Share

TBTO 2: Slave

Nakatalukbong ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi rin nagtagal nang tawagin ako ng isang pamilyar na boses. Pinikit ko na lang mga mata ko upang magkunwari na tulog.

Sa pag-aakala na aalis na lang iyon dahil tulog pa ako ay nagkamali ako. Napadaing ako nang bumagsak ako sa sahig matapos niyang hilain ang bedsheet.

Masama ang tingin ko kay Lazaro nang balingan ko siya. Hawak ang balakang ko ay tumayo ako mula sa sahig.

"Ano bang problema mo?" inis na tanong ko.

"Tumayo ka na riyan. Magluto ka ng pagkain," utos niya.

Napaawang na lang ang bibig ko sa kaniya. Hindi makapaniwala sa narinig.

"At bakit ko naman gagawin 'yon?" tanong ko. Kulang na lang ay manlaki na ang butas ng mga ilong ko dahil sa inis.

"Because I said so," aniya.

"Hindi mo ako katulong—" Napatigil ako sa sasabihin ko nang makita ang baseball bat na hawak-hawak niya.

"May sinasabi ka?" tanong niya. Nakataas ang kaniyang kanan na kilay habang nakatingin sa akin.

"Anong lulutuin?" tanong ko sa takot na ihampas niya sa akin iyon. Nagawa na niya akong saktan kaya hindi malabo na ihampas nga niya sa akin ang baseball bat na hawak niya. Paniguradong malulumpo ako kapag hinampas sa akin iyon.

"Alam mo kung ano ang gusto ko," simpleng sagot niya.

"At alam mo rin na hindi ako manghuhula," balik ko.

Nagtitimpi na nagpilit ako ng ngiti at saka iika-ika na lumakad palabas ng silid nang tingnan lang niya ako. Inirapan ko ang isang lalaki na nakaupo sa sofa dahil sa inis.

"Beatrice are you mad at me?" natatawang tanong pa noon.

"Hindi nga ako si Beatrice!" hindi maiwasang pasigaw na sagot ko.

Padarag ako na umupo sa dining chair. Hindi ko maayos na maitapak ang mga paa ko dahil sa pagkakahulog ko kanina.

"Move!" sigaw ni Lazaro na siyang nagpagulat sa akin.

"Sandali!" inis din na sigaw ko. "Kung makapag-utos ka!"

Hindi ako nasanay na may taong sumisigaw sa akin bukod kay Mama. Si Mama ang bukod tangi na sinusunod ko kahit na masama ang loob. Siya lang din ang kaya ko na sundin pero itong lalaki na ito? Wala akong makita na dahilan upang sundin ko siya dahil unang-una ay wala naman siyang ambag sa buhay ko.

"What happened to her, bro?" pagsingit noong lalaki kanina na nakaupo sa sofa.

"Bumalik ka roon!" pagpapaalis sa kaniya ni Lazaro.

Ngumuso lang iyon bago ako kinindatan at umalis na rin. Sumunod na rin naman sa kaniya si Lazaro dahilan upang maiwan ako mag-isa rito sa kusina.

Hindi na mapaglagyan ang inis at galit ko sa nangyayari sa akin. Wala naman akong kasalanan pero ganito ang tinatamasa ko ngayon.

Panigurado hinihintay na rin ako ni Mama sa bahay. Baon na kami sa utang at hindi na rin kami pinapautang pa lang dahil masiyado ng malaking halaga ang nakuha namin sa mga tindahan doon.

Suweldo ko nga ay tama lang na pambayad namin ng mga utang. Ang ilan sa mga natitira ay pinangsusugal pa ni Mama. Hindi rin ako makareklamo dahil baka palayasin niya ako sa bahay pero kahit ganoon ay mahal ko rin naman si Mama. Siya na lang naman ang mayroon ako.

Tinapos ko ang niluto na itlog at bacon. Nagsandok na rin ako ng kanin sa plato. Ginawa ko ng tatlo upang makakain na rin 'yung kasama niya na isa.

