Share

TBTO 10: Leaving

Simula nang pagtatagpo namin ng landas ni Sean ay naging ilang ako sa kaniya. Ramdam ko rin ang madalas niya na pagsulyap-sulyap sa akin habang magkakasama kami ni Lazaro na mas lalong nagpapailang sa akin.

Minsan kapag pumupunta siya rito sa bahay ay nagpapaiwan na lang ako sa silid. Hindi ko kayang humarap sa kaniya.

Pakiramdam ko ay sinasakal ako ng hangin at hindi ako makahinga.

Buntonghininga na pinagpatuloy ko ang pagluluto.

"Smells delicious," ani Lazaro matapos kong maramdaman ang pagpulupot ng mga braso niya sa aking baywang.

Natawa na lang ako. "Gutom ka na?" tanong ko.

Tuluyan na rin na naging maayos ang pakikitungo ni Lazaro at kung ikukumpara sa Lazaro na sumalubong sa akin pagmulat ng mga mata ko noong unang araw ko rito ay malayong-malayo siya roon.

Kung ilalarawan ko siya ay masasabi ko na maalaga siya at kulang na lang ay paliguan ka na niya dahil siya na ang gumagawa ng lahat lalo na kung tulog ako. He will take the chance that he have to do all the chores an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status