Contractual Marriage With My Ex

Contractual Marriage With My Ex

last updateLast Updated : 2024-07-09
By:  Binibining Hiraya  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
5 ratings. 5 reviews
95Chapters
18.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Walang ibang nasa isip si Emerald kundi ang ipaghiganti ang kaniyang sarili laban sa kaniyang half-sister na si Brenna at sa ina nito. Ngunit ang tanging tao na makakatulong sa kaniya ay ang kaniyang ex na si Trevor. Kung kaya’t mapipilitan siyang pakasalan ito. Anong mangyayari sa kanilang dalawa? Mauuwi ba sa totohanan o mananatili sila sa kanilang pagpapanggap bilang mag-asawa?

View More

Latest chapter

Free Preview

PROLOGUE

Sabi nila, masaya ang buhay highschool. Dito mararanasan ang unang tamis ng pag-ibig at ang unang sakit na maaaring idulot nito.“Mahal na mahal kita, Emerald Villafuente.”Napangiti naman si Emerald sa itinuran ng binatang mahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang kanang kamay. Lunch break na at nakatambay lamang sila sa gymnasium. Ramdam na ramdam din ni Emerald ang mga tinging ipinupukol sa kanila ng mga estudyante doon. Varsity player at school heartthrob ang kaniyang nobyo na si Trevor John Carter kaya hindi na siya nagtataka kung agaw atensyon sila sa lahat. Sino nga naman kasing mag-aakala na ang isang katulad ni Trevor ang magkakagusto sa isang katulad niya?“Bakit ba pakiramdam ko ay may kasalanan ka, Trev? Kinakabahan ako,” pabirong sabi naman niya.Ngunit sa halip na tumawa ay mas lalong sumeryeso ang mukha ng binata. Kaya unti-unti ring nawala ang mga ngiti ni Emerald at napalitan iyon ng pangamba.“I’m sorry, Emerald,” ang tanging nasabi ni Trevor.Mabilis na binawi ni Emera

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Mayfe de Ocampo
nice story author,,,, highly recommended sana may story ka po ulit magawa na completed na
2024-09-03 22:35:31
0
user avatar
Azure moon
highly recommended!
2024-07-09 10:05:21
0
user avatar
Azure moon
Nice story and a green flag and ideal man ng ML! Highly recommended.
2024-07-07 12:00:03
0
user avatar
Reen Mortera
when is the next update? it has a similarity to the kdrama I recently watched and I am excited to see what this story will bring.
2024-02-12 15:05:39
0
user avatar
Mayfe de Ocampo
Nice story,,,highly recommended basta continue lang sa pag update,bawat chapter kaabang abang
2024-02-12 15:02:50
0
95 Chapters

PROLOGUE

Sabi nila, masaya ang buhay highschool. Dito mararanasan ang unang tamis ng pag-ibig at ang unang sakit na maaaring idulot nito.“Mahal na mahal kita, Emerald Villafuente.”Napangiti naman si Emerald sa itinuran ng binatang mahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang kanang kamay. Lunch break na at nakatambay lamang sila sa gymnasium. Ramdam na ramdam din ni Emerald ang mga tinging ipinupukol sa kanila ng mga estudyante doon. Varsity player at school heartthrob ang kaniyang nobyo na si Trevor John Carter kaya hindi na siya nagtataka kung agaw atensyon sila sa lahat. Sino nga naman kasing mag-aakala na ang isang katulad ni Trevor ang magkakagusto sa isang katulad niya?“Bakit ba pakiramdam ko ay may kasalanan ka, Trev? Kinakabahan ako,” pabirong sabi naman niya.Ngunit sa halip na tumawa ay mas lalong sumeryeso ang mukha ng binata. Kaya unti-unti ring nawala ang mga ngiti ni Emerald at napalitan iyon ng pangamba.“I’m sorry, Emerald,” ang tanging nasabi ni Trevor.Mabilis na binawi ni Emera
Read more

CHAPTER 1

EMERALD’S POV(8 years later)“Happy birthday, Emerald!”Napangiti na lamang ako nang makita kong may hawak na maliit na cake si Nanay Linda, ang yaya na siyang nagpalaki sa akin. Taon-taon na niyang ginagawa ito simula nang mapalipat ako sa bahay ng aking ama. Siya na ang tumayong ina ko. Siya ang nag-alaga at ang tanging tao na nagpakita sa akin na katanggap-tanggap ako.“Thank you po, Nanay Linda,” masayang sambit ko naman.Bukod sa cake ay may nakalagay na rin na breakfast sa may side table ko. Ika-dalawampu’t anim na kaarawan ko ngayon at alam kong parang isang normal na araw lang ang dadaan ngayon. Tanging si Nanay Linda lang ang nagpaparamdam sa akin na espesyal ang araw na ito.“Anong lakad mo ngayong araw?” tanong pa niya sa akin.Tipid naman akong napangiti. “Nanay, may sasabihin po sana ako sa inyo pero huwag niyo po munang ipagsasabi sa kahit na sino ha?”“Aba ay oo naman. Kailan ko ba naman sinira ang tiwala mo?” pabiro naman niyang sagot sa akin.Mabilis naman akong napa
Read more

