Share

TBTO 5: Sofa

last update Last Updated: 2024-08-11 20:08:27

Napabaling sa gilid ang ulo ko nang maramdaman ang malakas na sampal ni Lazaro na tumama sa pisngi ko.

Marahas ko na hinatak ang mga braso ko sa dalawang lalaki na nakahawak sa akin. Hindi nila iyon pinakawalan at mas hinigpitan pa kaya naman ay sinamaan ko na lang sila ng tingin.

Pakiramdam ko ay humiwalay na ang panga ko dahil sa pagkakasampal sa akin. May nalalasahan din ako na lasang metal na animo'y dumugo pa ang labi ko.

"Is this what you really want, Beatrice?!" galit na sigaw niya. "Ilang beses ko ba dapat kailangan sabihin sa'yo na hindi ka puwedeng umalis sa bahay na ito?"

Masama ang mga tingin ang ipinukol ko sa kaniya. Gusto ko siyang sagot-sagutin ngunit iniisip ko rin na wala akong magiging laban kung pasasakitan niya ako dahil hawak ako ng mga tao niya.

"Iniwan ko lang na bukas ang silid mo dahil sa sobrang taas ng pride mo ay mamatay ka na sa gutom tapos ngayon wala pang isang oras na nakaakyat ako ay tumatakas ka na agad?!"

Pilit ko na binabawi ang mga braso ko ngunit mahigpit pa rin ang mga kapit nila. Pakiramdam ko nga ay parang napipilipit na ang mga iyon dahil sa paraan ng paghawak nila.

"Paanong hindi ka aalisan? Kung manduhan mo ang isang tao ay ganito na lang. Kapag may nagawa silang kasalanan ay sasaktan mo na agad. Ang mahirap sa'yo ay gusto mo lang ang nasusunod! Napaka-selfish mong tao, aware ka ba roon?" hindi ko mapigilan na pagsagot sa kaniya. "Isa pa pagod na ako. Lazaro, pagod na pagod na ako ipagpilitan ang totoo sa'yo na hindi nga ako ang babaeng hinahanap mo! Why don't you just take my advice na ipa-background check naman ako nang sa ganoon ay magising ka na sa kahibangan mo. Putangina, marami ka naman palang pera pero pag-background check lang hindi mo pa magawa? Napakayaman mo na tao pero hanggang ngayon ay tila hindi mo mahanap-hanap ang totoong Beatrice?" mahabang litanya ko.

Sinalubong ko ang mga mata niya na nag-uumapoy na sa galit. Kung galit siya ay mas galit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Gustong-gusto ko nang umuwi pero parang wala akong karapatan na magdesisyon sa sarili ko. Para akong pinagkaitan sa isang bagay na pagmamay-ari ko naman talaga.

Napapikit na lang ako nang itaas niya ang kaniyang palad na animo'y muli akong sasampalin. Ngunit dumaan ang ilang segundo ay wala naman akong naramdaman na kung ano dahilan upang magdilat ako.

"Dalhin niyo na siya sa loob. Idiretso niyo sa silid ko," utos niya sa kaniyang mga tauhan at tumalikod na upang umalis.

"Doon ako sa kwarto na pinagdalhan sa akin," utos ko naman sa mga nakakapit sa akin. "Kapag ako nakabitaw rito, ako mismo hahawak sa mga braso niyo at isa-isa kong puputulin 'yan," inis na banta ko. "Nakikita niyo nang namumula na ay kung makahawak kayo ganoon na lang. Lumpo na nga, mukha bang matatakasan ko pa kayo sa dami ninyo?"

Para lang ako nakipag-usap sa hangin nang hindi man lang nila ako bigyan ng pansin. Nag-uumapaw ang galit na nararamdaman ko habang tinatahak namin ang daan papasok sa loob. Doon ko lang napagtanto na kung diniretso ko kanina ang paglalakad kanina ay imposible pa rin pala na makatakas ako.

"Tatandaan ko 'yang mga mukha niyo," muling pagbabanta ko nang kaladkarin na nila ako dahil wala na sa paningin namin si Lazaro.

"Bilisan mo," utos pa niya.

Nagtitimpi na iika-ika akong naglakad na lang din. Binigatan ko ang sarili ko sa abot ng aking makakaya nang gusto na nilang lampasan ang silid na tinutuluyan ko.

