Share

TBTO 3: Reason

Tulala ako na nakatingin sa kawalan nang tumunog ang tiyan ko. Dalawang araw na rin mula noong mapunta ako rito at hanggang ngayon ay hindi pa ako kumakain.

Bukod sa akin ay wala naman nang dapat pa na sisihin. Nagdadala si Lazaro ng pagkain dito sa kuwarto para sabay kami kumain pero sa taas ng pride ko at sa kadakilaan ng ugali niya na wala ng mas isasama pa ay hinayaan lang niya ako na panoorin ko siya hanggang matapos siyang kumain sa harapan ko.

Dalawang araw na mula nang simulan ko mag-isip kung paano ako makatatakas sa lugar na puno ng mga bantay. Gusto ko na lang matawa dahil hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako rito sa bahay na ito o dito na ako mamatay nang nakadilat dahil sa gutom.

Muli kong sinubukan na buksan ang pinto at laking gulat ko nang mabuksan ko iyon. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at dahan-dahan iyon na binuksan.

Para akong magnanakaw at takot na takot na mahuli dahil sa pag-iingat ko na hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Walang tao rito sa loob ng bahay ngunit ayaw ko rin na magpakampamte. Napapansin ko rin na paunti na nang paunti ang bantay rito sa bahay ni Lazaro.

Ni hindi ko nga alam kung bakit ang daming bantay. Nasaan ba ang ginto rito sa bahay nila at nanakawin ko na bago ako umuwi sa bahay.

Halos mapamura ako nang makarinig ng ubo sa hindi kalayuan. Gusto nang bumagsak ang mga balikat ko nang makita si Lazaro sa harapan ko.

Buong akala ko ay wala siya at may pinuntahan kaya naman hindi ko rin inaasahan na siya pa ang makikita ko rito sa bahay.

"Planning to escape?" tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay ko. "Oo," sagot ko dahilan upang matawa siya. "Mas pipiliin ko na mamatay sa gutom kaysa mamatay kakasama sa'yo."

Tinalikuran ko siya at walang pakialam na naglakad na palabas. Ang inakala ko na wala ng mga bantay ay naririto pala lahat sa balcon ng bahay ni Lazaro.

Kaniya-kaniya silang tago ng mga cellphone at nagsipag-ayos ng upo. Ang iba ay mabilis pa sa alas-kwarto na tumayo ay nagtatakbo sa kung saan.

"Gusto niyo bawasin ko rin mga sahod niyo?" tanong ni Lazaro.

Lumabi ako. "Akala ko ba mayaman ka? Ni hindi nga sasapat pambayad buhay ko tapos ngayon babawasan mo pa ang paniguradong kakarampot na sahod na kinikita ng mga tao mo," pagsabat ko.

"May sinasabi ka?" baling niya sa akin.

Inosente ko siya na tiningnan at saka umiling. Gusto ko pa sana ulitin ang sinabi ko kaso baka hindi na ako makaalis.

"Buksan mo," utos ko sa kaniya nang hindi ko alam kung paano bubuksan ang gate. Hindi normal ang gate at kailangan ko ng tulong niya.

Kaya pala malakas ang loob na hayaan lang ako mauna na maglakad papunta rito sa gate dahil hindi normal ang gate na bubuksan ko.

"Nakalimutan mo na rin ba kung paano buksan ang gate? Come on, Beatrice," natatawang aniya. "Hanggang kailan ka magpapanggap?"

Pasiring ko siya na tiningnan. "Hindi nga ako si Beatrice. Bakit ba napakulit mo? Bakit hindi mo ako pauwiin sa bahay at ibibigay ko ang birth certificate ko at mga ID na mayroon ako. Sinabi nang hindi nga ako si Beatrice."

"Change of identity?" natatawang tanong niya.

Marahas ako na nagbuga ng hangin. "Babalik ako pauwiin mo lang ako sa bahay namin. Kahit ihatid at hintayin mo pa ako," sambit ko.

Gustong-gusto ko na umuwi. Ang mga gamit ko nga ay nasa trabaho pa. Baka tanggalin na ako ni Ms. Faye dahil dalawang araw na akong absent at wala pang paalam.

