Share

CHAPTER 19

"BAGAY ba 'tong bag sa kulay ng suot ko?" tanong ni Josie habang panay ang rampa sa harap ng salamin. Kasalukuyan silang naghahanda para sa party kasama si Josie.

"Mas bagay yung pula," aniya habang nakangiti.

"Sabi ko na eh. Yung pula din ang mas bet ko."

Siya naman ay abala pa sa pag a-apply ng makeup. Mabuti na lang ay medyo maaga sila nag-ayos dahil natagalan silang dalawa kakapili kung anong susuotin.

"Excited na 'ko sa party mamaya. Sana doon ko na mahanap ang aking 'the one'. Baka may mga single na mayaman doon."

Tumawa lamang si Safirah sa sinabi ng kaibigan.

"Kung makatawa naman 'to. Tulungan mo 'ko maghanap mamaya ah,"

"Baliw ka talaga. Ako ang tulungan mo rito. Hindi ako marunong mag style ng buhok," aniya.

Hindi ito nag atubiling tulungan siya na mag ayos ng buhok. "Bagal mo talaga kumilos."

Pagkatapos siya nitong ayusan ng buhok ay kinuha na niya sa higaan ang kanyang susuotin na damit.

"Ang hot mong tingnan sa damit na yan. Galing ko talaga pumili," anito habang nakangit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status