Third POV"Umuwi na ba ang anak mo?"Napalingon si Ricky sa asawa na kararating lang sa salas. Galing itong kwarto na sa tingin niya ay lumabas lang dahil naroon pa siya sa salas."Hindi pa. At hindi ko rin siya matawagan," seryosong sagot ni Ricky.Alas dose na ng gabi at hindi pa umuuwi ang anak niyang si Emerald. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta dahil nauna pa itong umalis sa ospital kanina. Buong akala niya ay umuwi na ito ngunit sabi ng yaya nito ay hindi pa nakakauwi ang dalaga."Nagiging pasaway na ang anak mo," komento pa ng kaniyang asawa na umupo pa sa kaniyang tabi."Haidee.""What? Alam mo bang sa nangyari kay Marco, maaaring hindi na matuloy ang investment ng mga del Mundo sa kumpanya natin," seryosong sagot pa ng kaniyang asawa.Napabuntong hininga na lamang si Ricky. Aaminin niyang iyon din ang isa sa ikinababahala niya. Matagal niyang trinabaho na ligawan ang mga del Mundo upang mag-invest sa kanila. At sa isang iglap lamang ay mawawala iyon dahil sa nangyari kay
Emerald's POVWeekend na ngayon ngunit maaga akong nagising. Actually, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa mga nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Papa sa akin kagabi. Hindi ko akalain na mabibilog nina Tita Haidee at Brenna ang ulo ko. Pero nangyari na ang lahat. Sa ngayon, hindi ko pa alam ang gagawin."Emerald, hija."Napatingin ako sa may pinto ng kwarto ko. Nandoon si Nanay Linda at kumakatok. Kaya bumangon na ako at pinagbuksan siya ng pinto."Nay.""Nagising ba kita? Nabalitaan ko kasi ang nngyari kay Marco. At papunta doon ang Papa at Tita mo, baka kako sasama ka sa kanila," mahinahon niyang sabi sa akin.Mapait akong napangiti. Alam kasi ni Nanay Linda na kahit galit ako kay Marco, mas mangingibabaw pa rin sa akin ang pag-aalala sa kaniya."Si Brenna po?" pag-iiba ko ng tanong."Maagang umalis din. Bihis na bihis nga e. Baka may date," sagot naman sa akin ni Nanay Linda.Naikuyom ko na lamang ang mga kamao ko. Isa lang naman ang alam kong tinatrabaho n
Emerald's POVSi Trevor at and pamilya niya ang may-ari ng TAC Group of Companies. Pinaglalaruan na yata ako masyado ng tadhana. Ang babaeng kinaaayawan ng ex ko ay ang kapatid ko pala. Hindi ko akalain na kakailanganin namin ang isa't isa dahil lamang sa pakana ni Brenna.Ang problema ko ngayon ay kung paano ko kakausapin si Trevor. Kanina pa ako nakatitig sa phone ko dahil hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Wala pa akong number niya ngunit pwedeng pwede ko naman iyon hingin kay Audrey. Hindi ko pa lang talaga alam kung paano bubwelo kay Trevor."Tititigan mo na lang ba ang phone mo? Akala ko ba desidido ka na?"Napatingin ako kay Chloe. Kasama ko pa nga pala siya dahil weekend naman. Ayaw niya akong iwan dahil baka kung ano raw ang magawa ko."Paano ba ako magsisimula, Chloe?" naguguluhang tanong ko sa kaniya."Hmm. Medyo mahirap nga 'yan dahil walong taon kayong hindi nagkita tapos hindi pa maganda ang break-up niyo. At saka paano pala kung bet niya ang kapatid mo? Mahihirap
