NASSUS
Malamig na hangin ang gumising sa katawan ko. Pagkamulat ko ng mata nakita ko si Cassandra na nakayakap sa walang saplot kong katawan. Iniangat ko ang kumot na nakabalot sa aming katawan at doon ko napagtanto na hindi lang ako ang nakahubad kun’di pati na rin siya. Kahit nagdiriwang ang puso ko sa tuwa, naguguluhan akong bumangon dahil wala akong maalala sa nangyari.
Hindi ko mabaliktanaw ‘yong ginawa namin, o kung ginawa ba talaga namin.
“Good morning,” garalgal na bati ni Cassandra. Ginawadan ako nito ng halik sa braso tapos bumangon na rin.
Hindi siya nagdalawang-isip na takpan ang katawan nito noong dumausdos sa kan’yang balat ang kumot.
“What? Is there something on my face?” naguguluhang tanong nito. “Did we make it?” tanong ko pabalik. Kumunot ang noo nito na para bang hindi siya makapaniwala sa aking pinakawalang tanong. “Are you for real? Of course!” mabilis nitong bulalas. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang sarili kong katawan. “ You dare lie to me!” sigaw ko. “What? Why?!” nagsusumamo nitong tanong habang pinipigilan ang kamay ko na mahablot ang kan’yang buhok.
“Bakit pakiramamdam ko, I’m still a virgin!” Hindi makapaniwala tumawa si Cassandra sa aking tinuran. Marahan nitong hinawakan ang aking kanang kamay at inihaplos sa kan’yang mainit na katawan. “What nonsense are you talking about? Nassus? You’re not a virgin anymore, and so do I. Kung hindi mo maalala ang nangyari kagabi, I’ll make you remember the sensation, the fire we both shared,” mapanuksong ani ‘ya habang hinahayaang paglakbayin ang kamay ko sa kan’yang mga pag-aari.
Sa bawat hagod na ginagawa ko, may mga pangitain akong nakikita. Narinig ko ang mga ungol na pinakawalan ni Cassandra habang itinatanim ko ang punla sa kan’yang kalooban. Hindi ko maintindihan ngunit nag e-enjoy ako sa nakikita ko kaya naman hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na pagalawin pa ang kaliwa kong kamay at hayaan silang magwala sa katawan ni Cassandra. “Huminahon ka, Nass,” bulong nito tila pinapaalalalhanan ako na wag ko masyadong pisilin ang unahan nito. Sa pagkakataon na iyon, doon lang ako nagising sa katotohanan. Niyakap ko si Cassandra at humingi ako rito ng paumanhin dahil nagduda ako sa kan’ya. “That’s okay. Marahil ay masyado kang napagod kagabi kaya wala kang maalala,” malumanay nitong paliwanag. Tumango lang ako at patuloy na ninanamnam ang pagkakataon na ito.
“I gotta go na, Nass. May mga gagawin pa ako sa Brimstone,” paalam ni Cassandra. Kumalas na ito sa pagkakayakap at nagtungo sa banyo. Bago pa man siya makapasok nang tuluyan, hiangkan ko ‘tong muli sa likod, “Sabay na tayo,” mapanukso kong bulong tapos marahan kong kinagat ang kan’yang kaliwang tenga. Humarap ito sa akin tapos ginawadan ako ng mabilis na halik sa labi. “That’s a nice idea,” banat niya dahilan upang hindi na matanggal ang ngiti sa aking mukha.
LIANNE
Isang araw na ang nakakalipas simula noong aminin sa akin ni Cassandra na isa siyang bampira. At first hindi talaga naniniwala ang sistema ko sa kan’yang tinuran dahil hello?! 2021 na! Wala nang mga gano’n sa panahon ngayon pero tang*na, paano ko maipapaliwang ng utak ko ‘yong nakita ng aking mga mata. I know pati sina Crisanta, hindi rin makapaniwala na bigla na lang kaming nawala sa kanilang harapan tapos nakarating sa kwarto ko ng gano’n na lang kabilis.
