Share

chapter 4

Panatag na namamalagi si Carol sa tahimik na gabi, habang ang ganap na katahimikan ay pumapalibot sa kanilang tahanan. Nakatitig lamang siya sa kanyang dalawang anak na mahimbing na natutulog, tila naglalantad ng pagmamahal at pangangalaga sa bawat sulyap. Bukas ang araw na magsisimula siya bilang isang exclusive Assistant sa isang malaking company. Habang nakatingin siya sa dalawang anak na mahimbing na natutulog, hindi maiwasan bumalik ang alaala ng kahapon, na muntikan na siya maging isang kriminal. Dahil nalaman niya na nagdadalang-tao siya nagbunga ang gabi ng panghahalay sa kanya ng hindi niya kilalang tao. Hindi niya maiwasang pumapatak ang kanya mga luha.

Pitong taon na ang nakararaan, nang matuklasan niyang buntis siya, halos gumuho ang mundo niya. Ang nalaman ang gabing pinagsamantalahan siya ng kung sino ay nagbunga ng isang malaking takot at pagkalito. Hindi niya alam kung sino ang ama ng kanyang anak, at ang kaisipang ito ay nagbigay sa kanya ng matinding pangamba. Litong-lito ang kanyang isipan, iniisip niya paano niya bubuhayin ang bata na nabuo ng isang pagkakamali. Naisip niyang ipalaglag ang bata.

Nasa isang lugar siya kung saan pwede ipatanggal ang nabubuong buhay sa sinapupunan ng bawat babae na nais na hindi mabuntis.

Hindi lamang siya nag-iisa may mga magkasintahan na narito. Narinig pa niya ang usapan ng magkasintahan na nais ipalaglag ang pinagbubuntis ng girlfriend nito.

“Ito ba ang gusto mo? umiiyak na wika ng babae habang hawak kamay sa boyfriend nito.

“Oo, dahil pareho pa tayo nag-aaral at bata pa! Ano ibubuhay natin sa batang yan kapag naisilang na siya?” turan naman ng lalaki.

“Pero pareho, naman natin ginusto ito!” Sagot muli ng babae.

“Kasalanan sa diyos ang gagawin natin,” sqmbit pa ng babae sa katipan nito.

“Magiging kasalanan sa diyos kung itutuloy pa natin ‘yan dahil mahihirapan lamang siya lalo't wala tayo ibubuhay sa kanya bata pa tayo dalawa pagkain ko nga mga magulang ko pa ang sumusuporta. Paano na lang ako ang panganay sa amin. Ano na lang sasabihin ng magulang ko,” giit ng lalaki sa kasintahan nito.

Ngunit nanindigan ang dalagita na hindi ipalaglag ang bata sa sinapupunan nito. Tumayo ito at iniwan ang kasintahan.

Napahawak di Carol sa kanyang tiyan naramdaman niya ang pagtibok ng buhay sa kanyang sinapupunan. At hindi niya napigilan mapaluha dahil sa kasalanan ginawa niya sa gitna ng kanyang pagkalito at takot, may isang malakas na tinig ang nagsimula sa kanyang puso. Ang tinig ng pag-asa. Ang tinig ng pagmamahal. Naisip niya ang munting nilalang na lumalaki sa kanyang sinapupunan, ang munting nilalang na hindi niya kasalanan ang pagkakamali ng ibang tao. Naisip niya ang pagmamahal na kaya niyang ibigay sa kanyang anak, ang pagmamahal na walang katulad.

At sa pag-iisip na iyon, nagbago ang kanyang desisyon. Hindi na niya itutuloy ang pagpapalaglag. Magiging ina siya. Magiging ina siya ng kanyang anak, ang kanyang munting anghel na nagdala ng liwanag sa gitna ng kanyang kadiliman.

Hindi madali ang pagiging isang solong ina. Maraming pagsubok ang kanyang pinagdaanan. May mga pagkakataong nag-alinlangan siya, nag-isip kung kaya niya bang maiahon ang kanyang anak sa kahirapan. Ngunit, lagi siyang nagpapatibay ng pagmamahal sa kanyang anak. Ang pagmamahal na iyon ang nagbigay sa kanya ng lakas upang magpatuloy, upang lumaban sa mga pagsubok ng buhay.

