Share

Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession
Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession
Author: Jeadaya_Kiya18

TBTO 1: Kidnapped

Kulang na lang ay sumuka ako nang igiya niya pasagad sa lalamunan ko ang kahabaan ng ari niya. Namasa ang mga mata ko at saka natatakot na inilabas ang pagkalalaki niya sa bibig ko. Dinilaan at halikan ko na lang ang paligid noon.

I finished it immediately and leave that room after getting my tip. My hair looks messy as I looked in mirror. Nag-smudge na ang lipstick ko and my main problem right now is sira na ang costume na suot ko!

Buntonghininga na naghilamos ako ng aking mukha at saka tinanggal ang wig na suot. Hinihikab na nagpalit na ako ng damit para makauwi na.

All this time ang alam ng ina ko ay nagtatrabaho ako bilang isang call center agent dahil madaling araw at putok na ang araw kung minsan ay uuwi ako. Hindi naman ako ganoon katapang para sabihin sa kaniya na nagtatrabaho ako bilang isang escort sa isang bar. Bukod sa magagalit siya ay hindi ko rin talaga kaya. Tama na 'yung ibang tao na lang ang magmaliit sa akin huwag lang ang nanay ko.

Kahit na minamaltrato niya ako ay gusto ko pa rin naman na magkaayos kaming dalawa. Dalawa na lang kami sa buhay at noon pa ay pinaalam na niya sa akin na patay na ang ama ko nang isilang niya ako. Gusto kong bisitahin ang puntod ng ama pero hindi niya sinasabi kung saan siya nakalibing. Kahit ang pangalan nito ay hindi rin lingid sa kaalaman ko dahil pinagdadamot niya na sabihin kung sino ang totoong ama ko.

Araw-araw pinapamukha rin niya na nang dahil sa akin ay namatay ang ama ko kaya hindi na rin ako nagtanong-tanong pa ng tungkol sa kaniya.

Lumiwanag ang mga mata ko nang makita si Kirsten. "Kirsten—"

Hindi ko na naituloy pa ang dapat na sasabihin ko nang sa isang iglap ay nahila na ako ng kung sino.

"All this time, nandito ka lang pala," ani ng isang lalaki habang hinihila ako.

"A-Ano ba! Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko.

"No! Do you really think na pakakawalan kita ng basta-basta pagkatapos kitang makita?"

Napahawak ako sa kamay ko nang padarag niya ako binitawan. Narito kami sa abandonadong parking lot nitong bar na pinagtatrabahuan ko.

"Sino ka ba?!" inis na tanong ko.

Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko ay bumakat pa ang kamay niya roon. Umaapoy sa galit ang kaniyang mga mata at kulang na lang ay parang gusto na akong patayin!

"Seriously, Beatrice?" tanong niya pabalik.

Nagsalubong ang mga kilay ko. Inis ako na natawa.

"Sinong Beatrice sinasabi mo? At saka puwede ba? Kung lasing ka na umuwi ka na hindi 'yung nang-aabala ka pa ng ibang tao."

Kung kailan naman na antok na antok na ako at gusto ko na matulog ay saka naman ako makaka-encounter ng ganitong tao.

"Aray!" pag-inda ko nang sa isang iglap ay nahila na niya ang buhok ko bago pa ako makaalis doon.

"Not too fast. Naghihintay si Lazaro sa'yo," aniya at saka ako walang awa na hinila-hila.

Wala na akong nagawa pa nang itulak niya ako papasok sa isang sasakyan na pumarada sa harapan namin.

"Sino ba kayo?!"

"Patulugin mo muna, mahaba-haba pa ang biyahe. Wala pa akong tulog, nakakairita sa tainga," singit ng nagmamaneho ng sasakyan.

Pinipilit ko na hindi magpakita ng takot ngunit nabigo ako nang isang puting panyo ang sumalubong sa mukha ko bago ako nakaramdam ng pagkahilo.

Tangina.

