Share

Chapter 7

Sa mundo ng negosyo, kung saan ang kompetisyon ay matinding nararamdaman, ang tagumpay ay hindi lamang nakasalalay sa talino at kakayahan. May isang bagay na higit pa sa mga ito, isang katangiang nagbibigay ng karisma at nagdudulot ng paghanga at kagiliwan sa mga taong nakapaligid – ang charisma. At si Mr. Zale Valdez, ang CEO ng Valdez Empire Company, ay isang malinaw na halimbawa ng isang tao na nagtataglay ng ganitong uri ng magnetismo.

Hindi lamang sa kanyang posisyon bilang pinuno ng isang malaking kumpanya, kundi pati na rin sa personal na aspeto, ang charisma ni Mr. Valdez ay hindi maikakaila. Ang kanyang kagwapuhan, na nagmumula sa kanyang malalim na mga mata, matangos na ilong, at matikas na pangangatawan, ay nagiging isang pangarap at inspirasyon sa mga kababaihan. Ngunit ang tunay na kagandahan ni Mr. Valdez ay hindi lamang nakasalalay sa kanyang pisikal na anyo. Ito ay ang kanyang kabuuan, ang kanyang aura. Malamig man kung tumingin si Zale iba pa rin. Ang kanyang presensya, tila may sariling magnetismo na nagdudulot ng paghanga ng mga investor. Kapag nagsasalita siya, ang kanyang mga salita ay puno ng karunungan at inspirasyon. Ang kanyang mga kilos ay nagpapakita ng pagiging mahinahon at mapagkakatiwalaan.

Ang charisma ni Mr. Valdez ay hindi lamang nagmumula sa kanyang mga katangian, kundi pati na rin sa kanyang mga aksyon. Ang kanyang dedikasyon sa kanyang trabaho, ang kanyang pagiging mapagbigay sa kanyang mga empleyado, at ang kanyang pagiging aktibo sa mga gawaing panlipunan ay nagpapakita ng kanyang tunay na pagkatao.

Ang kanyang pagiging CEO ng Valdez Empire Company ay nagbibigay sa kanya ng isang plataporma upang maipakita ang kanyang charisma sa mas malawak na saklaw. Ang kanyang mga desisyon at aksyon ay nagdudulot ng paggalang at paghanga sa mga negosyante at mga empleyado sa buong bansa. Ang kanyang pangalan ay naging simbolo ng tagumpay at inspirasyon, hindi lamang sa larangan ng negosyo, kundi pati na rin sa lipunan.

Sa gitna ng isang malaking conference room, puno ng mga kinatawan ng iba't ibang departamento ng kumpanya, tahimik na nakaupo ang mga board members. Ang kanilang mga mata ay nakatuon sa harapan, naghihintay sa pagdating ng kanilang CEO, si Zale. Kilala si Zale sa kanyang matalas na pang-unawa sa negosyo, sa kanyang malalim na pagkaunawa sa kanilang industriya, at sa kanyang kakayahang mag-udyok ng mga tao.

Nang pumasok si Zale, isang tahimik na pagbati ang bumalot sa silid. Ang kanyang presensya ay nagbigay ng isang kakaibang enerhiya, isang enerhiya na nagpapahiwatig ng malaking pagbabago. Nang magsimula siyang magsalita, ang bawat salita ay may timbang, ang bawat parirala ay may layunin. Ipinakita niya ang mga numero, ang mga datos, ang mga estratehiya na nagpapatunay sa tagumpay ng kumpanya sa nakalipas na mga taon. Ngunit hindi lamang ito ang kanyang layunin.

Nang matapos magsalita si Zale sa unahan at ang mga board members, na dating tahimik at nakatuon sa kanilang mga papeles, ay biglang naging masigla at puno ng sigasig. Ang kanilang mga mata ay nagniningning ng pag-asa, ang kanilang mga puso ay puno ng inspirasyon. Ang pangitain ni Zale ay nagbigay ng bagong direksyon sa kanilang kumpanya, isang direksyon na naglalayong patungo sa isang mas maliwanag na kinabukasan.

