THE MAFIA'S FAVORITE BRAT

THE MAFIA'S FAVORITE BRAT

By:  PinyaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
50Chapters
15views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Gideon Wallace, ang walang-puso at malamig na anak ng isang makapangyarihan at maimpluwensyang pamilya ng mafia, ay kilala bilang isang lalaking walang emosyon at pusong bato ayon sa kababaihan. Ngunit dahil sa kanyang gwapo at nakakasilaw na itsura, hindi mabilang na babae ang handang ibigay ang lahat para lang makasama siya sa kama. Subalit, may isang babae na kanyang lubos na kinamumuhian at iniiwasan—gaano man ito magpumilit, hindi kailanman magkakaroon ng halaga ang babaeng ito sa kanyang mga mata. “Gusto mo talagang maging asawa ko, ‘di ba? Pagbibigyan kita sa gusto mo pero hindi bilang tunay kong asawa. Huwag kang masyadong maghangad nang mataas!” Sa kabilang banda, si Sydney Yllana ang babaeng matagal nang nagtitiis sa pagmamahal sa lalaking kinamumuhian siya. Simula pagkabata, iniibig na niya si Gideon. Ngunit ang akala nito ay kerida ng ama nito ang kanyang ina. Kahit na walang pakialam o malasakit si Gideon sa kanya, patuloy pa rin siyang nagmamahal nang buong puso. Akala ni Sydney, kung ibibigay niya ang kanyang sarili sa lalaki ay maaaring magbago ang pagtingin nito sa kanya. Ngunit sa huli, ang tanging natanggap niya ay masidhing poot at pagkamuhi nito. Sa kanilang ginagalawang mundo, kung saan ang galit at paghihiganti ang naghahari, magiging posible kaya ang pag-ibig sa gitna ng poot? O masusuklian kaya pabalik ang pagmamahal ni Sydney kay Gideon?