NAGISING ako nang masakit ang ulo ko. Sapo ang noo ay nilibot ko ang mata sa paligid at nahinto iyon nang makita ang isang lalaki na nakaupo sa sofa, direkta na nakatingin sa akin.

"Sino— sino ka?" tanong ko. Mula sa pagkakahiga ay umupo ako na para bang sa paraan na iyon ay madedepensahan ko ang sarili ko sa lalaki na ito.

Tumaas ang kaliwang kilay niya at bahagyang natawa. "Ano naman ang tawag mo sa laro na ito?" tanong niya.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo," naguguluhan na sagot ko.

"Naaksidente ka at nagka-amnesia?" animo'y nanghuhula na tanong niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Wala nga akong alam! Ano bang sinasabi mo? Galing ako sa trabaho tapos may humila sa akin at kung ano-ano pinagsasasabi!"

"Come on, Beatrice. Do you really think I will buy your stupid game?"

"Hindi nga ako si Beatrice! Ako si Ella at saka sino ba kasi 'yang putanginang Beatrice na 'yan?" inis na tanong ko.

"Stop the crap, Beatrice," aniya at saka nagsindi ng sigarilyo.

Napairap ako at nagtitimpi na tumahimik na lang. Nararamdaman ko na kahit ipagpilitan ko na hindi ako si Beatrice ay ipipilit pa rin nila na ako ang babae na iyon.

"You have ghosted me after getting all the money from my card. What a gold digger are you?" aniya.

"Magkano ba ang utang niya sa inyo? Ako na magbabayad pero huhulog-hulugan ko na lang muna—"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang tawanan niya ako.

"Kahit ibayad mo pa ang kaluluwa mo ay hindi sasapat 'yan," nang-iinsulto na aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin nang lumapit siya sa gawi ko. Mas naaamoy ko ang usok ng sigarilyo niya na sobrang tapang. Mukhang napansin niya na tinataboy ko ang mga usok kaya naman ay pinausukan pa ang mukha ko. Umuubo at halos maluha ako na nakatingin sa kaniya.

"Tanga ka ba?" inis na tanong ko. "Nakita mo nang hindi na makahinga ng maayos 'di ba?!" sigaw ko sa kaniya ngunit ganoon na lang ang pagbaling ng ulong ko sa kanan nang makatanggap ako ng isang malakas na sampal mula sa kaniya.

"Who give you the right to shout at me?" galit na aniya.

Napalunok ako nang iamba niya sa akin ang kaniyang sigarilyo na para bang ididikit iyon sa mukha ko.

Takot ang bumalot sa akin. Nagmulat ako nang wala akong maramdaman na kahit ano.

Blanko ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nakatayo na rin siya nang maayos sa harapan ko.

"Binalaan na kita noon kung ano ang gagawin ko sa'yo sa oras na malaman ko na niloloko mo na ako, Beatrice. Binalaan na kita pero hindi ka pa rin nakinig. Then so be it, face your consequences," aniya at tinalikuran na ako.

Dire-diretso siya na umalis sa silid at padarag na sinarado ang pinto. Doon na ako nakahinga ng maluwag.

Napahilot na lang ako sa sintido at napapabuntonghininga na tiningnan ang paligid ko. Maayos ang kuwarto at parang mayroon nagmamay-ari nito. Kung ibabase rin sa pagkakaayos ay mukhang babae ang may-ari.

Napabuga ako ng hangin at saka bumangon. Napamura na lang ako nang hindi mabuksan ang pinto. Mukhang ni-lock niya.

Agad ko na nilapitan ang bintana. Ito na lang ang pag-asa ko pero mukhang hanggang tingin na lang ako sa labas habang nakasilip doon. Pinagmasdan ko ang nagkalat na mga lalaki sa ibaba.

Napakaraming bantay sa ibaba at kahit saan ako tumingin ay may nagbabantay! Kulang na lang ay may hari na rito sa bahay dahil sa dami ng bantay.

"Tangina, sino ka ba Beatrice? Naghihintay na ang Mama ko sa akin," pagkausap ko sa sarili ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status