Share

Chapter 5

Ang Dalawang Mukha ng Pagmamahal: Isang Paglalakbay sa Mundo ng Pagiging Magulang

"Mga anak, behave lamang kayo sa yaya ninyo ah," wika ni Carol sa kanyang mga anak. Habang nakaluhod siya sa mga ito para magpantay silang mag-ina, ang kanyang mga mata ay puno ng pagmamahal at pag-aalala.

"Opo, Mommy," nakangiti sagot ni Celine ngunit si Cooper ay tumango lamang. Si Cooper ang napakatahimik at bihira ngumiti, samantalang si Celine naman ang napakabibo at madaldal sa kambal niya. Ang kanilang mga personalidad ay magkaiba, ngunit pareho silang minamahal ng kanilang ina ng buong puso.

Ang pagiging magulang ay isang malaking hamon, isang paglalakbay na puno ng mga pagsubok at kagalakan. Para kay Carol, ang pagiging ina sa dalawang magkaibang personalidad na anak ay isang patuloy na pag-aaral at pag-unawa. Kailangan niyang matutunan kung paano pakitunguhan ang bawat isa sa kanila, kung paano ipakita ang kanyang pagmamahal sa paraang nauunawaan nila.

Si Celine, ang masigla at madaldal na anak, ay madaling makuha ang atensyon ng kanyang ina. Madalas siyang magkwento, magtanong, at maglaro. Siya ang nagdadala ng saya at sigla sa kanilang tahanan. Ngunit, minsan, ang kanyang pagiging madaldal ay nagiging dahilan ng pagkairita ni Carol. Kailangan niyang matutunan kung paano disiplinahin ang kanyang anak nang hindi nakakasakit sa kanyang damdamin.

Samantala, si Cooper naman ay mas tahimik at mahiyain. Hindi siya madaling magbukas sa ibang tao, at mas gusto niyang maglaro mag-isa. Hindi niya alam kung kanino nagmana ang anak niya si Cooper.

"Manang, kayo na po ang bahala sa mga bata," wika ni Carol nang tumayo siya at hinarap ang ginang na mag-aalaga ng kanyang mga anak. Tiwala naman si Carol sa ginang na hindi nito pababayaan ang mga naka niya dahil tiyahin ito ng kanyang best friend.

“Oo, hija, ako na ang bahala sa mga anak mo. Huwag kang mag-alala,” nakangiti tugon ng ginang sa kanya.

“Sige po, Manang, aalis na po ako.”

“Mga anak, aalis na si Mommy. Magpakabait kayo. Huwag kayo magpasaway kay Manang Rosita,” bilin pa ni Carol sa mga anak.

“Opo, mommy!” sagot ni Celine at si Cooper ay tumango lamang sa kanya. Isa-isa hinalikan ni Carol ang mga anak niya.

Halos mangawit na ang ulo ni Carol sa taas ng pagtingala niya sa napakatayog na building. Nakababa na siya sa taxi.

“Grabe, ang taas naman ng building na ito?” sambit niya sa kanyang sarili.

Simula ngayon sa isa sa pinakasikat na company siya nagtatrabaho bilang isang exclusive Assistant ng isang C,E,O.

Nang makapasok si Carol sa gusali, sinalubong siya ng isang malawak na lobby na puno ng mga nagtataasang halaman at modernong sining. Ang bawat sulok ay naglalabas ng isang aura ng karangyaan at propesyonalismo. Napakatahimik ng paligid, tanging ang malambing na tunog ng elevator ang naririnig.

Napabuntong-hininga si Carol. Parang nasa ibang mundo siya. Ang kanyang dating trabaho bilang isang sekretarya sa isang maliit na kumpanya ay ibang-iba sa kanyang bagong tungkulin. Dito, mas mataas malaki ang responsibilidad.

Agad siyang nagtanong sa receptionist na nakaasign sa information.

“Hi, Miss Good morning,” nakangiti bati niya sa babae staff.

Tumingin ito sa kaniya.

“Hello, Good morning din,” nakangiti tugon nito.

“Miss Maaari bang magtanong? Saan dito ang opisina ni Mr. Santiago?” Magalang na tanong ni Carol sa babae.

“Ah, si Mr. Santiago ba? Ang Head ng H,R? tanong nito.

“Oo,” sagot muli niya.

“Hmmm, ikaw ba ang bagong assistant ng C,E,O?

Tango lang ang sinagot niya.

“Sa pinaka 25th floor ang opisina niya,” tugon.

“Sige, salamat,” saad ni Carol sa babae at pumunta na sa elevator para umaakyat patingo sa floor kung saan ang oposina ng magiging boss niya.

Nang makarating si Carol sa ika-25 palapag, sinalubong siya ng isang malawak na pasilyo na puno ng mga modernong paintings at sculptures. Ang bawat detalye ay nagsasalita ng karangyaan at propesyonalismo. Sa dulo ng pasilyo, nakita niya ang isang malaking malaking pinto at nakasulat H,R department. Bago siya kumatok napabuntong-hininga muna siya. Sabay katok ng tatlong beses.

"Pasok," narinig niyang sabi mula sa loob.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.

"Ms. Cruz," bati ni Mr. Santiago. "Pasensya na, medyo busy ako kanina. Hindi ko nasagot ang tawag mo.” Nakangiti wika nito.

"Wala po iyon, Mr. Santiago," sagot ni Carol. Ngumiti ng tipid ang lalaki sa kanya.

“Maupo ka,” sabi pa nito.

“Thank you, po sir!” saad pa ni Carol.

“Ikaw, pala ang binadala ng sister company sa ibang bansa para maging exclusive Assistant ng C,E,O natin?” ani nito.

“Opo,” tugon ni Carol.

"Sa nga pala bukas pa darating ang boss natin, galing sa business trip niya sa Italy,” wika nito.

“A-ah, ganon po ba.” aniya.

“Yes, pero maaari kanang mag umpisa ngayon.” Saad ni Mr. Santiago.

"Ang unang gawain mo ay ang pag-ayos ng mga papeles para sa susunod na meeting ng board." Para kapag nakabalik na ang atin boss nakaready na ang lahat ang magiging opisina mo ay nasa loob ng opisina ng atin C,E,O. Pansamantala ikaw ang secretary at assistant niya. Dahil ang kanya secretary kasalukuyan na nganak kaya naka leave.

“Okay, lang ba sayo? Miss. Crus?” Sambit pa nito.

"Sige po, Mr. Santiago," sagot ni Carol, Cruz ang ginamit niyang apilido dahil ayaw na niyang dalhin ang apilido ng kanyang ama. Tinuring naman siyang patay nito.

Marami pang sinabi ang head ng h,r bago sila.nakarating sa pinaka opisina ng boss nipa tanging ang opisina ng C,E,O lang ang naroon napakalaki. At masasabi niyang napaka marangya ang nagmamay-ari ng lugar na ito.

"At Ms. Cruz," dagdag ni Mr. Santiago. "Huwag kang mag-atubiling magtanong kung may hindi ka maintindihan. Nandito lang ako para tulungan ka."

Napangiti si Carol. Parang hindi siya gaanong kinakabahan ngayon.

"Salamat po, Mr. Santiago," sabi niya.

"Walang anuman," sagot ni Mr. Santiago. "Ngayon, pwede kana pumunta sa magiging table mo.” Saad pa nito.

"Salamat po," sagot ni Carol at pumunta na siya sa nakalaang table niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status