"Kakain na!" tawag ko sa kanila ngunit masiyado silang abala sa panonood ng basketball.

Kahit hirap ay iika-ika ako na naglakad papalapit sa gawi nila. "Kakain na sabi," pag-uulit ko habang nakatayo sa gilid nila.

"Bring the food here. Dito na kami kakain," utos ni Lazaro.

Matagal ko siyang tinitigan pero sa huli ay wala rin akong magawa kung hindi ang sundin na lang ang utos niya.

"What the fuck is that?!" galit na tanong niya.

"Pagkain," sagot ko habang nakatingin sa nakahain na pagkain sa harapan niya.

Nakangiwi na tiningnan ako ng kasama niya. "I thought nagpaluto ka ng chicken curry?" tanong niya kay Lazaro. "Bakit 'yung itlog ng chicken lang nandito?"

"I did!" Galit niya ako na tiningnan.

"Wala kang sinabi!" pagdedepensa ko sa sarili ko. "Tinatanong kita kanina kung ano ang lulutuin hindi ka sumasagot!"

Gusto kong matawa dahil parang kasalanan ko pa na hindi masunod ang gusto niya where in the first place ay wala naman siyang sinabi kung ano ang gusto niya na kainin.

Kung ipipilit ko naman sa kaniya na ako si Beatrice ay hindi rin naman niya ako paniniwalaan.

"Beatrice, I am not playing with you. Huwag mong sagarin ang pasensiya ko sa'yo," aniya.

"Pero wala ka naman talaga sinabi—"

"Because you know what I want! Lagi mong niluluto sa akin ang chicken curry and now you're telling me na hindi ko sinabi kung ano ang gusto ko? What is this?"

Napaatras ako nang ibato niya sa gawi ko ang mga pagkain na hinanda ko. Napalunok na lang ako habang nakayuko. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko nang dahil sa takot nang makita ko ang paglapit niya sa akin.

Napatingala ako nang hilain niya ang aking buhok at pilit na hinanap ang aking mga mata. Masiyadong mahigpit ang hawak niya at pakiramdam ko ay gusto pa niyang tanggalin ang mga buhok ko kung maaari.

"Hey, Azaro. Stop it," pagpapatigil sa kaniya.

"Stop it? Kanina pa ako nagtitimpi sa babaeng ito!" galit na baling niya roon.

"You're hurting her. Natatakot na siya sa'yo. Come on."

Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng aking mga luha habang nakatingin sa kaniya. Hindi ako makapagsalita dahil alam ko sa oras na magsalita ako ay hikbi na ang lalabas.

Nasanay ako na magpanggap na matapang pero ang totoo ay gusto ko lang din na protektahan ko ang sarili ko para sa mga katulad niya na bully na alam kong kaya lang niya gawin sa mga alam niya na hindi siya papatulan.

Kulang na lang ay mapaupo ako sa panghihina nang sapilitan na tinanggal noong isang lalaki ang kamay ni Lazaro sa akin.

"Are you okay?" tanong noon sa akin.

"Stop worrying about her. You know what she did to me, Sean," ani Lazaro.

"Stop acting like a child, Azaro."

Pinunasan ko ang mga luha ko at saka nagmamadali na umalis ngunit hindi pa ako tuluyan na nakalalayo nang higitin niya ang braso ko.

"Bitaw— bitawan mo ako," ani ko, pilit na binubuo ang boses.

"And where do you think you're going, huh? Clean that mess and prepare another food."

"Sinabi nang bitawan mo ako!" nanginginig ang boses na sigaw ko.

Sa halip na bitawan ay isang malakas na sampal muli ang natanggap ko mula sa kaniya. Hindi ko alam kung anong lakas ng loob ang sumanib sa akin dahil nakita ko na lang ang sarili ko na ginantihan siya ng mas malakas na sampal.

"Ilapat mo pa 'yang palad mo sa pisngi ko. Hindi lang' yan ang aabutin mo," banta ko kahit nanghihina na nang husto.

Nag-uumapoy sa galit ang kaniyang mga mata ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at nagmadali na iniwan sila roon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status