"Sinabing dito niyo ako ipasok," galit na sigaw ko.

"Can you shut your fucking mouth up!" galit din na sigaw ni Lazaro nang lumabas siya sa isang room. "Ipasok niyo rito 'yan," utos niya.

"Patayin mo na lang ako. Hinding-hindi ako tatabi sa'yo matulog," ani ko.

"And I didn't tell you na tumabi ka sa akin. Sa sofa ka matutulog," tamad na sagot niya sa akin.

Nang magsimula sila na maglakad ay tuluyan na ako na nagpabigat. Kusang lumambot ang tuhod ko ngunit hindi man lang nag-abala ang dalawang may hawak sa akin na paayusin ako. Hindi na sila nag-abala pa na ingatan ako!

Hindi ko maiwasan na maisip kung ganito rin ba ang dinaranas ni Beatrice rito sa bahay na ito kaya niya naisipan na umalis na lang nang hindi na nagpapaalam pa. Ngayon na dinaranas ko ang mga ito ay hindi ko rin masisisi kung dahil nga rito kaya siya biglang naglaho.

Masahol pa sa impyerno ang bahay na ito para sa mga babae dahil maging ang mga tauhan ng boss nila ay wala silang pakialam. Wala silang pakialam kahit pa girlfriend ka ng amo nila.

Mas ninanais ko tuloy na makaalis na rito kaysa manatili rito kahit pa ng isa o dalawang araw.

Sinamaan ko ng tingin ang dalawang may hawak sa akin kanina nang padarag nila ako na tinulak sa silid ni Lazaro. Nagtitimpi na tiningnan ko siya sa harapan ko nang lumabas na ang dalawa.

Gusto kong matawa sa sarili ko dahil nagagawa ko pa na magtimpi sa ganitong sitwasyon. Tila rito mahahasa ang kahabaan ng pasensiya ko.

Nakaharang ako sa pinanonood niya ngunit wala rin akong lakas para umalis sa kinatatayuan ko.

"Bakit ba ayaw mo na pauwiin na ako? Lazaro, wala akong atraso sa kahit na sino bukod sa mga pinagkautangan namin ni Mama. 'yung ina ko sa bahay ay naghihintay sa akin! Kung sa'yo walang nag-aalala... walang naghihintay— puwes sa akin ay mayroon!" halos maiyak sa inis na sambit ko.

"Huwag mo akong simulan Beatrice. Hindi pa humuhupa ang nagawa ko ko na kasalanan ngayong gabi," pagpapatigil niya sa akin. "Now, move and sleep on sofa. Can't you see I am watching?" aniya.

Kulang na lang ay sumabog ako nang dahil sa galit. Inis na tumungo ako sa pinto upang lumabas na lang din.

"I said, on sofa!" pagdagundong ng boses niya.

"Bakit hindi ikaw ang matulog diyan," sagot ko. "Ako na nga ang dehado ako pa ang patutulugin mo sa sofa."

Bahagya siya na natigilan at mukhang hindi inaasahan ang sasabihin ko na iyon. Inirapan ko siya at tuluyan nang lumabas. Tumingin pa sa akin ang mga tao niya na nasa sala pero hindi na rin sila nag-abala pa na pigilan nila ako.

Dire-diretso ako sa silid na pinanggalingan ko ngunit naka-lock na iyon. Tuloy ay bumalik ako ulit sa kuwarto niya.

"Bakit naka-lock 'yung silid na nasa kabila?" inis na tanong ko.

"I know you will be this stubborn, Beatrice. Why can't you just follow what I said?" ani Lazaro. Mas kalmado na ngayon.

Sa sobrang inis ay kinuha ko ang tsinelas ko at saka iyon ibinato sa kaniya. Pinukol niya ako ng masamang tingin at nilabanan ko iyon.

"Where did you get this kind of behavior, huh? The last time I remember ay para kang pusa dahil sa amo mo sa akin tapos ngayon kung makaasta ka ay para bang ako na ang pinakanakakainis na tao sa mundo—"

"Dahil ikaw naman talaga!" gigil na pagputol ko sa sinasabi niya. "Can't you get it? Magkaiba nga kami ng Beatrice na sinasabi mo. Hindi ako si Beatrice at kailanman ay hindi ako magiging siya—"

"Shut the fuck up!" galit na rin na sigaw niya. "Nauubos na ang pasensiya ko sa'yo. Kaunti na lang at huwag mo na sagarin pa. Huwag mong sabihin na hindi ikaw si Beatrice dahil kilalang-kilala kita. Huwag mo ako gawing tanga. I won't fall for another trick you have. Never again, Beatrice. Ngayon, pumunta ka na sa sofa at matulog ka na."

