CRISANTA
"How's it? Baldado na ba ang braso noong baguhan?" sabik kong tanong kay Britney habang nakaupo kami rito sa lumang bench malapit sa girls dorm. Hind ito sumagot ngunit isang ngiti ang kan'yang iginanti. "Nice! Alam ko namang hindi mo ako bibiguin," proud kong ani habang mahigpit na nakahawak sa kan'yang kamay. "Of course, alam mo namang malakas ka sa akin kaya kahit ano, gagawin ko para sa iyo," cool na sabi nito. Itinago ko ang kilig na aking nadarama. Tama nga ang propesiyang natanggap ko noon, may gusto sa akin si Britney, at lahat ng sasabihin ko ay susundin niya. Siya ang magiging tulay ko upang makamit ko ang kasikatan na hinahanggad ko noong nasa labas pa lang ako.
Ipapakita ko sa lahat ng mag-aaral ng Brimstone na ako lang ang nararapat nilang sundin dahil ako lang ang Reyna dito!
"Panigurado, namimilipit na sa sakit ngayon ang babaeng 'yon. Walang tutulong sa kan'ya, walang makikinig sa sasabihin niya kung susubukan niya mang magsumbong," nakangiting ani Britney. Tumango ako sa kan'yang tinuran. Habang nagpapalitan kami ng tawanan ni Britney, naagaw ang atensyon ko dahil sa makapal na ulap na umiikot sa malaking puno na nakatayo sa pinakalikod ng paaralan. Hindi naman talaga siya puno talaga, isa 'yong kulungan if I am not mistaken at naikwento na sa akin ni Cassandra dati 'yon na sa lahat ng lugar dito sa loob ng school, 'yon ang pinaka bawal na puntahan ng mga mag-aaral. Tumapak ka lang sa lupang kinatatayuan no'n, it's over. Bubulagta ka na lang na hiwalay ang iyong ulo.
"Britney, curious ka rin ba kung sino ang nakakulong sa kulungang 'yon?" mahinang tanong ko. Pinagmasdan niya rin ang malapunong kulungan tapos kabadng ibinalik ang tingin sa akin.
"Don't tell me---" Hindi na niya natapos pa ang kan'yang sasabihin no'ng maligalig akong tumango. "No way! That's dangerous, Crisanta! Walang pwedeng pumunta sa lugar na iyon!" mahina at halos pabulong na pagrereklamo nito. Ngumisi lang ako dahil duh??! Nakakalimutan niya na bang ako ang pinakasikat dito?"Boba ka ba? Syempre hindi ako ang susuong! Marami naman akong mga fans na ikakagalak na mautusan ko, right? I bet, mag-aaway pa sila kung sino ang dapat kong piliin," tugon ko. "Hah- Sa susunod sabihin mo agad. Kinabahan ako sa iyo," ani Britney tapos nagpakawala ng buntonghininga.
Nagsimula kaming bumuo ng plano ni Britney at kung kailan namin isasagawa ito. Naisip ko na si Lianne ang isabak dahil mukha namang matapang ang isang 'yon at madali na lang namin siyang mapapasunod, dahil duh? Baka gusto niyang maging baldado ang kabila niya pang braso. At isa pa, sawa na ako sa mga pipitsuging alalay ko na okay, sumusunod nga sa gusto ko pero mukhang papalpak sila sa ganitong misyon. Hindi sa kanila bagay 'yong mga adventurous type na utos.
