"Paulit-ulit na lang tayo, Bee. Hindi ka ba napapagod?" pagpuputol niya sa katahimikan na namayani sa pagitan namin.Pareho kami na nakatanaw sa bilog na buwan. I just accept the fact na wala na akong takas pa. Dapat ko na lang din siguro tanggapin na ganito na lang ang buhay ko.Aaminin ko na napakadali... napakabilis ko para sumuko na takasan ang problema na ito pero wala na rin akong nakikitang daan para matapos ito."Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan?" balik ko na tanong sa kaniya.Ramdam ko ang pagbaling niya sa akin ngunit hindi rin nagtagal nang ibalik niya sa harapan ang kaniyang paningin."Napapagod na rin ako," sagot niya. "Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. As much as I could, I don't want to be rude at you kahit na ikaw ang may kasalanan. Kaya ko na idaan sa dahas ang lahat if that's the only way na mapanatili kita sa tabi ko. If I was just a man who can afford na makita kang nasasaktan... nahihirapan, the things will be easy for me, mas magiging madali
Maaga ako gumising kinabukasan. Hindi pa lumalabas si Lazaro ng silid nang umalis ako sa bahay.Gamit ang barya na mayroon ako ay bumili ako ng biodata upang gamitin iyon sa pag-apply ng trabaho. Inaasahan ko na rin ang mababang sahod dahil nasa probinsya ako pero mas gugustuhin ko ito kaysa bumalik sa siyudad na wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang magtanim ng sama ng loob kay Mama at Kirsten."All around ka rito, kaya mo ba 'yon? Maghuhugas ka ng plato at magbibigay ng mga order ng customer, maglilinis ka rin ng tindahan bago umuwi," sambit ng may-ari ng karinderya."Magkano naman po ang sahod sa isang araw at... makukuha ko ba siya tuwing gabi o lingguhan ang sahod?" tanong ko naman."Three hundred ang araw mo, ililibre ko na rin ang pagkain mo," sagot niya.Napatango ako nang marinig iyon. Ayos na rin iyon, hindi man umabot kahit sa kalahati ng sinasahod ko sa pag-eescort ay masasabi ko na disente naman ang three hundred. Bukod pa roon ay libre na ang pagkain ko."Kailan p
Panay ang hikab ko sa sumunod na araw. Gayunpaman ay hindi ko rin hinayaan na maging pabaya ako sa trabaho. Pinilit ko na kumilos kahit pakiramdam ko ay sinasaktan ko lang ang katawan ko. Dumaan ang tanghali. Pakiramdam ko ay hindi bababa sa sampung libo ang kinikita ng restaurant na ito dahil sa panay na pasok ng mga customer. Karamihan ay mga trabahador sa kanto at mga estudyante. Mura ang mga pagkain dito kaya siguro ay kahit ganito na hindi naman malaki ang karinderya ay pinupuntahan pa rin ng mga tao. Pinilit kong ubusin ang pagkain ko upang walang masayang na tira. Muntik pa akong mabulunan dahil sa pagmamadali. Tinatawag na ako ulit sa labas. Ang senaryo ay isa-isa kaming kakain dito sa loob upang hindi mawalan ng tao sa labas. Iyon nga lang ay sampung minuto lang ang binibigay, bahala ka na kung mabilaukan ka pa. Ni hindi ko alam kung tatagal pa ako sa trabaho na ito. Ilan sa mga putahe na tinitinda ay luto ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero hindi malabo na mapasma
Inaasahan ko na hindi na ako aabutan pa ni Lazaro pagdating ng umaga ngunit nagkamali ako. Saktong alas tres nang bumaba ako at naabutan ko siya sa kusina na hawak ang isang sachet ng kape. Bakas sa mukha niya na hindi rin niya inaasahan na makita ako na gising ng ganito kaaga. Tiningnan pa niya ang kaniyang relo bago muling itinuon ang atensiyon sa akin. "Why are you up too early? Alas tres pa lang ng umaga," mababa ang boses na aniya. Nagkibit-balikat ako at sinamahan siya roon sa lamesa. Katatapos ko lang maligo at balot pa ng tuwalya ang basang buhok ko. Nagkataon na ako ang pinatulog niya sa kama kaya hindi ko alam na gising na rin pala siya. "Coffee?" offer niya. Umiling ako. "Ako na," sambit ko at saka ako kumuha ng baso upang pagtimplahan ang sarili ko. "Anyway, I'll go back to EastWood later. I already told you about that last night... if you forgot." Tumango ako. "Anong oras ang alis mo?" tanong ko. As much as I could, I want to have a civil relationship with