Related chapters

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 6: I'm Sorry

    "Kumain ka na," utos niya matapos ilapag ang tray sa mini table rito sa kuwarto niya.Kanina pa niya ako inaaya sa ibaba para sabay na kami kumain pero nagmatigas ako. Hindi ko rin naman inaasahan na dadalhan pa rin niya ako rito.Nakasuot siya ngayon ng three-piece suit at mukhang papasok sa opisina. Pairap ko na iniwas ang mga mata ko mula sa kaniya nang tingnan niya ako hawak ang kaniyang neck tie.Ramdam ko ang paglapit niya sa akin pero hindi ako nag-abala na balingan siya. Mukha lang akong tanga na nakaupo sa sofa at hinihintay siya na makaalis upang ako naman ang umalis."Kuhanin mo," aniya nang iabot sa akin ang neck tie na hawak niya."Anong gagawin ko riyan? Pananakal sa'yo—""Can't you just put it on me and don't say too much. Damn, why are you so talkative. That happened since when?" tanong niya."May mga kamay ka 'di ba? Bakit hindi mo gamitin?" sagot ko. Ginawa pa akong katulong."You used to put it on me," aniya. "And this— this is the tie you bought for me," pahina nan

    Last Updated : 2024-08-21
  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 7: Ella

    Nagising ako mula sa pagkakaidlip nang maramdaman ang paghaplos sa aking ulo. Naalimpungatan na nagmulat ako ng aking mga mata at si Lazaro na mukhang galing lang sa pagligo ang bumungad sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at ginising ako noon nang makita ang sobrang lapit na mukha niya. Sinubukan ko na umupo at lumayo sa kaniya ngunit hinatak niya ako upang muling humiga. "Babalik na ako sa sofa," paalam ko dahil iniyakap na niya sa akin ang kaniyang kaliwang braso. Para akong daga na nahuli ng pusa at hindi ko magawang makaalis sa harapan niya. Para akong tinakasan ng tapang ko at maging ang bunganga ko ay tumitiklop dahil sa lapit niya sa akin. "I miss this. I miss being with you, Bee. Puwede ba na bumalik na lang tayo sa dati?" halos bulong na pagmamakaawa niya. Naiilang na nag-iwas ako ng tingin sa kaniya nang subukin ko na m

    Last Updated : 2024-08-22
  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 8: Seduce

    "Eyes on me, Ella," utos niya na nagpabalik sa katinuan ko.Hindi ko na napansin pa na matagal na pala akong nakatitig sa katawan niya. Wala siyang suot na pang-itaas nang lumabas siya sa banyo.Wala naman sa akin ang mga ganitong bagay dahil nakakakita na ako ng mga ganito bilang isang babae na ang trabaho ay escort. Sadyang maganda lang talaga ang pagkakakurba ng katawan niya na animo'y laging tumatambay sa gym."Eyes on me," natatawang aniya at saka hindi na nakatiis pa nang siya na mismo ang nag-angat ang aking ulo upang sa kaniya ko ibaling ang mga mata ko.Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin dahil sa lapit ng mga mukha namin. "Magsuot ka ng damit kung ayaw mo na nakikita ang katawan mo," utos ko.Nagulat ako nang sa isang iglap ay maramdaman ko sa palad ko ang matigas niya na tiyan. Napapaso na inagaw ko ang palad ko at napapalunok dahilan upang tumawa siya.Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong nakakatawa?" inis na tanong ko."Do you want to touch it?" tanong niya. "Come on, it's al

    Last Updated : 2024-08-22
  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 9: Sean