"Okay. Bukas na bukas din natin isasagawa 'yong plan. Dapat ngayon ay makausap na natin ang babaeng 'yon o pwede rin namang surpresahin na lang natin bukas? Like, kaladkarin na lang natin siya papunta sa restricted area. Siguro naman hindi siya makakapalag kung ikaw 'yong hihila sa kan'ya, right? Paniguradong kapag nakita ka noon, mangangatog na ang kan'yang tuhod sa takot," ani ko. Tumawa nang malakas si Britney dahil masyado ko ata siyang pinupuri. "Yeah. I can't wait to see na gumulong sa lupa ang ulo nito kapag nahuli siya," tugon ni Britney. Tumango ako at inimagine ang sinabi nito. "Ahhh! By the way, muntik ko nang makalimutan. This is for you." Natigilan ako saglit noong makita ang maskara. Kaagad kong kinuha ito sa kamay ni Britney at hinaplos ang ibabaw nito. "You're so sweet! Tamang-tama! Pwede natin itong ipasuot kay Lianne bukas, ano sa tingin mo?" masayang ani ko.
"Ikaw ang bahala. I made that just for you. Pero kung gusto mong ipahiram kay Lianne, edi go," malumanay nitong tugon. Awww, gusto niya bang ako lang ang magsuot nito? Ang cute niya naman! Kung lalaki lang itong si Britney, paniguradong nahulog na ako sa kan'ya. Kaso hindi eh, kaya pasensya na lang talaga sa kan'ya.
Isinuot ko ang maskara para mapaligaya ang babaeng 'to. Hindi naman ako nagkamali dahil the moment na mailagay ko sa mukha ko 'yong gawa niya, lumiwanag ang mukha nito.
"Sabi ko na nga ba, bagay sa iyo!" masaya niyang ani. Pilit akong nakisabay sa masaya niyang ngiti though sa loob-loob ko, halos bumaligtad ang sikmura ko dahil sa masangsang na amoy.
Tatanggalin ko na sana ang maskara ngunit nagulat ako dahil bigla na alng akong nahulog sa lupa. Lumagapak ang likod at ulo ko dahilan upang mamilipit ako sa sakit.
"What the f*ck are you doing!" malakas na sigaw ni Britney. Tinapunan ko ng tingin 'yong taong kausap niya ngunit hindi ko na muling nagawa. Pumaibabaw sa aking 'yong pangahas na nilalang at walang ano-anong sinakal ako nito. Pilit kong tinatanggal ang kan'yang kamay ngunit masyado itong malakas para sa akin.
"Die!!! You need to die!!!" sigaw nito sa aking mukha. "B--Britney!" naghihingalo kong tawag. Kaagad nitong hinablot ang buhok ni Lianne upang mabitiwan ang leeg ko pero masyado siyang persistent na patayin ako kaya natakot ako bigla.
"Get the f*ck outta her!" sigaw ni Britney. Noong hindi gumana ang paghila niya sa buhok ni Lianne, napagpasyahan niyang sakalin din ito. Walang boses ang lumalabas sa bibig ko dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Lianne. Nagsimula nang lumabo ang paningin ko at pinagpapawisan na rin ako nang sobra.
"I said get off!" Sa mga sandaling iyon, umubo ako nang malakas at hinabol ang aking hininga habang hinihimas ang aking leeg. Nabitiwan na ako nang tuluyan ni Lianne ngunit nanlilisik pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa gawi ko.
"You f*ckng murderer!" naggigigil niyang sigaw. Isang malaking tandang panannong ang gumuhit sa aking mukha. Like what? Me? A murderer? Is she out of her mind? Nakahawak si Britney sa magkabilang braso ni Lianne kaya hindi ito makasugod sa akin. Padabog kong hinubad ang maskara at walang ano-anong tinungo ko ang gawi niya at sinampal ito nang malakas.
"Ulol! Mag-iimbento ka na lang, galingan mo na! Ako? Murderer? Nahihibang ka na ba? Ni hindi ko nga masikmurang marumihan ang kamay ko tapos aakusahan mo ako ng ganiyan? At ikaw Britney! I thought baldado na ang braso nito!" nanggagagalaiti kong sumbat. Hindi makapagsalita si Britney dahil kahit siya ay hindi makapaniwala na naigagalaw ng pesteng 'to ang kan'yang braso. "Disappointed kayo na hindi niyo nakita 'yong gusto niyong makita? Pwe! Para sabihin ko sa'yo, Crisanta, hindi ito ang huling beses na susunggaban ko 'yang pu*tang*nang leeg mo, naiintindihan mo ba? Kahit magtago ka pa sa saya nitong alalay mo, hahanapin at hahanapin kita!" gigil na ani 'to habang ako ay nakapikit dahil sa laway na pinakawalan nito.