View More

Latest chapter

Free Preview

KABANATA 1

Pagkatapos mawala ng aking ina, parang wala nang saysay ang buhay ko. Dagdag pa rito, tinawag pa akong anak ng kerida.Ako si Sydney Yllana, anak ng isang katulong. Mula pagkabata, dito na ako lumaki sa loob ng isang malaking mansyon bilang anak ng isa sa katulong ng pamilya Wallace. Pero kahit ganito ang sitwasyon ko, pinag-aral ako ng amo ng bahay sa isang magandang paaralan, at ngayon ay nasa pinakamagandang unibersidad sa bansa.Hindi ko alam kung bakit ako tinatawag na anak ng kerida. Laging sinasabi ng aking ina na huwag ko na lang pansinin ang mga sinasabi ng iba, dahil alam namin sa sarili namin na hindi totoo ang mga paratang. At naniniwala ako na hindi kailanman magiging ganoon ang aking ina.“Sydney,” tawag ng amo kong si Sir Gerald habang kumakain ako.“Opo, Sir.”“Ngayon, wala ang driver natin. Si Gideon na lang muna ang maghahatid sayo papunta sa university.”“Ah, pero…”Nang marinig ko ang pangalan niya, parang tumalon ang puso ko. Si Gideon ang lalaking matagal ko nang ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
50 Chapters
KABANATA 1
Pagkatapos mawala ng aking ina, parang wala nang saysay ang buhay ko. Dagdag pa rito, tinawag pa akong anak ng kerida.Ako si Sydney Yllana, anak ng isang katulong. Mula pagkabata, dito na ako lumaki sa loob ng isang malaking mansyon bilang anak ng isa sa katulong ng pamilya Wallace. Pero kahit ganito ang sitwasyon ko, pinag-aral ako ng amo ng bahay sa isang magandang paaralan, at ngayon ay nasa pinakamagandang unibersidad sa bansa.Hindi ko alam kung bakit ako tinatawag na anak ng kerida. Laging sinasabi ng aking ina na huwag ko na lang pansinin ang mga sinasabi ng iba, dahil alam namin sa sarili namin na hindi totoo ang mga paratang. At naniniwala ako na hindi kailanman magiging ganoon ang aking ina.“Sydney,” tawag ng amo kong si Sir Gerald habang kumakain ako.“Opo, Sir.”“Ngayon, wala ang driver natin. Si Gideon na lang muna ang maghahatid sayo papunta sa university.”“Ah, pero…”Nang marinig ko ang pangalan niya, parang tumalon ang puso ko. Si Gideon ang lalaking matagal ko nang
Read more
KABANATA 2
Hindi ko alam kung bakit ganito ang tingin ni Gideon sa akin. Hindi ako ang taong inaakusa niya. Kahit gusto ko siya, alam ko ang lugar ko—wala akong karapatang umasa sa kanya, at hindi niya ako kailanman papansinin.Sa loob ng unibersidad, wala akong malalapit na kaibigan, mga kakilala lang. Siguro dahil introvert ako at takot makisalamuha, kaya wala akong kaibigan hindi tulad ng iba.Ngayon, nagpares-pares kami para sa isang research project. Lahat ay may kapares na agad, at ako na lang ang natira na walang kapares.“Sydney, gusto mo ba akong maging ka-partner?” tanong ng isa kong kaklase. Ang pangalan niya ay Ryle. Magkakilala kami pero hindi kami masyadong nag-uusap.“Hindi ba si Lizzy ang kapares mo?”“May kapares na si Lizzy eh.”“Ah, sige.” Akala ko wala na akong makakapares, kaya naman nakahinga ako ng maluwag.“Ano kaya ang magandang research topic natin?”Nag-brainstorm kami ni Ryle ng matagal. Nang makapagdesisyon, naghati-hati kami ng mga gawain. Matagal ang proseso ng pagg
Read more
KABANATA 3
Tila naramdaman ni Gideon ang nararamdaman ko, kaya ganoon na lang siya kawalang-paki sa akin. At ngayong alam niya na ang nararamdaman ko, hindi ko na ito itatago.“Gideon, alam kong hindi ako karapat-dapat para sa’yo. I know my place. Isa lang itong paghanga, huwag kang mag-alala,” paglilinaw ko.“Good. Don’t act like your mother.”“Ano na naman bang kinalaman ng mama ko rito? She’s already gone. Bakit mo pa rin siya sinisisi?” Nasasaktan ako sa tuwing binabanggit niya ang aking ina nang ganito.Ayaw niyang makinig, nakakapit pa rin siya sa kanyang mga baluktot na paniniwala.Binitawan ni Gideon ang aking mukha at naglakad pabalik sa kanyang mesa. Muling naghari ang katahimikan sa silid. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang akong naiiyak. Ito ang aking kinaiinisan na kahinaan.Sana balang araw, mas magiging malakas ako.“Huwag ka ngang umiyak sa harap ko.”“Kahit ang aking mga luha ay nakakadiri rin sa’yo, Gideon?” taka kong tanong.“Oo, mabuti nang alam mo,” sarkastiko niyan
