Share

CHAPTER 14

PABAGSAK siyang nahiga sa kanyang kama at pumikit ng mariin. Ramdam niya ang pagod at gutom pero wala na siyang lakas pang bumangon para kumuha ng pagkain sa kusina. Gusto na lamang niyang matulog pero hindi nakikisama ang kanyang humahapding sikmura. Kaya kahit ayaw niya ay bumangon siya at naglakad papuntang kusina. Binuksan niya ang refrigerator at tumambad sa kanya ang sari-saring pagkain. Puno iyon ng laman at hindi naman niya matandaan na nilagay niya ang mga iyon doon.

Terence...

Naalala niya, nag utos nga pala ito ng ibang tao na bilhan siya ng mga kailangan niya sa grocery store para hindi na siya lumabas pa at para na rin sa kanyang seguridad.

Bumuntong-hininga siya at kumuha na lamang ng orange juice at slice bread. Pagkatapos niya iyong ubusin, pumunta siya sa living area na kung saan ay may indoor mini pool na malapit sa bintana. Bigla tuloy siyang na-engganyong maligo roon dahil sa tingin niya ay mas mare-relax siya kapag lumubog siya sa tubig kaysa ang tumayo lamang sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status