    Napahawak na lang ako sa kamay niya nang maramdaman ang daliri niya sa pagkababae ko. Ramdam ko ang pagkabasa noon at ang siyang nagpabaliw sa akin ay ang paraan ng paghawak niya roon. Halos idiin ko kay Lazaro ang likod ko dahil sa kakaiwas sa kamay niya na imposible ko rin na matakasan. Bumagsak ang ulo ko sa mga unan nang tanggalin niya ang kaniyang braso na siyang ginamit ko na pang-unan kanina. Sa isang iglap ay nasa ilalim na niya ako. Nahihiya na nag-iwas ako ng tingin. Patuloy niya na pinaglalaruan ang pagkababae ko habang nakatingin sa akin. Ako naman ay walang ibang nagawa kung hindi ang takpan ang bibig ko upang pigilan ang paglabas ng mga daing na hindi ko naman sinasadya na lumabas sa bibig ko. "Look at me," utos niya. Umiling ako. Hindi ko kaya na makipagtitigan sa kaniya sa ganitong sitwasyon. "Tama na," pagmamakaawa ko nang bilisan niya ang paglalaro sa pagkababae ko. Lumukot ang mukha ko at napahawak na lang sa braso niya nang walang sabi-sabi na ipasok niya a

    Last Updated : 2024-08-22
  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 10: Leaving

    Simula nang pagtatagpo namin ng landas ni Sean ay naging ilang ako sa kaniya. Ramdam ko rin ang madalas niya na pagsulyap-sulyap sa akin habang magkakasama kami ni Lazaro na mas lalong nagpapailang sa akin. Minsan kapag pumupunta siya rito sa bahay ay nagpapaiwan na lang ako sa silid. Hindi ko kayang humarap sa kaniya. Pakiramdam ko ay sinasakal ako ng hangin at hindi ako makahinga. Buntonghininga na pinagpatuloy ko ang pagluluto. "Smells delicious," ani Lazaro matapos kong maramdaman ang pagpulupot ng mga braso niya sa aking baywang. Natawa na lang ako. "Gutom ka na?" tanong ko. Tuluyan na rin na naging maayos ang pakikitungo ni Lazaro at kung ikukumpara sa Lazaro na sumalubong sa akin pagmulat ng mga mata ko noong unang araw ko rito ay malayong-malayo siya roon. Kung ilalarawan ko siya ay masasabi ko na maalaga siya at kulang na lang ay paliguan ka na niya dahil siya na ang gumagawa ng lahat lalo na kung tulog ako. He will take the chance that he have to do all the chores an

    Last Updated : 2024-08-22
  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 11: Money Offer

    Awang-awa ako na nakatingin sa kaniya. Hindi ko na nagawa pa na makapagsalita nang magsimula siya na umiyak. Wala akong ibang maramdaman kung hindi ang awa. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa relasyon nila ni Beatrice pero ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa babae na iyon. Ramdam ko na sobrang minahal niya ng sobra si Beatrice at hindi ko rin siya masisisi sa ipinapakita niya sa akin ngayon dahil nagmahal lang naman siya. Naaawa ako dahil mukhang hindi man lang siya nagtira ng pagmamahal kahit kaunti para sa sarili niya at ibinuhos niya iyon lahat kay Beatrice. Inubos niya ang lahat sa babae na niloko lang din naman siya kasama ng kaibigan na pinagkakatiwalaan niya. Tumingala ako upang pigilan ang luha na kanina pa nais na tumulo. Hindi ko alam kung paano ako makakapagsalita ng diretso dahil sigurado ako na sa oras na bumukas ang bibig ko ay manginginig ang boses ko. "Bee, hindi pa rin ba naabot ng best ko ang expectation mo para sa isang lalaki?" nahihirapan na tanong

    Last Updated : 2024-08-23
  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 12: Asthma

    "What did you do!" galit na salubong sa akin ni Sean nang maabutan niya ako sa sala. Namumula siya at bahagyang nanginginig. "Nasasaktan ako," reklamo ko nang higpitan niya ang hawak sa braso ko. "He fainted and you didn't even bother na dalhin siya sa hospital? Bee, do I even know you?" Padarag ko na binawi ang kamay ko. "Ang dapat na itanong ko ay nakilala mo nga ba talaga ako?" tanong ko. "You don't know anything and so don't accuse me to the thing that I didn't do—" "Hindi mo ginawa?" tumatangong aniya. "Gusto mo bang sabihin na inatake na lang si Azaro ng asthma niya without any reason? Do you really think that I would buy that?!" "Nag-usap lang kami. Ano ba ang ginawa ko sa kaniya?! It's not my fault kung inatake siya ng asthma. Malinis ang konsensiya ko na wala akong ginawa sa kaniya—" "No, you don't. Matatawag pa ba na malinis ang konsensiya mo kung hinayaan mo lang siya sa kusina na naghahabol na ng hininga niya habang ikaw ay abala sa pakikipagtalo kay Harold p