Ang panibagong proyekto, na ipinakilala ni Zale, ay isang malaking hakbang patungo sa pag-unlad at lalo pang lumago ang kanilang company.

Sa tahimik na pakikinig ni Carol sa mga pahayag ng kanilang boss, tila naglahad ng kababaang-loob at paghanga sa kanyang puso. Hindi inaasahan ni Carol ang kahusayan at talino sa pananalita ng kanilang boss, na si Mr. Zale.

Kahit na may parang yelo ang kanilang boss, hindi niya maiwasang mapahanga ni Carol sa galing magsalita nito.

Ang kanyang natatanging kakayahan at pagiging mabuti at mahusay na lider ay nagdulot ng kagalakan at inspirasyon sa bawat isa sa kanyang paligid.

“Grabe, talaga si sir Zale. Napakahusay niya at hindi lamang sa company ang focus niya pati na rin tayong mga empleyado niya ay iniisip ang kapakanan,” sambit ng mga staff.

“Oo nga, kahit parang nakakatakot siya lalo na kapag naging seryoso at parang yelo na ang aura niya ayos lang.” segunda naman ng iba.

"Alam ‘nyo, hindi naman daw naging ganyan dati ang boss natin," wika ng isang chismosa na staff, ang kanyang boses ay halos pabulong pero sapat na para marinig ng lahat sa loob ng conference room.

Lahat ng kasamahan ni Carol, pati na rin siya, ay napatingin sa babae na nagsalita. Ang pangalan niya ay Lita, kilala sa buong opisina bilang ang "reyna ng tsismis". Ang kanyang mga mata ay kumikislap ng panunukso, at ang kanyang ngiti ay parang nagsasabing "may alam ako na hindi ninyo alam."

"Oh, talaga? Ano bang nangyari kay Sir?" sabay-sabay na bulungan na tanong ng mga ito. Ang mga mata nila ay naghahanap ng sagot sa mukha ni Lita, naghihintay ng isang nakakabighaning kwento.

Si Carol ay nag-iwas ng tingin. Hindi niya gusto ang mga tsismis, pero hindi rin niya maiwasang ma-curious. Ang pagbabago ni Sir Zale ay kapansin-pansin. Dati, kilala ito bilang isang masayahin at palakaibigan na lider, palaging nakangiti at handang makipag-usap sa kanyang mga empleyado. Ngunit sa nakalipas na mga taon, nagbago na raw ito. Ito ang mga balita nasasagap niya noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang trabaho. Naging malamig, at halos hindi na ito nagsasalita.

"Ewan ko ba," sagot ni Lita, ang kanyang boses ay naglalaro ng misteryo. "Pero sabi ng mga nakakaalam, may nangyari daw sa kanya. May malaking problema raw sa kanyang personal na buhay. Kaya siguro nagbago ang ugali niya at ang pagkakaalam ko dapat daw ikakasal na si sir Zale sa kanyang girlfriend ngunit itong girlfriend niya ay bigla na lamang siya iniwan." Sambit pa ni Lita.

“Luh, talaga ba? Grabe naman ang kasintahan ni sir,” wika naman ng isa pa.

“Ang tanga naman niya, kung iniwan niya si sir Zale aba bukod sa sobrang yaman na napakagwapo pa ni sir,” wika naman ng iba.

“Oo, ‘yan ang balita nakuha ko mahal na mahal daw ni sir Zale ang girlfriend nito. Halos hindi raw ito nagtrabaho ng isang taon dahil sa pagkabigo sa pag ibig at muntikan pang malugi ang company pasalamat na lang nakaalalay ang pinsan ni Sor Zale. Na si sir Anthony.” sabi pa ni Lita sa kanila.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
sino kaya ang tatay ng kambal..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status