Mamayang gabi, sa usual na tambayan natin. Punta ka na lang," sagot ni Anthony. "Magkikita-kita na lang tayo doon.”"Sige, game ako diyan. Kailan ba?" tanong ni Zale, ang kanyang boses ay ganon parin. “Grabe, naman ‘yang boses mo insan masyado naman malamig, nasa Alaska ka?” pagbibiro pa ni Anthony kay Zale.Nang ibinaba ni Zale ang telepono, at napasulyap sa glass window isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Nang makita niya ang maganda mukha ng kanyang secretary.Ang inis na nararamdaman niya kanina napalitan ng pakiramdam ng katuwaan. Kapag nasisilayan niya ang mukha ni Carol.Ang inis na nararamdaman niya kanina, nawala na parang isang bola. Ang kanyang puso ay nagsimulang tumitibok ng mas mabilis, sa tuwing masisilayan ang mukha ng Assistant niya.Ang kanyang nararamdaman para kay Carol ay isang bagay na hindi niya maipaliwanag. Ito ay isang pakiramdam na lumalalim sa bawat araw na lumilipas, isang pakiramdam na hindi niya maitatago. Hanggan kailan niya pipigilan ang sar
Sa loob ng mapayapang simbahan, payapang nakaupo si Carol at ang kaniyang kambal na si Celine at Cooper, Nang bigla pagbaling ng tingin si Celine sa kanya ang mga mata nitong kumikinang sa tuwa habang nakatingin sa kanyang ina sabay tanong ng. "Mommy, pagkatapos po ba natin magsimba? Mamasyal po ba tayo?" malambing na boses na tanong ni Celine sa kaniya.Araw ng Linggo, tuwing linggo nagsisimba silang ng kaniyang mga anak. Ito rin ang araw ng kanilang bonding na tatlo."Oo, naman anak, pagkatapos natin magsimba, pupunta tayo sa mall," ang nakangiting tugon ng mukha ni Carol ang kanyang mga mata'y puno ng pagmamahal at pag-unawa. Ang kanyang mga salita ay tila musika naman sa tainga ni Celine, na nagdulot ng isang malakas na pagtalon dahil sa labis na katuwaan nadarama."Yeah," masayang sigaw ni Celine na nag-echo sa loob ng simbahan, kaya agad niyang sinaway ang anak.“Celine, huwag maingay,” pagsaway niya rito mabuti na lamang hindi pa nagsisimula ang misa. “Ay, sorry po mo
Nagising si Carol sa nakakasilaw na sikat ng araw. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, at agad na sinalubong ng matinding kirot sa kanyang ulo. Ang sakit ay parang naglalakbay sa buong katawan niya, lalo na sa kanyang pagkababae.Nilibot niya ang paningin sa paligid, at napansin na nasa isang hindi pamilyar na kwarto siya. "Nasaan ako?" bulong niya sa kanyang sarili, habang pinagmamasdan ang mga hindi pamilyar na muwebles at mga kagamitan. Ang silid ay maayos at malinis, ngunit hindi niya mawari kung saan siya naroroon.Bigla siyang nakaramdam ng matinding takot nang makita ang kanyang mga damit na nagkalat sa sahig. Parang isang malaking palaisipan na hindi niya mawari ang sagot. Nagsimula na siyang mag-isip ng iba't ibang posibilidad, ngunit wala siyang makuhang lohikal na paliwanag.Sa sobrang pagkabalisa, napatingin siya sa kanyang katawan. Doon lalo siyang nagimbal. Halos nanlaki ang kanyang mga mata, at napatingin mismo sa katawan na walang suot na damit. Ang kanya
Carol, Nasaan ka?!” malakas na sigaw ni Don Manuel.Agad na tumayo si Carol sa pagkakaupo niya sa sofa at lumapit sa kanyang ama. "Daddy–” hindi na nagawa pang tapusin ni Carol ang sasabihin ng malakas na siyang sampalin ng ama sa kanyang pisngi. Sa sobrang lakas parang namamanhid ang buong mukha niya at napaupo siya sa sahig ng kanilang mansyon.“Don, Manuel,” sambit ng Yaya Meding niya at mabilis siyang dinaluhan nito para alalayan tumayo."Daddy!" Tanging nasabi ni Carol habang may luha sa kanyang mga mata. Ang kanyang boses ay nanginginig, ang kanyang puso ay tumitibok ng mabilis, at ang kanyang katawan ay nanginginig sa takot. Ang kanyang ama, ang kanyang tanging natitirang pamilya, tila nandidiri sa kanya ang galit na galit itong tumingin sa kanya."Huwag na huwag mo akong tawagin na Daddy! Simula ngayon wala na akong anak na tulad mong isang pokpok," galit na wika ng ama niya, sabay bato ng telephone rito.“Daddy!” Nalilito si Carol habang nakatingin sa mga mata ng ama niya
Habang inaayos niya ang mga gamit niya at isa-isa inilalagay sa kanyang bag, bigla bumukas ang pintuan ng kanyang silid at pumasok ang Stepsister niyang si Lovely.“Ang bagal, mo naman mag-impake?” mataray nitong saad habang nakataas ang kilay nito at nakapamewang sa kanya."Ang bagal mo naman mag-impake kahit gaano ka pa magbagal hindi na magbabago ang sinabi ni Daddy manuel na lumayas ka sa mansyon ito?" ulit ni Lovely, ang boses niya ay puno ng pang-iinsulto. "Para kang tutong, ang bagal-bagal. Hindi ka ba makaalis agad? Para makapag-enjoy na ako sa bahay na ito."Napakagat ng labi si Carol. Alam niyang hindi niya dapat patulan ang kanyang step sister, pero hindi niya mapigilan ang pag-init ng kanyang dugo. "Wala kang pakialam," malamig niyang sagot. "Hindi naman ikaw ang aalis." matapang niyang tugon."Aba't," nagngingitngit si Lovely. “Tama lang ang ginawa, ko masyado ka kasing pabida lahat ng tao, akala mo gusto ka.” Galit na wika ji Lovely.Napahinto sa paglalagay ng dami
Panatag na namamalagi si Carol sa tahimik na gabi, habang ang ganap na katahimikan ay pumapalibot sa kanilang tahanan. Nakatitig lamang siya sa kanyang dalawang anak na mahimbing na natutulog, tila naglalantad ng pagmamahal at pangangalaga sa bawat sulyap. Bukas ang araw na magsisimula siya bilang isang exclusive Assistant sa isang malaking company. Habang nakatingin siya sa dalawang anak na mahimbing na natutulog, hindi maiwasan bumalik ang alaala ng kahapon, na muntikan na siya maging isang kriminal. Dahil nalaman niya na nagdadalang-tao siya nagbunga ang gabi ng panghahalay sa kanya ng hindi niya kilalang tao. Hindi niya maiwasang pumapatak ang kanya mga luha. Pitong taon na ang nakararaan, nang matuklasan niyang buntis siya, halos gumuho ang mundo niya. Ang nalaman ang gabing pinagsamantalahan siya ng kung sino ay nagbunga ng isang malaking takot at pagkalito. Hindi niya alam kung sino ang ama ng kanyang anak, at ang kaisipang ito ay nagbigay sa kanya ng matinding pangamba. Liton
Ang Dalawang Mukha ng Pagmamahal: Isang Paglalakbay sa Mundo ng Pagiging Magulang "Mga anak, behave lamang kayo sa yaya ninyo ah," wika ni Carol sa kanyang mga anak. Habang nakaluhod siya sa mga ito para magpantay silang mag-ina, ang kanyang mga mata ay puno ng pagmamahal at pag-aalala. "Opo, Mommy," nakangiti sagot ni Celine ngunit si Cooper ay tumango lamang. Si Cooper ang napakatahimik at bihira ngumiti, samantalang si Celine naman ang napakabibo at madaldal sa kambal niya. Ang kanilang mga personalidad ay magkaiba, ngunit pareho silang minamahal ng kanilang ina ng buong puso. Ang pagiging magulang ay isang malaking hamon, isang paglalakbay na puno ng mga pagsubok at kagalakan. Para kay Carol, ang pagiging ina sa dalawang magkaibang personalidad na anak ay isang patuloy na pag-aaral at pag-unawa. Kailangan niyang matutunan kung paano pakitunguhan ang bawat isa sa kanila, kung paano ipakita ang kanyang pagmamahal sa paraang nauunawaan nila. Si Celine, ang masigla at madaldal na
Sa unang pagkilala kay Mr. Zale Valdez, ang CEO ng Valdez Empire Company, nadama ni Carol ang pagiging seryoso at tahimik ng kanyang bagong boss. Bagamat walang ngiti, ang sumalubong kay Carol habang nakikipag kamay ito sa kanya. Naramdaman naman niya ang bahagya niya itong pinisil sa kanya palad ngunit napatingin si Carol sa mukha nito pero hindi man lang nagbago ang reflection ng mukha nito. Hindi na lamang niya pinansin baka ganito lamang ang bago niyang boss. "Ms. Cruz, welcome to the Valdez Empire Company," bungad ni Mr. Zale sa tonong tiyak at propesyonal. Kahit na walang ngiti sa kanyang mukha, ang lakas at presensya nito ang siyang kumakatawan sa kanyang pagiging lider at tagapamahala ng kumpanya. Matapos ang maikling pagkakamayan, agad namang binitawan ni Mr. Zale ang kanyang kamay, nagpapakita ng kanyang propesyonalismo at pagiging disiplinado bilang isang pinuno. Sa kilos at reaksyon ni Mr. Zale. Hindi maintindihan ni Carol kung bakit kinakabahan siya sa tuwing magtatam