Read more
KABANATA 4
Pagkatapos akong ihatid ni Gideon sa bahay, mabilis siyang umalis ulit. Hindi ko alam kung saan siya pupunta dahil hindi kami nag-usap ng kahit isang salita sa buong byahe.“Saan na naman napunta ang anak kong pasaway?” tanong ni Sir Gerald nang makapasok ako sa mansyon.“Hindi ko po alam, Sir Gerald,” sagot ko.“Lagi na lang nagdudulot ng sakit ng ulo ang lalaking ‘yan!”“Kakagaling lang po ni Gideon sa casino. Ngayon, nakita ko siyang masipag na nagtatrabaho,” sabi ko para magbigay ng kapanatagan sa kanya, ngunit patuloy na bumabalik sa isip ko ang nakakabaliw na eksena sa opisina niya kanina.“At kamusta ang school mo, Sydney?”“Okay naman po, Sir. Excuse lang na po muna ako.”Mabilis akong umalis sa harap ni Sir Gerald at nagtungo sa maliit na cottage. Naninirahan kami ng aking ina sa maliit na kubo na tirahan ng mga katulong. Ito ay isang maliit na bahay na hiwalay sa pangunahing mansyon.Minsan, sinabihan ako ni Sir Gerald na lumipat na sa mansyon, ngunit hindi ko ito magawa. Kah
Read more
KABANATA 5
Muli akong inaakusahan ni Gideon na sinadya kong mahiga sa kanyang kama, kahit siya naman ang humila sa akin pababa.“Hindi ko 'yun sinadya, Gideon,” mariin kong sabi.“Isang tingin ko pa lang sa’yo, alam ko na agad kung ano ang iniisip mo,” aniya, may panunuya sa tinig.Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang sarili ko dahil kahit ano pang sabihin ko, hindi naman ako paniniwalaan ni Gideon.“Huwag mo nang subukan. Kailanman, hindi ko ibababa ang sarili ko para gawin ang isang bagay na kasing-baba ng tulad mong anak ng isang katulong.”“Sobra ka na,” sagot ko, ramdam ang sakit ng kanyang malupit na salita, pero wala akong magawa.“Oh? O dapat ba kitang tawaging anak ng isang kabit?”Napuno ng luha ang aking mga mata. Ginamit ko ang buong lakas ko para itulak ang sarili palayo sa kanya at agad na bumangon mula sa kama.“Bakit mo kailangang sabihin ang ganyang mga salita?!”Pinahid ko ang luhang dumadaloy sa aking pisngi. Ayokong umiyak, pero hindi ko na mapigilan.“Sino ang nag-utos s
Read more
KABANATA 6
Narinig ko ang paghinga ni Gideon bago niya biglang itulak ang likod ko nang malakas, idinikit ako sa malamig na pader ng silid. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko nang madiin."Sabihin mo sa ama ko na ayaw mong matuto ng trabaho mula sa akin.""Gideon, pwede namang pag-usapan ito nang maayos, hindi kailangang maging marahas," sagot ko habang pilit na iniiwas ang tingin."At sinong may gustong makipag-usap nang maayos sa'yo?" Bumagsak sa akin ang malamig niyang titig na puno ng pag-aalipusta. Pakiramdam ko'y may bumara sa lalamunan ko."Sige, Gideon. Naiintindihan ko na. Hindi mo na kailangang mag-alala." Lumingon ako sa isang tabi at bumulong ng sagot. Sa wakas, pinakawalan niya rin ang pisngi ko."Get out.""Talaga bang hinila mo ako papasok dito para lang sabihin 'yan?""Ano bang ini-expect mo?" Dumilim ang mukha niya habang unti-unting yumuko palapit. Ang boses niya'y halos isang bulong. "Ang babaeng tulad mo, Sydney, kahit hubarin mo pa lahat ng suot mo sa harapan ko, wala p
Read more
KABANATA 7