    Last Updated : 2024-08-23
  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 13: Proof

    Ang pagkakataon na makakatakas na sana ako Mula sa kamay ni Lazaro ay hindi na nangyari pa nang muli akong hilain ng mga bantay niya. Hindi pa nakatulong si Mama dahil maging siya ay hinatak ako pabalik sa loob ng hospital. "Ano ba ang mahirap intindihin sa hindi ako ang Beatrice na hinahanap niyo?! Ma, ipaliwanag mo sa kanila," pakiusap ko sa kaniya nang makita na nakatingin lang siya sa akin. Umiling siya sa akin. "Nagsisinungaling lang siya. Tita niya ako at pamangkin ko naman si Beatrice. Ang totoong pangalan niya ay Beatrice," sagot ni Mama. Halos manlambot ako sa sinabi niya. "Mama, please—" "Hindi mo nga ako ina, Beatrice! Tigilan mo na ang pagsisinungaling mo! Hindi ka ba naaawa rito kay Lazaro? Sa sobrang katigasan ng ulo mo ay pati siya na-hospital niya," pangangaral pa niya. Napapahilot sa sintido na tiningnan ko siya. Hindi ko na maintindihan kung ano ang sinasabi niya. Ni hindi ko alam kung bakit siya umaasta ng ganito! "Sige na, mauuna na ako. Kahit huwag ka

    Last Updated : 2024-08-23

Latest chapter

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 21: EastWood

    Inaasahan ko na hindi na ako aabutan pa ni Lazaro pagdating ng umaga ngunit nagkamali ako. Saktong alas tres nang bumaba ako at naabutan ko siya sa kusina na hawak ang isang sachet ng kape. Bakas sa mukha niya na hindi rin niya inaasahan na makita ako na gising ng ganito kaaga. Tiningnan pa niya ang kaniyang relo bago muling itinuon ang atensiyon sa akin. "Why are you up too early? Alas tres pa lang ng umaga," mababa ang boses na aniya. Nagkibit-balikat ako at sinamahan siya roon sa lamesa. Katatapos ko lang maligo at balot pa ng tuwalya ang basang buhok ko. Nagkataon na ako ang pinatulog niya sa kama kaya hindi ko alam na gising na rin pala siya. "Coffee?" offer niya. Umiling ako. "Ako na," sambit ko at saka ako kumuha ng baso upang pagtimplahan ang sarili ko. "Anyway, I'll go back to EastWood later. I already told you about that last night... if you forgot." Tumango ako. "Anong oras ang alis mo?" tanong ko. As much as I could, I want to have a civil relationship with

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 22: Longing

    Panay ang hikab ko sa sumunod na araw. Gayunpaman ay hindi ko rin hinayaan na maging pabaya ako sa trabaho. Pinilit ko na kumilos kahit pakiramdam ko ay sinasaktan ko lang ang katawan ko. Dumaan ang tanghali. Pakiramdam ko ay hindi bababa sa sampung libo ang kinikita ng restaurant na ito dahil sa panay na pasok ng mga customer. Karamihan ay mga trabahador sa kanto at mga estudyante. Mura ang mga pagkain dito kaya siguro ay kahit ganito na hindi naman malaki ang karinderya ay pinupuntahan pa rin ng mga tao. Pinilit kong ubusin ang pagkain ko upang walang masayang na tira. Muntik pa akong mabulunan dahil sa pagmamadali. Tinatawag na ako ulit sa labas. Ang senaryo ay isa-isa kaming kakain dito sa loob upang hindi mawalan ng tao sa labas. Iyon nga lang ay sampung minuto lang ang binibigay, bahala ka na kung mabilaukan ka pa. Ni hindi ko alam kung tatagal pa ako sa trabaho na ito. Ilan sa mga putahe na tinitinda ay luto ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero hindi malabo na mapasma

