Share

TBTO 7: Ella

Nagising ako mula sa pagkakaidlip nang maramdaman ang paghaplos sa aking ulo. Naalimpungatan na nagmulat ako ng aking mga mata at si Lazaro na mukhang galing lang sa pagligo ang bumungad sa akin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at ginising ako noon nang makita ang sobrang lapit na mukha niya. Sinubukan ko na umupo at lumayo sa kaniya ngunit hinatak niya ako upang muling humiga.

"Babalik na ako sa sofa," paalam ko dahil iniyakap na niya sa akin ang kaniyang kaliwang braso.

Para akong daga na nahuli ng pusa at hindi ko magawang makaalis sa harapan niya. Para akong tinakasan ng tapang ko at maging ang bunganga ko ay tumitiklop dahil sa lapit niya sa akin.

"I miss this. I miss being with you, Bee. Puwede ba na bumalik na lang tayo sa dati?" halos bulong na pagmamakaawa niya.

Naiilang na nag-iwas ako ng tingin sa kaniya nang subukin ko na makipagtitigan sa kaniya. Tangina naman.

"Bitawan mo ako. Hindi nga ako ang Beatrice na hinahanap mo, Lazaro—"

"Then tell me, what's your name. What do you want me to call you?" tanong niya na hindi ko inaasahan. "If you don't want me to call you Beatrice then tell me what do you want me to call you, love. Please, let's end this. Nasasaktan na natin ang isa't-isa. Nasasaktan mo na ako. Alam mo na hindi ko kakayanin kung pati ikaw mawawala pa sa akin. Alam mo na ikaw na lang ang kasama ko. You know that I don't have parents nor siblings that I could hold onto. Sa'yo na lang ako ulit, love. Tayo na lang ulit," paggaralgal ng boses niya.

Napalunok ako nang makita ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. Ang pilit na nagtutulak na kamay ko sa dibdib niya upang pakawalan niya ako ay parang may sariling isip at nagkusa iyon na tumigil.

"What do you want me to call you? Just tell me, I'll try my best to call you in that name if that's what makes you stay. Please, don't leave me anymore. Tell— tell me what... how should I address you."

"E-Ella," maikling sagot ko. Awa ang bumalot sa pagkatao ko habang pinagmamasdan ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Ella ang pangalan ko," paglilinaw ko.

Tipid siya na ngumiti at bahagyang tumango. "Ella," aniya. "I preferred more to call you Bee or love but Ella will do," aniya.

Hindi ko na naipagtanggol pa ang sarili ko nang hapitin niya ako palapit sa kaniya gamit ang mga braso niya.

"Hindi ako makahinga," reklamo ko nang makabawi.

Dinig ko ang bahagyang pagtawa niya bago ko naramdaman ang pagluwag ng yakap niya. "Gutom ka na ba? Let's eat. I brought chicken kasi anong oras na rin ako na nakauwi, hindi na ako makakapagluto. I thought you might be hungry already then naabutan naman kita rito na natutulog."

Para akong tuod na napakurap na lang nang pakawalan na niya ako at nauna na siyang tumayo. Wala sa sarili na bumangon na ako mula sa pagkakahiga at tiningnan siya na nag-aasikaso roon sa mini table.

Ngumiti siya sa akin. "Kinain mo ba lahat 'yung pagkain na dinala ko kanina?" aniya sa masigla na paraan. "You kept declining the foods that I gave to you these past few days and I am worried that you might get sick and so I cooked your favorite food," masayang aniya.

Hindi ko maiwasan na manibago sa kinikilos niya. Hindi ko magawang sumagot at mas hinahanap ko ang pagbabangayan namin na dalawa dahil sa kapipilit ko na hindi ako ang tao na hinahanap niya.

"Let's eat," aya niya sa akin at asta pa siya na lalapit sa akin nang itaas ko na ang palad ko upang patigilin siya.

"Maghintay ka na lang diyan," utos ko.

Tipid siya na ngumiti at saka siya animo'y mabait na bata na naghintay roon. Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa kinikilos niya.

Sa huli ay kumain kaming dalawa. Nailang pa ako ng husto nang halos hindi na siya kumain at ako na lang ang inasikaso niya nang inasikaso.

"Kumain ka na," utos ko.

Naiilang na ako sumubo dahil nakatitig lang siya sa akin at ang mas nakakairita pa ay nakangiti siya sa akin habang magkasalikop ang mga kamay niya na pinapatungan ng kaniyang baba.

Nang matapos kami ay siya na rin ang nag-asikaso sa mga pinagkainan namin. Sinama pa niya ako sa rest room para linisin ang mga ngipin namin.

Kaya naman hanggang sa matutulog na lang ay nagulat pa ako nang kumuha siya ng isang unan sa kama nita at saka iyon dinala sa sofa na tinutulugan ko matapos niyang patayin ang ilaw na anging dahilan upang lamp na lang ang magbigay ng ilaw sa loob ng silid.

"Doon ka na sa kama, ako na rito," aniya.

Awang ang bibig ko at hindi makapagsalita dahil sa inaasta niya at pinapakita niya na ugali sa akin ngayon.

"Good night, Ella," aniya bago niya tuluyan na ipinikit ang kaniyang mga mata.

Naiwan ako na nakaupo sa kaniyang kama habang nakatingin sa kaniya. Hindi pa rin napoproseso ng utak ko ang mga nangyari simula nang maalimpungatan ako mula sa pagkakaidlip.

Napakurap na lang ako nang mapansin na tumagal ang pagkakatitig ko sa kaniya. Dahan-dahan na lang din ako na sumampa sa kama para magpahinga na rin.

Patalikod ako na humiga at saka tahimik na nagbuntonghininga. Gusto kong matawa kung paano ang pagbabangayan namin ay nauwi sa ganito sa isang iglap.

Muli akong humarap sa gawi niya ngunit nagulat ako nang makita na nakamulat na siya at nakatingin din sa gawi ko. Tipid lang siya na ngumiti at saka siya kusa na tumalikod upang marahil iwasan din na magkatinginan kami.

"Come to think of it, Ella. Kung ganito na nagiging mabait na siya sa'yo why don't you just gain his trust more and so that payagan ka na niya na makauwi?" pagkausap ko sa sa aking sarili ngunit hindi na isinaboses pa.

Hindi ako sigurado kung magtutuloy-tuloy ang pagiging mabait sa akin ni Lazaro ngunit dumaan ang mga araw ay nagpatuloy ang pag-asta niya na ganoon kaya naman ay sinabayan ko iyon.

Pinilit ko na pakisamahan siya sa abot ng makakaya ko. Although, there are times na natatawag pa rin niya akong Beatrice ay hindi ko na lang din pinapansin pa dahil ramdam ko naman na hindi rin niya inaasahan minsan na lumabas na lang iyon sa bibig niya. Maybe it is because he was used to call Beatrice on her name na pati ako ay natatawag niya na ganoon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status