“Are you okay? Lianne? Kanina ka pa nakatulala d’yan,” tanong ni Xaria habang sabay naming binabagtas ang mahabang pasilyo patungo sa cafeteria. “Huh? Ahm—pasensya ka na, may iniisip lang ako,” mabilis kong tugon. Naintriga si Xaria kaya tumigil ito sa paglalakad tapos tinanong ako kung ano iyon. Pilit kong sinasabi sa kan’ya na wala lang iyon, na masyado iyong mababaw para manghimasok pa siya ngunit hindi ito tumitigil sa kakakulit kaya bumigay na rin ako’t sinabi sa kan’ya na sa cafeteria ko na lang sasabihin.
Pagkarating naming sa loob, ang una agad na umagaw sa atensyon ko eh ang grupo ni Crisanta. Paanong hindi sila mapapansin agad, eh ‘yong lamesa nila punong-puno na naman ng pagkain, and as usual, hindi man lang ginagawal ni Crisanta ‘yong mga nakahain sa kan’ya. Minsan iniisip ko, bakit pa pumupunta rito sina Crisanta kung hindi naman pala siya kakain. Ano ‘yon? For the sake ng pagpapaiinggit, gan’on? Para malaman ng iba kung gaano siya kasikat? Pwe! Napaka talaga!
Kung wala lang talaga ‘yang bwesit na Britney na ‘yan sa tabi ni Crisanta, paniguradong nangangamoy na ang katawan niya sa lupa.
“Lianne, ikaw na ang susunod,” tawag pansin ni Xaria habang kinakalabit ang braso ko. Natigilan ako sa kakatitig sa grupo nina Crisanta tapos humarap na doon sa babaeng nakatoka sa pagbibigay ng rasyon.
“Pangalan?” walang buhay nitong tanong. “Lianne Gabrielle Villamuel,” sagot ko. Gaya ng dati, lumang tinapay at tubig pa rin ang iniabot nito sa akin. Tiningnan ko ang mukha ni Xaria kung magre-react ba ito sa hawak-hawak ko pero wala man lang akong nahita. “Una na ako. Maghahanap na ako ng mauupuan natin,” paalam ko. Tumango ito tapos naglakad na ko patungo doon sa bandang likuran. Hindi katulad noong una kong punta rito, walang masyadong tao ang nasa loob. Marahil ay masyado pang maaga dahil ala sais pa lang. Pagkaupo ko, may isang lalaking pumasok sa pinto at kung hindi ako nagkakamali, siya ‘yong lalaking gumamot sa akin.
Naala ko na hindi ko man lang siya nabigyan ng kahit ano para man lang pasalamatan. Though hindi maganda ‘yong una naming pagkikita, ehhh mukha naman siyang mabait dahil dalawang beses niya na akong ginamot. Kung bakit ba naman kasi walang kwenta ‘yong pera dito sa loob ng Brimstone, bwesit! Gusto ko sana siyang ilibre ng pagkain kaso lumang tinapay lang ibinibigay sa akin pang-umagahan, sa tanghali naman simpleng kanin na may sabaw, tapos sa gabi kung ano ‘yong ulam na may pinaka kaunting bawas ‘yon ang ibibigay sa akin. Taragis talaga! Naiiyak na lang talaga ako kapag sasapit na ang oras ng pagkain.
“Ey, sinong tinitignan mo?” tanong ni Xaria na hindi ko napansin na nakaupo na pala sa harap ko. Masyado akong busy kakatitig doon sa lalaki kaya hindi ko naramdaman ang kan’yang prisensya.
“Wala. Uhhmmm—oh! Wow! Ang dami mo namang foods! Are you that popular? Anong rank mo?” masayang tanong ko habang takam na takam na pinagmamasdan ang pagkaing nasa mesa.
“Hahahaha! I’m not popular, ano ka ba! Sadyang matagal na kasi ako dito sa Brimstone, siguro magdadalawang taon na rin,” humble na tugon nito.
Ehhhh, sana all na lang! Counted din pala ‘yong taon dito ano? Hindi lang pala ranking. Kunsabagay, siguro parang reward na rin ‘yon na buhay pa rin siya hanggang ngayon dito sa Brimstone lalo na’t may bampira dito sa loob. Changgala! Speaking of bampira, ikukwento ko pala kay Xaria iyon.
