EMERALD'S POV Hindi ko na napigilan ang mga luha ko nang makita ko ang kabuuan ng kwarto. Punong puno ito ng mga stolen pictures ko simula noong highschool pa lamang ako hanggang sa nagtatrabaho na ako. Napakarami nito na halos mapuno na ang buong kwarto. Sa kisame naman ay may mga maliliit na ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. At sa sahig naman ay punong puno ito ng mga petals ng iba't ibang klase ng bulaklak. At nang mapunta ang tingin ko sa lalaking nakaluhod sa may gitna ng kwarto ay napatakip na lamang ako sa aking bibig. Lumuluha na rin siya habang may hawak siyang isang maliit na kulay pulang box at kapag tinatamaan ng ilaw ang laman niyon ay kumikinang ito. "Hi, Baby," nakangiting sambit niya kahit patuloy ang pagpatak ng luha niya. "Trev," ang tanging nasabi ko na lamang. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na itatama ko ang lahat sa oras na maging maayos na ang mga gulo. And this is the right time to do it. Emerald, please marry me again." Sasagot na sana ako n
EMERALD'S POV FLASHBACK (9 years ago) "Hoy, Emerald, sasama ka rin sa field trip natin, hindi ba? Kasi excited na ako!" Napatingin ako kay Chloe nakaupo na sa tabi ko. Lunch break namin ngayon at nakatambay lang kami sa loob ng classroom. Kakatapos lang din kasi naming kumain at mas pinili naming hindi na lumabas. Nag-aalala kasi siya na baka makasalubong namin sa labas si Brenna at maisipan na naman ng kapatid ko na bully-hin ako. "Oo. Nagsabi na ako kay Papa. Kasama si Brenna kaya kasama rin ako," seryosong sagot ko naman. "So, kapag pala hindi sumama si Brenna, hindi ka rin sasama? Hay naku, para ka namang anino ng bruha mong kapatid," nakangusong sabi naman niya sa akin. Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Huwag ka ngang maingay diyan. Baka may makarinig sa 'yo. Makakarating 'yan panigurado kay Brenna," sabi ko naman. Napairap naman sa akin si Chloe. "Ewan ko ba sa 'yo. Pumapayag ka na ganyanin ka ng kapatid mo. Masyado ka nang naaapi," dismayadong sabi pa sa akin ng
EMERALD'S POV Hindi na maalis-alis sa labi ko ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga gamit ni Trevor dito sa kwarto kung saan siya nag-propose sa akin. Anim na buwan na ang nakakaraan simula noon kaya anim na buwan na rin ang anak namin. Paminsan minsan ay tumatakas ako para makapuslit dito at balikan ang nakaraan namin noong high school pa lamang kami. Hindi ako makapaniwala na halos lahat ng gamit ay naitago pa niya, mula sa mga sulat na ibinigay ko sa kaniya, sa mga litratong sa studio pa namin kinuha, at pati mga resibo ng 7-11 kung saan madalas kaming mag-ice cream noon. Halos hindi na nga mabasa ang nakasulat sa mga resibo dahil nabubura na ang mga naka-imprenta dito. "Nandito ka lang pala." "Ay kabayo!" Napatawa si Trevor dahil sa naging reaksyon ko nang bigla siyang magsalita. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya mabilis siyang lumapit at hinalikan ako sa noo. "Ang cute mo talaga kapag nagugulat, Baby," sabi pa niya. "Paano mo nalaman na nandito ako?" pag-