CHAPTER 2

EMERALD’S POVIlang minuto na lang at mag-aalas singko na. Kanina pa ako hindi mapakali dahil saglit na lang at magkikita na kami ni Marco. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Marahil ay dahil makalipas ang walong taon, heto na ulit ako at handang magmahal ulit."Kabado ka, Emerald."Napalingon ako kay Chloe na may hawak na paperbag. Nakangiti niyang iniabot sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Happy birthday!" masayang bati pa niya sa akin.Si Chloe ang highschool bestfriend ko na kahit yata saan ako magpunta ay nandoon din siya. Sa iisang school lang kasi kami nag-aral nung college, and obviously, nasa iisang company din kami ngayon. Magkaiba lang kami ng department kaya medyo malayo ang opisina niya sa opisina ko. Nasa 3rd floor kasi ng building ang Marketing Department habang ang Financial Department ay nasa 6th floor. At dahil malapit na rin naman mag-alas singko, sinadya na akong puntahan ni Chloe dito sa floor ko."So, nakatanggap ka na ba ng bulaklak?" usisa pa sa
Read more

CHAPTER 3

EMERALD'S POV Alas sais pa lamang ng gabi ay nasa restaurant na ako. Inagahan ko talaga upang mas mauna ako kaysa kay Marco. Alalang alala sa akin si Nanay Linda ngunit sinigurado ko sa kaniya na ayos lamang ako. Hindi ko pa rin sinasabi kay Chloe ang nalaman ko dahil paniguradong susugudin niya si Marco para komprontahin. Mas gusto kong ako muna ang makipag-usap kay Marco. Gusto kong magkalinawagan muna kami. Naghanda pa rin ako para sa dinner na ito. Nagsuot ako ng kulay peach na dress na above the knee ang haba. Inilugay ko ang mahaba kong buhok at naglagay din ako ng kaunting make-up. Balak ko sanang mag-contact lens para hindi ako magmukhang nerd ngunit paniguradong maiiyak ako mamaya. Kaya mas pinili kong isuot ang makapal kong salamin. Ako pa rin kasi ang nerd na pinagkaisahan noong highschool. Siguro naging t*nga lang ako sa part na maniwalang mamahalin nga ako ng totoo ni Marco. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Si Papa ang tumatawag kaya mabi
Read more

CHAPTER 4

Brenna's POV"Brenna, why don't you answer the call. It might be important."Napalingon ako kay Papa nang magsalita siya. Kanina pa kasi nagba-vibrate ang phone ko at pilit ko lang itong ini-ignore. Hindi ko akalain na mapapansin pala niya iyon. Nandito na kami sa resto kung saan makikilala ko na ang may-ari ng TAC Group of Companies."Importante ba 'yan? Baka dumating na ang hinihintay natin," nag-aalalang sambit naman ni Mama.Knowing Mama, alam kong pinaghandaan din niya ang gabing ito. Matagal na kasi niyang pinipilit si Papa na makipagkilala nga sa prestihiyosong pamilya na iyon. Gusto kasi ni Mama na maipagkasundo ako sa panganay na anak ng pamilya upang mas madali kay Papa na makipag-merge sa malaking kumpanya.Noong una nga ay ayaw kong pumayag sa plano ni Mama ngunit kalaunan din ay umayon na lamang ako. Kung tutuusin kasi, di hamak na mas mayaman ang pamilyang iyon kaysa kina Marco. At isa pa, hindi ko naman nakikita ang sarili ko na mamahalin ko ang lalaking iyon. Sinadya k
Read more

CHAPTER 5

Sierra's POVMatapos kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin kay Marco ay iniwan ko na lang siya basta sa restaurant. Hinayaan kong siya ang magbayad ng pagkain na hindi naman niya makakain. Doon man lang ay makaganti ako sa pananakit niya sa akin.Ngayon ay naglalakad lang ako sa loob ng mall dahil hindi ko pa kayang umuwi sa bahay. Hindi ko pa talaga kayang harapin ang napakabait kong kapatid na si Brenna. Uuwi na lang ako mamaya kapag alam kong tulog na silang lahat."Ma'am, decline po talaga ang card niyo."Napatingin ako sa may cashier ng isang kilalang dress shop dito sa mall. Hindi naman ako chismosang tao ngunit hindi ko alam kung bakit naagaw ng babaeng nakasuot ng simpleng t-shirt at short ang pansin ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin, nakaharap kasi siya sa cashier."Pwede po bang subukan mo ulit?" naiiyak na sambit ng babae."Pasensya na po, Ma'am. Pero nakailang try na rin po kasi ako," alanganing sagot naman ng cashier.Kinuha ko ang c
Read more