“You can have this, Lianne. Alam kong paborito mo itong carbonara,” alok niya. Nagulat ako dahil hindi ko naman iyon sinabi sa kan’ya kaya bakit niya alam? Pero isinantabi ko na lang kasi, hello? Grasya na ‘yong lumapit, kaya dapat natin iyong unahin.
“Salamat!!! Nga pala, Xaria. ‘Yong about kanina. Alam mo ba, umamin sa akin si Cassandra no’ng isang araw na bampira siya,” sabik kong kwento. Siniguro kong mahina lang ‘yong boses ko kahit na malayo naman sa amin ‘yong katabi naming table.
Hindi ko alam kung nasurpresa ba ito sa sinabi ko o hindi, dahil hindi man lang ito nag-react.
Luminga-linga si Xaria bago magpakawala ng mabigat na buntonghininga.
“May iba ka pa bang pinagsabihan bukod sa akin? Lianne?” seryoso nitong tanong. “Ahm, wala. Ikaw pa lang. Ikaw lang naman ang kasama ko lagi at ‘yong maituturing kong kaibigan dito sa loob.”
“Buti naman. Hindi ba sinabi ko sa iyo dati, na may nakikinig sa atin? Tanda mo ba?” tanong nito. Tumango ako sa kan’ya. ‘Yong ekspresyon ng mukha niya parang may alam din siya tungkol sa bampira.
“Sila ‘yon. Kaya nga mailap ako kapag nakikita ko si Cassandra kasi malakas ang kutob ko na isa rin siyang bampira,” ani ‘to. Pumikit ako ng ilang beses habang nakabukas ang bibig. Like, woaaah! Sila? So ang ibig sabihin, marami at hindi lang si Cassandra ang bampira dito sa Brimstone!
“Sa ngayon, wag na wag kang magpapahalata na may nalalaman ka tungkol sa kanila, okay? Hindi natin alam kung sino pa ang kauri ni Cassandra. At saka, wag kang mag-alala, ang inosente at walang alam ang siyang nagwawagi sa dulo. Tingnan mo ako? Buhay pa rin ako kahit alam ko ‘yong tungkol sa bagay na ‘yan. Kasi as much as possible, lumalayo ako sa gulo. Kaya ikaw, Lianne, matuto ka ring umiwas,” payo niya.
Hmmmm, kung sa bagay, may punto naman din siya. Pero paano ako mananatiling inosente, tahimik, at walang-alam kung alam kong may gusting pumatay sa akin? I just can’t sit and relax, duh?
“I can’t do that, Xaria. Siguro ikaw kasi masyadong tahimik ang buhay mo hindi katulad ng sa akin,” disappointed kong tugon. “Eh? Kumain na nga lang tayo, malapit nang tumunog ang bell kaya bilisan na natin. Mamaya na lang tayo magkwentuhan,” ani to. So ayon na nga, nagsimula na akong lamunin ang carbonara na matagal ko nang pinapangarap na matikman. Sa wakas naman! Si Xaria lang pala ang kasagutan!
Habang nagsasaya kaming dalawa ng kaibigan ko, halos mabulunan ako no’ng bigla na lang lumapit ‘yong lalaking gumamot sa akin.
Patay ang mga mata nitong tinitigan ang mukha ko kaya naman napahawak ako sa aking bibig, sinisiguro baka may dumi ako.
“What?” taka kong tanong. “Can we talk?” walang buhay niyang tanong pabalik.