"Anong tingin mo sa'kin? Tanga? Ilang buwan kang hindi nagpakita sa akin at ngayon na nandito ka na sa teritoryo ko ay pakakawalan pa kita? Do tou really think na ganoon ako ka-tanga? Pinagbigyan lang kita na magbakasiyon mag-isa gamit ang mga card ko dahil sobrang busy ko at dumaan lang ang ilang araw hindi mo na sinasagot ang mga message at call ko? Tell me, Beatrice. May ibang lalaki ka na ba?" galit na tanong niya.

"Tangina naman, subsob na ako sa utang magagawa ko pa magbakasiyon? Subsob na nga ako sa trabaho magagawa ko pa manlalaki. Nahihibang ka ba?" inis na tanong ko.

"Exactly! That's your motive. Baon ka na sa utang kaya ginamit mo nang ginamit ang card na binigay ko sa'yo which is supposedly para sa charity dahil sabi mo ay dadalaw ka na rin sa children orphanage to give some pero anong record na naroroon sa card? Iba't-ibang prestigous brands ng bag, clothes and name it!"

Napahilot na lang ako sa sintido ko dahil kahit isa sa mga sinabi niya ay wala akong alam. Sobrang malas ko ba na ganito na nga na naghihirap na nga ako ay may kamukha pa ako na nagawa pang mang-scam.

"Bakit hindi mo ako ipa-background check nang malaman mo na hindi ako si Beatrice? Ang pangalan ko ay Ella, putangina," sagot ko. "Itatak mo sa isip mo, Ella—"

"And why would I do that? To prove even more that you are Beatrice? Just good damn admit the fact, Bee—"

"Hindi nga ako ang tinutukoy mo na Beatrice! Ano ba?!" frustrated din na pagpuputol ko sa sasabihin niya. Hindi ko na alam kung paano ko siya paniniwalain sa isang bagay dahil pikit na pikit ang mga mata niya sa katotohanan.

"Ano ba? Bitawan mo nga braso ko," inis na utos ko nang marahas niya na kinuha ang braso ko. Halos masampal ko siya dahil animo'y parang binubura niya ang nunal ko sa kaliwang braso ko.

"How about this? Coincidence lang ba na magkapareho kung saan nakalagay ang nunal na ito?" galit na tanong niya. "You kept denying na ikaw si Beatrice at kung ano-anong pangalan ang sinasabi mo pero ang mga palatandaan ko sa'yo ay patuloy ka na inilalaglag sa akin, Bee. Bakit ba hindi ka na lang umamin? Natatakot ka ba na singilin kita?" natatawa sa galit na tanong niya.

"Kung ako man ang tinutukoy mo na Beatrice ay babayaran kita. Willing na nga akong bayaran ka sa mga putanginang utang na mayroon siya sa'yo makauwi lang ako sa bahay namin. Hinihintay na ako ng nanay ko! Putangina, ako lang ang inaasahan noon dahil wala naman siyang trabaho tapos heto ako dalawang araw na nakakulong dito. Dalawang araw nang hindi nakakapasok sa trabaho at higit sa lahat, dalawang araw na akong kasama ka at pilit na pinagpipilitan sa'yo na hindi nga ako ang tao na hinahanap mo! Hindi ako si Beatrice at kung ako man ang Beatrice na hinahanap mo... ang Beatrice na kumuha sa mga pera na para sa charity ay wala na ako rito. Panigurado magtatago ako at titira sa kung saan wala ka!" sigaw ko. "Kaya ka siguro iniwan ni Beatrice dahil ganiyan ang ugali mo! Hindi ka nakikinig sa sinasabi ng iba sa'yo at gusto mo ay ikaw lang ang laging tama."

Naghabol ako ng hininga at saka siya tinalikuran doon upang subukan na buksan ang gate.

"So... that's the reason why you left me," usal niya.

Kulang na lang ay maiyak ako sa inis dahil pinagpipilitan pa rin niya na ako si Beatrice.

"Buksan mo na lang 'to nang makauwi na ako," baling ko sa kaniya. "Mamaawa ka sa nanay ko na naghihintay sa akin sa bahay. Baka pareho kaming mamatay ng nakadilat ang mga mata dahil sa gutom."

Narinig ko ang tawa niya. "Nanay mo ba talaga ang uuwian mo o ang lalaki mo?" tanong niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status