Share

CHAPTER 22

"BAKIT tulala ka diyan? At tsaka pansin ko kanina pa bagsak iyang mukha mo. May nangyari ba sayo sa trabaho mo?" tanong ni Josie sa kanya.

Umiling siya. "Wala naman problema sa trabaho."

"Eh ano nga?"

Nagbuga siya ng hangin habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana. Hindi niya alintana ang lamig ng simoy ng hangin.

"Nagkita kami ni Jerry," seryoso niyang saad.

"Jerry? Sinong Jerry?" naguguluhan nitong tanong.

"Kapatid ko sa ama."

Nanlaki ang mga mata nito. "Yung demonyo mong kapatid na nilagay ka sa panganib?"

Marahan siyang tumango.

"Bakit kayo nagkita? Anong nangyari?"

"Gusto niya 'kong hingan ng pera kapalit ng pakikipag usap sa mga inutangan niya na lubayan ako dahil wala akong alam sa pagkakautang niya."

"Binigyan mo ba?"

"Iba ang binigay kong kapalit sa kanya. Isang klase ng kapalit na bangungot para sa mga taong katulad niya."

"Anong ginawa mo?"

"Pinahuli ko sa pulis. Akala niya siguro hindi ko alam na isa siya sa most wanted sa mga awtoridad tapos nakipagkita pa siya sakin.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status