EMERALD'S POV "Bakit hindi mo sinabi sa akin na ang kapatid ko pala ang balak na ipagkasundo sa 'yo?" lakas loob kong tanong kay Trevor. Umupo na rin ako sa harapan niya at pagsilip ko kay Chloe ay palabas na siya ng restaurant. Tumango lang siya sa akin na parang sinasabi niyang uuwi na siya. Nang muli kong nilingon si Trevor ay nakatitig pala siya sa akin. Agad akong umiwas dahil nakaramdam ako ng hiya. "Nalaman mo na pala. Kaya ba biglang nagbago ang isip mo?" seryosong tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung ito ba ang tamang oras para sabihin sa kaniya ang totoo. Ngunit kilala ko si Trevor. Alam niyang may mabigat akong dahilan kung bakit bigla na lamang akong sumulpot sa harap niya ngayon. At isa pa, ayoko rin namang ilihim sa kaniya ang lahat. Kailangan namin ang isa't isa kaya kailangan maging totoo kaming dalawa. "Trev, mahabang kwento. May oras ka ba para makipag-usap sa akin?" mahinang tanong ko sa kaniya. Bahagya siyang ngumiti. "Alam mo bang
Emerald's POV"So, payag ka na bang makipagtulungan sa akin?" alanganing tanong ko kay Trevor.Nakasunod lang ako sa kaniya paglalakad hanggang sa makarating kami sa may gymnasium. Napailing na lang ako nang kusang bumalik sa alaala ko ang huling pag-uusap namin ni Trevor noon. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa ako nagre-reminisce. Wala naman nang halaga pa iyon dahil matagal na kaming tapos. Nandito lang ako dahil kailangan ko ng tulong niya."Handa ka bang magpakasal sa akin?" deretsong tanong niya sa akin.Bahagya akong natigilan ngunit kalaunan ay napatango na lamang ako. "Oo," maiksi kong sabi.Napaghandaan ko na ang ganitong senaryo dahil iyon talaga ang kailangan para mas lalo kong masaktan ang kapatid ko. Iyon ang pinakamatinding ganti na maaari kong gawin sa kaniya."Hindi ganyan ang Emerald na nakilala ko. You're the kindest I've ever met."Kusang tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. "Hindi ko rin akalain na aabot ako sa ganito. Ang hinahangad ko lang ay ang mahalin
BRENNA'S POV"Trev, can we talk?"Napalingon sa akin si Trevor. Hindi niya siguro akalain na susundan ko siya paalis ng restaurant. Nagpaalam kasi siya sa mga magulang niya na may aasikasuhin pa siya. At bilang nagkaroon na ng kasunduan ang mga magulang namin, binigyan nila ako ng basbas para sundan siya."Could you please stop calling me Trev?" walang emosyong sabi naman niya sa akin.Hindi siya tumigil sa paglalakad kaya nanatili lamang akong nakasunod sa kaniya. Hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon na ito. Mas mabuti nang umpisahan ko ang pagpapalambot ng puso niya."Why? I thought we were friends before," malambing ko namang sambit."Friends? Schoolmate lang kita noon," deretsong sabi niya.Bahagya akong nasaktan. Wala pa rin talaga siyang pinagbago. Kung paano niya ako itaboy noon ay ganoon rin siya sa akin ngayon. Pero hindi ko siya susukuan."Trevor, ano bang pwede kong gawin para pansinin mo ako?" desperadong tanong ko sa kaniya."Wala," maiksi niyang sabi.Huminga ako ng
Emerald's POV"Emerald, huwag kang mabibigla sa sasabihin ko. Nagkaroon ng seizures si Marco kanina. Pero ngayon ay stable na ulit siya."Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Chloe. Siya kasi ang nagsilbing mata ko sa ospital kung nasaan si Marco. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Marco na ikinababahala ko."Gusto ko siyang makita, Chloe," naiiyak kong sabi sa kaniya.Kakauwi ko lang ng bahay at tama nga si Trevor, wala dito sina Papa. Kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko pa kayang harapin si Papa. Sakto namang tumawag sa akin si Chloe para ibalita ang nangyari kay Marco."Emerald, sa ngayon ay imposible ang gusto mo. Halos hindi na umuuwi ang ina ni Marco. At kahit anong pakiusap ko sa kanila, ayaw nilang payagan ka na pumunt dito. I'm sorry, Emerald," malungkot na sagot sa akin ng kaibigan ko.Marahan akong napatango habang isa-isa nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para ka