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 20: Start Up

    Maaga ako gumising kinabukasan. Hindi pa lumalabas si Lazaro ng silid nang umalis ako sa bahay.Gamit ang barya na mayroon ako ay bumili ako ng biodata upang gamitin iyon sa pag-apply ng trabaho. Inaasahan ko na rin ang mababang sahod dahil nasa probinsya ako pero mas gugustuhin ko ito kaysa bumalik sa siyudad na wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang magtanim ng sama ng loob kay Mama at Kirsten."All around ka rito, kaya mo ba 'yon? Maghuhugas ka ng plato at magbibigay ng mga order ng customer, maglilinis ka rin ng tindahan bago umuwi," sambit ng may-ari ng karinderya."Magkano naman po ang sahod sa isang araw at... makukuha ko ba siya tuwing gabi o lingguhan ang sahod?" tanong ko naman."Three hundred ang araw mo, ililibre ko na rin ang pagkain mo," sagot niya.Napatango ako nang marinig iyon. Ayos na rin iyon, hindi man umabot kahit sa kalahati ng sinasahod ko sa pag-eescort ay masasabi ko na disente naman ang three hundred. Bukod pa roon ay libre na ang pagkain ko."Kailan p

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 19: Tired

    "Paulit-ulit na lang tayo, Bee. Hindi ka ba napapagod?" pagpuputol niya sa katahimikan na namayani sa pagitan namin.Pareho kami na nakatanaw sa bilog na buwan. I just accept the fact na wala na akong takas pa. Dapat ko na lang din siguro tanggapin na ganito na lang ang buhay ko.Aaminin ko na napakadali... napakabilis ko para sumuko na takasan ang problema na ito pero wala na rin akong nakikitang daan para matapos ito."Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan?" balik ko na tanong sa kaniya.Ramdam ko ang pagbaling niya sa akin ngunit hindi rin nagtagal nang ibalik niya sa harapan ang kaniyang paningin."Napapagod na rin ako," sagot niya. "Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. As much as I could, I don't want to be rude at you kahit na ikaw ang may kasalanan. Kaya ko na idaan sa dahas ang lahat if that's the only way na mapanatili kita sa tabi ko. If I was just a man who can afford na makita kang nasasaktan... nahihirapan, the things will be easy for me, mas magiging madali

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 18: Consequence

    Napahikab ako habang nakatingin sa araw na paputok na. Madaling araw nang makarating ang sinasakyan ko sa El Cosa.Wala pa akong mapupuntahan kaya naman ay dumiretso ako rito. Kumpiyansa ako na walang makakakilala sa akin dito at higit sa lahat ay hindi ako masusundan ni Lazaro.This province was never been related to me. It just happened na dinala ako rito ng isa sa mga na-escort ko at sadyang nagustuhan ko ang kapayapaan na hatid nito sa puso at isipan ko.Nanatili ako roon hanggang sa tuluyan na lumiwanag ang paligid. Hindi tulad kanina, nakikita ko na ngayon nang mas maayos ang gubat na dinaraanan ko upang lumabas na sa highway.Naghanap lang ako ng maliit na bahay na puwede kong pagtirahan at doon nanatili. Pakiramdam ko ay ubos na ubos ang energy ko sa biyahe kahit na nakaupo lang ako.Gabi na nang lumabas ako sa nirerentahan na maliit na bahay. Maraming tao sa labas at hindi na rin nawala pa ang mga tambay na panay ang pangca-cat call.Bumili ako ng ilang damit, pagkain na maka

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 17: Card

    Matapos ang pag-uusap nila ni Sean ay hindi na rin ako nakisalamuha pa sa kanila. I distance myself, bagay na pakiramdam ko ay nagugustuhan din ni Sean.Kalmado ako na naglakad palabas ng bahay. Gusto ko pa magbunyi nang makita na walang gaanong tao. Nasa trabaho si Lazaro. Unti-unti nang nababawasan ang mga tauhan niya rito sa bahay na sobrang ipinagpapasalamat ko."Ma'am," tawag sa akin ng isang lalaki na bigla na lang lumabas sa quarter.Bahagya lang ako ngumiti. Itinaas ko ang dala ko na tupperware."Puwede mo ba buksan 'tong gate? Maghahatid ako ng lunch ni Lazaro," sambit ko.May pagdududa pa sa kaniyang mga mata na sinuklian ko lang ng tawa."Hindi ako tatakas. Gusto ko lang dalhan ng lunch si Lazaro," pagkukumbinsi ko."Puwede po kitang ipahatid kay Robert, maghintay po kayo rito-""I can take taxi. If you want, you can call Lazaro para mapanatag ka," dagdag ko nang hindi pa rin maalis sa kaniyang mga mata ang pagdadalawang isip na buksan ang gate.Sa huli ay nagbuntonghininga