NASSUSMalamig na hangin ang gumising sa katawan ko. Pagkamulat ko ng mata nakita ko si Cassandra na nakayakap sa walang saplot kong katawan. Iniangat ko ang kumot na nakabalot sa aming katawan at doon ko napagtanto na hindi lang ako ang nakahubad kun’di pati na rin siya. Kahit nagdiriwang ang puso ko sa tuwa, naguguluhan akong bumangon dahil wala akong maalala sa nangyari.Hindi ko mabaliktanaw ‘yong ginawa namin, o kung ginawa ba talaga namin.“Good morning,” garalgal na bati ni Cassandra. Ginawadan ako nito ng halik sa braso tapos bumangon na rin.Hindi siya nagdalawang-isip na takpan ang katawan nito noong dumausdos sa kan’yang balat ang kumot.“What? Is there something on my face?” naguguluhang tanong nito. “Did we make it?” tanong ko pabalik. Kumunot ang noo nito na para bang hindi siya makapaniwala sa aking pinakawalang tanong. “Are you for real? Of course!” mabilis nito
'Sa paaralang ito, may dalawa kang patakaran na dapat sundin. Panatilihing ang dila at mata ay sa iba nakatingin, sikreto mo'y itago nang mariin. Kung gusto mong mabuhay ay iyong panatilihing, itikom ang bibig at buksan ang isip.' "Lianne! What the f*ck?! Tutuloy ka pa rin, despite the fact na delikado ang lugar na 'yon? Nahihibang ka na ba? Nawala na sa'kin ang Kuya ko, pati ang Kuya mo! Tapos ngayon, isusugal mo ang kaluluwa mo sa loob?" ani Mariz, kababata ko. Pilit kong tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa dala-dala kong maleta. Wala na akong oras para makipag-dramahan sa kan'ya. Buo na ang desisyon ko na suungin ang impyernong 'yon para hanapin kung sino ang pumatay sa kapatid ko. "Mariz, let me go," walang buhay kong utos. Hindi niya ako pinakinggan kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang kaladkarin siya kasama ang maleta. Nang sandaling bumitaw ang kan'yang kamay, malalakas na palahaw ang pinakawalan nit
LIANNE Bakit gan'yan sila makatingin sa'kin? May dumi ba ako sa mukha? Weird ba ng suot ko? Sarap dukutin ng mga mata! "Okay class, let's welcome your new classmate," masayang ani ng Guro habang mapaklang nakangiti sa mga mag-aaral. Psh, halatang mga plastik, okay lang naman sa akin kahit ibalandra nila 'yong totoong nararamdaman nila, bakit pa sila nagpapakahirap na magbato ng pekeng ngiti sa harap ko. "New classmate? Baka new prey kamo," balagbag na sagot no'ng isang babae sa likuran. "Sophia, shut your mouth," mariing pagbabanta ng Guro. Isinawalang bahala ko na lang ang pagpapapansin ng kung sino mang buang na 'yon at mabilis na nagpakilala sa madla. "My name is Lianne Gabrielle Villamuel. Kung ayaw niyo sa'kin, ayaw ko rin sa inyo. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko para mag-fit sa standards na gusto niyong makita sa isang baguhan. Sana maliwanag 'yon sa inyo," mayabang kong ani. Naglakad na ako papunta sa bakanteng upuan sa dulong part
LIANNE Pasado alas dyes na ng gabi. Base sa sinabi nito ni Xaria, hanggang alas nwebe lang daw ang curfew, edi pwede na akong lumabas ngayon, dahil lagpas na 'di ba? Kinuha ko ang papel at sinulat dito kung pwede na akong umalis. Ilang segundo munang tumunganga si Xaria, bago ito tumango. "Thank you," mahinang ani ko. "Walang anuman. Binabalaan kita, hangga't maaari, kapag nakapasok ka na sa kwarto mo, wag kang lumabas pa kahit anon'ng mangyari. Hindi mo alam kung anong kapahamakan ang nag-aabang sa'yo," babala ni Xaria. "Okay, tatandaan ko 'yan," mahinang tugon ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto tapos sinipat ko muna ang paligid kung safe na bang lumabas or what. Nang mga huni ng kuliglig na lang ang tanging nagbibigay ng ingay sa paligid, kaagad akong lumabas at sumenyas kay Xaria sa huling pagkakataon na labis akong nagpapasalamat sa kan'ya. Mabilis pa sa kidlat na sinubukan kong muling buksan ang seradura ng pinto, halos tumulo