Kulang na lang ay sumuka ako nang igiya niya pasagad sa lalamunan ko ang kahabaan ng ari niya. Namasa ang mga mata ko at saka natatakot na inilabas ang pagkalalaki niya sa bibig ko. Dinilaan at halikan ko na lang ang paligid noon.I finished it immediately and leave that room after getting my tip. My hair looks messy as I looked in mirror. Nag-smudge na ang lipstick ko and my main problem right now is sira na ang costume na suot ko!Buntonghininga na naghilamos ako ng aking mukha at saka tinanggal ang wig na suot. Hinihikab na nagpalit na ako ng damit para makauwi na.All this time ang alam ng ina ko ay nagtatrabaho ako bilang isang call center agent dahil madaling araw at putok na ang araw kung minsan ay uuwi ako. Hindi naman ako ganoon katapang para sabihin sa kaniya na nagtatrabaho ako bilang isang escort sa isang bar. Bukod sa magagalit siya ay hindi ko rin talaga kaya. Tama na 'yung ibang tao na lang ang magmaliit sa akin huwag lang ang nanay ko. Kahit na minamaltrato niya ako a
Nakatalukbong ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi rin nagtagal nang tawagin ako ng isang pamilyar na boses. Pinikit ko na lang mga mata ko upang magkunwari na tulog.Sa pag-aakala na aalis na lang iyon dahil tulog pa ako ay nagkamali ako. Napadaing ako nang bumagsak ako sa sahig matapos niyang hilain ang bedsheet.Masama ang tingin ko kay Lazaro nang balingan ko siya. Hawak ang balakang ko ay tumayo ako mula sa sahig."Ano bang problema mo?" inis na tanong ko."Tumayo ka na riyan. Magluto ka ng pagkain," utos niya.Napaawang na lang ang bibig ko sa kaniya. Hindi makapaniwala sa narinig."At bakit ko naman gagawin 'yon?" tanong ko. Kulang na lang ay manlaki na ang butas ng mga ilong ko dahil sa inis."Because I said so," aniya."Hindi mo ako katulong—" Napatigil ako sa sasabihin ko nang makita ang baseball bat na hawak-hawak niya."May sinasabi ka?" tanong niya. Nakataas ang kaniyang kanan na kilay habang nakatingin sa akin."Anong lulutuin?" tanong ko sa takot na ihampas
Tulala ako na nakatingin sa kawalan nang tumunog ang tiyan ko. Dalawang araw na rin mula noong mapunta ako rito at hanggang ngayon ay hindi pa ako kumakain.Bukod sa akin ay wala naman nang dapat pa na sisihin. Nagdadala si Lazaro ng pagkain dito sa kuwarto para sabay kami kumain pero sa taas ng pride ko at sa kadakilaan ng ugali niya na wala ng mas isasama pa ay hinayaan lang niya ako na panoorin ko siya hanggang matapos siyang kumain sa harapan ko.Dalawang araw na mula nang simulan ko mag-isip kung paano ako makatatakas sa lugar na puno ng mga bantay. Gusto ko na lang matawa dahil hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako rito sa bahay na ito o dito na ako mamatay nang nakadilat dahil sa gutom.Muli kong sinubukan na buksan ang pinto at laking gulat ko nang mabuksan ko iyon. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at dahan-dahan iyon na binuksan.Para akong magnanakaw at takot na takot na mahuli dahil sa pag-iingat ko na hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Walang tao rito sa loob ng b
Tahimik ako na nakatingin sa kawalan. Pinunasan ko ang luha na dumaloy sa aking pisngi. Hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako rito sa bahay na ito. Hindi ko alam kung makatatapak pa ba ako kahit sa labas lang ng gate ng bahay.Kahit anong paliwanag ko ay pinipilit pa rin niya na ako si Beatrice. Hindi ko naman siya masisisi kung nagmahal lang naman siya pero hindi rin niya ako masisisi na magalit dahil wala naman talaga akong kinalaman sa kanilang dalawa.Sa halip na magmukmok sa loob ay muli akong lumabas. Gabing-gabi na at ang siyang ikinagulat ko ay bukas ang pinto.Simula nang mapunta ako rito ay madalas talagang sarado itong pinto ng room na ito kaya nagugulat talaga ako kapag nabubuksan ko lalo na kung gabi at wala rin susi rito sa loob kaya kung hindi ako pupuntahan ni Lazaro ay hindi rin ako makakalabas. Para naman makakatakas ako sa lagay na ito. Ni hindi ko nga alam kung paano buksan ang gate. Wala rin naman mahahawakan para makaakyat ako at makatawid patungo sa kabila.N