Home / Mystery/Thriller / Shadow / CHAPTER 10: RAVENWOOD

Share

CHAPTER 10: RAVENWOOD

NASSUS

Binalot ng malamig na hamog ang buong Ravenwood at isa lamang ang ibig nitong ipahiwatig. May paparating na bisita sa aming kaharian. Kakagising ko lang at hindi na magkandaugaga ang mga kasapi ko sa pag-aayos, pagpili, at paglilinis.

"What's going on? Darating ba ang Hari?" masayang tanong ko. Disapoointed na tiningnan ako ni Vanessa, isa sa mga kasapi ng SC. "Huh? Anong pinagsasasabi mo? Hindi pa ba nakarating sa iyo 'yong balitang ibabalik na ng Brimstone si Victor? Kasalukuyan na silang naglalakabay," wala sa loob na tugon nito. Saglit akong naguluhan dahil sa sinabi ni Vanessa. 

Anong sila?

May kasama pang iba si Victor? Si Serah kaya? Si Marcus? Psh, hindi naman sasama ang ugok na 'yon, masyado siyang tamad para lumabas sa Brimstone.

"Si Serah ba ang kasama ni Victor?" tanong kong muli. Umikot ang mga mata ni Vanessa dahil mali ang hula ko. "Ang iyong Zhenikh ang kasama niya. Kaya kung ako sa'yo, maghanda ka na rin dahil anumang oras ay darating na sila," iritableng tugon nito. Halos tumalon ang puso ko sa tuwa noong marinig iyon. Hindi ko inaasahang papaunlakan ni Amang Serus ang kahilingan ko na makita si Cassandra. It's been a long time since we've seen each other, and I missed her so much.

Kaagad akong bumalik sa aking kwarto at nagpalit ng suot. Inayos ko rin ang aking buhok at ginamit ang pinakamamahaling pabango na nabili ko sa mundo ng mga mortal.

"And done!" masaya kong bulalas. Sakto naman no'n dahil narinig ko na ang pagtunog ng tarangkahan kaya dali-dali akong lumabas at sabik na hinintay ang pagpasok no'ng dalawa.

"Victooorrr!!" sigaw no'ng mga kababaihang kaagad na niyakap ang mokong. Pinagkaguluhan siya nito without knowing na baka gutom ang ito't malapa silang lahat. Kung sabagay, imposible namang mangyari iyon dahil hindi naman siguro gugutumin ng mga Psychic ang kanilang panauhin lalo na't sagana ang Brimstone pagdating sa pagkain. Paniguradong busog na busog doon si Victor. Naisip ko tuloy kung ilang tao ang nalapa niya sa loob? Isang buwan din siyang nanalagi at nakipaghalubilo sa mga Psychic.

Sumara na ang tarangkahan ngunit walang Cassandra na pumasok. Inilibot ko ang aking mga mata ngunit hindi ko mahagilap ang mukha nito. Sa sobrang inis, kaagad kong ginamit ang aking kapangyarihan upang pahintuin ang oras. Mabilis kong tinungo at hinila si Victor palayo sa mga kababaihan tapos nagtago kami sa likod ng paaralan.

Sa isang pilantik ng daliri, bumalik na sa dati ang lahat. Ang ang malawak na nginit no'ng mokong ay napalitan ng pagkadismaya noong makita niya ako sa kan'yang harap.

"Ano na naman'to, Nassus? Nagsasaya ako eh, bakit naman umepal?" dismayadong tanong nito. Kaagad ko siyang kinuwelyuhan at insi na tininanong kung nasaan si Cassandra. "Huh? Si Cassandra? Hindi mo ba nakita? Kasabay kong pumasok ah?! Owww! Alam ko na! Gumamit siguro iyon ng invisible kaya hindi mo napansin. Wag kang mag-alala, maya-maya rin eh mahuhulas na ang kapangyarihan no'n Gamitin mo na lang ang iyong pang-amoy kung maisipan man niyang gayahin ang itsura at uniporme ng mag-aaral dito sa atin," mahabang tugon ni Victor. Kaagad kong pinakawalan ito't iniwan mag-isa upang hanapin ang aking Zhenikh.