LIANNE 'Ughhh! Oo sandali eto na, pupunta na sa canteen,' bulong ko sa tyan kong kanina pa nagrereklamo. Hindi pa rin nawawala ang mapanuring mga mata ng mga estudyante na nakikita ko. Hindi ko alam kung matagal na bang walang pumapasok sa paaralang ito dahil kung makatingin naman sila akala mo'y first time nilang makakita ng bagong mag-aaral. Hindi ko na lang sila pinansin dahil mas nakakainis 'tong tyan ko na ayaw magpaawat. Pagkarating ko sa canteen, nakita ko ang mahahabang table na occupied lahat. Bale 'yong mga single table na lang talaga ang bakante, and nagpapasalamat naman ako dahil doon. As usual, pinagtitinginan pa rin ako, imbes na patulan, dumire-diretso ako sa counter para umorder. "Isang croissant and a coffee, please." Iniabot ko ang bayad sa babae na kasing edad lang din namin, or not? Hindi ko matantya kung bata ba siya or what dahil ang mga mata nito alam niyo 'yon? Parang sa matanda? Pero 'yong balat nito ay napakak
LIANNE Tahimik ang paligid at sa awa ng Diyos eh lumabas ako sa cafeteria ng buhay, hindi nga lang busog, pero ayos na rin iyon. Habang binabagtas ang daan patungo sa room, nasalubong ko si Xaria. Naglalakad ito habang nakatingin sa malayo, pinagmamasdan niya 'yong pinakamataas na building na naka-locate sa parteng dulo ng Brimstone. Kakaiba ang itsura ng building na 'yon, at hindi rin kami nakarating ni Cassandra sa parteng 'yon dahil restricted area raw. "Sup yow? Still, breathing huh? Pagkatapos mong magsinungaling sa akin about sa curfew hours," ani ko. Naagaw ko ang atensyon niya ngunit hindi ito nag-react sa aking tinuran. "Alam mo, akala ko mabait ka, na pwede kitang maging magkaibigan kasi tinulungan mo ako. Pero bakit ka nagsinungaling sa akin na hanggang alas nwebe lang 'yong curfew ehhh inatake pa---" Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita dahil agad nitong tinakpan ang aking bibig. "Halika dito," bulong niya. Kinilabutan ako bigla
LIANNE Papatak ang ulan, hahalik sa lupa ang luha. Panibagong araw na naman ang malapit nang matapos, ngunit wala pa rin akong ideya kung saan ako magsisimula upang makuha ang inaasam na hustisya. In-expect ko na rin naman na hindi magiging madali para sa akin ang makuha ang aking gusto, ngunit ni minsan eh hindi pumasok sa utak ko na ganito ang aabutin ko sa loob. Hindi ko inaakalang makakatagpo ako ng mga taong hindi ko malaman kung dahil sa tagal na nilang nakakulong eh, naapektuhan ang kanilang pag-iisip at nabuang na silang tuluyan. "Lianne, alam mo naman na ang gagawin mo 'di ba? Hindi ko na ipapaalala sa'yong muli 'yong mga dapat mong tandaan kapag pumatak na sa ala-sais ang kamay ng orasan," mahinang ani Xaria. Well, para lang malaman niyo, limang minuto na lang ang natitira bago tumunog ang kampana. Alam ko naman na kailangan kong magmadali, ngunit ang inaalala ko, paano 'tong si Xaria? May kapansanan siya, at paano kung maabutan siya ng
Ang pinagtibay na kasunduan, mananatiling sikreto sa labas ng pintuang daan. Ang kodigong ibinurda ng tadhana, kung malalaman ay magdudulot ng malaking pinsala. Kung ang nais mo ay mabuhay at makawala, itago ang sikreto sa nag-aabang na dila. --------- MARCUS Umalingangaw na naman ang sigaw ng kampana, magsisimula na namang sumigaw ang mga kaluluwang kawawa. Siguro nagtataka kayo kunga bakit may ganitong patakaran sa Brimstone Academy na sa tuwing papatak ang ala-sais, kailangang nasa loob na ng kwarto ang lahat. To be honest hindi ko masasabi sa inyo kung ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit may ganito. Dumedepende kasi kung ano ang pinaniniwalaan ng mga mag-aaral tungkol sa curfew hours. May iba kasi na ang hinala eh, kapag pumatak ang ganitong oras, kung sino man ang mahuli, siya ang mamamatay. Meron namang iba na naniniwala na, kapag wala ka pa sa loob ng kwarto mo kapag curfew hours na, may masamang mangyayari sa pamilya m