How dare she humiliates me!
Nandidiri kong pinahid ang laway sa aking mukha tapos pinanlisikan ng mata ang pangahas na nilalang sa harap ko. Punong-puno na ako.
Punong-puno na ako!!!
"Hephephep! Bawal 'yang binabalak mo," bulong ni Cassandra sa aking tainga. Nagulat ako no'ng bigla na lang itong sumulpot sa aking gilid. Pinagmasdan ko ang mukha no'ng dalawa at kapwa rin silang gulat.
"Pffft! What a nice taste! Ang sarap niyo talagang takutin ano? Sayang, busog na kasi ako kaya I can't take the energies you're releasing," nanghihinayang na ani 'to. Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi niya, and alam kong hindi lang ako kun'di sila rin.
"What? Bakit ka nandito?" lakas-loob kong tanong. Inilapit nito ang kan'yang mukha sa aking kaliwang tenga at bumulong ng nakakatakot na salita.
"You're going to stab her, right? I saw it. You dirty little creature," tugon nito na naghatid ng labis na kilabot sa aking katawan.
Paano niya nalaman?
Mahigpit kong itinago ang patalim sa aking bulsa tapos nakipagsukatan ng titig sa kan'ya.
"Akin na si Lianne, hindi pa siya magaling," ani Cassandra. Mas lalo kaming nagimbal noong bigla na lang umangat si Lianne sa ere tapos nawala sila sa harapan namin ni Britney na parang bula.
"Totoo ba ang lahat ng nakita ko? Britney?" nangangatal kong tanong. It took seconds bago rumespunda ang bobita. "Yeah. She's not like us, right? Cassandra--she's not human," takot nitong tugon.
Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi kami nilinlang ng aming mata.
Habang naglalaro sa aming isipan ang hindi makatotohanang nasaksihan, naabot ng takot ang rurok ng aming katawan. Patuloy itong naghahasik ng lagim, gustong kumawala.
The next thing we knew, magkasabay kaming nagpakawala ng malakas na sigaw habang hindi pa rin malaman ang kasagutan sa bangungot na nakita.
CASSANDRA I really like Lianne's facial expression, sana pala kung noon ko pa nalaman na ganito kasarap ang enerhiyang kaya niyang ilabas, hindi muna ako nagpakabusog. "Hindi ka pa rin ba titigil? Don't worry, hindi naman kita sasaktan as long as hindi ka lumalabag sa dalawang patakaran," natatawang ani ko habang naghihingalo ito sa takot. Naririto na kami sa loob ng kan'yang silid at balak ko sanang manatili pa nang matagal dahil ang sabi ni Ama, baka ngayon na lumabas ang sikreto sa katawan nito. I wanted to devour her soul right now kung totoo man iyon. Alam niyo ba na kapag sinabi ng tao ang sikreto sa kanilang katawan, ito ay isang senyales na binibigyan kami ng permiso upang akuin ang kaluluwa nito? Like, in short, kami ang bahala kung ano ang gagawin namin sa kan'ya. Pwede naming gawing alalay, personal na pagkain, mga gano'n, depende sa trip. Pero ako? Kapag nalaman ko ang sekreto ni Lianne? Hindi na ako magdadalawang-isip, uubusin ko a
