ako dahil nakatanggap ako ng invitation sa pinsan ko si Neville. Inauguration ng Dragon Enterprises. Malayo ang loob ko sa kanilang magkapatid dahil nalaman ko na ang kanilang ama ay isang Leader ng Dragon Mafia. Isa sa kinakatakutan na Mafia bukod sa Royal Mafia na pumuprotekta sa amin. Si Grandpa Alberto ang nag kwento sa akin tungkol sa nangyari noon bumagsak ang Miller's Group dahil sa kagagawan ni Nicodemus De Luca. Wala akong alam sa mga Mafia. Kaya binabale w
Erica POV Papasok na kami para uma ttend ng Miller's Group Party.Nakasuot ako ng Black sequin deep V - neck long sleeves dress hanggang taas ng tuhod ko at Black ankle boots with heels. Kasama ko si Adam naka suot siya ng white tuxedo. Habang nakahawak siya sa baywang ko. Nagpapanggap kaming nag di - date. Umiikot ang paningin ko sa paligid. Ino obserbahan ko ang mga kilos ng mga waiter at waitress kung may kakaiba sa kanila. Hinihintay ko pa ang report tungkol sa may ari ng hotel na pinag darausan ng Miller's Group. Tahimik lang kami ni Adam. Bumaling ang tingin ko kay Georgie. Napansin ko na kanina pa siya sumusulyap sa amin ni Light. Nakikita ko ang selos sa kanyang mukha. Napangisi ako kay Adam. Bubulungan ko na sana ang kasama ko plano ko sanang asarin. Subalit biglang nawala ang ngiti ko nang makita si Greg na kasama niya si Margaux sa tabi niya. Pinilit ko na hindi maluha. Napakagat ako sa labi. Masakit pala ang makita mo ang taong mahal mo na may kasamang ibang babae. S
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments