Kumatok muna ng tatlong beses si Carol sa pintuan ng opisina ni Zale bago niya dahan-dahang buksan ang pinto. Nakita niyang busy ang kanyang boss na nakatingin sa laptop nito. Bago tuluyan siyang pumasok sa loob, tinawag muna niya ang boss. “Sir,” sambit ni Carol habang nakatayo siya sa pintuan. Dahan-dahang iniangat ni Zale, ang kanyang ulo at nagsalubong ang kanilang mga mata, ng kanyang secretary at assistant na si Carol. Naging pormal ang mukha ni Zale at malamig na tumingin sa kaniyang secretary. Tila naman kinabahan si Carol sa paraan ng pagkakatitig ni Zale sa kanya. Hindi niya maintindihan ang sarili; para bang may kaba siyang nadarama sa tuwing magtatama ang mga mata nilang dalawa ng boss niya. "Yes!" Malamig na boses nito; parang naging doble ang lamig ng kwarto nang magsimula siyang magsalita si Zale. Tila yata napipi si Carol; halos hindi na niya maibuka ang kanyang bibig. Hanggang ngayon, kahit may isang buwan na siyang nagtatrabaho kay Zale, hindi pa rin siya sanay
Mataman lang pinagmamasdan ni Zale ang kanyang assistant na busy sa pag-aayos ng mga schedule niya. Kitang-kita niya ito sa glass window ng kanyang opisina. Hindi alam ni Carol na kanina pa niya ito pinagmamasdan at wala ideya ang dalaga sa nararamdaman niya. “Hanggang kailan kita tatanawin?” wika ni Zale sa kanyang isipan. Nagbuntong hininga muna siya bago pindutin ang button ng intercom para tawagin ang kanyang assistant at pansamantalang secretary. “Miss Crus,” tawag ni Zale sa kanyang assistant sa intercom.Nang marinig ni Carol ang tawag ni Zale sa intercom, agad siyang tumigil sa kanyang gawain at wala pang segundo kumakatok na siya sa pintuan ng opisina.“Pasok,” tugon ni Zale habang ang mga mata nasa hawak na mga papeles. Narinig ni Zale ang pagbukas ng pinto kaya ginawa niyang maging seryoso at walang buhay kung tumingin. "Yes, Sir?" maingat na tanong ni Carol, na walang kamalayan sa mga iniisip at nararamdaman ni Zale habang siya'y pinagmamasdan."Heto na naman ako!” bulon
Mamayang gabi, sa usual na tambayan natin. Punta ka na lang," sagot ni Anthony. "Magkikita-kita na lang tayo doon.”"Sige, game ako diyan. Kailan ba?" tanong ni Zale, ang kanyang boses ay ganon parin. “Grabe, naman ‘yang boses mo insan masyado naman malamig, nasa Alaska ka?” pagbibiro pa ni Anthony kay Zale.Nang ibinaba ni Zale ang telepono, at napasulyap sa glass window isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Nang makita niya ang maganda mukha ng kanyang secretary.Ang inis na nararamdaman niya kanina napalitan ng pakiramdam ng katuwaan. Kapag nasisilayan niya ang mukha ni Carol.Ang inis na nararamdaman niya kanina, nawala na parang isang bola. Ang kanyang puso ay nagsimulang tumitibok ng mas mabilis, sa tuwing masisilayan ang mukha ng Assistant niya.Ang kanyang nararamdaman para kay Carol ay isang bagay na hindi niya maipaliwanag. Ito ay isang pakiramdam na lumalalim sa bawat araw na lumilipas, isang pakiramdam na hindi niya maitatago. Hanggan kailan niya pipigilan ang sar
Sa loob ng mapayapang simbahan, payapang nakaupo si Carol at ang kaniyang kambal na si Celine at Cooper, Nang bigla pagbaling ng tingin si Celine sa kanya ang mga mata nitong kumikinang sa tuwa habang nakatingin sa kanyang ina sabay tanong ng. "Mommy, pagkatapos po ba natin magsimba? Mamasyal po ba tayo?" malambing na boses na tanong ni Celine sa kaniya.Araw ng Linggo, tuwing linggo nagsisimba silang ng kaniyang mga anak. Ito rin ang araw ng kanilang bonding na tatlo."Oo, naman anak, pagkatapos natin magsimba, pupunta tayo sa mall," ang nakangiting tugon ng mukha ni Carol ang kanyang mga mata'y puno ng pagmamahal at pag-unawa. Ang kanyang mga salita ay tila musika naman sa tainga ni Celine, na nagdulot ng isang malakas na pagtalon dahil sa labis na katuwaan nadarama."Yeah," masayang sigaw ni Celine na nag-echo sa loob ng simbahan, kaya agad niyang sinaway ang anak.“Celine, huwag maingay,” pagsaway niya rito mabuti na lamang hindi pa nagsisimula ang misa. “Ay, sorry po mo
Nagising si Carol sa nakakasilaw na sikat ng araw. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, at agad na sinalubong ng matinding kirot sa kanyang ulo. Ang sakit ay parang naglalakbay sa buong katawan niya, lalo na sa kanyang pagkababae.Nilibot niya ang paningin sa paligid, at napansin na nasa isang hindi pamilyar na kwarto siya. "Nasaan ako?" bulong niya sa kanyang sarili, habang pinagmamasdan ang mga hindi pamilyar na muwebles at mga kagamitan. Ang silid ay maayos at malinis, ngunit hindi niya mawari kung saan siya naroroon.Bigla siyang nakaramdam ng matinding takot nang makita ang kanyang mga damit na nagkalat sa sahig. Parang isang malaking palaisipan na hindi niya mawari ang sagot. Nagsimula na siyang mag-isip ng iba't ibang posibilidad, ngunit wala siyang makuhang lohikal na paliwanag.Sa sobrang pagkabalisa, napatingin siya sa kanyang katawan. Doon lalo siyang nagimbal. Halos nanlaki ang kanyang mga mata, at napatingin mismo sa katawan na walang suot na damit. Ang kanya
Carol, Nasaan ka?!” malakas na sigaw ni Don Manuel.Agad na tumayo si Carol sa pagkakaupo niya sa sofa at lumapit sa kanyang ama. "Daddy–” hindi na nagawa pang tapusin ni Carol ang sasabihin ng malakas na siyang sampalin ng ama sa kanyang pisngi. Sa sobrang lakas parang namamanhid ang buong mukha niya at napaupo siya sa sahig ng kanilang mansyon.“Don, Manuel,” sambit ng Yaya Meding niya at mabilis siyang dinaluhan nito para alalayan tumayo."Daddy!" Tanging nasabi ni Carol habang may luha sa kanyang mga mata. Ang kanyang boses ay nanginginig, ang kanyang puso ay tumitibok ng mabilis, at ang kanyang katawan ay nanginginig sa takot. Ang kanyang ama, ang kanyang tanging natitirang pamilya, tila nandidiri sa kanya ang galit na galit itong tumingin sa kanya."Huwag na huwag mo akong tawagin na Daddy! Simula ngayon wala na akong anak na tulad mong isang pokpok," galit na wika ng ama niya, sabay bato ng telephone rito.“Daddy!” Nalilito si Carol habang nakatingin sa mga mata ng ama niya
Habang inaayos niya ang mga gamit niya at isa-isa inilalagay sa kanyang bag, bigla bumukas ang pintuan ng kanyang silid at pumasok ang Stepsister niyang si Lovely.“Ang bagal, mo naman mag-impake?” mataray nitong saad habang nakataas ang kilay nito at nakapamewang sa kanya."Ang bagal mo naman mag-impake kahit gaano ka pa magbagal hindi na magbabago ang sinabi ni Daddy manuel na lumayas ka sa mansyon ito?" ulit ni Lovely, ang boses niya ay puno ng pang-iinsulto. "Para kang tutong, ang bagal-bagal. Hindi ka ba makaalis agad? Para makapag-enjoy na ako sa bahay na ito."Napakagat ng labi si Carol. Alam niyang hindi niya dapat patulan ang kanyang step sister, pero hindi niya mapigilan ang pag-init ng kanyang dugo. "Wala kang pakialam," malamig niyang sagot. "Hindi naman ikaw ang aalis." matapang niyang tugon."Aba't," nagngingitngit si Lovely. “Tama lang ang ginawa, ko masyado ka kasing pabida lahat ng tao, akala mo gusto ka.” Galit na wika ji Lovely.Napahinto sa paglalagay ng dami
Panatag na namamalagi si Carol sa tahimik na gabi, habang ang ganap na katahimikan ay pumapalibot sa kanilang tahanan. Nakatitig lamang siya sa kanyang dalawang anak na mahimbing na natutulog, tila naglalantad ng pagmamahal at pangangalaga sa bawat sulyap. Bukas ang araw na magsisimula siya bilang isang exclusive Assistant sa isang malaking company. Habang nakatingin siya sa dalawang anak na mahimbing na natutulog, hindi maiwasan bumalik ang alaala ng kahapon, na muntikan na siya maging isang kriminal. Dahil nalaman niya na nagdadalang-tao siya nagbunga ang gabi ng panghahalay sa kanya ng hindi niya kilalang tao. Hindi niya maiwasang pumapatak ang kanya mga luha. Pitong taon na ang nakararaan, nang matuklasan niyang buntis siya, halos gumuho ang mundo niya. Ang nalaman ang gabing pinagsamantalahan siya ng kung sino ay nagbunga ng isang malaking takot at pagkalito. Hindi niya alam kung sino ang ama ng kanyang anak, at ang kaisipang ito ay nagbigay sa kanya ng matinding pangamba. Liton