SA PAGLIPAS ng maraming araw ay unti-unti niyang sinubukang makabangon. Mabuti na lamang ay mayroon siyang naitabing pera para makapagsimulang muli. Balak niyang magtayo ng flower shop na pwedeng mag offer ng creative events na kung saan ay pwede siyang mag disenyo ng iba't ibang klase ng event habang naghahanap siya ng bagong mapapasukan na trabaho para mas makaipon siya ng mas malaki. Tinulungan siya ni Josie na asikasuhin ang mga dokumento na kakailanganin niya para sa pagpapatayo ng kanyang shop.Laking pasasalamat niya rin dahil hindi ito nagdalawang-isip na tulungan siya. Nag-invest din ito sa kanya para makadagdag sa gagastusin niya at gagawin niya itong co-owner."Maraming salamat Josie ah. The best ka talaga," aniya at yumakap rito matapos ma-approve ang kanyang business permit."Ako pa ba? Malakas ka sakin," natatawa nitong sabi sabay akbay sa kanya.Nakakuha na sila agad ng pwesto pero buwanan ang hulog niya ng bayad dahil hindi niya pa kayang bilhin iyon ng buo. Mabuti na l
HINDI na niya maulinigan ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki sa labas ng kotse pero nakikita niya sa mukha ni Terence na iritable ito habang si Lucas naman ay kaswal lamang na nakikipag-usap. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa para maging ganoon ang reaksiyon ng mukha ni Terence.Maya-maya pa ay umalis na si Terence at naglakad naman si Lucas papunta sa driver seat ng kotse. Pagpasok nito ay isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan nito na ipinagtataka niya."What's wrong?" tanong niya."Nothing serious," sagot naman nito at ngumiti sa kanya bago nito binuhay ang kotse at pinaandar.Kahit alam niyang meron ay hindi na niya ito pinilit. Nagtataka tuloy siya kung bakit tahimik ito hanggang sa makarating sila sa isang coffee shop. Ano kaya ang sinabi ni Terence rito bakit naging seryoso ang mukha ni Lucas at tila parang may bumabagabag rito?Pagkatapos nilang mag order ng coffee ay nagkwentuhan sila tungkol sa iba't-ibang bagay. Kahit papaano ay bumalik ang sigla ni Lucas
HABANG inaayusan siya ng hairstylist at makeup artist ay panay ang chikahan nila. Natatawa siya dahil puro embarassing moments sa kani-kanilang buhay ang mga pinag-uusapan nila kaya naman sila lang ang maingay sa studio. Habang ang ilang staff naman ay nag-aayos na ng backdrops at hinahanda ang mga gagamitin na camera at iba pang kagamitan. May ilan ring lalaki at babaeng modelo ang inaayusan katulad niya na makakasama niya sa photoshoot mismo para sa gagamitin na posters para sa launching ng bagong branch sa isang mall at opening announcement sa social media at business magazines. Bale apat silang modelo ang naroon, dalawang babae at dalawang lalaki.Katunayan ay medyo kabado pa rin siya dahil paano kung hindi siya makasabay sa ibang professional model? Isa pa, may isang photoshoot session mamaya ang mas nakakapagpa-kaba sa kanya. Hindi niya alam kung kakayanin niya iyon. Ngayon ay denim clothes ang theme ng photoshoot nila sunod ay vintage clothes, corporate attire, country-style ou
"BAGAY ba 'tong bag sa kulay ng suot ko?" tanong ni Josie habang panay ang rampa sa harap ng salamin. Kasalukuyan silang naghahanda para sa party kasama si Josie."Mas bagay yung pula," aniya habang nakangiti."Sabi ko na eh. Yung pula din ang mas bet ko.," natatawa nitong saad.Siya naman ay abala pa sa pag a-apply ng makeup. Mabuti na lang ay medyo maaga sila nag-ayos dahil natagalan silang dalawa kakapili kung anong susuotin."Excited na 'ko sa party mamaya. Sana doon ko na mahanap ang aking 'the one'. Baka may mga single na mayaman doon."Tumawa lamang si Safirah sa sinabi ng kaibigan."Kung makatawa naman 'to. Tulungan mo 'ko maghanap mamaya ah,""Baliw ka talaga. Ako ang tulungan mo rito. Hindi ako marunong mag style ng buhok," aniya.Hindi ito nag atubiling tulungan siya na mag ayos ng buhok. "Bagal mo talaga kumilos."Pagkatapos siya nitong ayusan ng buhok ay kinuha na niya sa higaan ang kanyang susuotin na damit."Ang hot mong tingnan sa damit na yan. Galing ko talaga pumili,"