Sabi nila, masaya ang buhay highschool. Dito mararanasan ang unang tamis ng pag-ibig at ang unang sakit na maaaring idulot nito.“Mahal na mahal kita, Emerald Villafuente.”Napangiti naman si Emerald sa itinuran ng binatang mahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang kanang kamay. Lunch break na at nakatambay lamang sila sa gymnasium. Ramdam na ramdam din ni Emerald ang mga tinging ipinupukol sa kanila ng mga estudyante doon. Varsity player at school heartthrob ang kaniyang nobyo na si Trevor John Carter kaya hindi na siya nagtataka kung agaw atensyon sila sa lahat. Sino nga naman kasing mag-aakala na ang isang katulad ni Trevor ang magkakagusto sa isang katulad niya?“Bakit ba pakiramdam ko ay may kasalanan ka, Trev? Kinakabahan ako,” pabirong sabi naman niya.Ngunit sa halip na tumawa ay mas lalong sumeryeso ang mukha ng binata. Kaya unti-unti ring nawala ang mga ngiti ni Emerald at napalitan iyon ng pangamba.“I’m sorry, Emerald,” ang tanging nasabi ni Trevor.Mabilis na binawi ni Emera
EMERALD’S POV(8 years later)“Happy birthday, Emerald!”Napangiti na lamang ako nang makita kong may hawak na maliit na cake si Nanay Linda, ang yaya na siyang nagpalaki sa akin. Taon-taon na niyang ginagawa ito simula nang mapalipat ako sa bahay ng aking ama. Siya na ang tumayong ina ko. Siya ang nag-alaga at ang tanging tao na nagpakita sa akin na katanggap-tanggap ako.“Thank you po, Nanay Linda,” masayang sambit ko naman.Bukod sa cake ay may nakalagay na rin na breakfast sa may side table ko. Ika-dalawampu’t anim na kaarawan ko ngayon at alam kong parang isang normal na araw lang ang dadaan ngayon. Tanging si Nanay Linda lang ang nagpaparamdam sa akin na espesyal ang araw na ito.“Anong lakad mo ngayong araw?” tanong pa niya sa akin.Tipid naman akong napangiti. “Nanay, may sasabihin po sana ako sa inyo pero huwag niyo po munang ipagsasabi sa kahit na sino ha?”“Aba ay oo naman. Kailan ko ba naman sinira ang tiwala mo?” pabiro naman niyang sagot sa akin.Mabilis naman akong napa
EMERALD’S POVIlang minuto na lang at mag-aalas singko na. Kanina pa ako hindi mapakali dahil saglit na lang at magkikita na kami ni Marco. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Marahil ay dahil makalipas ang walong taon, heto na ulit ako at handang magmahal ulit."Kabado ka, Emerald."Napalingon ako kay Chloe na may hawak na paperbag. Nakangiti niyang iniabot sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Happy birthday!" masayang bati pa niya sa akin.Si Chloe ang highschool bestfriend ko na kahit yata saan ako magpunta ay nandoon din siya. Sa iisang school lang kasi kami nag-aral nung college, and obviously, nasa iisang company din kami ngayon. Magkaiba lang kami ng department kaya medyo malayo ang opisina niya sa opisina ko. Nasa 3rd floor kasi ng building ang Marketing Department habang ang Financial Department ay nasa 6th floor. At dahil malapit na rin naman mag-alas singko, sinadya na akong puntahan ni Chloe dito sa floor ko."So, nakatanggap ka na ba ng bulaklak?" usisa pa sa
EMERALD'S POV Alas sais pa lamang ng gabi ay nasa restaurant na ako. Inagahan ko talaga upang mas mauna ako kaysa kay Marco. Alalang alala sa akin si Nanay Linda ngunit sinigurado ko sa kaniya na ayos lamang ako. Hindi ko pa rin sinasabi kay Chloe ang nalaman ko dahil paniguradong susugudin niya si Marco para komprontahin. Mas gusto kong ako muna ang makipag-usap kay Marco. Gusto kong magkalinawagan muna kami. Naghanda pa rin ako para sa dinner na ito. Nagsuot ako ng kulay peach na dress na above the knee ang haba. Inilugay ko ang mahaba kong buhok at naglagay din ako ng kaunting make-up. Balak ko sanang mag-contact lens para hindi ako magmukhang nerd ngunit paniguradong maiiyak ako mamaya. Kaya mas pinili kong isuot ang makapal kong salamin. Ako pa rin kasi ang nerd na pinagkaisahan noong highschool. Siguro naging t*nga lang ako sa part na maniwalang mamahalin nga ako ng totoo ni Marco. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Si Papa ang tumatawag kaya mabi