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 16: Strange

    Nagising ako nang may maramdaman na bahagyang sinusuklay ang buhok ko. Nang magmulat ako ng aking mga mata ay naduling na lang ako nang makita ang mukha ni Lazaro na sobrang lapit. Hindi rin nagtagal nang maramdaman ko ang pagpatak ng magaan niyang halik sa aking labi. Nagsalubong ang mga mata namin nang umayos na rin siya ng upo. Tumaas ang kilay ko nang ngumuso lang siya. "Kumusta 'yung braso mo?" tanong niya. Napairap na lang ako at saka bumangon mula sa pagkakahiga. Inalalayan niya ako. "Kayang-kaya kang sakalin dahilan sa pinaggagagawa mo sa akin," inis na sambit ko. Pati 'yung nagpapahinga na tao ay hindi niya pinalalampas. Halikan ba naman kahit tulog? Tumawa lang siya at saka kinuha ang kamay ko. Tiningnan ko iyon nang paglaruan niya. "I'm sorry," aniya. Kusang nagsalubong ang mga kilay ko nang dahil doon. Minsan ay hindi ko na rin talaga makuha kung ano ang trip niya sa buhay. "I am aware na there's really a possibility na mangyari ang mga ganoong event during an a

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 15: Car

    Pinilit ko siyang itulak upang makawala ngunit mas mabilis ang kaniyang mga kamay na ilagay ang aking mga kamay na nanlalaban sa kaniyang leeg at doon mahigpit na hinawakan. Naghabol ako ng hangin nang ilang sandali pakawalan na rin niya ang aking labi. Matalim ang tingin ko sa kaniya. Nagkalat na ang lipstick ko sa labi niya dahil sa paraan ng paghalik niya sa akin. "Nahihibang ka na ba— Oh my..." "Yes, I am," malamig na aniya matapos bahagyang pisilin ang aking dibdib. Napalunok na lang ako nang makita ang madilim niyang mga mata. Saka ko na lang napansin na sasakyan pala niya itong nasa likuran ko nang buksan niya iyon. "Bumalik— Bumalik na tayo sa loob," nauutal na sambit ko. "For what? Para makipag-usap ka na naman sa lalaki na iyon?" tanong niya. "And what's wrong with that, Lazaro— No, bitawan mo ako! Lazaro!" pagpapatigil ko sa kaniya nang mapahiga na lang ako sa upuan ng sasakyan niya sa likod nang itulak niya ako. "Akin ka lang, Bee. Walang ibang may ari sa'yo kung

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 14: Auction

    "Puwede bang manahimik ka na lang?!" inis na baling ko kay Lazaro nang punahin niya ang suot ko. "Para lang ipaalala ko sa'yo ikaw ang pumili nito.""Huwag na tayong pumunta," labas sa ilong na aniya.Sinamaan ko siya ng tingin bago ko tuluyan na maisuot ang hikaw na siyang kukumpleto sa suot ko ngayon."Tumayo ka riyan. Aalis na tayo," inis na utos ko sa kaniya nang maupo siya sa sofa."No, dito lang tayo. Hindi tayo aalis," pinal na desisyon niya.Tiim ang bagang na tiningnan ko siya. Sinalubong lang din niya ang aking mga mata na para bang nanghahamon pa."Ano bang problema mo?!" hindi maiwasan na tanong ko. "Pinipilit mo akong sumama sa'yo rito kahit na ayaw ko dahil wala naman akong pagpipilian tapos ngayon na nakahanda na ako at nakaayos na ay sasabihin mo na huwag na tayong pumunta?" hindi makapaniwalang tanong ko.Napabuga na lang ako ng hangin nang irapan niya ako. "Your gown is too revealing, Bee—Ella," mabilis na pagbawi niya at bahagyang umubo. "Maraming tao sa pupuntahan—

DMCA.com Protection Status