What the heck! Bakit mo itinago ang iyong sarili, Cassandra?!

CASSANDRA

Sh*t! Sh*t! Sh*t! Pinagkaisahan ako ng lahat! Hindi ko inaasahan na makikita ko si Nassus! Bwesit na Victor na ‘yon, hindi man lang ako binalaan na nakauwi na rin pala ang lalaking ‘yon dito sa Ravenwood, edi sana hindi na ako nakonsensyang ituloy pa ang paghatid sa kan’ya!

“Cass?” tanong ni Vanessa habang nasa ilalim pa rin ako ng invisible. Hah! What should I expect sa isa sa pinakamagaling na Sanguinian? Isa nga siyang threat sa aming mga Psychic.

Wala na akong iba pang nagawa kun’di ang tanggalin ang kapangyarihan ko. Kaagad ko itong binigyan ng matamis na ngiti bago yakapin. “What are you doing? Bakit ka gumam—“, “I just wanna surprise Nassus, ang kasi hindi ko siya mahanap,” alibi ko. Hindi ako namomroblemang magsinungaling dahil hindi kagaya naming mga Psychic, wala silang kakayahan na magbasa g utak.

“Ahhh~~ Ihahatid na kita sa kwarto ni Nassus, paniguradong naghihintay na rin iyon doon, ay gutom ka na ba? May mga espesyal kaming tao na inihanda sa iyo. Alam kong magugustuhan mo ang lasa nila,” nakangiting alok nito.

F*ck!!! I’m doomed!! Wala na talaga akong kawala!!!

“Gutom ako! Uhm, alam mo na, malaki ‘yong nabawas na pursyento sa lakas ko dahil sa paggamit ng invisible kaya, kakain na muna siguro ako tapos ako na lang ang magtutungo sa kwarto ni Nassus,” labag sa loob kong tugon. Marahan ako nitong inakay papunta doon sa maga nilalang na nakahilera. Puro sila bata na kung iisipin nasa edad 15 hanggang 18 anyos.

“Pili ka lang d’yan. Tapos ako na ang bahalang magpiga ng enerhiya sa mapipili mong nilalang,” ani Vanessa. Tiningnan ko ang bawat mukha ng mag-aaral, marahil, sila ‘yong mga taong may alam na tungkol sa mga Sanguine.

Itinuro ko ‘yong pinakabata. Wala lang, napakaganda kasi ng mga nito kaya siya na lang ang kakainin ko. Wag naman siyang masyadong mag-alala, hindi naman ako gano’n kagutom kaya paniguradong hindi pa aabutin ng kalahati ang enerhiyang mauubos sa kan’ya. ‘Yon nga lang, halos sampung taong bawas ng buhay rin iyo, pa’no na lang kung hanggang 25 years lang ang ilalagi niya sa mundo? Sabihin na nating tama ang hula ko na 15 nga siya ngayon? Edi tegi na siya pagkatapos kong kumain, hahahaha!

“Alright! ‘Yong ibang hindi napili, pakibalik na sila sa kulungan,” utos ni Vanessa sa iba pang Sanguine. Kaagad naman nila itong sinunod at tatlo na lang kaming nalalagi sa selyadong kwarto.

Piniringan ni Vanessa ang bata, tapos nagsimula na siyang tumikim ng dugo mula dito. Malakas na sigaw ang pinakawalan ng kaawa-awang nilalang dahilan upang mag-umapaw ang enerhiyang pinapakawalan nito.

“I’m digging in,” bulong ko tapos walang pakundangang hinigop ang mabangong enerhiya na malayang pinupuno ang apat na sulok ng kwarto. Wala pang limang minutong nakakalipas bumagsak na sa lupa ang walang buhay na biktima.

‘Such a greedy, b*tch,’ bulong ko sa aking isipan.

“Ikaw pala ang gutom sa ating dalawa,” natatawa kong ani habang pinupunasan ni Vanessa ang kan’yang bibig. “Hahaha! Pasensya ka na sa iyong nasaksihan. Hindi lang ako sanay na magtira kapag may inihaing pagkain sa akin," nahihiyang sagot nito. Alam kasi nila na noon pa man eh talagang nandidiri kami the way silang kumain kaya hindi na bago na mahiya talaga ang isang Sanguine sa harap ng isang Psychic.