Brenna's POV"Brenna, why don't you answer the call. It might be important."Napalingon ako kay Papa nang magsalita siya. Kanina pa kasi nagba-vibrate ang phone ko at pilit ko lang itong ini-ignore. Hindi ko akalain na mapapansin pala niya iyon. Nandito na kami sa resto kung saan makikilala ko na ang may-ari ng TAC Group of Companies."Importante ba 'yan? Baka dumating na ang hinihintay natin," nag-aalalang sambit naman ni Mama.Knowing Mama, alam kong pinaghandaan din niya ang gabing ito. Matagal na kasi niyang pinipilit si Papa na makipagkilala nga sa prestihiyosong pamilya na iyon. Gusto kasi ni Mama na maipagkasundo ako sa panganay na anak ng pamilya upang mas madali kay Papa na makipag-merge sa malaking kumpanya.Noong una nga ay ayaw kong pumayag sa plano ni Mama ngunit kalaunan din ay umayon na lamang ako. Kung tutuusin kasi, di hamak na mas mayaman ang pamilyang iyon kaysa kina Marco. At isa pa, hindi ko naman nakikita ang sarili ko na mamahalin ko ang lalaking iyon. Sinadya k
EMERALD'S POV Hindi na maalis-alis sa labi ko ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga gamit ni Trevor dito sa kwarto kung saan siya nag-propose sa akin. Anim na buwan na ang nakakaraan simula noon kaya anim na buwan na rin ang anak namin. Paminsan minsan ay tumatakas ako para makapuslit dito at balikan ang nakaraan namin noong high school pa lamang kami. Hindi ako makapaniwala na halos lahat ng gamit ay naitago pa niya, mula sa mga sulat na ibinigay ko sa kaniya, sa mga litratong sa studio pa namin kinuha, at pati mga resibo ng 7-11 kung saan madalas kaming mag-ice cream noon. Halos hindi na nga mabasa ang nakasulat sa mga resibo dahil nabubura na ang mga naka-imprenta dito. "Nandito ka lang pala." "Ay kabayo!" Napatawa si Trevor dahil sa naging reaksyon ko nang bigla siyang magsalita. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya mabilis siyang lumapit at hinalikan ako sa noo. "Ang cute mo talaga kapag nagugulat, Baby," sabi pa niya. "Paano mo nalaman na nandito ako?" pag-
EMERALD'S POV FLASHBACK (9 years ago) "Hoy, Emerald, sasama ka rin sa field trip natin, hindi ba? Kasi excited na ako!" Napatingin ako kay Chloe nakaupo na sa tabi ko. Lunch break namin ngayon at nakatambay lang kami sa loob ng classroom. Kakatapos lang din kasi naming kumain at mas pinili naming hindi na lumabas. Nag-aalala kasi siya na baka makasalubong namin sa labas si Brenna at maisipan na naman ng kapatid ko na bully-hin ako. "Oo. Nagsabi na ako kay Papa. Kasama si Brenna kaya kasama rin ako," seryosong sagot ko naman. "So, kapag pala hindi sumama si Brenna, hindi ka rin sasama? Hay naku, para ka namang anino ng bruha mong kapatid," nakangusong sabi naman niya sa akin. Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Huwag ka ngang maingay diyan. Baka may makarinig sa 'yo. Makakarating 'yan panigurado kay Brenna," sabi ko naman. Napairap naman sa akin si Chloe. "Ewan ko ba sa 'yo. Pumapayag ka na ganyanin ka ng kapatid mo. Masyado ka nang naaapi," dismayadong sabi pa sa akin ng
