Share

TBTO 11: Money Offer

Awang-awa ako na nakatingin sa kaniya. Hindi ko na nagawa pa na makapagsalita nang magsimula siya na umiyak.

Wala akong ibang maramdaman kung hindi ang awa. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa relasyon nila ni Beatrice pero ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa babae na iyon. Ramdam ko na sobrang minahal niya ng sobra si Beatrice at hindi ko rin siya masisisi sa ipinapakita niya sa akin ngayon dahil nagmahal lang naman siya.

Naaawa ako dahil mukhang hindi man lang siya nagtira ng pagmamahal kahit kaunti para sa sarili niya at ibinuhos niya iyon lahat kay Beatrice. Inubos niya ang lahat sa babae na niloko lang din naman siya kasama ng kaibigan na pinagkakatiwalaan niya.

Tumingala ako upang pigilan ang luha na kanina pa nais na tumulo. Hindi ko alam kung paano ako makakapagsalita ng diretso dahil sigurado ako na sa oras na bumukas ang bibig ko ay manginginig ang boses ko.

"Bee, hindi pa rin ba naabot ng best ko ang expectation mo para sa isang lalaki?" nahihirapan na tanong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status