"Ano ka ba! Salamat sa pagkain," ani ko. Tumango lang ito tapos nagpaalam na ako na hahanapin ko na si Nassus. Baka kasi kapag nagtagal pang hindi magkrus ang landas namin eh magwala na 'yon. Baliw pa naman ang isang 'yon kaya ayaw na ayaw ko talaga siyang makita.

Pagkalabas ko, huminga muna ako nang malalim dahil pakiramdam ko sasabog na ang aking tyan sa sobrang kabusugan. Hindi pa man ako kumakalma eh bigla na lang sumulpot sa aking harapan ang mukha ni Nassus na halos magdikit na ang mga kilay.

"Cass!" bulalas nito. I bet he's been searching for me kanina pa. Mahigpit na yakap ang iginawad nito, at dahil nasa public kami kung saan nagkalat ang mga kauri nito, sumabay na lang ako sa agos. 

"Where did you go? Bakit ka gumamit ng invisible? Iniiwasan mo ba ako?" hindi maakaling tanong nito habang nakayakap pa rin. "Huh? Why would I do that? Balak kasi kitang surpresahin kaya ko ginawa iyon. I'm sorry~~" paliwanag ko sa makitid niyang utak.Kaagad itong kumalas tapos walang ano-anong ninakawan ako ng halik sa labi.

Halos magwala ang kaluluwa ko hindi dahil sa tuwa kun'di dahil sa inis.

"Nas! We're in public!" bulalas ko. "I'm sorry, I just can't help it. You're so beautiful," banat nito. 

Napasapo ako sa noo dahil sa labis na kahihiyang natatamo. Buti na lang at naramdaman niya na hindi na ako natutuwa kaya dali-dali niya akong dinala sa kan'yang silid.

"Alam ba ito ni Amang Platos?" tanong ko. Nagbabakasakali lang naman ako na abaka may inihandang silid sa akin ang kan'yang ama na sana nga ay meron dahil ayaw kong magpahinga kasama ang dugyot na 'to.

"Oo naman. Alam din ito ng iyong Ama," masaya niyang tugon. 

Oh, f*ck!!!! 

"Look, Nass, alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon. Hindi natin 'yan pwedeng gawin hangga't hindi tayo kinakasal. Okay? Wala pa tayong permiso mula sa Hari at alam mo na, hindi rin ako handa pa par---"

"What? Hindi mo ba ako na-miss? Ilang taon tayong hindi nagkita, besides, ano namang pakialam ng Hari? Ang importante, pumayag na ang ating mga Ama sa relasyon antin kaya maaari na nating gawin ang ginagawa ng mga mag-asawang bampira," wala sa hulog na paliwanag nito.

Tang*na, bakit pa nga ba ako nage-explain sa buang na 'to? Aam ko naman na hindi niya ako maiintindihan. At isa pa, kasuka! Siya lang naman ang nag-insist na magkaroon kami ng ganitong klaseng relasyon. Ayaw ko sa kan'ya at mananatili lang kaming fiance. Never akong papayag na ikasal sa buang na katulad niya.

"Uhmmm-- okay. Pwede bang maligo muna ako?" pakiusap ko. Sumang-ayon naman ito na ikinatuwa ko.

Mabilis akong pumasok sa banyo at dali-daling hinugot mula sa aking dibdib ang tago-tagong pabango. Isa itong pampatulog na ipinamana pa sa akin ni Mamang. Buti na lang talaga at hindi ko ito iniiwan, dahil kung hindi katapusan ko na.

Nagpatak ako ng ilang butil sa aking leeg tapos malapit sa aking labi para tumalab agad ito kapag hinalikan ako ni Nassus.

At dahil limang minuto ang kailangang hintayin bago ito mag-activate, naligo muna ako. 

Hindi ako papayag na mataniman ng binhi ng isang basurang Sanguine. Magpapakamatay na lang kesa mangyari iyon!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status