LALONG tumindi ang kuryusidad niya nang mabanggit rin ang pangalan ni Terence. Sino ang dalawang iyon at bakit pinag-uusapan silang dalawa ni Terence ng mga ito?Napalunok siya at lalong pinakinggan ng maigi ang usapan ng dalawa. Lumapit pa siya lalo sa pinto."I'm so afraid. What if he takes revenge on me? I knew he was serious when he told me he would ruin everything I had if he found out the truth about the child and us. He's very powerful and wealthy, Lucas. He's impossible to defeat. I don't know what to do."Para siya binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nanigas ang buo niyang katawan dahil sa pagkabigla. Samo't-saring isipin ang nag unahan sa kanyang utak lalo na nang tumayo ang babae. Doon niya nakita ang mukha nito na naaaninag ng ilaw na nagmumula sa lampshade na nasa gilid lamang ng kama."Zara?" mahina niyang sambit. Bigla niyang tinakpan ang kanyang bibig.Nanlaki ang mga mata niya lalo na nang lumapit rito si Lucas at nagyakapan ang dalawa."That's why I need to get
NAKAYUKO siya habang naglalakad pabalik sa banquet hall. Naging palaisipan sa kanya ang mga huling salita na binitiwan ni Terence at nanlambot ang puso niya. Hindi niya lubos maisip na nangyayari kay Terence ang ganoong problema. Na may mga taong gustong sumira rito dahil lang sa pagiging makapangyarihan nito at lubos na kayamanan. Kung sa mga taong hindi pinalad sa buhay ay problema masyado kung saan kukuha ng pera mabuhay lang araw-araw, pero sa mga mayayaman ay may mga taong hindi pa rin makuntento at gusto pang gawan ng masama ang ibang tao na mas lamang ang kayamanan kumpara sa kanila. Kahit sa mundo ng mga mayayaman ay hindi rin palang talaga nawawala ang inggit at pagkaganid. Handang gumawa ng mali maagaw lang ang pinag paguran ng iba.Bigla tuloy siyang nag-alala kay Terence. Naglaho rin ang galit niya sa ginawa nito sa kanya noon. Doon niya lamang naintindihan kung bakit nito sinabi ang mga masasakit na salitang iyon. Gusto nitong magalit siya at lumayo para hindi siya puntiry
"BAKIT tulala ka diyan? At tsaka pansin ko kanina pa bagsak iyang mukha mo. May nangyari ba sayo sa trabaho mo?" tanong ni Josie sa kanya.Umiling siya. "Wala naman problema sa trabaho.""Eh ano nga?"Nagbuga siya ng hangin habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana. Hindi niya alintana ang lamig ng simoy ng hangin."Nagkita kami ni Jerry," seryoso niyang saad."Jerry? Sinong Jerry?" naguguluhan nitong tanong."Kapatid ko sa ama."Nanlaki ang mga mata nito. "Yung demonyo mong kapatid na nilagay ka sa panganib?"Marahan siyang tumango."Bakit kayo nagkita? Anong nangyari?"Huminga siya ng malalim bago sinagot ang tanong nito. "Gusto niya 'kong hingan ng pera kapalit ng pakikipag usap niya sa mga inutangan niya na lubayan ako dahil wala kuno akong alam sa pagkakautang niya.""Binigyan mo ba?""Iba ang binigay kong kapalit sa kanya. Isang klase ng kapalit na bangungot para sa mga taong katulad niya."Lumapit pa ito sa kanya ng husto. "Anong ginawa mo?""Pinahuli ko sa pulis. Akala niya
SINUBUKAN niya ulit itong tawagan sa cellphone pero 'out of coverage' na ang numero nito. Wala siyang ibang alam na lugar kung saan ito naroon kundi ang mansion nito kung saan siya nagtrabaho noon bilang stay-in tutor. Pagkarating roon ay sinabihan na muna niya ang taxi driver na huwag muna umalis. Bumaba siya at nagtanong sa guwardiya kung naroon ba si Terence pero sabi nito ay wala ito roon. Nagpasalamat siya bago umalis.Sunod naman niyang pinuntahan ang kompanya nito dahil alam niya na kahit alas syete na ng gabi ay naroon pa rin ito pero sabi ng guwardiya ay tatlong araw nang wala si Terence para daw sa isang business trip. Napasapo na lamang siya sa kanyang noo at bumuntong-hininga habang nasa labas ng building. Nasaan kaya ito?Apartment?Muli siyang nabuhayan ng loob nang maalala ang apartment kung saan siya tumira ng ilang araw. Naroon marahil ito kaya naman dali-dali siyang sumakay muli ng taxi at sinabi rito ang address. Habang papalapit sila sa lokasyon ay bigla siyang nati