Share

TBTO 14: Auction

"Puwede bang manahimik ka na lang?!" inis na baling ko kay Lazaro nang punahin niya ang suot ko. "Para lang ipaalala ko sa'yo ikaw ang pumili nito."

"Huwag na tayong pumunta," labas sa ilong na aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin bago ko tuluyan na maisuot ang hikaw na siyang kukumpleto sa suot ko ngayon.

"Tumayo ka riyan. Aalis na tayo," inis na utos ko sa kaniya nang maupo siya sa sofa.

"No, dito lang tayo. Hindi tayo aalis," pinal na desisyon niya.

Tiim ang bagang na tiningnan ko siya. Sinalubong lang din niya ang aking mga mata na para bang nanghahamon pa.

"Ano bang problema mo?!" hindi maiwasan na tanong ko. "Pinipilit mo akong sumama sa'yo rito kahit na ayaw ko dahil wala naman akong pagpipilian tapos ngayon na nakahanda na ako at nakaayos na ay sasabihin mo na huwag na tayong pumunta?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Napabuga na lang ako ng hangin nang irapan niya ako. "Your gown is too revealing, Bee—Ella," mabilis na pagbawi niya at bahagyang umubo. "Maraming tao sa pupuntahan—
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status