Sa Malaking Mansyon.Pagkarating ko, matagal kong pinag-isipan ang sinabi ng mga kaibigan ko—na hindi ko halos kilala ang mga mas nakababatang estudyante dahil hindi ako mahilig makihalubilo.Siguro, dapat ko ngang subukang maranasan ang ganoong klaseng buhay para hindi maging malungkot ang aking kabataan.“Sir Gerald…”“Hm? Ano iyon?”“Pwede po ba akong pumunta sa isang party kasama ang mga kaibigan ko ngayong gabi?” tanong ko nang may halong kaba. Ito ang unang pagkakataon na humiling ako ng ganito.Ngumiti si Sir Gerald bago hinaplos nang bahagya ang aking ulo.“Natutuwa akong marinig na gusto mong sumama sa isang party kasama ang mga kaibigan mo.”“Ha…?” Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Akala ko’y pagsasabihan niya ako.“Gusto kong maranasan mo ang normal na buhay ng isang kabataan. Hindi mo kailangang manatili rito para lang alagaan ang isang matandang katulad ko.”“Ginagawa ko po ito nang kusa, Sir Gerald. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo.”“Huh… Kawangis mo talaga ang iy
Read more
KABANATA 8
Napakunot-noo si Gideon habang nakatitig sa akin, para bang hindi niya ako kilala. Malayo ito sa inaasahan kong magiging reaksyon niya."Sydney?" tanong ni Nick.Tumango ako bilang sagot. "Oo, ako nga.""Ikaw? Sa club?" sabat naman ni Brent, halatang hindi makapaniwala."Niyaya lang ako ng mga kaibigan ko para sa isang party kaya napasama ako," paliwanag ko."Ah, ganun pala.""Pasensya na, pero mauuna na ako," mahina kong sabi habang iniiwas ang tingin ko kay Gideon, na patuloy lang akong tinititigan nang hindi nagsasalita."Kilala mo siya?" bulong ni Denver sa akin."Oo," sagot ko.Hindi ako makababa dahil hindi tumabi si Gideon. Nanatili lang siyang nakatayo, palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Denver."P-Pasensya na, Gideon…" Nagsimula akong magsalita, pero agad niya akong pinutol."Kasama mo ang isang lalaking kaibigan? Ah, kaya pala nagkita kayo kanina, dito pala ang punta niyo.""Hindi, senior ko siya.""Gideon, isa siyang junior," sabat ko."Bakit mo sinasabi sa akin? W
Read more
KABANATA 9
GIDEON WALLACE P. O. VTiningnan ko ang babaeng nasa bisig ko nang may inis. Kung hindi dahil sa pagbabanta ng ama ko, hindi ko kailanman papansinin ang babaeng ito.Mula pagkabata hanggang ngayon, hindi ko siya kailanman nagustuhan. Pero tila ba sobrang interesado siya sa akin."Ikaw! Manyak ka!"Sumiklab ang dugo ko nang marinig ang sinabi niya. Lasing na nga siya kaya nawala ang pagkamahinhin.Kung hinayaan ko lang na ihatid siya ng lalaking iyon, ewan ko kung saan pa siya pupulutin. Dapat alam ng ama ko na hindi mabuting babae ito. Base lang sa hitsura niya ngayon, wala na siya sa katinuan.Ipinasok ko siya sa loob ng sasakyan bago ako lumipat sa driver’s seat. Pagkaupo ko, bigla niyang hinablot ang kuwelyo ko nang mariin."Ano bang problema mo, ha?" Itinanggal ko ang kamay niyang nakakapit sa akin, halatang iritable. Kung hindi lang siya lasing, malamang ay naglakad na lang siya pauwi.Ah, hindi. Hindi niya kaya iyon. Siguradong may pila ng mga lalaking gustong ihatid siya. Hindi
Read more
KABANATA 10
Kinagat ko ang labi ko nang mahigpit, hindi maintindihan kung bakit ako pinuna ni Gideon ng ganito. Pilit kong iniisip kung paano ako nakauwi kagabi.“Kagabi…inuwi mo ba ako, Gideon?”“Oo. Ako ang naghatid sa’yo hanggang sa loob ng kwarto mo.”Sa… sa loob ng kwarto ko mismo?Napakuyom ako ng mga kamao sa kaba, natatakot na baka nakita niya ang album ng mga litrato niya na palihim kong kinunan—mahigit daang larawan. At pati na rin… ang tungkol sa halik.“Gusto mo bang malaman kung ano ang ginawa mo sa akin kagabi?”“H-hindi ko gustong malaman!” Pilit akong lumihis ng daan, ngunit hinawakan niya ang aking braso at pinigilan ako.“Hinalikan mo ako.”Ibig sabihin… hindi iyon panaginip?Nagdilim ang mukha ko habang unti-unting lumilinaw sa isip ko na talagang nangyari iyon. Isang bagay na hindi ko kailanman inakalang magagawa ko pero nagawa ko—kahit lasing man ako noon.“Bakit ka nakangiti?”Sa narinig ko, pakiramdam ko parang lalabas na ang puso ko mula sa dibdib ko. Hindi ko halos paniwal
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status