Share

chapter 6

Sa unang pagkilala kay Mr. Zale Valdez, ang CEO ng Valdez Empire Company, nadama ni Carol ang pagiging seryoso at tahimik ng kanyang bagong boss. Bagamat walang ngiti, ang sumalubong kay Carol habang nakikipag kamay ito sa kanya. Naramdaman naman niya ang bahagya niya itong pinisil sa kanya palad ngunit napatingin si Carol sa mukha nito pero hindi man lang nagbago ang reflection ng mukha nito. Hindi na lamang niya pinansin baka ganito lamang ang bago niyang boss.

"Ms. Cruz, welcome to the Valdez Empire Company," bungad ni Mr. Zale sa tonong tiyak at propesyonal. Kahit na walang ngiti sa kanyang mukha, ang lakas at presensya nito ang siyang kumakatawan sa kanyang pagiging lider at tagapamahala ng kumpanya.

Matapos ang maikling pagkakamayan, agad namang binitawan ni Mr. Zale ang kanyang kamay, nagpapakita ng kanyang propesyonalismo at pagiging disiplinado bilang isang pinuno. Sa kilos at reaksyon ni Mr. Zale.

Hindi maintindihan ni Carol kung bakit kinakabahan siya sa tuwing magtatama ang kanilang paningin ng lalaki.

"Salamat po, Mr Valdez.” sagot ni Carol sa bagong boss niya.

“Masaya po akong, sa pagtanggap ninyo s aakin bilang isnag exclusive Assistant ninyo,” kahit nahihiya pilit pa rin ni Carol ngumiti sa kanyang boss kahit na alinglangan siya.

"Good," sagot ni Mr. Valdez. "I'm sure you'll be a valuable asset to the company. I'm expecting great things from you."

Napakunot ang noo ni Carol. Parang may kakaiba sa tono ni Mr. Santiago. Parang may halong pag-aalinlangan sa kanyang mga salita.

"So, tell me, Ms. Cruz," sabi ni Mr. Valdez "What do you know about our company?"

“Sinabi naman, sayo ni Mr. Santiago ang ‘iyong magiging trabaho dito sa company ko?” Wika pa nito.

“Opo, sir,” tugon niya.

“Nasabi na po ni Mr. Santiago ang magiging trabaho ko po,” magalang niyang sagot.

“Good,” tipid nitong sagot.

"Alam ko po na isa kayo sa mga nangungunang kompanya sa larangan ng teknolohiya," sagot ni Carol. "At alam ko rin po na mayroon kayong malawak na network ng mga kliyente sa buong mundo."

"That's right," sagot ni Mr. Valdez. "But what else? What do you know about our vision, our goals, our values?"

Napakagat ng labi si Carol. Hindi niya alam ang sagot. Hindi siya nag-research tungkol sa kompanya. Naisip niya na sapat na ang kanyang mga kaalaman tungkol sa kanilang mga produkto at serbisyo.

"I'm sorry, Mr. Valdez," sagot niya. "Hindi ko pa po masyadong alam ang tungkol sa inyong kumpanya. Pero handa po akong matuto."

Huminga muna ng malalim ito at seryoso tumingin sa kaniya.

"Good," sagot ni Mr.Valdez "Because you'll need to learn fast. This is a fast-paced environment, and I expect you to keep up."

Naramdaman ni Carol ang kaba sa kanyang dibdib. Parang hindi siya handa sa bagong tungkulin na ito. Pero alam niya na kailangan niyang magsikap. Kailangan niyang patunayan na karapat-dapat siya sa tiwala ni Mr. Santiago.

"I will do my best, Mr. Valdez," sabi niya.

"I hope so," sagot ni Mr. Valdez. "Now, let's get started." Malamig nitong wika.

Tumango na lamang si Carol at sumunod sa opisina ng C,E,O.

Simula nang magtrabaho si Carol sa Valdez Empire Company, hindi niya maiwasang mapansin ang misteryo na nakapalibot kay Zale. Ang kanyang tahimik na presensya, ang kanyang matalim na mga mata na tila nakikita ang lahat, ang kanyang malamig na awtoridad na nagpapasunod sa lahat. Ang lahat ay nagtataka kung ano ang nasa likod ng kanyang malamig na panlabas. Kahit ganon ang boss nila masasabi niyang ang gwapo nito ang kulay gray nitong mga mata ang mapupula nitong labi ang makakapal na kilay na lalong nag padagdag sa taglay nitong kagwapuhan.

Sa mga mata ni Carol, tila hindi maiiwasan na ituring ang kanyang amo bilang isang hinahangaang Greek god. Ang kagwapuhan at karisma ni Mr. Zale Valdez ay tila'y nagdadala ng isang uri ng pambihirang pagkahumaling at pangarap sa kanyang mga kawani, lalo na sa mga kababaihan. Kahit pa malamig ang ugali nito, hindi maikakaila na patuloy pa rin ang pagkahumaling at pagpapantasya sa kagaya ni Mr. Zale Valdez.

Ang charisma at presensya ni Mr. Zale Valdez ay tila may sariling magnetismo na nagdudulot ng paghanga at kagiliwan sa mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi lang sa pagiging CEO ng Valdez Empire Company, kundi pati na rin sa personal na aspeto, ang kanyang kagwapuhan at katangian ay nagiging isang pangarap at inspirasyon sa mga kababaihan na hindi maikakaila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status