Emerald's POVMabilis kong pinuntahan si Trevor na kasalukuyang nasa NotAMidnight Bar. Hindi niya binanggit sa telepono kung anong klaseng tulong ang kailangan niya. Ang tanging sinabi lang niya ay puntahan ko siya sa bar na iyon. Tutal naman ay nais ko rin siyang makausap kaya hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya. Mabuti na lamang at alam ko kung saan ang bar na iyon dahil minsan na akong isinama ni Chloe dito."Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nasa parking area lang ng bar," bungad ko sa kaniya nang makasakay ako sa sasakyan niyang naka-park lang. Sinabi niya kasi kanina na dito ko siya puntahan. Mukhang hindi pa naman siya nakakainom dahil hindi ko naaamoy ang alak sa katawan niya."Guess who's inside the bar," imbes ay sabi niya.Napakunot ang noo ko. Hindi ako matiyaga sa mga ganitong usapan. "Iyan ang tulong na kailangan mo, ang manghula?" hindi ko napigilang itanong.Huminga siya ng malalim na tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Nasa loob si Brenna.""So?""Look
EMERALD'S POV Hindi na maalis-alis sa labi ko ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga gamit ni Trevor dito sa kwarto kung saan siya nag-propose sa akin. Anim na buwan na ang nakakaraan simula noon kaya anim na buwan na rin ang anak namin. Paminsan minsan ay tumatakas ako para makapuslit dito at balikan ang nakaraan namin noong high school pa lamang kami. Hindi ako makapaniwala na halos lahat ng gamit ay naitago pa niya, mula sa mga sulat na ibinigay ko sa kaniya, sa mga litratong sa studio pa namin kinuha, at pati mga resibo ng 7-11 kung saan madalas kaming mag-ice cream noon. Halos hindi na nga mabasa ang nakasulat sa mga resibo dahil nabubura na ang mga naka-imprenta dito. "Nandito ka lang pala." "Ay kabayo!" Napatawa si Trevor dahil sa naging reaksyon ko nang bigla siyang magsalita. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya mabilis siyang lumapit at hinalikan ako sa noo. "Ang cute mo talaga kapag nagugulat, Baby," sabi pa niya. "Paano mo nalaman na nandito ako?" pag-
EMERALD'S POV FLASHBACK (9 years ago) "Hoy, Emerald, sasama ka rin sa field trip natin, hindi ba? Kasi excited na ako!" Napatingin ako kay Chloe nakaupo na sa tabi ko. Lunch break namin ngayon at nakatambay lang kami sa loob ng classroom. Kakatapos lang din kasi naming kumain at mas pinili naming hindi na lumabas. Nag-aalala kasi siya na baka makasalubong namin sa labas si Brenna at maisipan na naman ng kapatid ko na bully-hin ako. "Oo. Nagsabi na ako kay Papa. Kasama si Brenna kaya kasama rin ako," seryosong sagot ko naman. "So, kapag pala hindi sumama si Brenna, hindi ka rin sasama? Hay naku, para ka namang anino ng bruha mong kapatid," nakangusong sabi naman niya sa akin. Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Huwag ka ngang maingay diyan. Baka may makarinig sa 'yo. Makakarating 'yan panigurado kay Brenna," sabi ko naman. Napairap naman sa akin si Chloe. "Ewan ko ba sa 'yo. Pumapayag ka na ganyanin ka ng kapatid mo. Masyado ka nang naaapi," dismayadong sabi pa sa akin ng