Ang bawat araw ng pagdadalang-tao ni Carol ay tila isang paglalakbay ng pag-asa at kahulugan. Sa bawat galaw at paglaki ng kanyang mga anak, ramdam ang pag-ibig at pagmamalasakit na dumadaloy sa kanyang puso. Ang bawat takbo ng oras ay tila naglalaman ng kabuuang kahalagahan at purong pagmamahal sa pamilya na kanyang binubuo.

Sa paglipas ng mga panahon, ang kanyang mga anak ay lumalaki ng may kasamang pagmamahal at pang-unawa. Ang bawat tagumpay at pagsubok na kanilang hinaharap ay nagiging sandigan at pagsasanay sa buhay, na puno ng aral at kabutihan.

Ang desisyon ni Carol na ituloy ang pagbubuntis at maging isang magulang ay tila nagdala ng liwanag at pag-asa sa kanyang buhay. Ang pagiging tunay na ina at tagapagtanggol ng kanyang mga anak ay nagbibigay-buhay at diwa sa bawat araw ng kanilang pagsasama.

Sa bawat tingin ni Carol sa kanyang mga anak, nararamdaman ang bilang pagpapahalaga at pagmamahal na walang katulad. Ang bawat lambing at yakap ay tila naglalaman ng lakas at pag-asa sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap.

Nawa'y ang pagmamahal at pagtitiwala ni Carol sa kanyang mga anak ay magdala ng ligaya at kahulugan sa kanilang mga buhay. Ang pagsasama at pagkakaisa sa harap ng anuman ang pagsubok ay magbibigay-buhay at kahulugan sa kanilang pagsasama bilang isang pamilya. Ang liwanag at pag-asa sa gitna ng dilim ay tila nagpapatuloy sa bawat puso na naghahanap at nangangarap ng tunay na kaligayahan at pagmamahal.

Sa paglipas ng panahon, nagkaroon siya ng pangalawang anak. Mas lalo pang lumago ang kanyang pagmamahal at ang kanyang determinasyon na bigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Nagsikap siyang magtrabaho, nag-aral siya ng mga bagong kasanayan, at nagpursige upang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak.

At ngayon, habang nakatingin siya sa kanyang mga anak na natutulog, nararamdaman niya ang matinding pagmamahal at pasasalamat. Pasasalamat sa pagkakataong naging ina siya, pasasalamat sa kanyang mga anak na nagbigay sa kanya ng kahulugan sa buhay. Pasasalamat sa pag-asa at pagmamahal na nagbigay sa kanya ng lakas upang malampasan ang mga pagsubok.

Ang kanyang pagiging isang exclusive Assistant sa isang malaking company ay isang malaking hakbang sa kanyang paglalakbay. Ito ay isang pagkakataon upang mas mapabuti ang kanilang buhay, upang mas maibigay ang mga pangarap ng kanyang mga anak. Ngunit, alam niya na ang tunay na kayamanan ay hindi ang materyal na bagay, kundi ang pagmamahal at pagkakaisa ng kanyang pamilya.

Sa kanyang puso, alam niya na ang kanyang mga anak ang kanyang tunay na kayamanan, ang kanyang tunay na inspirasyon. Sila ang nagbigay sa kanya ng lakas upang magpatuloy, upang lumaban sa mga pagsubok ng buhay. Sila ang nagbigay sa kanya ng kahulugan sa buhay. At sa kanilang mga ngiti, nakikita niya ang liwanag sa gitna ng dilim, ang pag-asa na patuloy na nagbibigay sa kanya ng lakas upang magpatuloy sa kanyang paglalakbay bilang isang ina.

“Salamat, lord dahil hindi mo hinayaan na matuloy ang nais ko na pagsisihan ko sa huli,” taimtim siyang nanalangin habang hinahaplos niya ang mukha ng mga anak niyang natutulog.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status