NASSUSBinalot ng malamig na hamog ang buong Ravenwood at isa lamang ang ibig nitong ipahiwatig. May paparating na bisita sa aming kaharian. Kakagising ko lang at hindi na magkandaugaga ang mga kasapi ko sa pag-aayos, pagpili, at paglilinis."What's going on? Darating ba ang Hari?" masayang tanong ko. Disapoointed na tiningnan ako ni Vanessa, isa sa mga kasapi ng SC. "Huh? Anong pinagsasasabi mo? Hindi pa ba nakarating sa iyo 'yong balitang ibabalik na ng Brimstone si Victor? Kasalukuyan na silang naglalakabay," wala sa loob na tugon nito. Saglit akong naguluhan dahil sa sinabi ni Vanessa.Anong sila?May kasama pang iba si Victor? Si Serah kaya? Si Marcus? Psh, hindi naman sasama ang ugok na 'yon, masyado siyang tamad para lumabas sa Brimstone."Si Serah ba ang kasama ni Victor?" tanong kong muli. Umikot ang mga mata ni Vanessa dahil mali ang hula ko. "Ang iyong Zhenikh ang kasama niya. Kaya kung ako sa'yo, maghanda ka na rin d
NASSUSMalamig na hangin ang gumising sa katawan ko. Pagkamulat ko ng mata nakita ko si Cassandra na nakayakap sa walang saplot kong katawan. Iniangat ko ang kumot na nakabalot sa aming katawan at doon ko napagtanto na hindi lang ako ang nakahubad kun’di pati na rin siya. Kahit nagdiriwang ang puso ko sa tuwa, naguguluhan akong bumangon dahil wala akong maalala sa nangyari.Hindi ko mabaliktanaw ‘yong ginawa namin, o kung ginawa ba talaga namin.“Good morning,” garalgal na bati ni Cassandra. Ginawadan ako nito ng halik sa braso tapos bumangon na rin.Hindi siya nagdalawang-isip na takpan ang katawan nito noong dumausdos sa kan’yang balat ang kumot.“What? Is there something on my face?” naguguluhang tanong nito. “Did we make it?” tanong ko pabalik. Kumunot ang noo nito na para bang hindi siya makapaniwala sa aking pinakawalang tanong. “Are you for real? Of course!” mabilis nito
NASSUSMalamig na hangin ang gumising sa katawan ko. Pagkamulat ko ng mata nakita ko si Cassandra na nakayakap sa walang saplot kong katawan. Iniangat ko ang kumot na nakabalot sa aming katawan at doon ko napagtanto na hindi lang ako ang nakahubad kun’di pati na rin siya. Kahit nagdiriwang ang puso ko sa tuwa, naguguluhan akong bumangon dahil wala akong maalala sa nangyari.Hindi ko mabaliktanaw ‘yong ginawa namin, o kung ginawa ba talaga namin.“Good morning,” garalgal na bati ni Cassandra. Ginawadan ako nito ng halik sa braso tapos bumangon na rin.Hindi siya nagdalawang-isip na takpan ang katawan nito noong dumausdos sa kan’yang balat ang kumot.“What? Is there something on my face?” naguguluhang tanong nito. “Did we make it?” tanong ko pabalik. Kumunot ang noo nito na para bang hindi siya makapaniwala sa aking pinakawalang tanong. “Are you for real? Of course!” mabilis nito
'Sa paaralang ito, may dalawa kang patakaran na dapat sundin. Panatilihing ang dila at mata ay sa iba nakatingin, sikreto mo'y itago nang mariin. Kung gusto mong mabuhay ay iyong panatilihing, itikom ang bibig at buksan ang isip.' "Lianne! What the f*ck?! Tutuloy ka pa rin, despite the fact na delikado ang lugar na 'yon? Nahihibang ka na ba? Nawala na sa'kin ang Kuya ko, pati ang Kuya mo! Tapos ngayon, isusugal mo ang kaluluwa mo sa loob?" ani Mariz, kababata ko. Pilit kong tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa dala-dala kong maleta. Wala na akong oras para makipag-dramahan sa kan'ya. Buo na ang desisyon ko na suungin ang impyernong 'yon para hanapin kung sino ang pumatay sa kapatid ko. "Mariz, let me go," walang buhay kong utos. Hindi niya ako pinakinggan kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang kaladkarin siya kasama ang maleta. Nang sandaling bumitaw ang kan'yang kamay, malalakas na palahaw ang pinakawalan nit