EMERALD'S POV Hindi ko na napigilan ang mga luha ko nang makita ko ang kabuuan ng kwarto. Punong puno ito ng mga stolen pictures ko simula noong highschool pa lamang ako hanggang sa nagtatrabaho na ako. Napakarami nito na halos mapuno na ang buong kwarto. Sa kisame naman ay may mga maliliit na ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. At sa sahig naman ay punong puno ito ng mga petals ng iba't ibang klase ng bulaklak. At nang mapunta ang tingin ko sa lalaking nakaluhod sa may gitna ng kwarto ay napatakip na lamang ako sa aking bibig. Lumuluha na rin siya habang may hawak siyang isang maliit na kulay pulang box at kapag tinatamaan ng ilaw ang laman niyon ay kumikinang ito. "Hi, Baby," nakangiting sambit niya kahit patuloy ang pagpatak ng luha niya. "Trev," ang tanging nasabi ko na lamang. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na itatama ko ang lahat sa oras na maging maayos na ang mga gulo. And this is the right time to do it. Emerald, please marry me again." Sasagot na sana ako n
EMERALD'S POVMabilis na lumipas ang mga buwan. Nanalo kami sa mga kasong isinampa namin kina Tita Haidee at Tita Anna at nahatulan sila ng habambuhay na pagkakabilanggo. Si Brenna naman ay tuluyan nang nawala sa tamang pag-iisip kaya nasa isang mental institution na siya upang doon ay magpagaling. Marami na ring nagbago simula nang matapos ang mga gulo.Ako na ulit ang nagma-manage ng kumpanya ni Papa. Si Papa naman ay nagpapahinga na lamang sa bahay dahil ipinamana na niya ng tuluyan sa akin ang kumpanya. Si Audrey ay bumalik na ulit sa US kasama si Lola Mirasol upang tapusin ang pag-aaral doon. Kami naman ni Trevor ay sa mansion ng mga Carter pansamantalang tumutuloy habang pinapagawa pa namin ang bahay namin. Mas malapit kasi ang bahay nila sa mga trabaho namin kaya doon na rin kami nagpasyang pansamantalang mag-stay.Si Trevor na ang namamahala sa TAC dahil nag-retired na rin si Papa Carlo. Pabalik balik na lamang siya sa US at Pilipinas upang aliwin ang sarili. Malaki na rin an
EMERALD'S POVNapaiwas ako ng tingin nang makita si Brenna na nakatayo malapit sa amin. Nakaposas pa rin ang mga kamay niya at may dalawang pulis ang nakabantay sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali ay dadalhin na siya sa isang Psychiatrist upang ipa-check up."Brenna, anak," umiiyak na sambit ni Papa habang papalapit ito sa kapatid ko."Anak? Itinuturing niyo pa po ba akong anak? Ni hindi niyo sinabi sa akin na magaling na kayo. Pinaniwala niyo ako na hindi pa kayo nakaka-recover," umiiyak na sabi naman ni Brenna.Naramdaman ko ang paghawak ni Trevor sa kamay ko. Tumingin ako sa kaniya at binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti. Alam kong pinapalakas niya lamang ang loob ko ngayon."Ginawa ko iyon para sa ikabubuti ng lahat, Brenna.""Ikabubuti ng lahat o ikabubuti ng anak niyong si Emerald? Sabagay, hindi na ako magtataka dahil siya naman ang paborito niyo.""Hindi totoo 'yan. Pareho ko kayong anak. Kung tutuusin nga ay mas binigyan kita ng pansin noon dahil ayokong maramdaman mo
EMERALD'S POV"Kuya!" Napalingon kami sa kapatid ni Gino nang dumating ito sa ospital. Siya kasi ang piniling tawagan ni Trevor upang ibalita ang mga nangyari. Ang alam din kasi ni Trevor ay nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang."Huwag kang OA. Daplis lang 'to," pagpapakalma naman ni Gino sa kapatid."Kahit na! Sabihin mo, sino sa mga tauhan ko ang bumaril sa 'yo?" natatarantang tanong pa ni Charlene."Enough, Charlene. Hindi ako ang biktima dito. It's Emerald."Dahang dahang tumingin naman sa akin si Charlene. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin at nilalaro laro pa niya ang mga daliri niya."Sorry. Ang sabi kasi sa akin ni Brenna ay ibibigay ka niya kay Kuya. Akala ko ay tama ang desisyon ko," mahinang sabi niya sa akin."No worries, Charlene. Alam kong si Kuya mo lang ang iniisip mo. But everything is fine now," seryosong sabi ko naman.Wala naman na kasi akong balak na idamay pa ang kapatid ni Gino. Oo't tauhan niya ang ginamit ni Brenna ngunit masyado nang magulo para