CHAPTER 6

Emerald's POV"Hoy, hindi ka pa nagku-kwento sa akin. Ano nang nangyari?" excited na tanong sa akin ni Chloe.As usual, binisita na naman niya ako dito sa opisina ko dahil alas singko na ng hapon. Maghapon ko kasi siyang iniiwasan dahil wala pa ako sa mood na magkwento sa kaniya. Panigurado kasing gegyerahin niya si Marco kapag nagkataon. At isa pa, hindi pa rin talaga ako ready magkwento."Bukas na lang, Chloe. Pwede?" tanong ko naman sa kaniya. Pinilit ko pang pasiglahin ang boses ko upang hindi niya mahalata na malungkot ako. Mas gusto kong isipin niya na okay kami ni Marco para hindi na siya mangulit pa."Ang daya naman! Ang usapan ay magkukwento ka na. At huwag kang ngumiti, Emerald. Kilala kita," masungit na sabi pa niya.Napabuntong hininga na lamang ako. Kahit anong pagpapanggap ko, hindi ko pa rin talaga kayang itago sa best friend ko ang totoo."Sorry. Hindi pa lang ako handang magkwento," pag-amin ko na lang.Tipid na ngumiti naman si Chloe. "Alam ko. Basta kapag handa ka n
Read more

CHAPTER 7

Emerald's POVGustong gusto ko nang matapos ang gabing ito kaya nang sinabi ni Audrey na ihahatid niya ako sa resto ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Gusto ko na lang kasing matapos ang date na ito upang makauwi na ako at makatulog na."Wala pa si Kuya e. Pero maiwan na kita dito ha," nakangiting sabi ni Audrey nang makarating kami sa table na pina-reserved niya."Paano ka uuwi pala? Wala kang sasakyan," sabi ko naman nang maalala kong wala siyang dalang sasakyan."Okay na ako, Ate. Huwag ka nang mag-alala. Maupo ka na lang dyan. Sige na. Enjoy the night. Bye!"Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil lumabas na si Audrey. Nasa VIP kasi ang pina-reserved niyang table which is may sariling privacy ito. Nasa isang closed space ang table kaya bukod sa walang masyadong makakakita, wala ring makakarinig ng mga pag-uusap.Hindi ko natanong kay Audrey kung matatagalan ba ako sa paghihintay sa kuya niya. Blind date na nga lang, ako pa ang nauna dito. Pero mas maganda na rin ito. May dahilan
Read more

CHAPTER 8

Emerald's POV"Trevor, hindi na tayo mga bata katulad noon. Hindi mo na ako mauuto," mataray kong sagot sa kaniya.Kahit anong pagpapakita pa niya ng pagka-seryoso niya, hindi na ako maniniwala sa kaniya. Sa galing niyang magpanggap noon, hindi na niya ako mauuto ngayon. At isa pa, kaya lang siya ganyan ay dahil may kailangan siya sa akin. And no, hindi ko siya pagbibigyan.Pareho kaming napatingin sa phone ko nang biglang mag-ring ito. Tiningnan ko ito at bahagyang kumunot ang noo ko nang si Chloe pala ang tumatawag. "You can answer that. Maybe it is important," seryosong sabi ni Trevor sa akin.Hindi na ako nag-abala pang tumayo at lumabas para sagutin ang tawag."Chloe.""Emerald, nasaan ka? Si Marco," umiiyak na sagot ni Chloe."Bakit? Anong mayroon?" kinakabahan ko namang tanong sa kaniya.Something is not right. Hindi tatawag si Chloe kung para lang sa kulitin ako na magkwento. Umiiyak din siya kaya mas lalo akong kinabahan."Naaksidente si Marco."Nag-unahan sa pagtulo ang mga
Read more

CHAPTER 9

Emerald's POVMarco is in a coma. Nakiusap kasi ako kay Chloe na huwag muna kaming umalis hanggang sa hindi lumalabas ng doctor sa E.R. Naghintay ako sa kotse niya habang siya naman ay bumalik sa loob para makibalita.After almost half an hour ay bumalik siya upang sabihin sa akin ang nangyari. Iuuwi na dapat niya ako pero tumanggi ako. And now I am here, outside the hospital, alone and waiting. Gustong gusto kong makita si Marco ngunit hindi ko pa nakikitang lumabas ang parents niya kaya hindi pa ako makapasok sa loob. Knowing them, mas lalo lang silang hindi papayag na makita ko ang anak nila.Sina Papa naman ay nakita kong lumabas na at paniguradong nakauwi na sila. He's trying to call me but I turned off my phone. Ayoko munang makausap si Papa ngayon. Umiiyak lang ako ng tahimik dito sa may gilid ng hospital nang biglang may nag-abot sa akin ng isang malinis na panyo. Pag-angat ko ng tingin ay bahagya pa akong natigilan."Trev," mahinang usal ko.Tumabi siya sa akin at siya na an
Read more
DMCA.com Protection Status