EMERALD'S POV Hindi ko na napigilan ang mga luha ko nang makita ko ang kabuuan ng kwarto. Punong puno ito ng mga stolen pictures ko simula noong highschool pa lamang ako hanggang sa nagtatrabaho na ako. Napakarami nito na halos mapuno na ang buong kwarto. Sa kisame naman ay may mga maliliit na ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. At sa sahig naman ay punong puno ito ng mga petals ng iba't ibang klase ng bulaklak. At nang mapunta ang tingin ko sa lalaking nakaluhod sa may gitna ng kwarto ay napatakip na lamang ako sa aking bibig. Lumuluha na rin siya habang may hawak siyang isang maliit na kulay pulang box at kapag tinatamaan ng ilaw ang laman niyon ay kumikinang ito. "Hi, Baby," nakangiting sambit niya kahit patuloy ang pagpatak ng luha niya. "Trev," ang tanging nasabi ko na lamang. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na itatama ko ang lahat sa oras na maging maayos na ang mga gulo. And this is the right time to do it. Emerald, please marry me again." Sasagot na sana ako n
EMERALD'S POVMabilis na lumipas ang mga buwan. Nanalo kami sa mga kasong isinampa namin kina Tita Haidee at Tita Anna at nahatulan sila ng habambuhay na pagkakabilanggo. Si Brenna naman ay tuluyan nang nawala sa tamang pag-iisip kaya nasa isang mental institution na siya upang doon ay magpagaling. Marami na ring nagbago simula nang matapos ang mga gulo.Ako na ulit ang nagma-manage ng kumpanya ni Papa. Si Papa naman ay nagpapahinga na lamang sa bahay dahil ipinamana na niya ng tuluyan sa akin ang kumpanya. Si Audrey ay bumalik na ulit sa US kasama si Lola Mirasol upang tapusin ang pag-aaral doon. Kami naman ni Trevor ay sa mansion ng mga Carter pansamantalang tumutuloy habang pinapagawa pa namin ang bahay namin. Mas malapit kasi ang bahay nila sa mga trabaho namin kaya doon na rin kami nagpasyang pansamantalang mag-stay.Si Trevor na ang namamahala sa TAC dahil nag-retired na rin si Papa Carlo. Pabalik balik na lamang siya sa US at Pilipinas upang aliwin ang sarili. Malaki na rin an
EMERALD'S POVNapaiwas ako ng tingin nang makita si Brenna na nakatayo malapit sa amin. Nakaposas pa rin ang mga kamay niya at may dalawang pulis ang nakabantay sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali ay dadalhin na siya sa isang Psychiatrist upang ipa-check up."Brenna, anak," umiiyak na sambit ni Papa habang papalapit ito sa kapatid ko."Anak? Itinuturing niyo pa po ba akong anak? Ni hindi niyo sinabi sa akin na magaling na kayo. Pinaniwala niyo ako na hindi pa kayo nakaka-recover," umiiyak na sabi naman ni Brenna.Naramdaman ko ang paghawak ni Trevor sa kamay ko. Tumingin ako sa kaniya at binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti. Alam kong pinapalakas niya lamang ang loob ko ngayon."Ginawa ko iyon para sa ikabubuti ng lahat, Brenna.""Ikabubuti ng lahat o ikabubuti ng anak niyong si Emerald? Sabagay, hindi na ako magtataka dahil siya naman ang paborito niyo.""Hindi totoo 'yan. Pareho ko kayong anak. Kung tutuusin nga ay mas binigyan kita ng pansin noon dahil ayokong maramdaman mo
EMERALD'S POV"Kuya!" Napalingon kami sa kapatid ni Gino nang dumating ito sa ospital. Siya kasi ang piniling tawagan ni Trevor upang ibalita ang mga nangyari. Ang alam din kasi ni Trevor ay nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang."Huwag kang OA. Daplis lang 'to," pagpapakalma naman ni Gino sa kapatid."Kahit na! Sabihin mo, sino sa mga tauhan ko ang bumaril sa 'yo?" natatarantang tanong pa ni Charlene."Enough, Charlene. Hindi ako ang biktima dito. It's Emerald."Dahang dahang tumingin naman sa akin si Charlene. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin at nilalaro laro pa niya ang mga daliri niya."Sorry. Ang sabi kasi sa akin ni Brenna ay ibibigay ka niya kay Kuya. Akala ko ay tama ang desisyon ko," mahinang sabi niya sa akin."No worries, Charlene. Alam kong si Kuya mo lang ang iniisip mo. But everything is fine now," seryosong sabi ko naman.Wala naman na kasi akong balak na idamay pa ang kapatid ni Gino. Oo't tauhan niya ang ginamit ni Brenna ngunit masyado nang magulo para