LIANNE Bakit gan'yan sila makatingin sa'kin? May dumi ba ako sa mukha? Weird ba ng suot ko? Sarap dukutin ng mga mata! "Okay class, let's welcome your new classmate," masayang ani ng Guro habang mapaklang nakangiti sa mga mag-aaral. Psh, halatang mga plastik, okay lang naman sa akin kahit ibalandra nila 'yong totoong nararamdaman nila, bakit pa sila nagpapakahirap na magbato ng pekeng ngiti sa harap ko. "New classmate? Baka new prey kamo," balagbag na sagot no'ng isang babae sa likuran. "Sophia, shut your mouth," mariing pagbabanta ng Guro. Isinawalang bahala ko na lang ang pagpapapansin ng kung sino mang buang na 'yon at mabilis na nagpakilala sa madla. "My name is Lianne Gabrielle Villamuel. Kung ayaw niyo sa'kin, ayaw ko rin sa inyo. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko para mag-fit sa standards na gusto niyong makita sa isang baguhan. Sana maliwanag 'yon sa inyo," mayabang kong ani. Naglakad na ako papunta sa bakanteng upuan sa dulong part
LIANNE Pasado alas dyes na ng gabi. Base sa sinabi nito ni Xaria, hanggang alas nwebe lang daw ang curfew, edi pwede na akong lumabas ngayon, dahil lagpas na 'di ba? Kinuha ko ang papel at sinulat dito kung pwede na akong umalis. Ilang segundo munang tumunganga si Xaria, bago ito tumango. "Thank you," mahinang ani ko. "Walang anuman. Binabalaan kita, hangga't maaari, kapag nakapasok ka na sa kwarto mo, wag kang lumabas pa kahit anon'ng mangyari. Hindi mo alam kung anong kapahamakan ang nag-aabang sa'yo," babala ni Xaria. "Okay, tatandaan ko 'yan," mahinang tugon ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto tapos sinipat ko muna ang paligid kung safe na bang lumabas or what. Nang mga huni ng kuliglig na lang ang tanging nagbibigay ng ingay sa paligid, kaagad akong lumabas at sumenyas kay Xaria sa huling pagkakataon na labis akong nagpapasalamat sa kan'ya. Mabilis pa sa kidlat na sinubukan kong muling buksan ang seradura ng pinto, halos tumulo
LIANNE 'Ughhh! Oo sandali eto na, pupunta na sa canteen,' bulong ko sa tyan kong kanina pa nagrereklamo. Hindi pa rin nawawala ang mapanuring mga mata ng mga estudyante na nakikita ko. Hindi ko alam kung matagal na bang walang pumapasok sa paaralang ito dahil kung makatingin naman sila akala mo'y first time nilang makakita ng bagong mag-aaral. Hindi ko na lang sila pinansin dahil mas nakakainis 'tong tyan ko na ayaw magpaawat. Pagkarating ko sa canteen, nakita ko ang mahahabang table na occupied lahat. Bale 'yong mga single table na lang talaga ang bakante, and nagpapasalamat naman ako dahil doon. As usual, pinagtitinginan pa rin ako, imbes na patulan, dumire-diretso ako sa counter para umorder. "Isang croissant and a coffee, please." Iniabot ko ang bayad sa babae na kasing edad lang din namin, or not? Hindi ko matantya kung bata ba siya or what dahil ang mga mata nito alam niyo 'yon? Parang sa matanda? Pero 'yong balat nito ay napakak