THIRD POVAabutin na sana ni Emerald ang kamay ni gino upang sumama rito ngunit kapwa sila natigilan nang biglang mag-ring ang cellphone ni Brenna. Sabay pa silang napalingon sa dalaga na kasalukuyan nang kinukuha ang cellphone sa bag nito. Biglang nakaramdam ng kaba si Emerald sa hindi niya malamang dahilan.“Yes, Charlene?” bungad ni Brenna nang sagutin nito ang tawag.“Gaga ka! Nasaan ka ngayon? Nakuha mo na ba si Emerald?” kinakabahang tanong naman sa kaniya ng kaibigan.“Bakit? Anong problema?” naguguluhang tanong naman niya.“My god, Brenna! Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko na sana pinahiram sa ‘yo ang mga tao ko. Baka madamay pa ako sa gulo ng pamilya mo,” naiinis na sagot pa sa kaniya ng dalaga.“Teka, teka, ano bang pinagsasabi mo?”“Hindi mo pa ba alam? Nasa kustodiya na ng pulis ang mama mo. Murder ang kaso niya.”Tila namutla si Brenna sa narinig. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot na naramdaman. Nagsimula na ring mamawis ang kaniyang mga kamay.“S-
THIRD POVMapait na napangiti si Brenna nang marinig niya ang boses ng lalaking paulit ulit siyang sinaktan. Nawala na ang malambing na boses nito na kailan lang ay kausap niya. Tila nagpapanggap lang talaga ang binata sa harap niya upang makakuha ng impormasyon tungkol sa kaniyang ina.“Relax. Hindi mo kailangang magalit, Trevor. Ligtas sila sa ngayon,” walang emosyong sabi niya sa binata.“Huwag na huwag mo siyang sasaktan,” tarantang sabi pa nito.Muling napangiti si Brenna at saka huminga ng malalim. “Ang lakas ng loob mong sabihin ‘yan sa akin ngayon. Niloko mo ako at pinaasa. Kung ano-ano pang kasinungalingan ang sinabi mo sa akin para ano? Para makakuha ka ng impormasyon?”“At bakit naman ako kukuha ng impormasyon mula sa ‘yo? May alam ka ba sa totoong nangyari sa sunog na nangyari sa condo ko noon?” deretsong tanong ni Trevor sa kaniya.Natigilan si Brenna habang nanggagalaiti pa rin sa galit. Napahinga siya ng malalim nang makita ang binatang tinawagan niya kani-kanina lamang
THIRD POVPunong puno ng tensyon ang opisina ni Trevor sapagkat naroon ang kaniyang ama at kapatid na si Audrey. Nakalatag sa kaniyang table ang mga ebidensya na nakalap niya upang idiin sa kasong isinampa niya laban sa kaniyang stepmother at sa karelasyon nito na si Haidee. Isa isa itong tiningnan ng kaniyang ama at silang magkapatid ay naghihintay lamang sa reaksyon nito.“Papa, I’m sorry kung sa ganitong paraan mo pa malalaman ang lahat,” pagbasag niya sa katahimikan.Lumapit sa kaniya si Audrey at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang kapatid dahil kahit masakit para rito ang mga nangyayari, mas pinili nitong pumanig sa tama. Ang hinihiling na lamang niya ngayon ay sana’y ganoon din ang kanilang ama.Dahan dahang ibinaba ni Carlo ang mga papel at nagpakawala ng isang buntong hininga. “Hindi ko alam na aabot sa ganito ang asawa ko,” dismayadong sambit nito.Nagkatinginan ang magkapatid sapagkat kalmado ang kanilang ama. Hindi rin ito mababaka