THIRD POVAabutin na sana ni Emerald ang kamay ni gino upang sumama rito ngunit kapwa sila natigilan nang biglang mag-ring ang cellphone ni Brenna. Sabay pa silang napalingon sa dalaga na kasalukuyan nang kinukuha ang cellphone sa bag nito. Biglang nakaramdam ng kaba si Emerald sa hindi niya malamang dahilan.“Yes, Charlene?” bungad ni Brenna nang sagutin nito ang tawag.“Gaga ka! Nasaan ka ngayon? Nakuha mo na ba si Emerald?” kinakabahang tanong naman sa kaniya ng kaibigan.“Bakit? Anong problema?” naguguluhang tanong naman niya.“My god, Brenna! Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko na sana pinahiram sa ‘yo ang mga tao ko. Baka madamay pa ako sa gulo ng pamilya mo,” naiinis na sagot pa sa kaniya ng dalaga.“Teka, teka, ano bang pinagsasabi mo?”“Hindi mo pa ba alam? Nasa kustodiya na ng pulis ang mama mo. Murder ang kaso niya.”Tila namutla si Brenna sa narinig. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot na naramdaman. Nagsimula na ring mamawis ang kaniyang mga kamay.“S-
THIRD POVMapait na napangiti si Brenna nang marinig niya ang boses ng lalaking paulit ulit siyang sinaktan. Nawala na ang malambing na boses nito na kailan lang ay kausap niya. Tila nagpapanggap lang talaga ang binata sa harap niya upang makakuha ng impormasyon tungkol sa kaniyang ina.“Relax. Hindi mo kailangang magalit, Trevor. Ligtas sila sa ngayon,” walang emosyong sabi niya sa binata.“Huwag na huwag mo siyang sasaktan,” tarantang sabi pa nito.Muling napangiti si Brenna at saka huminga ng malalim. “Ang lakas ng loob mong sabihin ‘yan sa akin ngayon. Niloko mo ako at pinaasa. Kung ano-ano pang kasinungalingan ang sinabi mo sa akin para ano? Para makakuha ka ng impormasyon?”“At bakit naman ako kukuha ng impormasyon mula sa ‘yo? May alam ka ba sa totoong nangyari sa sunog na nangyari sa condo ko noon?” deretsong tanong ni Trevor sa kaniya.Natigilan si Brenna habang nanggagalaiti pa rin sa galit. Napahinga siya ng malalim nang makita ang binatang tinawagan niya kani-kanina lamang
THIRD POVPunong puno ng tensyon ang opisina ni Trevor sapagkat naroon ang kaniyang ama at kapatid na si Audrey. Nakalatag sa kaniyang table ang mga ebidensya na nakalap niya upang idiin sa kasong isinampa niya laban sa kaniyang stepmother at sa karelasyon nito na si Haidee. Isa isa itong tiningnan ng kaniyang ama at silang magkapatid ay naghihintay lamang sa reaksyon nito.“Papa, I’m sorry kung sa ganitong paraan mo pa malalaman ang lahat,” pagbasag niya sa katahimikan.Lumapit sa kaniya si Audrey at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang kapatid dahil kahit masakit para rito ang mga nangyayari, mas pinili nitong pumanig sa tama. Ang hinihiling na lamang niya ngayon ay sana’y ganoon din ang kanilang ama.Dahan dahang ibinaba ni Carlo ang mga papel at nagpakawala ng isang buntong hininga. “Hindi ko alam na aabot sa ganito ang asawa ko,” dismayadong sambit nito.Nagkatinginan ang magkapatid sapagkat kalmado ang kanilang ama. Hindi rin ito mababaka